lahat naman siguro pamilyar sa laro na ito diba .. plants vs. zombies.
noong nakaraang taon, marami sa mga kakilala ko ang naadik sa larong ito. dahil kasing kupad ng pag-unlad ng Pilipinas ang computer ko noon, hindi ako nabigyan ng pagkakataong malaro ito. pero sa school namin, noong minsang hindi tinopak ang guard at binuksan ang computer laboratory namin, nakapaglaro ako nito .. isang beses nga lang. at least may experience na. hindi na ko magmumukhang tanga kapag pinag-uusapan ang "plants vs. zombies".
sabi nila, unang beses mo pa lang malaro ito maaadik ka na. isa rin yun sa mga dahilan kung bakit ayokong laruin to. mabilis kasi akong maadik sa mga bagay na natutuwa ako .. e pano kung bigla akong matuwa diba. ang cute pa naman ng mga halaman. XD
pero sa kakapanood ko sa mga kaklase ko, hindi naman ako na-engganyo ng husto. kahit nung nakapaglaro na ako. ang totoo niyan, na-boring ako sa larong ito.
tapos minsan, nagpunta sa bahay yung pinsan ko, ayun, nag-install ng larong ito sa computer ko ...e badtrip nga kasi mabagal diba .. kaya di rin kami makapaglaro ng kapatid ko. tanga kami pareho sa larong ito. di kami "in" ika nga. pero wala naman samin kung di kami makasunod sa uso.
at ayun, nagkwento ang kapatid ko sakin isang araw na nakapaglaro na rin siya sa wakas ng plants vs. zombies sa kanilang paaralan .. wow .. di na siya mangmang sa larong ito. ayos. masaya na ako. :)
tapos, ayun nga, nag-retire na ang aking CPU .. kinailangan na siyang palitan (after so many years) ... matanda na kasi siya .. ayun pinalitan at presto! mabilis na ang computer ko! at bilib na bilib din naman ako sa gumawa dahil nag-install siya ng napakaraming laro dito .. at ang highlight na laro .. plants vs. zombies.
kaya naman pala ilang araw na umuuwi ang kapatid ko dito sa bahay (mag-isa lang kasi ako palagi, dun siya lagi nauwi sa isa pa naming bahay..). naglalaro pala siya. edi tinry ko na rin ... andito na e. gawa ng account. tapos .. start na.
dahil nga may experience na ko kahit isang beses lang, di na ko ganun nangapa. at dahil mas magaling ang kapatid ko, paminsan-minsan ay binibigyan niya ako ng tips sa mga halamang gagamitin ko. kung di dahil sa kanya, di ko malalaman na ang mga mushroom ay tulog sa araw at kailangan pang pakainin ng mukhang beans na ewan. :D
pero may mga sarili din naman akong nadiskubre, katulad ng ang maliit na mushroom na zero (0) ang halaga ay malaki ang naitutulong sa gabi (tipid). at ang mushroom na yellow ay maganda ding gamitin. :D
so ayun na nga .. nag-umpisa na kong maglaro nito. pero di ako adik. tinatamad pa nga akong maglaro e. pag wala na talaga akong magawa ... dun na. at dahil pasukan pa noong mag-umpisa ako, wala talaga akong oras para laruin ito.
so ayun, bakasyon. sa kabilang bahay ako umuuwi kaya di ako nakakapag-computer. pero nung ipinatapon nanaman ako dito ng mga magulang ko, wala akong magawa .. wala akong kausap kundi ang computer ... kaya tinodo ko na ang paglalaro ....
at eto .. awa ng Diyos, natapos ko na siya. mission accomplished. :) pero di siya ganun kalaking achievement. parang wala lang nung natapos. hanggang level 5-10 lang siya .. napaka-boring. nakakabitin. pero ayos lang din .. pampalipas oras. at ngayon, pwede na kong sumali sa usapan ng mga "nakatapos na" ng larong ito. di na ko mangmang. kilala ko na si Dr. Zomboss! yes! :D
so ngayon, ating sariwain ang aking magagandang alaala sa plants vs. zombies .....
una na sa listahan si pareng Crazy Dave. nakakaloko yang lalaking yan. di ko maintindihan kung ano bang malaking papel niya jan e bukod sa pagtitinda (na kahit wala na siya ayos lang) at sa pagpapakain ng kanyang utak (kapag nakakapasok ang zombie sa bahay) eh wala ng kwenta ang character niya tulad na lang ng pagbibigay niya ng advice .. walang silbi e. (SAMA KO.).
pero infairness ... pampakwela din siya. :D
next in line .. a .. mamimiss ko ang mga love letter ng mga zombies. ang cute- cute kaya ng hand-writting nila. tapos hanep .. medyo jejemon din sila a .. tingnan mo naman ang spelling ng house ....
----------------------------------------------->
isipin mo na lang .. zombie bibigyan ka ng letter .. wow. :D
ok, ngayon.. eto naman ang labanan sa lawn. eto yung una. umaga pa. medyo madali lang yan (actually madali naman talaga laruin to) dahil umaga .. mabilis mag-produce ng araw lalo na ang mga sunflower. syempre ito pa lang ang alam ko dahil ito ang una kong na-experience.
next ... ang part na may swimming pool (hehe..). grabe. yung kapatid ko ang nagturo sakin na kailangan ko ng lily pad bago ako makapagtanim sa tubig. astig. tapos ang hirap palang makipaglaban dun sa mga zombie na lumalangoy lalo na yung mga may dolphin tsaka yung nagdadive .. nakakairita kaya. ay, natuto din pala ako kay Bro. Jerry tungkol dito. kasi minsan, naglalaro siya sa school .. adik yun sa plants vs. zombies e. e ayun may tubig siya. sabi niya, kailangan niya ng plant na pantubig .. at yun yung .. di ko maalala ang pangalan . basta mukha siyang seaweed na pula ang mata na dinadala pailalim yung zombie.
next naman ang rooftop. grabe. dito ako nahirapan nung una kong ma-experience to. di ko magamit ng maayos ang mga pantira kong peas .. mas effective dito yung naghahagis tulad ng watermelon, cabbage at kernel. pero mahal yung mga yun. nakakainis lang kasi dito ... hindi pantay ang bubong. parang tanga lang. pero nung nahuli ko na ang strategy. ayos na. dito ko rin unang na-encounter yung malaking zombie na hinahampas lang ang mga halaman ko, wala na. natakot ako nung una kaya parang ayoko ng ituloy. wala ding nakalagay sa almanac kung paano siya matatalo. pero nung may nalaro ako sa puzzle ata yun o sa mini-games ... ayun nahuli ko kung paano siya matatalo (gamit ko yung peas na doble ang nilalabas). tapos dito ko rin na-encounter si kuya zombie na naghahagis ng parang niyog (na basketball pala sabi ng kapatid ko) pati yung halaman na kumokontra sa bungee at sa mga hinahagis na bola ng zombie. astig. nakakatuwa. :D
at ang last .. syempre .. si Dr. Zomboss. nung nilalaro ko pa lang to sa sa kalagitnaan, sinabi ng kapatid ko na may Dr. Zomboss nga daw sa huli. bale siya na yung last na kalaban. natakot uli ako. baka kasi malupit siya. parang yung sa david vs. goliath dati na kapatid huling monster na grabe ang hirap talunin. pero nagkamali nanaman ako. napakadali palang talunin ni Dr. ZOmboss. hai. pero eto na yung pinaka-enjoy ako kasi puro panghagis ang plants ko. isa pa, hindi ko na kailangang bumili kasi provided na. kaya lang naman ako nahihirapan sa ibang level e dahil kinakapos ako ng sun pambili ng halaman.
ayun. kung kailan patapos na ako, saka ako nakabili nitong tahanan ng mga mushrooms ko. parang engot lang. [oi, may naalala ako sa salitang engot ... hai... :( ]
eto din .. bago ko lang nabili. tapos ang laman dalawang water plants lang. buti pa yung sa mga mushrooms napuno ko .. kulang pa.
eto nakakatuwa. after ko matapos ang laro, aba .. may music video pala sila. naaliw din naman ako kahit papaano .. feeling ko grumaduate ako. hahaha!
ahh .. ang aking zen garden. mamimiss ko to. andami ko na ding halaman. siguro lalaruin ko pa rin ang plants vs. zombies para na lang sa zen garden ko. pero aside dito, wala na. ayoko ng ulitin. hahaha. nakakatuwa kasi anlaki na rin ng pera ko dito ..:D
meron pa akong mga games na hindi natatapos tulad ng sa puzzle .. ito o ... nakaka streak 3 pa lang ako sa isa (vase breaker endless) at streak 2 sa isa pa (I, Zombie Endless). Tapos sa mini-games, yung last stand na lang. kinakapos kasi ako ng pambili ng sun .. nakakainis.
ayan .. tapos na ang aking plants vs. zombie life. hahaha. at least tapos ko na siya diba ... :D
No comments:
Post a Comment