Love is wanting to be near YOU, even though it’ll probably only make things hurt more. Love is feeling safest with YOU, even though YOU’d broken MY heart. Love is trusting YOU, even though YOU'd lied to ME a thousand times. Love is YOU, even though for YOU it’s not ME.~
De Moi
- LadY kYu
- Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~
23 January 2011
Lose - Gain
call waiting ...
ayun .. tulad ng inaasahan di niya alam yun. kaya yun sabi ko i-activate niya. ginawa niya naman .. tapos nung kinabukasan nung araw na yon .. sabi niya effective daw. tapos nung mga sumunod na araw pa .. madalas na kong naho-hold .. alam kong may kausap siya sa kabilang linya.
wala lang.. nai-share ko lang. naalala ko lang bigla. call waiting .. ang galing.
Lunes nanaman mamaya ... dapat masaya ako a ... :(
22 January 2011
Desperada de Soltera
basag ang pride ko nanaman grabe talaga.
21 January 2011
nakakalungkot naman. nakaka disappoint.
Si Fr. Dedmaks. Akala ko sa lahat ng tao siya ang makakaintindi. Akala ko di niya iisipin ang ganung bagay kahit kailan. Pero hindi. Hindi pala. At ang nakakatawa don, sa hindi kaduda-dudang pangyayari pa siya naghinala.
Hindi ko pinansin masyado noong Christmas party ... nung magpapapicture kaming dalawa ... yung sinabi niya na napa-ismid na lang ako. Akala ko wala lang. Akala ko lang pala.
Ngayon lang kasi sinabi ni MP. Pero grabe nalungkot talaga ako. Alam mo yun. Bigla kong nanghina. Parang wala na ... guho na lahat ... kasi yung taong inaasahan kong makakaintindi wala rin pala ... at yun ... feeling ko na tuloy lahat na ng tao ganun ang iniisip.
Alam kong kaartehan tong mga sinasabi ko ... pero kasi ... hay. Hindi ko mapigilang mag-react. Naiinis ako ... naiinis na talaga ako.
Tungkol dun sa kinwento ni MP kani-kanina lang ... a ... matagal na yun ... last year pa. Tungkol sa sulat na pinaabot ko sa kanya. Ang sulat na yun .. ang laman non ay pasasalamat dahil binalik niya ang aking mga libro ... at kalakip non ay tanong kung bakit yung isang libro ay di kasama. Sa dulo ng sulat nakalagay dun na ok lang kahit di pa niya ibalik yung libro .. tapusin niya. Yun lang. Tapos siguro Monday ko yun binigay kay Fr. Dedmaks e .... Wednesday ... binigay niya sakin yung mismong papel na may reply ni MP. Naaalala ko pa nung araw na yun ... pauwi na ko kasama sina Sister, Mahal ni Peter Pan at Prinsesa. War kami ni MP pa non. Yun yung time na di na siya nagtetext .. kesyo di niya daw alam ang number ko. Tapos habang naglalakad kami nun sa may tulay nasa likod pala namin sila MP at Fr. Dedmaks. Tapos yun binigay na nga niya sakin yung reply. Sabi niya, "bat naman kasi may ganito pa para namang di kayo nagkikita dito." Wala namang nag-react sa amin.
So yun. Yun pala yun. Grabe. Pahamak yung sulat na yun. Naiinis talaga ko. Sana pala di ko na lang ginawa yun. Sana di na ko nagpasalamat. Grabe.
Sabi ni MP, sabi daw ni Fr. Dedmaks ano daw bang meron ... parang 'i smell something fishy..' parang ganun tapos nung nireplyan niya parang 'labas na ko dito' parang ganun. Hay ewan. Nakakainis talaga.
Ang gulo ko magkwento ano??? Ganito ko mainis e. Isa pa wala ako sa mood talagang isalaysay siya ng maayos. Naiinis kasi akong isipin. Grabe.
Bat ganun? Di ba talaga normal ang pagkakaibigan namin??? Tingin mo kailangan ko ng umiwas?? Ayoko namang tumulad kina Naghahabol at Iwasya. Ayoko ng ganun. Promise.
19 January 2011
SORE EYES ... ano nga ba'ng lunas nito???
Sagot ko naman ...
"-Allergies
-Irritants"
Tapos ... as expected ... ang tanong niya ... "Anong cure?"
Sabi ko naman ... "breast milk. dapat direct from the breast. hahaha."
Aba ang baliw pinatulan ... nagtanong na kung paano at saan siya makakakuha. Syempre sabi ko malamang sa inang may gatas. humagilap siya at sabihin niya na kailangan lang talaga. Tapos nun nag text ako ulit ng panibago .. yung seryoso. Sabi ko ointment ang gamot dun pero minsan kapag di naman masyadong malala nakakatulong na rin ang mga eye drops. Pero san ka pa ... ang tinutukan niya e yung breast milk.
nagtext ako sabi ko, "at talagang gustong gusto mo ang breastmilk a ..."
tapos sabi niya, "syempre libre yun e."
tapos reply ko naman ... "libre na, enjoy pa no ..."
tapos yun.
text niya .,... "tulungan mo ko ..."
So reply ko naman ... "di kita matutulungan kasi una, wala akong gatas. isa pa, nakakahiyang humingi ng pabor sa mga inang may gatas."
Tapos reply niya .. "meron ka. sa labi. ano ang kasabihan? may gatas pa sa labi. pwede kaya replacement?"
Syempre ... tamang pandidiri naman ako. yuck. isipin mo na lang .. labi .. so ikikiss ko ang sore eyes niya?! eeewwwwwwwwwwwwww!!!!
tapos sabi ko sa kanya di yun totoo ... bumili na lang siya ng eye drops para sure. Aba, ayaw talagang tantanan ang usaping breast milk.
sabi niya, "ok lang kung totoo. bakit enjoy?"
Aba, ok lang daw kung totoo. gustong gusto naman! tapos tinatanong pa kung bakit enjoy??? slow ba talaga siya??? haizt!
so ayun sabi ko .. "ewan ko."
(hay nako feeling slow. as if naman di niya na gets kung bakit ko sinabing enjoy. kaasar.)
tapos sabi ko rin, "joke lang yun. sabi ng DOH di pwedeng cure ang breast milk"
aba defensive ... sabi niya, "mawawalan kasi sila ng kita."
then, nagtext ako ng panibago .. sabi ko ... "di naman kasi yung milk ang mahalaga dun."
malamang ang ewan curious. tanong siya kung ano mahalaga. sabi ko, "ewan ko."
tapos reply niya, "o tingnan mo ito ikaw nagsasabi di naman gatas ang mahalaga. eh ano nga?"
edi di na ko nagpaligoy-ligoy pa .. sinabi ko na ... "ung breast ang mahalaga. breast is good for the eyes. hahaha. joke lang. mag eye drops ka na lang. tapos."
ang eklat di pinansin ang eye drops! halatang halata na breast ang gusto. sabi niya, "good for the eyes lang ba?"
ayoko na sanang replyan pero sinabi ko na lang.. "sus ... marami pa pero usapang eyes tayo ngayon diba."
Ayun. So tapos na. Maya-maya tumawag siya. Binasa ko ang na-search kong remedy para sa sore eyes. Una, ung warm at cold compress. aba nagreklamo. mapapasma daw ang kanyang mata. tapos yung sa cucumber ... pang eyebags lang daw yun at isa pa wala daw siyang makukuhanan non. Medyo nainis ako. halatang halatang halatang halata talaga na trip niya yung breast ... at milk. kaasar.
Tapos nagtext siya sabi niya yung kumare niya daw nagbebreastfeed. Sabi ko, "sige punta ka sa kanya." tapos sabi niya, "papapatak lang naman e..." tapos dagdag pa niya.. "pano kung mahuli ni pare??" sabi ko.. "edi wag mong paalam. magtago kayo."
-----------------------------------------------------------------------------------------
tapos na ang usapang breast .... at milk. hai. ano nga bang gamot sa sore eyes?? nung huli akong nagka-sore eyes ointment ang gamit. mahal. pero effective. d ko pa nasusubukan tong breast milk at ayokong subukan.
hindi ito ang issue. ang issue dito ...yung reaksyon niya tungkol sa breast milk. grabe.
ok lang. siguro nga sinasakyan niya lang yung biro ko. pero naman ... tumigil na ko e ... eye drops na nga e... tapos sa huli may kumare pa siyang lalapitan. parang tanga lang. hainako talaga.
hindi ko alam kung totoo yung sa kumare niya (na feeling ko hindi totoo. at alam kong di nya gagawin. kung gagawin man niya ... good luck sa kanya.)
ayun lang. walang kwentang storya ng araw ko. gusto ko lang i-share ... haizt.
16 January 2011
ang hirap ng ganito ...
Ang huling missed call ay sa oras na 4:57 pm ... halos kasabay ng unang text message na ang sabi ay, "Kamusta?". Tapos yung 2nd text ay nagsasabing "d2 na ko sa bahay" at sa oras na 6:05 pm.
Nung nabasa ko yun ... di ko alam kung matatawa ba ko o malulungkot. Pero napangiti naman ako. Hmm...
Hindi ko alam .. pero wala naman kasi akong karapatang mahirapan sa set-up na ganito. Una sa lahat e wala naman kaming relasyon na dapat itago. Nakakatawang isipin na kung umarte kami e parang may dapat talaga kaming itago kahit na wala naman. Nakakalungkot namang isipin na kailangan pa naming gawin to para lang iwasan ang mga makikitid na pag iisip ng mga tao.
Wala lang .. at least alam kong naalala niya ko sa araw na to. Sayang at tulog ako nung tumawag siya ... pero ayos lang .. di naman ako ganun na nanghihinayang.
Iniisip ko nga kanina kung alam kaya ng asawa niya na may communication pa rin kami. What if one time magkita kami tapos kausapin niya ko tapos itanong, "tumatawag pa ba sayo ang asawa ko?".
Paano kaya kung isang araw mangyari na kailangan na niyang gumawa ng paraan para magkalayo kami dahil di na talaga pwedeng lagi kaming magkausap ... tulad ng ginawa niya dati sa kaibigan niya ... wala akong ibang maisip na gawin kundi ang tanungin siya (kung mangyari man yun na sana wag naman), "kailangan ba talaga? hindi ba talaga pwedeng ipagpatuloy na lang natin tutal wala naman tayong ginagawang masama?".
Ayoko. Ayokong mangyari to. Ayokong mawalan ng kaibigan dahil lang sa mga mabababaw na dahilan.
Ang mahalaga naman dito e wala kaming anumang ginagawang masama.
21 November 2010
07 October 2010
unReQuitEd LoVe....
Accept the fact that he doesn't feel the same way about you. If you continue to believe that there is a chance he will eventually love you, you will never move on.
Understand the reasons why she doesn't feel the same way. Understanding the reasons for the unrequited love will help you to move past the situation and get over her.
Stay positive. Don't let this situation cause you to have bitter feelings toward finding someone who loves you. It will lead you toward becoming a bitter and unhappy person.
Get your mind off of him. Spend more time with friends and family, and surround yourself with those who love and care about you.
Keep busy. Throw yourself into your work or hobbies. If you don't have any hobbies there are plenty to choose from so it won't be difficult finding one.
Focus on your future. Nobody has ever moved forward by constantly looking back. Focusing on your future will make you take your focus off her.
Remind yourself of your good qualities. Just because one person does not love you does not mean you are not a good person. Remind yourself of that as often as necessary.
Go out on dates. It may be difficult at first because your heart may still belong to him but the worst that could happen is that you meet someone you like to hang out with. You never know, you may meet someone you really like that feels the same way about you.
Appreciate yourself. Realize that you don't need anyone to validate you and that you are still the wonderful person you were before the breakup. Remind yourself that most relationships don't work out and that your breakup isn't unusual. Work on gaining independence so that you can be just as happy alone as when you're in a relationship. That will make you more attractive.
If you've been left before, think of how you overcame that pain. You did it once, you can do it again.
Don't feed the monster. After a week or two of grief, stop yourself from indulging conversations about your lost love or from obtaining information about them. In time, your grief will fade on its own, provided you let it.
Ask yourself, "Why would I want to be with anyone who doesn't love me back?" You deserve better. You may discover you are repeating a pathology from your childhood, clinging to someone who doesn't appreciate you in an effort to win the approval you could not get from your parents. Seek professional help to dig deeper if you suspect this is true.
29 September 2010
wala nabigyan lang ako ng ilusyong pag-asa..pero at least diba.. :)
Do you shut down, clam up, and hope they’ll go away? Do you puff up and try to out-bluster them? Do you start explaining, apologizing, or simply flee the scene?
If any of this sound like you, then you’re probably missing the two most important parts of dealing effectively with someone else’s anger, whether it’s a minor upset or full-blown rage.
First, you’ve probably heard someone say, “They are angry at me.” or “I made them angry.” This is the first fundamental mistake most people make when dealing with anger. They falsely believe that someone else can be angry “with them” or that they “can cause” another person’s anger.
The truth is, another person’s upset, anger, or even rage is never ever about you. It is always about how scared the other person is about whether or not they’re going to get something they value, keep something they value, or lose something they value. In other words, it’s always about them and what they value. Always.
Stop Taking It Personally!
When you realize this you can begin to stop taking other people’s anger personally. And this gives you the freedom to really get underneath their anger and create practical, effective solutions that get to the heart of the matter.
Beth and I co-authored an article about this topic that appeared in this month’s issue (Sept. ’08) of the NonviolentCommunication.com eNewsletter. You can read more about this idea of “not taking it personally” there. But I wanted to expand a little bit on one of the points that we made in that article.
And that’s the second most important thing to keep in mind when dealing with anger. And that’s to apply your sharply focused attention on separating the “stimulus” for anger from the “clause” of anger. I say “sharply focused attention” because this is no simple task to separate stimulus from cause, a specially given most people’s lack of experience or training in distinguishing between the two.
Separating Stimulus from Cause
Take the two statements I used as examples above. Both of these statements imply that the stimulus and cause of the other person’s anger is the person making the statement. In fact, it must’ve been something the person said or did, didn’t say, or didn’t do that stimulated this anger reaction in the other person.
But even if you plug in these facts, the statements still do not get to the root of the anger. “Bill is angry because I didn’t return his phone call” “Mary is angry because I didn’t pick her up at the airport on time.” Again, these actions or inactions are only the stimulus for Bill’s and Mary’s anger.
At the root of the anger is their belief that they’re not getting something they value. In this case it might be something like consideration, predictability, or caring. So if you can apply your sharply focused attention to determining what it is that Bill and Mary might value that’s missing for them, you’re much more likely to begin to have a conversation with them about how important those things are to them and how they might be able to get them in the future.
Not Getting What You Want Never Makes You Angry
But even given all that, it’s important to realize that the bills and Mary’s anger is not caused by the fact they are not getting something that is important to them.
So what is the cause? Both Bill and Mary are afflicted with “should” thinking and have adopted the strategy of “being angry” as the best way to get other people to do what they “should” do.
What is “Should Thinking” you ask? Well, that’s the subject of another post.
Until then, I am committed to your success,
Neill Gibson
27 September 2010
Hanggang kailan nga ba??
Pero alam mo yun...may mga bagay nga talagang sadyang di na magiging sayo kahit na gaano mo pa kagusto. May mga bagay na kahit segu-segundo mong ipanalangin e sadyang hindi mangyayari. Hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang...masaya ko...kasi kahit na hindi na mangyayari kailan man ang nais ko...at least may ibang paraan na ginamit si God...at yun ang komunikasyon namin.
Hanggan kailan nga ba???
Hindi ko rin alam.
Sabi ko sa kanya hangga't may load.
Pero tama siya.
HINDI RIN.
Alam ko (masakit mang aminin) na ang lahat ng bagay ay may wakas.
(shet naiiyak na ko..amp!)
Hindi habambuhay mananatili ang mga bagay bagay sa atin. Kaya nga ganun na lang kahalaga sakin ang mga ala ala. Ayoko silang mawala. Ayokong kalimutan. Sabi nila dapat iwanan na ang nakaraan dahil di tayo makaka-move on. Pero di rin. Minsan may mga panahon na kailangan mo talagang sariwain ang mga nangyari sayo...at timabangin kung ano ba ang mga naging epekto nito satin...sa kinikilos natin sa kasalukuyan.
Hanggang kailan nga ba??
Sana...sana...sana magtagal pa.
Kung pwede nga lang sana hindi na matapos pa.
Pinaalala ko sa kanya na nasa kanya pa ang libro ko...sabi niya hndi pa niya tapos yun kaya hangga't di pa tuloy pa rin ang komunikasyon.
Sana...sana...sana di na niya matapos ang libro (over na yan ah!hahaha!)
Alam mo yun...hindi ko sinasabi to dahil lang sa gusto ko nga siya or what. Sinasabi ko ito dahil ayoko sa lahat yung time na kailangan ng umalis ng mga taong naging parte ng buhay ko...yung time na kailangan na nilang lumayo...yung time na kailangan na nilang magpaalam....
AYOKO NUN.
Yun na ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa akin. Pero hindi ko kontrolado ang mundo. Patuloy itong umiikot. Ang mga bagay ay patuloy na nagbabago. At ako...patuloy na makakatagpo ng mga mabubuting tao...at patuloy rin nila akong iiwan.
Sabi niya dati may dahilan kung bakit kami humantong sa ganito (nagkaka usap kami. yun lang yon.). Hindi ko alam kung ano ang rason o dahilan na yun. Ang mahalaga masaya ko dahil kung anuman ang rason na yun...ng dahil dun...naging masaya nanaman ako.
HANGGANG KAILAN NGA BA?????????
26 September 2010
In love ako. Sabi ko nga e.
yung....
-kahit malayo pa siya alam kong siya na yun kasi kakaiba na nararamdaman ko..parang magkakabit kami sa isa't isa.
-lalo akong naaadik sa kanya pag naaamoy ko ang pabango niya...
-pag tumitingin siya hindi ko alam gagawin ko...kaya titingnan ko na lang din siya sa pangit niyang mata.
-pag hinawakan na niya ko para kong nakukuryente...as in buong katawan ko....
-nagsa-shutdown ng kusa ang utak ko...nabe-brain freeze ako..najo-jaw lock ako..lahat na.
-wala na kong ibang naiisip kundi siya lang. nakakainis.
-hindi na ko makakain ng maayos...feeling ko lagi akong busog kakaisip sa kanya.
-namimiss ko na siya agad kahit kakahiwalay lang namin.
-pag kasama ko siya feeling ko wala ng bukas.
-pag aalis na siya nalulungkot na ko ng bonggang bongga.
-pag naririnig ko ang boses niya feeling ko nawawala lahat ng problema ko.
hay nako....
pero san ka pa....
suntok sa buwan kung magiging kami..
basta tulad ng sinabi ko....
i love you lang.,..
at maging kami lang kahit isang araw...........
MASAYA NA KO.......................................................................
19 September 2010
11
Weird Coincidences:
...
1) New York City has 11 letters
2) Afghanistan has 11 letters.
3) Ramsin Yuseb (The terrorist who threatened todestroy the Twin Towers in 1993) has 11 letters.
4) George W Bush has 11 letters.
5) The two twin towers make an “11″
This could be a mere coincidence, but this gets more interesting:
1) New York is the 11th state.
2) The first plane crashing against the Twin Towers was flight number 11.
3) Flight 11 was carrying 92 passengers. 9 + 2 = 11
4) Flight 77 which also hit Twin Towers, was carrying 65 passengers.
6+5 = 11
5) The tragedy was on September 11, or 9/11 as it is now known. 9 + 1+ 1 = 11
6) The date is equal to the US emergency services telephone number 911.
9 + 1 + 1 = 11.
Sheer coincidence. .?!
Read on and make up your own mind:
1) The total number of victims inside all the hi-jacked planes was 254. 2 + 5 + 4 = 11.
2) September 11 is day number 254 of the calendar year.
Again 2 + 5 + 4 = 11.
3) The Madrid bombing took place on 3/11/2004. 3 + 1 + 1 + 2 + 4 = 11.
4) The tragedy of Madrid happened 911 days after the Twin Towers incident.
Sheer coincidence. .?! Read on and make up your own mind: Now this is where things get totally eerie:
The most recognized symbol for the US,after the Stars & Stripes, is the Eagle. The following verse is taken from the Koran, the Islamic holy book:
“For it is written that a son of Arabia would awaken a fearsome Eagle. The wrath of the Eagle would be felt throughout the lands of Allah and lo, while some of the people trembled in despair still more rejoiced: for the wrath of the Eagle cleansed the lands of Allah and there was peace.”
That verse is number 9.11 of the Koran.
Still unconvinced about all of this..?!
Try this
Open Microsoft Word and do the following (TRY THIS FOR REAL)
1. Type in capitals Q33 NY. This is the flight number of the first plane to hit one of the Twin Towers.
2. Highlight the Q33 NY
3. Change the font size to 48.
4. Change the actual font to the WINGDINGS 1.
Friday...nanakawan ako ng digicam. Nakakalungkot talaga pero di ko na lang masyadong inisip....gamit lang naman kasi yun,..napapalitan. Sabi nga nung manong na nasa jeep din,
"Ok nang gamit ang nawala kesa naman buhay mo diba...."
Nanghihinayang ako sa picture dun..oo pinagtatawanan ako nung classmate ko kasi nga yung pictures yung pinanghihinayangan ko..pero kasi yung camera kaya kong palitan pa ulit...kahit kaparehong kapareho pa nun...pero yung mga memories na nandun...buti na lang kaunti lang kaso yung mga pictures yun ng kapatid ko sa GSP niya pati yung mga pictures namin sa MOA. Napaka-careless ko talaga. Nakakainis. Haizt. Hindi ko na kasi mauulit ang mga nakunan dun. Sabi nung mga classmate ko pwede ko naman daw ulitin...pero hindi na. Hindi ko na mauulit na naging GSP ang kapatid ko nung Gr. 5. Di ko na maibabalik na nag-MOA kami. Maaaring may GSP pa next year ang kapatid ko...maaari ring makapag-MOA pa kami..pero di na mauulit yung time na yun...yung mga ngiti...yung lokasyon...magbabago lahat. Di na kami babalik sa original na place. Bumalik man kami maaaring naurong na ng one inch yung paa namin. Alam niyo yun? Di na maibabalik pa muli ang mga iyon....
Kahapon, Sabado. Naging tanga nanaman ako. Nawala ang cell phone ko. Ayoko sanang isipin,..binalewala ko na nga lang kahapon kasi maloloka lang ako pag inisip ko pa. Kaso...nasasaktan talaga ko. Di ko na maitago. Lalo na ngayong nakabili na ko ng bago. Namimiss ko siya. Parang tanga no? Kala mo tao. Para kong nawalan ng syota. Para kong iniwan ng bestfriend. Nawalan na ko ng gana. Hindi naman sa ayaw ko sa bago kong phone. Syempre gusto ko yun ako pumili nun e. Pero kasi...iba pa rin yung dati.
Naalala ko last month ata yun sabi ni Mama palitan ko na daw yung cell phone ko. Sabi ko wag na muna kasi nagagamit ko pa naman siya at isa pa napakahalaga niya talaga sakin. Yung kasi yung unang cell phone na nabili ko sa ipon ko...as in ako ang nag ipon. Yun din ang lagi kong kasama (andrama a!). Yun din ang aking phone diary. Kapag wala akong kasama siya ang sumasalba sakin. Hindi ako nagmumukang tanga kahit na wala akong load. Lahat ng nararamdaman ko nasasabi ko sa kanya...hindi naman niya napalitan ang diary ko pero kasi siya kahit nasaan ako, basta may naisip ako bigla handa siya. Tapos kahit na naihhagis ko siya kapag galit ako ok lang sa kanya...malakas pa rin siya. Andami ko pang pictures dun...gaganda pa naman ng kuha ko.Andun din ang mga messages sakin ng mga dati kong kakilala.
Grabe napaka walang konsensya naman nung nakapulot nun. Hindi man lang binalik sakin. Taga doon lang samin sa Cavite ang nakakuha kaya malamang alam niyang sa tindahan namin niya dapat yun ibalik. Umaasa pa rin akong maibabalik yun. Kahit bilhin ko na lang ulit dun sa nakapulot. Basta makuha ko ulit yung cell phone. Kahit di na yung sim.
Ngayon lang (as in ngayon lang) sinubukan kong tawagan ulit yung phone ko. Ayun nag-ring kaso pinatay nung nakakuha. Hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag asa. Alam ko at naniniwala akong makukuha at maibabalik uli sakin yun. Alam kong pinapaasa ko na lang ang sarili ko ngayon..pero as in talaga...aasa ako hangga't nabubuhay ako...
Ayun...nalulungkot pa rin ako..haizt. Nawa'y makuha ko siyang muli. God please! Help me..! Touch the heart of whosoever have my cell phone....
29 August 2010
sana di na bumalik.
Sa Tuesday...sana pag nakita ko siya wala na nga talaga. may isang araw pa ko para kalimutan at itapon ang lahat.
Kaya ko to! :D
28 August 2010
ako nanaman ang talo....
bokalista. artista. taga ibang section. taga ibang bansa. kapitbahay. classmate. teacher.
ngayon classmate nanaman.
grabe. ayoko sa lahat yung ganito. yung AKO NANAMAN ANG TALO.
minsan naisip ko bakit hindi na lang kaya binigay ni God agad sa mga tao ang mga nararapat sa kanila para sana wala na lang nasasaktan.
(alam ko sasabihin niyo sagot ni God, "epal ka, ikaw na diyos.")
kaso kung ganun nga ang nangyari,..wala ng thrill. syempre kung binigay na niya agad,,..hindi natin mararanasan ang ibang tao...di natin sila matitikman (o wag green.!) at di tayo makakaranas ng pananabik.
tapos naisip ko rin na bakit hindi na lang yung mahal mo ang ibigay niya.
(yes i know epal nanaman ako...)
pero naisip ko ulit, kung ganito ang nangyari, ang makakatuluyan ko ngayon ay yung una kong minahal...at kung iisipin nakakadiri yun...eeww....ayoko sa kanya.
ayun. so ok na lang din na ganito. no choice e. si God ang may gusto nito.
eto, nag-e-enjoy ako. masaya ako s atensyon at kalandian ng lalaking nagugustuhan ko ngayon. kaso syempre nahihirapan ako kapag naaalala ko kung hanggang saan ko lang dapat ilugar ang sarili ko.
mahirap kapag nalulunod ka na sa emosyon mo. mahirap kapag nalulugmok ka sa pagkakamali sa interpritasyon mo sa pakikitungo niya sayo. mahirap kapag nababaon ka sa pag-asang wala namang patutunguhan. mahirap kapag naiipit ka sa sitwasyong mamimili ka kung bibigay ka o hindi. mahirap kapag nahuhulog ka kahit ayaw mo kasi masasaktan ka.
ewan ko ba. sa tuwing nakikita ko siya masaya ko talaga. sa tuwing lumalapit siya sa akin parang bumabaliktad ang takbo ng buhay ko. sa tuwng hinahawakan niya ko lalo akong nagkakagusto sa kanya.
kailangan habang maaga pa pigilan ko na ang sarili ko. habang kontrolado ko pa ang nararamdaman ko dapat aksyunan ko na to. ayokong masaktan ng dahil din sa katangahan ko. ayokong umiyak sa taong hindi naman nagsabing iyakan ko siya. ayokong masira nanaman ang buhay ko dahil lang sa pagmamahal ko sa isang taong tulad niya.
kaya nga hangga't maaga...iiwasan ko na...pero kaya ko kaya?
sana...sa Martes...pagkakita ko sa kanya...natural na lang ang lahat.
at kung hindi man, sana....nawa....ibigay na lang siya sa akin ng Diyos.
kahit sandali lang..mga 1 year ok na....
:)
kaso imposible yun.
kasi gwapo siya, pangit ako.
haizt.
26 August 2010
paanomagingboyfriendsiyen

1. SUPER SWEET. Hindi super sweet si Yen. Kahit kailan di kami nagkaroon ng public display of affection. Sinasabihan naman niya ko ng "I love you" sa harap ng mga kaibigan namin tsaka inaakbayan niya rin naman ako. Pero kahit minsan di ako umasa sa words niya...kasi mas ok siyang magpakita ng love kesa magsalita.
2. CUTE MAGSELOS. Sa lahat ng naging boyfriend ko siya na ang pinaka-cute magselos. Hindi siya mabilis magselos sa tao...kundi sa cartoon character. Para mas specific, yung main character ng Prince of Tennis pinagseselosan niya. Ang babaw. Hindi siya iimik pag tuwang tuwa ako sa character...tapos maya maya papatayin niya bigla ang TV tapos sasabihin, "Wala ka pa rin namang mapapala sa kanya kasi di mo siya nahahawakan...e ako eto katabi mo pa..."
3. EXCLUSIVELY MINE. Hindi rin naman siya mahilig mag-entertain ng iba lalo na pag kasama ako. Masungit siyang lalaki. Pero hindi siya exclusively mine. Yun nga yung naging main issue e. Kasi kung ganun edi sana kami pa.
4. MAKIKITEXT PA SA IBA. Oo gawain niya to. It's what we call "effort". Kahit na walang kwenta ang text ko sa kanya tulad ng, "Good morning" sasagutin niya talaga ako ng "Good morning, I love you" gamit ang kinuha niyang cell phone ng kapatid niya. Minsan nga nag away pa sila dahil last extra load na lang pala ang ginamit niya.
5. RESPECTS ME. Hindi naman siya mahigpit tsaka di nga siya seloso sa tao kaya ok lang sa kanya kahit inuuna ko friends. Nagtatanong siya at nakikinig sa mga opinyon at desisyon ko pero di niya ko kinokontra at dinidiktahan. Hindi niya rin ako binabastos.
6. HINDI MASYADONG MA-PRIDE. Laging siya ang nagso-sorry. Ma-pride ako e.
7. FULL OF SURPRISES. Hindi ako binigyan ng matinong bulaklak nun. Improvised na isang piraso pa. Hindi ako nasu-surprise sa mga ginagawa niya kasi nalalaman ko agad dahil sa kapatid niya na best friend ko. Katulad na lang nung picnic date namin under the tree...nagkunwari lang akong nasorpresa nun.
8. ADDICTED TO ME. Ayoko ng addicted saken kasi mahirap na. Pero pag magkasama kami lagi siyang nakatingin sakin tapos ayun expert yung magnakaw ng halik. Pero ok lang.
9. HONEST AND TRUSTWORTHY. Nag cheat siya saken pero inamin niya rin naman agad. Ang kasalanan niya lang naman di niya agad sinabing hindi na pala pwede. Pero yung ginawa niya bago nabunyag ang katotohanan alam ko yun. Ito gusto ko sa kanya e. Sinasabi niya. At kahit nasasaktan ako ok lang at least naging honest siya.
10. GENTLEMAN. Kalahating gentleman kalahating hindi. Gentleman talaga siya...sweet pa. Kaso pag umuulan lagi niyang tinitiklop ang payong at nakikipaghabulan sakin...at....kinikiss ako pag nahuli ko na siya. :)
11. CAN PROTECT ME. Wala naman akong naging kaaway kaya wala rin siya. Mababait kaming mga bata kaya malayo kami sa gulo. Pero sabi niya pag may nag-attempt na gaguhin ako mas gagaguhin niya.
12. WILL CRY TO ME. Nadevelop nga kami sa isa't isa nung naabutan ko siyang umiiyak sa tennis court at kinomfort ko siya. Iyakin siya. Pag may problema kaming dalawa umiiyak lagi yun.
13. LOVES ME THE WAY I AM. Tinanggap niya ang pagkatao ko. Tsaka kahit minsan di yun nagkwento tungkol sa ex niya. Nagalit nga siya nung nabanggit ko yung ex niya at kinumpara ko sarili ko. Sabi niya iba ako dun. Sabi niya past na yung mga yun, di nag work dahil hindi yun ang hinahanap niya. Sa present niya daw nakita yung mga wala sa mga past niya. E kaso past niya na rin ako ngayon. Tsk.
05 August 2010
Ganyanan na ngayon aa.!
Kaya...
- Zafirah (ok lang sana kaso nakapag message ka sakin nung araw na yun...kaya walang dahilan para di mo ko batiin.haha.)
- Cenaimy (ewan ko sayo.)
- Utangera (ampness! nakakaalala ka lang pag mangungutang ka!)
- Toxic (di ko naman talaga siya ine-expect kaya medyo ok lang sakin)
- 'agent espie' (di ko naman talaga siya ine-expect kaya medyo ok lang sakin)
*bitter ba? wala lang...nakakatampo lang. Kasi sila yung ine-expect ko talaga. Haizt. Pero ok na. Ok na talaga. Ok na.
18 July 2010
I'm really weak when any family is the subject....
Ah...of course, he's not in his usual look. I have only known him for weeks as my professor, but his aura that day is really different. He's happy, yeah...he's a really jolly person. He can still throw jokes...but it's obvious...he's longing for something or...FOR SOMEONE.
It's been...ah...I'm sorry I can't remember how long it was since her loving mother died. But I tell you, the wound is still very fresh.
He dropped his class before us early so some of us (including me) jumped in the room early. We are only few. He looks sick. After a couple of minutes, a classmate of mine, who just arrived that time (she's the mole of asia...as she says...because she have this huge mole just below her nose.) asked Sir Lee (it) if they could photocopy the NSTP book authored by Sir Lee (it)'s dad...(he's Sir Lee (ki)). Then, an explanation from Sir Lee (it) followed...and I was a bit annoyed by the reaction of "mole of asia". She said, "what's the connection of his mother's death with my question??"...and then she laughed.
I can understand why she tells so, but she must have understood too what Sir Lee (it) was going through. And in fact, the answer delivered by Sir Lee (it) was the answer she needs...but she didn't expect.
Well, enough of it, the class started with his apology...for not attending the class 2 times. Then he tolds us about his mother, how much he loved her and how was it without her now. It was sad. Some of my classmates even cried while Sir Lee (it) express himself in tears. Yes, he's right. He's now 32 years old, but still he's like a little kid longing for is mother. I am emotional when it comes to these things...I admit I nearly cried...but only A DROP came out of my eyes. I don't want to add on the emotions inside our room.
One statement that I won't forget is... "when it hits you, it hits you like shit...!". Yeah, it really hits like shit. If it would happen to me, I don't know what I'm going to do.
But the best thing that he repeatedly told us is the common lesson...show your loved ones how much you care for them before it's too late.
He dismised us early and as soon as I walked out the camp, I opened my bag, got my sandwich my mom made for me, and eat it with so much happiness and love while heading my way to SM Sucat.
I wish I could tell my parents how much I love them.....
