Marami akong kakilalang brokenhearted ngayon. Minsan nga naiinis na ko, kasi puro na lang ba pag-ibig ang probema pag nasa 20's? Nakakaumay, nakakasawa. Pero wala naman akong magawa kundi damayan, samahan at pakinggan ang mga aba kong kakilala dahil alam ko ang pakiramdam ng masaktan sa pag-ibig. Masakit. As in MASAKIT. Yung sakit na unexplainable. Yung sakit na literal na kumikirot sa puso. Yung sakit na nakakapanghina ng buong katawan. Grabe. Kaya lagi kong hinihingi kay Lord na bigyan ako ng strength, at nawa hindi ako magsawa sa pakikinig at pag-unawa. Feeling ko rin naman ito ang purpose ko sa daigdig, kasi dito lang ako may pakinabang. Hahaha! Anyway, hindi ko alam kung naiinggit ako, nahawa o nadadala lang, pero kagabi super emote din ako. Alam mo yun? Ang galing ko mag advice sa iba, ang galing ko makinig, pero pag sa sarili ko na, wala. Walang makikinig sakin. Kasi Iniisip ng mga brokenhearted sila lang may problema sa mundo, kaya ayaw nilang makinig ng ibang tao. Isa pa, oo nga naman, nasasaktan na sila, dadagdagan pa diba. Pero syempre hindi naman dahil mahilig siyang makinig eh wala na rin siyang pinagdadaanan. And congrats, ako yung "siya" na tinutukoy ko dito. Oo, matagal ng panahon ang lumipas, hindi na ako nasasaktan, pero may namimiss pa rin naman ako, at gusto ko rin naman mag-emote. hahaha!
Kagabi nga eh, super emote ako, nagpuyat ako para pakinggan ang mga paborito naming kanta noon, mga kantang nagpapaalala sakin sa kanya. Epekto yun nung Huwebes ng gabi, nagpunta ako sa duty ko sa may Tenement sa Taguig. Nadaanan ko nanaman yung isa sa mga naging tambayan namin noon. Grabe parang sine, hindi ko alam kung high ako nung mga time na yun pero nakikita ko ang sarili ko kasama siya, nakaupo sa loob ng TUP, kumakain ng meryenda na pagkarami-rami, share sa headset habang kumakanta ng "I Don't Want to Miss a Thing." Hanggang sa nilapitan na kami ng guard, tinanong kung estudyante ba kami doon, at dahil hindi, lumabas kasi ng campus. Lahat yun nakita ko within 5 seconds ata. Nag flashback lahat.
Yung isa kong kakilala nagtext. Akala niya daw ok na siya. Sabi ko naman, ok na siya, hindi naman dahil naalala mo siya ay di ka na ok. Diba tama naman ako? Parte na ng buhay mo yan, naging malaking bahagi ng buhay mo. Ang makalimutan siya at lahat ng kanyang ala-ala ay malabo, maliban na lang kung magkaroon ka ng selective amnesia at siya lang ang nalimot mo. Pero ako, nag-e-enjoy naman akong maalala ang nakaraan. Oo, napapa-emote, pero nagpapasalamat ako kasi naaalala ko pa. Ayokong makalimot ng ala-ala. Hindi para umasa, kundi para sabihin at ipaalala sa sarili ko na naging ganun ako kasaya, at nakayanan kong pagtagumpayan ang sakit na naidulot ng naudlot na ligaya, para ipaalala sakin ngayon na kung nakaya kong maging malakas noon ay mas higit kong kakayanin ngayon. Hay.
Anyway, ayoko ng mag-emote ngayon. Gusto ko sanang ilagay dito ang lahat ng bagay o lugar na nagpapaalala sakin sa kanya pero wag na nga lang. Waste of time. Para san pa diba? Tama ng nag-emote na ko. Hahaha! May mga bagay na dapat hanggang sa isip na lang. Siguro next time pag wala akong magawa. hahaha.
No comments:
Post a Comment