De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

22 January 2011

Desperada de Soltera

Desperada de soltera. Yan yung term na ginamit ni Sguru kay DdS dati. Tumatak yan sa isip ko. Ang kulit kasi e. Desperada ... Desperate. Soltera ... Maiden. Kunwari invisible na lang ang de.
So ito yung post na sinasabi ko sa nauna kong post...
Title pa lang alam ng ito ay tungkol sa isang babaeng desperada ... at ... sabi nila .. ako daw yun.
Sa dami ng na-experience ko tungkol sa love-love na yan ... lalaki .. babae na rin ... ni minsan di ko narinig o nalaman na sinabihan ako ng 'desperada' ng mga naging kaibigan ko. Siguro meron din di ko lang narinig. Pero wala din talaga kasi di naman ako ganun at di ko naman nakikita sa sarili kong nakaganun ako. Kaya nagulat ako kasi bago sa pandinig ko yun ... ngayon kasi .. congrats sakin .. natawag na kong DESPERADA.
Bakit?
Hindi ko na gustong i-detalye pa. Pero magkukwento ako ng konti. Noong kelan lang ... mga last, last week... magkatext kami ni Tralala at sinabi ko na, "Alam ko iniisip niyo napakadesperada ko..." sabi niya, "Buti alam mo."
Bago yan, bakit ko naisip? Simple lang. Narinig ko sa kanilang dalawa ni Sapak nung minsang pinagbubulungan nila ko sa classroom (actually di yun bulong kasi narinig ko .. pero para sa kanilan bulungan yun).
Nangyari ito noong .. a ... Lunes yun alam ko e. Oo Lunes nga. Si MP, ininvite ako na umattend sa gawain kung san siya magto-talk na tamang tama malapit sa amin. So syempre go naman ako .. kasi first time ko nun makaka-experience ng gawain sa ibang lugar at dito sa Las Piñas kasi laging sa Cavite lang ako. Tsaka nga diba ... di ko ugali yung tumatanggi sa imbitasyon depende na lang kung di ko talaga trip.
So Lunes na. Anong date ba yun??? Hmmm .. Jan. 3??? Tama ba ...basta .. tama nga ata. Oo tama. First day of class after ng Christmas vacation. So ayun nasa plano na nga na after dismissal pupunta ko dun sa simbahan.
Hindi ko naman pinagsabi yun kahit kanino. Wala as in wala akong sinabihan. Pero astig talaga yung si Sapak at Tralala ... ang galing nilang manghula.
Dismissal. Nagpasama sila sa computer shop .. SANDALI LANG DAW...ang alam ko nun ika-copy lang ni Sapak yung term paper na gawa ni Tralala. So ayun. Bale apat kami... si Sapak, Tralala, ako at si ATBAB. Isang computer lang ni-rent nila ... tipid-tipid din ... naunang gumamit si ATBAB. Medyo nagtagal siya ... sabi niya sandali lang ... haiz. Eh nung mga time na yun nagtetext si MP ... di pa daw start ang Mass pero meron .. e gusto ko sanang makaabot sa Mass .. at abot na abot naman talaga ko kung umalis na ko nun ... pero ... di ako makaalis .. kasi ...
Ayun. After ni ATBAB mga 20-30 mins siguro .. nagpaalam na siya. Nauna na siyang umalis samin. Di naman ako inis sa kanya. Ayos lang. Di pa ko umalis kasi nagpapatulong sakin sina Sapak at Tralala. Una sa pagkakabit at pagbubukas ng Flash Disk ni Tralala na kung saan-saan ko na sinaksak wala pa rin. Tapos nung nabuksan na namin yung term paper niya .. akala ko ika-copy na lang .. alangya pinapa-edit pa nila sakin! Andaming typographical errors! Sabi ko, may computer naman siya bat di niya na lang i-edit sa kanila. Sabi niya wala daw silang ink ... at gusto na niyang ipa-print habang andun kami. Eh ayun dahil mabilis daw ako .. ako na lang. E jusmiyo ... 10 pages tapos sobrang dami pa .. as in di bababa sa 10 typographical errors ang meron kada page. Grabe.
Nung una ayoko .. sabi ko mauna na ko sa kanila. Tapos sabi ba naman ... "sus.. magkikita lang kasi kayo ni ano kaya ka nagmamadali .." so no choice. Kailangan kong ipakita sa kanila na di si MP ang dahilan ng pagmamadali ko. Actually sinabi ko pala na aattend ako ng gawain sa amin dito nga sa Las Piñas ,.. tapos sabi nila .. at pinagpipilitan nila .. na kaya ako aattend kasi si MP ang Preacher. Grabe mga manghuhula.
So yun habang ginagawa ko na .. nauubusan na ko ng pasensya at nauubusan na rin ako ng oras. Narinig ko silang nagbubulungan sa likod ko (bulong nila parang natural na usap ... rinig na rinig ko grabe.) Sa usapan nila, narinig ko na ang desperada ko daw masyado dahil nga pupuntahan ko pa si MP. Di na lang ako nagrereact.
After an hour nakapag-out na kami. 7:30 pm na nun. Nagpapasama pa si Sapak sa SM para bumili ng papel niya. Ayoko na sana kaso sabi niya, "sige na mauna ka na, wag na tayong pumunta ng SM ... hinihintay ka na ng date mo .." tapos magtitinginan sila ni Tralala at tatawa. So ako naman ... sabi ko, "date ka jan .. tara na samahan ka na namin ... di naman ako nagmamadali ..."
So ayun. Nagtext ako kay MP na papunta na ko nun mga 7:30 ... pero ang totoo 8:30 na kami nakaalis sa SM. Grabe talaga.
Tapos di pa natapos dun. Bibili sana ako ng cake tulad ng sinabi ko kay MP na bibigyan ko siya ng cake bilang gift ko sa kanya ng Christmas. Aba, nung nag-iisip na kong bumili ng cake .. sabi ng dalawa ... para san daw ang cake at parang ang special naman ng pagbibigyan ko .. tapos tinginan ulit tapos tawanan sila ... as in yung may meaning na hagikhikan nila. Sabi ko, "hindi wala tiningnan ko lang .." so no choice, sa brownies ako nauwi. Ayos lang nakatipid ako ... pero kasi wala nasira yung plano.
So yun ... mga quarter to 9 na ko dumating sa simbahan. Tamang-tama ... halos wala na rin akong naabutan. Meron pa naman pero last parts na .. yung part na as in mahihiya ka ng pumasok dahil patapos na nga. Ayun.
Kinabukasan, ayun .. magka-usap kami sa room ni Tralala .. at yun nga .. desperada nga daw ako. Dapat daw si MP ang pumunta sakin di daw ako .. pero sabi niya alam niya kung bakit ako desperada kasi nga daw ... may asawa si MP. Grabe.
So hindi man halata pero na-hurt ako dun. Natawa na lang ako pero ang totoo di ko talaga nagustuhan yun. Napaisip ako. Desperada ba talaga? Kasi naman ... di naman si MP ang pinunta ko dun kundi yung gawain nga ... pero syempre may butas pa rin .. kung gawain lang talaga bakit pinilit ko pa ring humabol kahit alam kong wala na halos akong aabutan .. dun na papasok si MP ... kasi nangako na ko na pupunta ako. At kahit ano pa man ang abutan ko.. dapat pumunta ako dahil yun ang sinabi ko.
Pero wala naman yung kinalaman sa kung anuman ... ang ibig kong sabihin .. walang ibang ibig sabihin ang ginawa kong yon ... pero ako lang pala ang nag-iisip ng ganun ,. kasi sa mata ng iba napakadesperada ng move ko. Haiz.
Yun nanaman ang issue kanina.
Environmental Science. Dumadaldal kami ni Sapak. Sabi niya nanaman desperada daw ako. Tanong ko naman, bakit niya nanaman nasabi yun. Wala naman siyang diretsong sagot .. ang sabi niya lang ... di daw siya tutulad sakin (kasi ang pinag uusapan namin nun kung sino yung crush niya sa room ... at nung si Tom na ang nasama sa usapan nasabi nga niyang di siya tutulad sakin.) So panong di tutulad?? Sabi niya .. di daw siya tutulad sakin na yun nga .. sa may asawa pa at matanda na .. desperada daw kasi ako. Grabe. Grabe. Grabe.
At hanggang sa pagpunta namin sa Bamboo Organ yun ang pinagdidiinan niya sakin .. pinapaalis na niya ko ... sabi niya nagmamadali daw ako kasi pupuntahan ko pa si MP. Ewan ko ba dun. Lagi na lang. Tulad nung Wednesday maaga kasi akong umuwi. Tapos tinatanong niya ko kung san ba ko pumunta nun at nagmamadali ako. Sabi ko may hinahanap ako .. pero pinagpipilitan niyang may kakikitain ako .. pero di naman niya sinasabi kung sino ... pero sino pa nga bang iisipin nun diba .. matik na yun. Tapos nung Thursday din .. kasi sa Sucat ako dumaan pumunta pa kasi ako ng Alabang. Iba din tingin niya nun. Haiz. Feeling nila lagi makikipagkita ako kay MP kahit di naman. Kaya nga ganun na lang ako umiwas kay MP kahit di naman dapat e.
Desperada ba talaga?? Parang di ko kayang tanggapin yung term. Ampanget. Grabe talaga ang mga tao .... kakaiba ang takbo ng isip. Di makontrol ...iisipin nila ang gusto nilang isipin kahit wala na sa lugar ... magsususpetsa sila sa lahat ng kilos mo ... lagi ka na lang sinungaling .. ang iniisip lang nila ang tama.
Desperada ba talaga?? As in?? Ganun ba talaga yun?? Anong dapat kong gawin?? Dapat ko na rin bang iwasan si MP tulad ng pag-iwas na ginawa ni Iwasya kay Sguru???
NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

No comments: