ayun .. so di na ko magtatagal sa pag kwento kasi:
1. PAGOD na ko.
2. Dami ko pang kailangan gawin.
3. ANTOK na ko.
4. Wala na kong pera pambayad sa internet dito sa bahay namin. hahaha!
yeah, you've read it right. may bayad ang net dito sa bahay. ako pasimuno... ako rin nag suffer. tae naman o.
so ayun nga ... isang mabilisang re-cap sa mga nangyari nitong unang dalawang araw ng pasukan.
June 13, Monday
kasama ko si mama na pumunta ng school dahil umattend siya ng orientation. buti andun ang mama ni wendy kaya may classmate din siya. hahaha. nagkita kami ni geralyn sa first gate ng amvel .. tapos nakita din namin si sister (na birthday girl at di ko man lang nabati nung una kong nakita .. di ko maaalalang bday niya kung di pa siya binati ng nanay ni wendy. hahaha!) so yun. kasabay din namin si sai at si cristel, bago kong classmate. by the way, block 2 na ako ... bali 8 kaming galing sa b3 na andun .. sina Ellaine, Joyce, Ardee, Leah, Geralyn, Wendy, Jodi at ako syempre. sa likod kami umupo ni geh. katabi niya si wendy, bali gitna namin siya tapos si trix katabi ni wendy sa isang side. ayun. orientation. baduy. tae prof namin sa math yung hayop na nag demo sa lit dati na sinita yung cp kong wala namang kasalanan. kainis. ayun. boring. nag klase kami hapon na .. gen psyche at ang prof ay ang magandang asawa ni sir arevalo.. si mam arevalo. tapos niya, si sir arevalo naman ... sociology. tapos uwian. alis agad. ai, nung lunch pala, dumalaw sa room at nakipag chikahan sina sjane, bro jerry, rodolf at clay. nakakamiss sila nakakainis. ayoko maging emotional pero wala e .. namiss ko talaga. bago na pala cp ni bro dahil nanakawan daw siya ... aba .. at binigay ang number kahit di ko hinihingi. i love it. ah .. ano pa ba? nag groupings sa sociology .. echusera yung isa kong groupmate. ayun uwi na ... kasabay naming naglakad ni geh sina jodi, wendy at ardee. naiwan si ardee na nag iisa .. pano si geh sakay agad sa jeep. wawa naman. sina jodi naman at wendy sa sm nagpunta. dapat bibili kami ng gift para kay sjane ni wendy kaso nakakainis di niya ko kinausap the whole day so .. umuwi na ko. bahala siya. gabi na ko nakauwi. wagas ang traffic sa lpc. bumili nga pala ako ng libro ... ni Philip Yancey ,., yung 'where is God when it hurts'. tapos .. nabadtrip lang naman ako sa mg babae sa mr. quickie kasi sinira ang bag ko. amp. unforgettable moment ko pala .. syempre nakipagkwentuhan kina rodolf at clay .. at ... niyakap ako ni bro jerry. walang malisya. namiss ko lang talaga siya. nagbiro ba naman na di na niya kami kilala dahil di na kami classmate. hahaha.
Tuesday, June 14
sabay sana kami ni geh kaso nakasabay niya si mam sa jeep so nauna na siya .. ok naman yun for me kasi grabe wagas na wagas ang traffic sa lpc ... akala ko nga malelate ako e. buti na lang nag pray ako. haha. so yun ... pagdating ko may humawak sa hair ko .. si bro pala. tapos sabi ni rodolf suplada na ko. hahaha. first subj, english. nagkayayaan kaming mag cr nila geh .. aba pagbukas namin ng pinto nung palabas na kami .. si mam bumungad... takbuhan pabalik ng upuan! pero nag cr pa rin kami kasi ihing ihi na kami. sa boys cr pa nga e. grabe talaga. taz yun .. ako pa nga ang unang natawag sa recitation. panget ng english ko .. natatakot kasi ako kay mam e. lahat ng sinabi ko di ko gustong sabihin .. for the sake lang na may masabi sa kanya. yun lang. daming pinapagawa. may groupings nga pala. tulad kahapon, di ako kumportable sa groupmates ko. next .. rizal. si mam chona. ayun. dami ding pinapagawa. gawa ng essay. kaloka. puro sina leah at mam ang topic namin ni geh. nung hapon di na pumasok si leah .. mukhang warlock talaga sila ni mam. chika chika .. mini reunion nung lunch. dumayo sina clay, arjay (ngayon lang siya pumasok at sa b1 siya .. at nga pala .. s.a siya sa library.), karen, joan, ayun ... kwentuhan kaming mga b3 dati ... astig. wala lang sila bro... mga echusero pumunta ng sm e. saya ko hyper nung lunch. yun ang climax ng araw na to. the rest .. boring. nung hapon, educ subj namin .. si tandang lee. di ako nakatulog! woohoo!! hahaha! pero ginutom ako sobra. na touch ako sa sinabi ni karen na sabi ni rodolf malungkot siya kasi wala na nga si ardee pati ako di rin niya classmate. hahaha! ayun. uwi na agad. di na ko naka attend kahit gusto ko ... kasi naman daming assignment. parang gusto ko nga bumalik e. nakabili nga pala ako ng 55 pesos na bag. la lang. grabe gabi na ko nakauwi. nakatulog pa sa jeep. daming pagod. si wendy sumabay kay jodi sa baclaran din sumakay .. pano wala na siyang kasabay maglakad pa kabihasnan .. iniwan na rin siya ni sjane kasi maaga umuwi. hahaha. wawa naman.
ayun lang. super summary na yan a. dami ko pang gustong ikwento pero saka na pag di na busy. :D
No comments:
Post a Comment