Naloloka na talaga ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Grabe.. ang hirap ng ganito. Yung naiipon lahat sa isip at puso mo .. na gusto mong ilabas pero hindi pwede. Hindi pwede kasi walang makikinig .. at walang interesado.
Ito ang problema ko mula pa noon. Lagi akong mag-isa .. tapos nagtataka ako .. marami naman akong kaibigan pero wala akong mapagsabihan ng mga nararamdaman ko ni isa.
Nagkaroon naman ako ng mga kaibigang may pakinabang .. yung nakikinig sakin .. pero wala e .. wala na sila ngayon. Malayo sila sakin at limitado ang sharing portion. Yung isa naman .. wala na kasi inaway ko. Oo, tanga na kung tanga .. e ganun e. Nagsisisi naman ako .. pero wala na e .. nangyari na .. di ko na rin naman mababawi pa.
So ayun na nga. Yun namang mga nakakasama ko sa kasalukuyan .. kung hindi ko mapagkatiwalaan, di naman interesado. Meron namang sobrang judgemental .. di ka pa nga tapos magkwento yung facial expression nakakababa na ng pagkatao. Alam mo yun?? Bakit ganun?? Bakit parang pinagkaitan ako ng mga taong matino?? Bakit parang bawal ako mag open kung kanino??
Naiinggit ako sa mga palabas na .. ayun .. may bestfriend yung bida na sinasabihan niya ng lahat ng sikreto niya tapos naiintindihan pa rin siya. Yung di siya pinaplastik. Yung di siya hinuhusgahan. Yung mahal pa rin siya kahit na nakakahiya na ang mga pinagkukwento niya (shet naiiyak ako .. I'm getting emotional nanaman..hahahaha!) Alam mo yun. Nakakainggit talaga .. kasi hindi pa ako nagkakaroon ng mga ganyang kaibigan.
Yung mga nagiging kaibigan ko .. gusto lagi sila ang pinakikinggan. Ok lang naman sakin yun kasi feeling ko talent ko ang makinig kahit na paulit ulit at walang kwenta na .. pero kasi naman .. diba. Hindi man ako umaasa ng kapalit sa serbisyo ko bilang kaibigan .. tingin ko naman may karapatan akong umasa sa serbisyo nila bilang kaibigan ko rin. Diba? Haizt.
Tapos may mga kasama (hindi ko sila kaibigan ,,.. swear!) naman ako ngayon na grabe .. bumababa ba naman ang tingin sayo pag may shinare ka katulad na lang yung sa lovelife ko na alam ko namang mali at isang malaking katarantaduhan .. katulad din nung galit na gait at asar na asar ako sa isang tao .. pero naman diba .. di nakakatulong e. Kasi sa mga panahong ganun ... emotionally weak ka at kailangan mo ng kausap at understanding nila .. pero hindi e. Lalo ka nilang dina-down, which is very depressing.
Ako na talaga ang dakilang tanga. Minsan na kong binigyan ng Panginoon ng matinong kaibigan, inaway ko pa. Ngayon .. back to normal ang lahat .. eto nanaman ako .. nagkikimkim ng emosyon .. kahit parang sasabog na ko kailangan kong magpigil para lang maging maayos ang lahat. Para lang hindi ako mahusgahan. Para meron pang respeto kahit konti ang mga taong nakapaligid sakin.
Hai. Buti sana kung walang kapaguran ang tao e .. kung malakas lang ako parati at kung mahaba lang ang oras .. dito ko na lang ikukwento ang lahat .. pero limitado ang mga kakayahan ko e. Hay. Kaya nga maraming tao sa mundo e ... para marami kang kaibigan. Para may nakakausap ka. Pero di ganun sakin. Hai..... grabe talaga.
Kaya di na ko nagtataka kung bakit kaya kong magpuyat para makausap lang ang kung sino, gumasta may makakwentuhan lang .. kasi kailangan ko talaga ng kausap. Konti na lang maloloka na ko ng tuluyan .. Grabe .. Grabe talaga ..

No comments:
Post a Comment