Nakita ko ito sa isang website kanina. Astig.
Ilang araw ko na ito iniisip. Kasi .. may panahon na biglang andaming nagbibreak .. meron ding panahon na parang ang saya ng lahat ng lovers.
Tulad ko, pag mga November to March .. yan yung tipong wala akong boyfriend at kung meron man .. yan ang break up season ko.
Ayon sa table sa taas .. mas madalas ang break up sa buwan ng Marso at umpisa ng Disyembre. Tama. Ang galing. Base sa aking experience totoo yan. Marami akong kakilala, pati na ang sarili ko na naghihiwalay ng buwan ng Marso at pag malapit na ang pasko. Paalala muna: hindi ko nilalahat. majority lang at yung common kong nalalaman.
So bakit kaya????
Nga pala, bago ang lahat .. ang chart na ito ay ginawa ng isang tao na pinag-aralan at inobserbahan ang pagpapalit ng mga friends niya sa facebook ng realtionship status... kaya nagawa niya ang conclusion na iyan.
So ayun na nga ... bakit?? Nag iisip ako kanina .. hindi naman ako sigurado a .. base lamang ito sa aking sariling karanasan at pang unawa. Hindi ko sinasabing sang ayunan ito ng kung sino .. basta ito ang naisip ko at sasabihin ko.
Madalas sa buwan ng Marso kasi dito sa Pilipinas .. ito ay buwan ng pagpasok ng Summer. (sa Pilipinas ko binase ito dahil Pilipino ako .. ngayon wala akong pakealam sa iba) So dahil papasok ang summer .. umpisa na ng bakasyon at nagsisipunta ang ilan sa ibang lugar para mag-relax. So kung pupunta sa ibang lugar ang ilang tao .. makakakilala sila ng iba .. magkakaroon ng bagong kaibigan at madedevelop. Tuwing summer din common and tinatawag nating "fling". Isa pa, ang Marso ang pinaka nakakatamad na buwan sa lahat dahil patapos na nga ang pasukan ... excited ka na sa bakasyon kaya tinatamad ka na ..
Sa umpisa naman ng Disyembre .. madalas din dahil malapit na ang pasko .. syempre gastos yun at mas mainam na single ka sa araw ng pasko. hahaha! Tapos tingnan mo .. pagkatapos ng pasko .. magbabalikan sila ng mga last week ng December o January na .. o diba .. tipid. hahaha!
Kung titingnan din natin .. mababa sa buwan ng Agosto at Setyembre. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi relax ang mga magsing irog sa mga panahong yan .. at papasok ang 'ber months' kaya feel nila love na love nila ang each other sa mga panahong yan. Tsaka karamihan .. sa buwan na yan kasi nagsisimula ang pagmamahalan. Katulad kasi pag pasukan .. June. Magkakilala pa lang .. so mga August at September magkakilala na talaga sila .. at magkakadevelopan. o diba?? hahaha!!! Sa kasamaang palad .. ako ay nabiktima sa buwan ng Agosto. hahaha!
hay .. wala namang break up season .. pero dapat meron. hahaha! well, nasa tao din yan e .. kung hahayaan niyong mag break kayo e problema niyo na yun.
No comments:
Post a Comment