Kung mahilig kang magtext .. malamang minsan sa buhay mo nakatanggap ka na ng quote na nagsasabing .. "Lahat naman pwede pero hindi lahat dapat. Parang tayo .. pwede pero di dapat. .. " isa yan sa mga nakakatamang quote na nabasa ko. Tama naman diba??
Hindi ko alam pero sadyang unfair lang talaga ang mundo. Tayo bilang tao .. nagmamahal tayo. Iba't ibang sitwasyon, iba't ibang kwento. Minsan nangyari na sakin to. Yung nagmahal ako ng taong mahal din naman ako .. pero sadyang di kami pwede dahil sa maraming bagay. I mean, pwede pala kami .. kung gugustuhin talaga namin pwede naman naming isakatuparan ang relasyong nais namin .. pero hindi dapat. Maraming masasaktan. Maraming maaapektuhan. Maraming masisira. At kesa naman mangyari ang lahat ng iyon para lang sa pansarili naming mga kaligayahan .. mas pinili na lamang naming parusahan ang aming sarili .. tutal dadalawa lang naman kami .. kesa yung marami. Oo, madrama talaga ako sa bagay na ito. Ang hirap kasi sa pakiramdam yung may mahal ka pero di mo man lang makasama. Tapos .. tapos... hay. Nakaloka talaga.
Sabi nila, ang pag-ibig ang isa sa mga perpektong bagay sa mundo. Pero bat ganun? Dahil dito maraming nagkakasala, maraming nasasaktan. Bat ganun??
Sige .. makagawa nga ng konsepto ng pag-ibig. haha.!!!
Hay .. sa huli .. ganun na nga .. nakakainis man .. ganun talaga. Kung pwede lang kitilin ang lahat ng hadlang at lahat ng dahilan na nagdidikta samin na lubayan ang isa't isa ... ginawa ko na. hahaha! Pero syempre, joke lang yun. XD
No comments:
Post a Comment