Kanina, hindi ako dinadapuan ng antok. Nakinig na ko ng music, nahiga, nakapikit.... pero wala pa rin. Ang lakas ng urge na mag online at magpost sa blog. Sabagay, medyo emotional ako kanina. Namumugto pa nga hanggang ngayon ang mga mata ko. Andami kong iniisip. Mga tao. Mga malalapit, mga malalayo ang loob, pero nakakasalamuha ko. Mga taong parte ng buhay ko. Mga taong sinaktan ako, mga taong pinasaya ako. Mga taong ayaw kong mawala pero umalis. Mga taong anjan lang sa tabi ko pero di ko pinapansin.
Ang hirap ma-attach sa tao. Ang hirap kumawala. Paano kaya nagagawa ng iba na basta na lang kalimutan ang mga taong naging bahagi ng buhay nila? Kasi ako.. kahit anong pilit ko, sadyang napakahalaga ng mga tao sa buhay ko. Hindi man ako sumagi sa isip nila, hindi man ako mahalaga sa buhay nila ... pero ewan ko ba kung bakit pagdating sakin parang mga kayamanan sila. Grabe. Di ko magets ang sarili ko. Ultimo taong sinaktan ako ng todo mahalaga pa rin. Pero ngayon tinuturuan ko na ang sarili ko na magpigil ng nararamdaman, ng pagiging emosyonal. Lagi kong pinaaalala sa isip ko na dapat di ko sila isipin dahil di naman nila ako iniisip. Na dapat wag ako masyadong magpahalaga lalo sa mga alaala, wag ko masyadong alalahanin ang mga magagandang ginawa nila para di ako nagiging emosyonal. Ang lahat ng tao, dumadaan lang. Makakalimutan ka pag wala ka na sa sirkulasyon ng buhay nila, o kaya kapag di ka na kailangan. Kailangan kong tigasan ang sarili ko. Kailangan matuto na ko.
Ayan, nakapag-post na ko, at inaantok na ko. Good mornight na. Sana ... sana di na ko magising ... para wala na ang lahat ng alaala at sakit na dala ng kahapon ..... ~~~
No comments:
Post a Comment