De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

01 June 2015

PARENTS.

I had a fine day today, and a great realization I must say.

Magtatagalog din ako wag mag-alala (mensahe sa sarili HAHAHA).

Umalis ako today kasama ang kuya ko, si Sam, yung anak ni kuya pati yung kasama niya sa buhay. Nagpunta kami ng Starmall para mamili ng mga gamit sa school ng anak ni kuya, at para na rin bumili ng ipinangako kong bag kay Sam.

Inaasahan namin ni Sam na sa SM kami, pero nag-suggest ang tita namin na sa Starmall na lang. Nag-agree si Nogie kasi nga naman mas mura dun. So ayun sagot ni Nogie ang pamasahe. Una kaming tumingin ng bag sa robinsons, may bet na sila dun na stroller bag na may free backpack pero syempre nag-ikot pa kami. Nagpunta kami sa "economy part" ng mall, kung saan sama-sama ang lahat ng tiangge. Doon kami nakipagsiksikan at nakipagtawaran. Huling napuntahan namin ang tindahan ng isang muslim na babae. Medyo matagal ang stay nila Nogie doon, nakapag ikot na kami ni Sam para maghanap ng bag niya pero pagbalik namin andun pa rin sila. Nakita ko sa mga mata ni Nogie ang hirap ng pagdedecide, bag lang yun ah. Iniisip niya kasi kung bibihin niya yung worth P1,400.00 na nasa robinsons na may free backpack, o yung inaalok ng muslim na worth P1,000.00. Malalim na nag-iisip si Nogie sa kabila ng pangungulit ng anak niya, at natawa pa nga ako ng sinabi ng kapatid ko na hindi niya iniisip kung anong mas maganda, iniisip niya kung ano ang kakasya sa budget niya. Pilit na tinawaran ni Nogie ang bag sa halagang P900.00 at sa huli nagkasundo sila sa presyong P950.00.

Alam mo ba blog, naiiyak akong alalahanin ang itsura ng kapatid ko kanina, though natatawa talaga akong makita siyang ganun kanina. Alam ko at paulit ulit niyang sinabi na gusto niya yung mas malaking bag sa robinsons, pero dahil kailangan pa niya bumili ng sapatos dun na siya sa mura. Maganda naman yung bag, though maliit nga lang. Kinonsider din ang backpack para ma makamura kaso syempre umiral ang pagiging ama niya, gusto niya na best pa rin ang maibigay sa anak niya. Alam mo yung nakita kong naluluha na siya sa pagdedecide. Alam kong maliit na bagay lang ang bag kumpara sa marami pang desisyon ng tao sa buhay, pero hindi iyon ang highlight. Ang highlight dito, yung hirap na pinagdadaanan ng isang magulang, maitaguyod lang ang pag-aaral ng anak. Umuwi kaming lahat na masaya, nabili namin ang bag na gusto ni Shamita, isang pair ng black shoes at one pair ng rubber shoes at notebooks na yun na lang ang nagkasya sa budget. Ako masaya naman akong nabili ang bag ni Sam, na dahil medyo sale eh na-less pa kaya may sukli pa sa budget kong 1k. Nabili din namin ang sapatos niyang pang-ulan. Pero sa pag uwi ko, dala-dala ko ang sampal sa akin at maging sa kuya ko ng realidad ----hindi naging biro ang pinagdaanan nila Mama at Papa para mapag-aral kaming tatlo.

Bagamat hindi nagtapos ang kuya ko, masaya ako kasi nakakapag-trabaho siya at kumikita ng maayos ngayon. At nakita ko siya maging ama sa kanyang anak kanina. At ako, na-appreciate ko ng sobra ang edukasyon na ibinigay sakin ng aking mga magulang. Totoo nga, na ito ay isang kayamanan. Hindi birong pawis, pagod at hirap, at di rin birong pera ang inilaan ng mga magulang para sa mga anak nilang nag-aaral. Talagang pag-uwi namin, wala akong ibang bukambibig kundi "mahirap pala talaga mag-paaral". Kaya sabi nga ni Papa kanina, ganun na lang ang pagsusumikap nilang magtrabaho noon dahil dalawa kami ni Sam na nag-aaral sa private school. Na kaya halos wala silang oras para sa amin dahil naghahanap buhay sila para makapasok kami sa magandang school, at mabili nila ang mga gamit na gusto namin.

Imagine, hindi kami mayaman pero never ko naranasan na hindi bago ang gamit ko every start ng school year. Never ko naranasan na hindi bago ang bag ko, ang sapatos, ang damit. Nagrereklamo pa ko noon kasi hindi kayang ibigay nila Mama yung pencil case na mataba at madaming compartment, ang naibigay lang nila yung pencil case na may laro pampalipas oras ko. Naiinggit pa ako noon sa mga kaklase ko na malalaki ang bag na mala-maleta na, kasi ang kaya lang ibigay nila Mama, bag na may gulong na di man kasing laki ng sa iba, mahal na masyado para sa akin at sa kanila. Alam mo yung feeling na, sobrang namahalan talaga ako sa 1K na bag kanina, which is mura pa in a sense ha. Sabi ko nga kay Mama at Papa kanina, mabuti kinaya niyo kaming paaralin? Mabuti hindi kayo nanghinayang sa pera? Private school. May scholarship man ako noon naglalabas pa rin sila ng kulang kulang 30K each year. Grabe. Eh ako nga nanghihinayang na ako minsan sa 500 na nagagastos ko pang pasalubong kina Mama. Ni di ko nga maibigay sa kanila yung sahod ko kahit nangako akong gagawin ko yun kasi iniisip ko, paano ako? Eh sila, hindi nila inisip na paano na sila makapag-aral lang ako.

Ngayong may trabaho na ko at kumikita ng sariling pera, na-realize ko talaga na hindi pala talaga basta-basta ang lahat. Mahirap magbitaw ng pera, na kahit sarili mo pagdadamutan mo na. Hindi ka na bibili ng bagong gamit para sa sarili mo kasi iisipin mo, sayang. At ganun din naisip nila Mama at Papa noon. Sayang kung gagamitin nila para sa kanila, para sa amin na lang nina Sam. At hanggang ngayon ganun pa rin sila. Naiiyak akong isipin na wala pa akong maitulong, na hindi ko pa kahit papaano nasusuklian man lang kahit konti ang nagawa nila para sa buhay ko. Na, hindi ko naman kikitain ang perang kinikita ko ngayon kung di dahil sa kanila. Na wala ako sa kalagayan kong maganda ngayon kung di sila nagsikap. Na hindi ko mararanasan ang magandang buhay kung di nila pinagkaitan ang mga sarili nila. Sabi ko noon, pinili nilang maging magulang kaya kung anuman ang ibinibigay nila sa akin bilang anak, obligasyon nila yun. Pero hindi, hindi lang basta ganun yun. Higit pa sa obligasyon ang ibinibigay ng mga magulang. Kung tayo tanga sa pag-ibig natin sa maling mga tao, sila naging tanga rin sa sobrang pag-ibig sa kanilang mga anak.

Kaya kanina, habang pinagmamasdan ko sina Mama at Papa, napansin ko na matanda na sila. Na hindi na sila kasinlakas ng dati, bagamat salamat sa Diyos malalakas pa rin sila til now. Naisip ko nga, kailan kaya yung time na mapapagpahinga ko na sila sa pagtatrabaho para sa akin? Kailan kaya yung time na ako naman ang maghahanapbuhay para sa kanila? Kasi yung kinikita ko ngayon, para sa sarili ko lang lahat. Yung mga ginagawa ko, yung mga dahilan ng pagod ko, para sa sarili ko lang lahat. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis akong isipin na bat ganito ako. Akala ko dakila na kong anak kasi di naman ako tulad ng iba na pasaway totally talaga sa magulang. Pero hindi. Ang dakila ay ang mga magulang ko. Kasi hindi nila ako pinababayaan hanggang ngayon. Na kahit para sa kanila na lang, kahit pahinga na lang sana nila, para sa akin pa rin. At hindi pa rin sapat ang lahat ng efforts ko kumpara sa kayang nilang gawin para sa akin.

Umiiyak man ako ng wagas ngayon (at ngayon na lang ulit), I'm still happy na naganap itong araw na ito. Salamat kay Lord kasi, pinakita niya sa akin, na hindi basta-basta maging magulang. Total na paglimot sa sarili ang ginagawa nila para sa mga anak nilang pasaway. Kaya ang prayer ko kay Lord, nawa matapos ang araw na to (ay June na pala, panibagong araw na! panibagong simula nanaman!), i-lead niya ako sa landas kung saan magagawa kong maging mabuting anak sa mga magulang ko. Na bagamat ganito lang ang trabaho ko, hindi ito hadlang para hindi ko mapasaya sina Mama at Papa.

Salamat sa Diyos kasi sila ang magulang ko. Walang wala akong masabi kundi salamat Lord kasi pag nagbibigay Ka, laging the best.


No comments: