De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

28 January 2011

apektado ako .. and so?

a .. ayun .. kaninang umaga .. grabe mapaglaro talaga ang tadhana ... kung kailan hindi ko siya gustong makita .. dun ko siya nakikita .. at napaka-inevitable ng mga pagkakataong ganun .. as in wala na ... di na ko pwede magtago .. di na ko pwedeng umiwas .. dead end na .. na-corner na ko.
naalala ko dati nung sinabi niyang 'thank you, sorry and goodbye' .. ayoko na siyang makita non .. may pa-pray-pray pa ko kay God ... akala ko nakalusot na ko .. grabe bigla ko ba namang nakita sa coop kung saan kami dumaan .. feel ko na nun e .. sabi ko posible .. pero kasi parang hindi rin kasi baka andun nga siya sa loob .. tapos yung mga kasama ko nagpipilit na dun dumaan kasi may bibilhin sila .. grabe. nakaitim din siya nun .. kung ano yung suot niya kanina yun din ang saktong suot niya nung gabing yun. no choice talaga ko nun. ang o.a naman kasi kung aatras pa ko. ang nakakainis pa .. lahat ng kasama ko nilapitan siya .. at binati .. ako dire-diretso sa likod nung isa kong kasama para at least matakpan ko man lang ang sarili ko laban sa kanya .. takang taka sila kung bakit di kami nagpansinan .. tanong sila ng tanong sakin habang naglalakad ... ayoko ng sagutin ang mga tanong nila na may halong pang aasar kaya binilisan ko na lang ang paglakad ko.
wala lang .. naalala ko lang ang gabing yun. di rin niya ko pinansin. grabe. walang text ng ilang araw .. walang kahit na ano. parang ngayon lang. haha.
so ayun nga .. kaninang umaga. papunta kami nina Jodi, Joan, Geh at Arjay sa Kabihasnan (ok tulad nga ng sinabi ko babanggitin ko na ang mga pangalan nila mula ngayon.). so ayun nga .. magpapaprint kami ng picture. malayo pa lang siguro nasa tulay pa lang sila ng kasama niya .. kami kakaliko lang sa Le Colonial ... parang nakikilala ko na yung kasama niya. pero siya hindi. kaso naisip ko pwedeng siya yun kasi bff niya yun e. haha. aba tama nga ang aking hinala. siya nga. lalong tumaas ang mga balahibo ko sa katawan ng isa-isa .. una si Jodi, sunod si Joan, sunod si Arjay .. lahat sila sinabi nilang, 'ui si .....' (ok ayokong banggitin ang pangalan niya. naiinis kasi ako. pero hindi naman talaga. joke lang yun. haha.) pilit kong binabagalan ang lakad ko ,... para sana di namin sila maabutan .. kasi malamang papasok yun sa pinto papuntang coop .. kaso nagpang-abot pa rin. natatawa nga ko sa sarili ko e .. nakapikit ako habang papalapit sila ... as if naman may magagawa ang pagpikit ko diba. at ayun .. wala na .. lahat sila binati siya. gusto ko sanang magtago sa likod ni Jodi pero ayun .. nahawi .. alam mo yun .. sa harap ko sina Jodi at Joan tapos may space (ako yun) tapos sina Arjay at Geh sa likod ko .. walanghiya .. tapat na tapat sa kanya. Nginitian ko siya (sabi kasi sa librong binabasa ko, don't punish him. haha.) hmm.. ngumiti ba siya? parang hindi. parang ngumisi. haha. nakatingin siya sakin. ang kulit ng mata niya .. lalong lumiit. hanggang ngayon pala may sore eyes pa rin siya (di yun gagaling hangga't di niya ko binabati ... ang solusyon dun .. yung gatas ko sa labi. hahahaha! joke lang! XD) grabe siya. ni di man lang nag-hi sakin. isnab to the maximum leveling. grabean talaga. tapos yun tumuloy siya sa paglakad na parang di ako nakita .. inapiran lahat . maliban sakin .. tingnan mo naman ang ugali .. grabe. grabe talaga. buti naman walang nagtanong sakn kung bakit ganun. so ayun.
paglagpas .. siguro nasa tulay na kami .. di ko mapigilang mag-react... gusto kong sumigaw sa inis na rin siguro sa kanya .. para kong tanga .. pero di naman ako ganun kainis .. parang nagtataka lang talaga ko kung bakit ganun ... kasi wala naman akong ginagawa sa kanya ... (parang wala akong natutunan sa libro e no .. pero kahit na alam ko na kung bakit .,.. ang hirap pa rin e .. di maiwasang mag-react.) so ayun na nga .. hanggang sa nakarating sa kabihasnan .. hanggang sa nakabalik sa school .. iniisip ko yun. nakalimutan ko lang nung nawiwindang na kami ni Geh sa dokyu sa Filipino.
wala lang ..para 'kong tanga no .. affected masyado .. feelingera. e bakit ba? and so what kung apektado ako? ikaw ba di mawiwindang pagka ganun??
MAGKAKAAYOS PA KAYA KAMI???
ANO BA?? GALIT BA SIYA SAKIN??
HINDI KO NA ALAM ANG IISIPIN KO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

last post.

wala .. parang naisip ko lang bigla na parang gusto ko na wag ng gumamit ng code names .. yung mismong names na lang ng mga tao ang gagamitin ko .. tutal wala namang ibang nakakabasa nito kundi ako .. at isa pa .. ang hirap mag-isip at ang hirap tandaan lahat ng code names nila. Maganda ba ang naisip ko?? oo maganda. (tanong ko, sagot ko. muntanga lang.) Sige .. sa susunod na mga post .. asahan na ang mga totoong pangalan ng mga tao.. except kay ano .. hahahaha! joke lang. pag siya wala na lang akong babanggiting pangalan .. panghalip na lang pwede na yun sa kanya. XD

di pa ko antok bakit ba?!

Ayun o .. kakatapos ko lang i-print yung ginawa kong dokyu sa Filipino namin tungkol sa mga special children. Grabe isipin mo yun ngayon ko lang tinapos e andali lang naman gawin kasi tagalog naman. Ang totoo niyan nung Wednesday pa ng gabi ko iyon binalak gawin pero ayun .. ilang araw nga akong naging antukin .. (siguro kasi ilang araw ng walang nag-iisip sakin XD) kaya ayun ... imbis na ginawa ko tinulog ko na lang at in-emote nung gabing yun. Tapos Thursday ng umaga, gumising ako ng maaga (7:00 am) at humarap agad sa computer para gawin sana yun .. pero wala .. tumunganga lang ako hanggang tanghali .. bukas ang computer .. dating gawi ..tinitigan ko lang. May iniisip kasi ako. (sana di nakatulog yung iniisip kong yun! siya ang dahilan kung bakit di ko nagawa yung dokyu. hahaha.) Tapos yun wala na kong nagawa kundi patayin ang computer pagkatapos tumawag ni Papa. Sinundo namin si Sam sa school niya. Tapos umuwi na kami sa Cavite. Nainis pa ko sa sinakyan kong jeep .. lumagpas ba naman dun sa pinarahan ko .. marunong pa sakin .. sa kanto niya daw ako ibababa e gago pala siya e ... naglakad pa tuloy ako ng malapit lang naman.. pero napagod pa rin ako lalo na't mabigat ang bag na dala ko. Akala niya kasi di ko alam na Gawaran Loob ang nasakyan ko .. abnormal. Kainis. Tapos yun .. pagdating sa bahay ... lunch. After lunch .. nanood kami ng news .. nakita ko sa tv yung nabasa ko sa yahoo kagabi yung tungkol sa piano na napadpad sa gitna ng dagat. Astig. Tapos ano na?? pasensya na kung walang hati-hati ng paragraph a .. nitatamad ako e. So ayun pumunta kami ni bunso sa bahay ni Lola para sana magpasama sa bahay nung special child na bahagi ng dokyu ko. Kailangan ko kasing magpapicture kasama siya. So ayun, habang naglalakad, nasalubong namin si Butty .. ayun galing daw siya dun sa bahay na pupuntahan namin kaya sinamahan niy ana lang kami doon. Ayun picture-picture. Natawa ako sa kapatid ko kasi naliligo yung special child nung dumating kami. Tapos pinalabas na siya ng mama niya at pinapunta sa kwarto para kumuha ng brief niya. Winarningan siya ni Butty na baka mabitawan niya ang towel niya na tinatakpan ang 'toot' niya. Ako, busy-busy-han sa pagtetext kunwari .. kasi alam kong may mangyayari. At di nga ako nagkamali. Lumabas bigla yung bata (11 years old na siya. imagine!) dala-dala niya yung brief niya at wala na yung twalya! As in .. nakahubad siya. At sa peripheral vision ko .. nakita ko kung gaano siya kalapit sakin .. at ... nakaharap at nakatingin siya sakin. Ayun dinala siya ng mama niya sa kwarto. haha. Ayos e no. Wala lang. Hindi naman ako natatawa .. o kung nakita ko man di na ko mabibigla ..di na bago .. hahaha. Pero ayun yung kapatid ko todo react parang ewan lang. Tapos nun, pumunta na kami kina Lola. Manghihiram sana ako ng libro sa Trigonometry kaso wala daw. So Psychology Book na lang. Tapos may pinahiram siya sakin .. libro siya na ang ganda .. naintindihan ko bigla kung bakit ganun si MP at alam ko na ang gagawin sa kanya. haha. Share ko next time yung natutunan ko sa book. So ayun nag-stay kami 'til 3pm.. ayaw pa nga umuwi ni bunso e .. pagdating sa bahay, natulog kami. Pagkagising ko gabi na .. so di na ko nakapaglinis ng mga bote (wala akong kita today. :( ) Ayun. Tapos nagkwentuhan kami ni Lola (pumunta siya sa bahay) tapos pag-alis niya naligo na ko. Umattend kami ng kapatid ko sa gawain. Ok naman. Paminsan-minsan bigla kong naaalala si ano ...nakakalimutan kong nasa gawain nga pala ako... pero nakinig ako a. Dami ko ngang natutunan e. Relate na relate kahit papano. hahaha. So ayun. dinner tapos umuwi na kami ni Papa dito sa LPC. Iwan sina mama at kapatid ko sa Cavite. Haizt. Naiwan ko yung cell phone ng kapatid ko ,,. andun pa naman yung picture. Asar. Babalikan ko pa tuloy. Sayang pamasahe. Tsk. So yun ..

Ito lang nangyari sa buong araw ko ... ok naman .. masaya naman ako. Wala naman akong inintay ngayong araw. (oi, ano yun? hahaha) Ang ibig kong sabihin ..wala naman akong inasahang mangyari ngayon kaya di ako masyadong na-disappoint. That's all folks.








[miss ko na talaga siya. ahai ... T.T]

23 January 2011

laslas

Parang gusto ko maglaslas last, last week pa. Kaso hanggang ngayon di ko ginagawa. Bakit?
Kasi .. naaalala ko yung sinabi ni MP na kaya daw hindi natuloy na putulin niya yung communication namin noon dahil nga sa mga laslas ko sa braso ...
So naisip ko nung time na yun .. napipilitan lang siyang makipag-communicate sakin dahil feeling niya responsible siya sa ginawa ko.
Kaya ayoko ng maglaslas kahit gustong gusto ko na kasi .. pag nakita niya yun ... ganun nanaman .. ang what's worst ,.. baka isipin niya lalo na nakapadesperate ko na talaga .. baka isipin niya na kaya nanaman ako naglaslas para magpapansin sa kanya.
I remember nung tinatastas ko yung binurda kong pangalan niya sa panyo nitong kelan lang. Tinanong niya ko kung ano ginagawa ko. Sabi ko, "nagtatastas". Tapos nagbiro siya .. sabi niya "naglalaslas". Sabi ko naman, "tapos na". Sabi niya .. "alam ko di mo na gagawin yun."
So .. I have to stick with it.
Naisip ko nga .. sa legs na lang kaya or sa tiyan .. sa mga tagong part ako maglaslas. Pero wala. Wala na rin akong gana. Bagamat minsan pag sobrang stressed na talaga ko parang kailangan ko na talagang maglaslas.
Kaya malaki din ang naging impluwensya niya sakin kahit papano. Dahil sa kanya naiwasan ko ang isang di magandang bisyo .. ang paglalaslas.

early morning tears

Kaninang madaling araw ... nagising ako sa ingay ng alarm ng cell phone ko. Exactly 4:00 am ... same position as in nung huling nakamulat ang mata ko (nakadapa sa gilid ng kama tapos yung kamay ko naka-touch sa floor.) Yung cell phone ko naiwan ko pala sa lapag. (sa pagkakaalala ko nung gabi .. nahulog yung cellphone ko tapos kukunin ko sana kaso nakatulog na ko) So ayun nga. Pinatay ko ang alarm (buti inalarm ko .. sinabi ko pa naman kay Papa na ibababa ko ang phone.) Bumaba ako at ginising ko si Papa. Pag akyat ko higa ulit ako sa kama .. then I cried. I really, really cried. As in. May luha siya infairness ... I mean .. di ako nagdadrama lang basta-basta. Wanna know the reason why? Edi siya. Ano pa nga ba.
Naaalala ko, before ako nakatulog .. I texted him .. sabi ko .. "bro ... sori na .. . bati na tau .. ." then yun na nga .. nahulog na phone ko tapos nakatulog na ko. Then paggising ko .. NO REPLY kahit na blank message man lang! Worst!
Grabe talaga. Di ko na alam ang gagawin ko nung time na yun. So umiyak na lang ako. Di naman sa umaasa ako na makakatext ko siya or tatawag siya ... pero kasi .. yung di man lang niya pag-respond ... ibig sabihin we're not ok. And I hate it. I really hate it.
Ayun lang. Nakatulog ako sa kakaiyak. Haizt.

Lose - Gain

Kagabi ko pa ito iniisip. Actually nung Thursday pa .. tapos inisip ko rin nung Friday .. tapos mas inisip ko pa kahapon (Saturday) ... pero ngayong araw di ko na masyadong naisip .. ngayon na lang ulit.
So start tayo nung Thursday.
Magkausap kami over the phone Thursday night. Ok naman ang conversation .. at isa yun sa mga pinakamasaya kong gabi na kausap ko siya. Wala lang. Pero that night .. parang may something na nagsasabi sakin na, "wag mo munang ibababa ang phone .. habang gusto ka pa niya kausap go .. baka bukas biglang magbago ang lahat..." pero kahit na parang ang powerful nung voice na nagsabi nito .. pinili ko pa ring ibaba ang phone dahil naaawa na ko sa kanya .. antok na antok na talaga siya.
Friday.
Nag-umpisa na. Umaga. Medyo may tampuhan. Then that time, and that day ... marami ng nagsasabi sakin na magkaayos na daw sana kami ni Tralala. Di ko naman masyadong pinapansin kasi napakababaw ng issue tungkol samin ... dala lang ng kaartehan niya. So yun. Tapos nagpunta kami (Sapak, Tralala and I) nun sa Bamboo Organ. Tapos habang nakatayo kami in front of the church .. bigla kong naisip na .. what if magkabati na kami ni Tralala? Feeling ko may di magandang mangyayari. Basta parang nafi-feel ko na may lose-gain na magaganap. Pero di ko pa rin pinansin until nung gabi. Nung huling gabi na nagparamdam si MP sa akin. Nung gabing nag-iiiyak ako sa kwarto ,... parang tanga lang.
Saturday.
Ok na kami ni Tralala. And guess what ... di kami ok ni MP. Just like before. May lose-gain ngang naganap. I gained Tralala, Sapak, and even 'agent jack' and 'agent espie' (kasi diba antagal ko ring nawalan ng connection sa kanila and lagi ko silang di sinisipot) ... then .. I've lost MP. Once again. Grabe. I told Tralala last night na "alam mo ba, di rin naman ako ganun kasaya na ok na tayo ... naalala mo ba yung sinulat ko dati na nabasa mo? sabi ko dun ok ng mawala silang lahat wag lang ang isang tao .." Then she replied, "yeah i know ... ok lang yun ...o cge di wag na muna tayong magbati para ok kayo ... " Pero naisip ko, di kami pwedeng magkunwari na di kami ok kasi ok na kami ...as if naman pagbibigyan kami ng pagkakataon diba .. pero ang nakakatawa dun ... bakit kaya ganon?? pag ok na ko sa isa biglang nawawala yung isa .. can't i have them both?
Sunday.
Ngayon ko lang talaga naalala aya nga ito pinopost ko diba. Grabe. Wala lang. Nakakalungkot lang isipin. Hindi talaga lahat binibigay ni Lord. But if I'll be given a chance to choose ... siguro ..I'd choose .. him of course. Sige na ako na tanga .. ako na desperada .. but you know what .. with all my friends now .. siya lang ang nagbigay sakin ng time niya .. as in di birong time a .. and effort .. and kindness .. and everything .. and talagang tinuring niya akong kaibigan . Even his ears .. hindi ganun kadaling makinig sakin ... kasi wala akong kwentang kausap .. but then after all those things ... he remained ... hindi nga lang ngayon .. because of that one stupid mistake of mine.
I hope and I pray na maging ok na ang lahat tomorrow. haizt.

call waiting ...

wala .. naalala ko lang bigla. nung nakaraang linggo .. nabanggit nya na dati daw nung madalas pa siyang tumawag sakin .. nagtatanong daw ang asawa niya kung bakit sa tuwing tatawag siya e busy ang linya. hindi ko na tinanong kung ano ang sinagot niya ... ang sabi ko lang bigla .. "dapat kasi mag-call waiting ka."

ayun .. tulad ng inaasahan di niya alam yun. kaya yun sabi ko i-activate niya. ginawa niya naman .. tapos nung kinabukasan nung araw na yon .. sabi niya effective daw. tapos nung mga sumunod na araw pa .. madalas na kong naho-hold .. alam kong may kausap siya sa kabilang linya.

wala lang.. nai-share ko lang. naalala ko lang bigla. call waiting .. ang galing.

Lunes nanaman mamaya ... dapat masaya ako a ... :(

Tulad ng sinabi ko sa title ... Lunes nanaman mamaya ... dapat masaya ako. Kaso hindi e. Natatakot ako mag-Lunes. Hindi dahil si Mam RB e makikita ko nanaman ... (bagamat rason din yun pero secondary na lang.) hindi rin dahil Math nanaman ang subject namin ... hindi dahil 6pm ang dismissal ... kundi dahil ... Lunes na ... at alam ko ... at ramdam na ramdam ko .... di siya magpaparamdam.
Nakasanayan ko nanaman kasi na tuwing umaga maggi-greet siya ng good morning. Hindi naman sa inaantay ko yun pero kasi parang naging usual na yun. Tapos magkakatext kami .. o minsan pa tatawag siya. Pero bukas .... bukas ... :(
Isa pang kinakatakot ko e ... Lunes na ... mabilis nanaman ang araw .. tapos Martes nanaman. Martes. Terror day. Malaki ang tsansang magkita kami. Anong gagawin ko??? Gusto ko siyang kausapin .. pero paano kung di niya ko pansinin??
Dapat maging maayos na kami bago pa man mag-Tuesday.
Please naman Lord, please...
Diba sabi ko ayoko ng kaaway this year ... haizt. Lalo na siya .. ayoko siyang makaaway. Ayokong mawalan ng kaibigan.
God, please ... pakibulong naman sa kanya na maging ok na sana kami bukas ... please....

22 January 2011

Desperada de Soltera

Desperada de soltera. Yan yung term na ginamit ni Sguru kay DdS dati. Tumatak yan sa isip ko. Ang kulit kasi e. Desperada ... Desperate. Soltera ... Maiden. Kunwari invisible na lang ang de.
So ito yung post na sinasabi ko sa nauna kong post...
Title pa lang alam ng ito ay tungkol sa isang babaeng desperada ... at ... sabi nila .. ako daw yun.
Sa dami ng na-experience ko tungkol sa love-love na yan ... lalaki .. babae na rin ... ni minsan di ko narinig o nalaman na sinabihan ako ng 'desperada' ng mga naging kaibigan ko. Siguro meron din di ko lang narinig. Pero wala din talaga kasi di naman ako ganun at di ko naman nakikita sa sarili kong nakaganun ako. Kaya nagulat ako kasi bago sa pandinig ko yun ... ngayon kasi .. congrats sakin .. natawag na kong DESPERADA.
Bakit?
Hindi ko na gustong i-detalye pa. Pero magkukwento ako ng konti. Noong kelan lang ... mga last, last week... magkatext kami ni Tralala at sinabi ko na, "Alam ko iniisip niyo napakadesperada ko..." sabi niya, "Buti alam mo."
Bago yan, bakit ko naisip? Simple lang. Narinig ko sa kanilang dalawa ni Sapak nung minsang pinagbubulungan nila ko sa classroom (actually di yun bulong kasi narinig ko .. pero para sa kanilan bulungan yun).
Nangyari ito noong .. a ... Lunes yun alam ko e. Oo Lunes nga. Si MP, ininvite ako na umattend sa gawain kung san siya magto-talk na tamang tama malapit sa amin. So syempre go naman ako .. kasi first time ko nun makaka-experience ng gawain sa ibang lugar at dito sa Las Piñas kasi laging sa Cavite lang ako. Tsaka nga diba ... di ko ugali yung tumatanggi sa imbitasyon depende na lang kung di ko talaga trip.
So Lunes na. Anong date ba yun??? Hmmm .. Jan. 3??? Tama ba ...basta .. tama nga ata. Oo tama. First day of class after ng Christmas vacation. So ayun nasa plano na nga na after dismissal pupunta ko dun sa simbahan.
Hindi ko naman pinagsabi yun kahit kanino. Wala as in wala akong sinabihan. Pero astig talaga yung si Sapak at Tralala ... ang galing nilang manghula.
Dismissal. Nagpasama sila sa computer shop .. SANDALI LANG DAW...ang alam ko nun ika-copy lang ni Sapak yung term paper na gawa ni Tralala. So ayun. Bale apat kami... si Sapak, Tralala, ako at si ATBAB. Isang computer lang ni-rent nila ... tipid-tipid din ... naunang gumamit si ATBAB. Medyo nagtagal siya ... sabi niya sandali lang ... haiz. Eh nung mga time na yun nagtetext si MP ... di pa daw start ang Mass pero meron .. e gusto ko sanang makaabot sa Mass .. at abot na abot naman talaga ko kung umalis na ko nun ... pero ... di ako makaalis .. kasi ...
Ayun. After ni ATBAB mga 20-30 mins siguro .. nagpaalam na siya. Nauna na siyang umalis samin. Di naman ako inis sa kanya. Ayos lang. Di pa ko umalis kasi nagpapatulong sakin sina Sapak at Tralala. Una sa pagkakabit at pagbubukas ng Flash Disk ni Tralala na kung saan-saan ko na sinaksak wala pa rin. Tapos nung nabuksan na namin yung term paper niya .. akala ko ika-copy na lang .. alangya pinapa-edit pa nila sakin! Andaming typographical errors! Sabi ko, may computer naman siya bat di niya na lang i-edit sa kanila. Sabi niya wala daw silang ink ... at gusto na niyang ipa-print habang andun kami. Eh ayun dahil mabilis daw ako .. ako na lang. E jusmiyo ... 10 pages tapos sobrang dami pa .. as in di bababa sa 10 typographical errors ang meron kada page. Grabe.
Nung una ayoko .. sabi ko mauna na ko sa kanila. Tapos sabi ba naman ... "sus.. magkikita lang kasi kayo ni ano kaya ka nagmamadali .." so no choice. Kailangan kong ipakita sa kanila na di si MP ang dahilan ng pagmamadali ko. Actually sinabi ko pala na aattend ako ng gawain sa amin dito nga sa Las Piñas ,.. tapos sabi nila .. at pinagpipilitan nila .. na kaya ako aattend kasi si MP ang Preacher. Grabe mga manghuhula.
So yun habang ginagawa ko na .. nauubusan na ko ng pasensya at nauubusan na rin ako ng oras. Narinig ko silang nagbubulungan sa likod ko (bulong nila parang natural na usap ... rinig na rinig ko grabe.) Sa usapan nila, narinig ko na ang desperada ko daw masyado dahil nga pupuntahan ko pa si MP. Di na lang ako nagrereact.
After an hour nakapag-out na kami. 7:30 pm na nun. Nagpapasama pa si Sapak sa SM para bumili ng papel niya. Ayoko na sana kaso sabi niya, "sige na mauna ka na, wag na tayong pumunta ng SM ... hinihintay ka na ng date mo .." tapos magtitinginan sila ni Tralala at tatawa. So ako naman ... sabi ko, "date ka jan .. tara na samahan ka na namin ... di naman ako nagmamadali ..."
So ayun. Nagtext ako kay MP na papunta na ko nun mga 7:30 ... pero ang totoo 8:30 na kami nakaalis sa SM. Grabe talaga.
Tapos di pa natapos dun. Bibili sana ako ng cake tulad ng sinabi ko kay MP na bibigyan ko siya ng cake bilang gift ko sa kanya ng Christmas. Aba, nung nag-iisip na kong bumili ng cake .. sabi ng dalawa ... para san daw ang cake at parang ang special naman ng pagbibigyan ko .. tapos tinginan ulit tapos tawanan sila ... as in yung may meaning na hagikhikan nila. Sabi ko, "hindi wala tiningnan ko lang .." so no choice, sa brownies ako nauwi. Ayos lang nakatipid ako ... pero kasi wala nasira yung plano.
So yun ... mga quarter to 9 na ko dumating sa simbahan. Tamang-tama ... halos wala na rin akong naabutan. Meron pa naman pero last parts na .. yung part na as in mahihiya ka ng pumasok dahil patapos na nga. Ayun.
Kinabukasan, ayun .. magka-usap kami sa room ni Tralala .. at yun nga .. desperada nga daw ako. Dapat daw si MP ang pumunta sakin di daw ako .. pero sabi niya alam niya kung bakit ako desperada kasi nga daw ... may asawa si MP. Grabe.
So hindi man halata pero na-hurt ako dun. Natawa na lang ako pero ang totoo di ko talaga nagustuhan yun. Napaisip ako. Desperada ba talaga? Kasi naman ... di naman si MP ang pinunta ko dun kundi yung gawain nga ... pero syempre may butas pa rin .. kung gawain lang talaga bakit pinilit ko pa ring humabol kahit alam kong wala na halos akong aabutan .. dun na papasok si MP ... kasi nangako na ko na pupunta ako. At kahit ano pa man ang abutan ko.. dapat pumunta ako dahil yun ang sinabi ko.
Pero wala naman yung kinalaman sa kung anuman ... ang ibig kong sabihin .. walang ibang ibig sabihin ang ginawa kong yon ... pero ako lang pala ang nag-iisip ng ganun ,. kasi sa mata ng iba napakadesperada ng move ko. Haiz.
Yun nanaman ang issue kanina.
Environmental Science. Dumadaldal kami ni Sapak. Sabi niya nanaman desperada daw ako. Tanong ko naman, bakit niya nanaman nasabi yun. Wala naman siyang diretsong sagot .. ang sabi niya lang ... di daw siya tutulad sakin (kasi ang pinag uusapan namin nun kung sino yung crush niya sa room ... at nung si Tom na ang nasama sa usapan nasabi nga niyang di siya tutulad sakin.) So panong di tutulad?? Sabi niya .. di daw siya tutulad sakin na yun nga .. sa may asawa pa at matanda na .. desperada daw kasi ako. Grabe. Grabe. Grabe.
At hanggang sa pagpunta namin sa Bamboo Organ yun ang pinagdidiinan niya sakin .. pinapaalis na niya ko ... sabi niya nagmamadali daw ako kasi pupuntahan ko pa si MP. Ewan ko ba dun. Lagi na lang. Tulad nung Wednesday maaga kasi akong umuwi. Tapos tinatanong niya ko kung san ba ko pumunta nun at nagmamadali ako. Sabi ko may hinahanap ako .. pero pinagpipilitan niyang may kakikitain ako .. pero di naman niya sinasabi kung sino ... pero sino pa nga bang iisipin nun diba .. matik na yun. Tapos nung Thursday din .. kasi sa Sucat ako dumaan pumunta pa kasi ako ng Alabang. Iba din tingin niya nun. Haiz. Feeling nila lagi makikipagkita ako kay MP kahit di naman. Kaya nga ganun na lang ako umiwas kay MP kahit di naman dapat e.
Desperada ba talaga?? Parang di ko kayang tanggapin yung term. Ampanget. Grabe talaga ang mga tao .... kakaiba ang takbo ng isip. Di makontrol ...iisipin nila ang gusto nilang isipin kahit wala na sa lugar ... magsususpetsa sila sa lahat ng kilos mo ... lagi ka na lang sinungaling .. ang iniisip lang nila ang tama.
Desperada ba talaga?? As in?? Ganun ba talaga yun?? Anong dapat kong gawin?? Dapat ko na rin bang iwasan si MP tulad ng pag-iwas na ginawa ni Iwasya kay Sguru???
NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

basag ang pride ko nanaman grabe talaga.

Bakit kaya ko ganito?? parang di ak nauubusan ng kaaway kada linggo. Ginagawa ko na naman ang lahat ng makakaya ko para maiwasan ... kahit magkabasag-basag na ang pride ko ok lang ... kahit mukha na kong tanga kaka-sorry kahit di naman kailangan ... kahit ang korni korni ko na ... wag lang magkaroon ng di magandang relasyon sa aking mga tinuturing na kaibigan. Pero at the end of the day, same old phrase ang naririnig ko ..

"ANSAMA MO ..."
Ganun na ba talaga ko kalala? As in wala ng lunas??
Noong Tuesday, nabasa ko sa papel ni Tralala na one week na kaming war. Oo nga. Di ko namalayan. Saktong one week nung Tuesday. Ni di ko naramdaman kasi di ko naman dinamdam yung nangyari at isa pa hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit nga ba kami hindi nag-uusap.
Kanina sabi naman nina Sapak at Plastic Earth na sabi naman daw ni Tralala di siya galit sakin .. ang alam daw niya ako ang galit sa kanya. Parang gusto kong mainis kasi bakit ganun .. binabaliktad niya. Kaya naman pala ganun na lang kung makatingin sakin si Nabera ... kasi ang labas pala ako nanaman ang galit ... ako ang nag-iinarte. Pero di naman talaga. Pero di ko naman gustong mabadtrip kaya di na lang ako naiinis .. natatawa na lang ako. Natatawa na lang akong makita si Tralala na kung ituring ako ay parang isang untouchable ... e kung tutuusin mukha pa lang niya untouchable na untouchable na datingan.
Paano ko nasabing parang untouchable kung ituring niya ko??
Kasi naman .. katulad nung mga nagdaang araw ... parang lagi niyang kailangan mag-maintain ng 1 meter distance mula sakin ,.. yung tipong anlapit lang ng pupuntahan niya pero dahil andun ako ... hindi na siya lalapit or kung kailangang kailangan na niya talaga .. as in iikot pa siya ng pagkalayo-layo wag lang mapalapit sakin. Tapos may insidente pa na tipong .. nakaupo ako. Yung upuan niya katabi ko. E uupo siya dun. Ayun hahatakin niya yun palayo bago umupo. Grabe. Parang meron akong sobrang nakakahawang sakit kung pandirian niya. Tapos tulad kanina ... todo react siya ... yun pala ... nakaupo kasi ako sa upuan niya at ang bag niya at bag ko ay magkatabi sa isang upuan. Grabe talaga. Tapos kanina din ... edi kinuha ko yung ID niya ... kasi nga ako na gumagawa ng paraan para maging ok na kami ... so kaya ko kinuha ID niya para siya kumuha sakin mismo hindi yung inuutos niya kay Sapak tapos para yun nga ok na kami. Ayun edi binibigay ko na. Ayaw akong lapitan. Nag-iinarte. Ewan ko ba pero di ko na makuhang magalit sa kanya. Naaawa na lang ako ,... nababaliw na kasi talaga siya .. tingin ko. Tapos ayun .. nung pauwi na... pasakay na ko ng jeep ... inabot ko na ang ID niya .. ayoko naman kasing iuwi pa yun no ... grabe halos ayaw hawakan yung ID kasi ayaw niyang madikit yung dulo ng mga daliri ko sa kanya. Grabe talaga.
Diba ... para kong may ketong ... mas malala pa nga ata e ... di ko maintindihan kung pinandidirian niya ko o ano ... kasi sabi naman ng mga nakakausap ko (kusa silang nag-oopen kahit di naman ako nagtatanong ... gusto ko nga sanang sabihin na hindi naman ako interesado pero mukhang interesado silang malaman ko ang sinasabi sa kanila ni Tralala.) Ayun nga ... sabi ng mga nakakausap ko katulad ni Plastic Earth kanina ... sabi nga daw ni Tralala AKO ANG GALIT AT HINDI SIYA. Ewan. Ako pa ngayon. Ako pa talaga. Ako nanaman ang lumalabas na echosera.
Dahil napag-uusapan si Tralala, malamang kakabit niyan si Sapak. Isa pa yun. Di ko din maintindihan ang utak nung ano na yun. Ok naman kami .. d ko naman siya inaaway .. di rin naman niya ko inaaway. Pero maya-maya biglang badtrip na siya. Katulad kanina. Nasa Bamboo Organ kami. Grabe good mood pa naman ako kanina a ... tapos siya ...grabe. Di ko ma-explain ang ugali. Gusto kong ikwento dito pero kasi para yun sa isa pang isuue sa ibang post. So ayun ,... dahil ayoko na lang na may masabi pa ko na makakalala ng sitwasyon .. umalis na lang ako kanina at napilitang umuwi kahit na hindi pa dapat.
Sabi ko nga kanina .. sana pala di na lang ako sumama sa kanilang dalawa. Di na ko natuto. Nasira nanaman ang araw ko for the nth time around. Laging ganun pero lagi pa rin akong umaasa na magiging maayos ang lahat. At .. lagi din akong bigo. Grabe. Pag nasira pa naman araw ko .. wala na .. kabit-kabit na yun ... kaya yung mga trip ko sanang gawin wala na .. kaya ayun panibagong problema nanaman.
So yun nga. Plano ko kasi talaga ngayong araw e umattend ng gawain kung saan si MP ang magpipreach. Kasi nag-invite siya na pumunta ako ... isa pa yun nga yung trip ko ngayon .. ang umattend at magpunta sa iba't ibang simbahan. Pero di ko ito nagawa ngayong araw (hala kahapon pala ... Jan. 22 na ...). Kung kelan naman nagpaalam ako ng maayos kay Mama. Kaya gulat si Papa nung tumawag ako at sinabi kong nakauwi na ko .. mga 6:30pm siguro yun. Alam ko di valid reason ang sabihin kong nabadtrip ako kaya di ako nakapunta. Di naman din kasi yun yung rason ko. Gusto ko mang ikwento dito yung rason ... wag na lang .. sa susunod na post ko na lang kasi isa pa siyang panibagong topic. So ayun. Di nga ako nakapunta. Ayoko talagang di makapunta kasi una, yun ang gusto kong gawin (ang umattend). Pangalawa, si MP alam ko magtatampo yun sa di ko pagpunta .. parang nun kay Crush .. e matampuhin din kasi yung matandang yun. Pero kahit alam kong magiging ganun nga di pa rin ako pumunta ... tinulog ko na lang ... kaya nga eto mulat ako ngayon e kasi nakatulog na ko saglit kanina.
So yun nga. Nagtampo siya. Hindi ko alam kung tama. Hindi ko naman kasi siya nakausap o nakatext ngayong gabi. Diba natulog nga ko. Nagising ako sa text niya mga bandang 10 pasado na ... sabi nya "Daya mo". Ang interpretasyon ko dun, ang daya ko kasi di ako pumunta sa gawain nga. Pero nagtanong pa rin ako ng, "bkt?". Di siya nagreply. Ako ayun pinipilit ang sarili kong wag mawindang. Mga after 30 mins nagtext ulit siya ... paidlip na sana ako nun .. sabi niya, "wag ka ng magtext". Grabe nagising talaga ko. Wag daw magtext. Pwedeng ibig sabihin nun, "wag ka ng magtext, andito na ko sa bahay" o "wag ka ng magtext, kasama ko o kausap ko asawa ko" pero ang naisip ko, "wag ka na magtext ... ever! I hate you! rawr!".
So di nga ko nagtext. Mga 1 hour siguro o mga 45 mins lang. pinipilit kong matulog ulit at wag na lang dibdibin ang mga sinabi niya... pero wala e .. gising na gising na talaga ako at wala akong ibang naiisip kundi yun. Naisip ko nga tawagan ko kaya kasi sabi niya lang naman 'wag magtext' hindi 'wag tumawag'. Kaso naduwag ako kasi baka di nya sagutin o kaya naman baka sigawan lang ako sa phone o kaya sabihin ang echosera ko masyado. So nagtext na lang ako. Sabi ko muna.. "bro .. . " tapos "ui, sori na .. .". Grabe. Habang naaalala ko ngayon to naaawa ako sa sarili ko ... ganito na talaga ko ngayon .. grabe talaga. Ang korni ko na. Tapos ako pa nagpapakagaga. Grabe talaga. Ngayon ko lang ginawa to.
Tapos di na sya nagtext. Di sya nagreply. Wala.
Naalala ko tuloy kaninang umaga .. medyo may away din kami kanina. Kasi tinanong ko siya kung lasing ba siya kagabi. Sabi niya hindi naman siya tomador at lasinggero at galing siya sa gawain .. kesyo wala naman daw okasyon ... at antok lang daw talaga siya kagabi. Tapos tinatanong niya ko kung bakit ko nasabi o natanong. Sabi ko, wala lang kasi kakaiba lang sya kagabi. E ayun .. diba nga di siya nakukuntento sa sagot na 'wala lang' .. yung mga ganun ... kaya sabi niya after ng pagpipilit sakin.. "bahala ka na nga". Tapos reply ko ... "bahala talaga ko".
Pero san ka, nagtext ako ...grabe talaga. Sabi ko bati na kami ... sorry na... ganyan ganyan. Sabi niya bati naman daw niya ko lagi kahit ginaganyan ko siya. Hindi ko alam kung ano yung 'ginaganyan' pero halata naman na negative. Tapos ayun. Sabi ko ''sobrang sama ko na ba talaga sayo?? sorry na.." tapos reply niya, "Iba ka talaga". So ano pa nga ba ang ibig sabihin nito?? malamang ....
"IBA KA TALAGA KASI ANG SAMA-SAMA NG UGALI MO."
Yeah right.
Ano ba talagang problema ko?? Bakit ba ganito? Sa kanilang tatlo wala na kong pakialam kina Sapak at Tralala kasi din naman ako tinuring na kaibigan nun .. at si MP .. siya lang ang kaibigan ko ngayon ... pero kahit na ganun pare-pareho ko silang ayokong maging kagalit ko. Ayoko talaga. Ayoko na nga ng kaaway. Pero bakit ganun?? Lagi na lang. Lagi na lang talaga. Kaya di na ko magtataka kung bakit ganun na lang ang tingin sakin ni Nabera e ... yung tingin na tipong nagsasabi na ako na talaga ang pinakamasamang tao sa mundo .. at pati yung favorite line ni Sapak na ... "ansama mo talaga. masama ka. wala kang kasing sama."
Ako naman e di na masyadong apektado nun kasi tinanggap ko na yun na ganun nga ako .. pero bat ganon?? Pinipilit ko namang magbago .... binababa ko na ang pride ko ... iniiwasan ko na nga lagi na sumagot kahit gusto ko e ... nananahimik na lang ako para wala na lang gulo at di na lumala pa ang sitwasyon. Pero wala, ganun pa rin.
Ako talaga .. alam ko ... ang may problema dito. Kasi .. lahat na lang kaaway ko. Tapos ... dahil lahat kaaway ko wala na akong kaibigang natitira ,.. kasi lahat sila magkakakampi. Syempre san ba papanig ang mga tao kundi dun sa naagrabyado.
Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya. Parang ayokong umattend pero syempre ang pinunta ko naman dun si God. Kaso ayokong makita si MP. Buti na lang di na talaga ko pumayag sumama sa lakad nila Sapak at Tralala mamaya .... yun na ata ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko. haiz.
Ano ba ... Ano ba ... bakit ba ko ganito ... ?? !!!
Self-pity? Hindi no.
Pero ito talaga .. di ko alam kung matatawa ako o maiinis. So yun nga di na nga nagtext o nagreply si MP. Mga siguro past 12 na rin ...biglang nagtext si gago. Sabi niya andun na siya sa kanila. Bigla ko tuloy naisip, "so?". Hai. Di ko malaman tuloy kung galit ba talaga o sadyang o.a. lang talaga ako.

21 January 2011

nakakalungkot naman. nakaka disappoint.

Sa lahat ng taong akala ko hindi mag-iisip ng ganun ... isa rin pala siya.

Si Fr. Dedmaks. Akala ko sa lahat ng tao siya ang makakaintindi. Akala ko di niya iisipin ang ganung bagay kahit kailan. Pero hindi. Hindi pala. At ang nakakatawa don, sa hindi kaduda-dudang pangyayari pa siya naghinala.

Hindi ko pinansin masyado noong Christmas party ... nung magpapapicture kaming dalawa ... yung sinabi niya na napa-ismid na lang ako. Akala ko wala lang. Akala ko lang pala.

Ngayon lang kasi sinabi ni MP. Pero grabe nalungkot talaga ako. Alam mo yun. Bigla kong nanghina. Parang wala na ... guho na lahat ... kasi yung taong inaasahan kong makakaintindi wala rin pala ... at yun ... feeling ko na tuloy lahat na ng tao ganun ang iniisip.

Alam kong kaartehan tong mga sinasabi ko ... pero kasi ... hay. Hindi ko mapigilang mag-react. Naiinis ako ... naiinis na talaga ako.

Tungkol dun sa kinwento ni MP kani-kanina lang ... a ... matagal na yun ... last year pa. Tungkol sa sulat na pinaabot ko sa kanya. Ang sulat na yun .. ang laman non ay pasasalamat dahil binalik niya ang aking mga libro ... at kalakip non ay tanong kung bakit yung isang libro ay di kasama. Sa dulo ng sulat nakalagay dun na ok lang kahit di pa niya ibalik yung libro .. tapusin niya. Yun lang. Tapos siguro Monday ko yun binigay kay Fr. Dedmaks e .... Wednesday ... binigay niya sakin yung mismong papel na may reply ni MP. Naaalala ko pa nung araw na yun ... pauwi na ko kasama sina Sister, Mahal ni Peter Pan at Prinsesa. War kami ni MP pa non. Yun yung time na di na siya nagtetext .. kesyo di niya daw alam ang number ko. Tapos habang naglalakad kami nun sa may tulay nasa likod pala namin sila MP at Fr. Dedmaks. Tapos yun binigay na nga niya sakin yung reply. Sabi niya, "bat naman kasi may ganito pa para namang di kayo nagkikita dito." Wala namang nag-react sa amin.

So yun. Yun pala yun. Grabe. Pahamak yung sulat na yun. Naiinis talaga ko. Sana pala di ko na lang ginawa yun. Sana di na ko nagpasalamat. Grabe.

Sabi ni MP, sabi daw ni Fr. Dedmaks ano daw bang meron ... parang 'i smell something fishy..' parang ganun tapos nung nireplyan niya parang 'labas na ko dito' parang ganun. Hay ewan. Nakakainis talaga.

Ang gulo ko magkwento ano??? Ganito ko mainis e. Isa pa wala ako sa mood talagang isalaysay siya ng maayos. Naiinis kasi akong isipin. Grabe.

Bat ganun? Di ba talaga normal ang pagkakaibigan namin??? Tingin mo kailangan ko ng umiwas?? Ayoko namang tumulad kina Naghahabol at Iwasya. Ayoko ng ganun. Promise.

19 January 2011

SORE EYES ... ano nga ba'ng lunas nito???

Nag-umpisa lang naman to sa tanong niya (ni MP) na ... "What causes sore eyes ba?".

Sagot ko naman ...

"-Allergies
-Irritants"

Tapos ... as expected ... ang tanong niya ... "Anong cure?"

Sabi ko naman ... "breast milk. dapat direct from the breast. hahaha."

Aba ang baliw pinatulan ... nagtanong na kung paano at saan siya makakakuha. Syempre sabi ko malamang sa inang may gatas. humagilap siya at sabihin niya na kailangan lang talaga. Tapos nun nag text ako ulit ng panibago .. yung seryoso. Sabi ko ointment ang gamot dun pero minsan kapag di naman masyadong malala nakakatulong na rin ang mga eye drops. Pero san ka pa ... ang tinutukan niya e yung breast milk.

nagtext ako sabi ko, "at talagang gustong gusto mo ang breastmilk a ..."

tapos sabi niya, "syempre libre yun e."

tapos reply ko naman ... "libre na, enjoy pa no ..."

tapos yun.

text niya .,... "tulungan mo ko ..."

So reply ko naman ... "di kita matutulungan kasi una, wala akong gatas. isa pa, nakakahiyang humingi ng pabor sa mga inang may gatas."

Tapos reply niya .. "meron ka. sa labi. ano ang kasabihan? may gatas pa sa labi. pwede kaya replacement?"

Syempre ... tamang pandidiri naman ako. yuck. isipin mo na lang .. labi .. so ikikiss ko ang sore eyes niya?! eeewwwwwwwwwwwwww!!!!

tapos sabi ko sa kanya di yun totoo ... bumili na lang siya ng eye drops para sure. Aba, ayaw talagang tantanan ang usaping breast milk.

sabi niya, "ok lang kung totoo. bakit enjoy?"

Aba, ok lang daw kung totoo. gustong gusto naman! tapos tinatanong pa kung bakit enjoy??? slow ba talaga siya??? haizt!

so ayun sabi ko .. "ewan ko."

(hay nako feeling slow. as if naman di niya na gets kung bakit ko sinabing enjoy. kaasar.)

tapos sabi ko rin, "joke lang yun. sabi ng DOH di pwedeng cure ang breast milk"

aba defensive ... sabi niya, "mawawalan kasi sila ng kita."

then, nagtext ako ng panibago .. sabi ko ... "di naman kasi yung milk ang mahalaga dun."

malamang ang ewan curious. tanong siya kung ano mahalaga. sabi ko, "ewan ko."

tapos reply niya, "o tingnan mo ito ikaw nagsasabi di naman gatas ang mahalaga. eh ano nga?"

edi di na ko nagpaligoy-ligoy pa .. sinabi ko na ... "ung breast ang mahalaga. breast is good for the eyes. hahaha. joke lang. mag eye drops ka na lang. tapos."

ang eklat di pinansin ang eye drops! halatang halata na breast ang gusto. sabi niya, "good for the eyes lang ba?"

ayoko na sanang replyan pero sinabi ko na lang.. "sus ... marami pa pero usapang eyes tayo ngayon diba."

Ayun. So tapos na. Maya-maya tumawag siya. Binasa ko ang na-search kong remedy para sa sore eyes. Una, ung warm at cold compress. aba nagreklamo. mapapasma daw ang kanyang mata. tapos yung sa cucumber ... pang eyebags lang daw yun at isa pa wala daw siyang makukuhanan non. Medyo nainis ako. halatang halatang halatang halata talaga na trip niya yung breast ... at milk. kaasar.

Tapos nagtext siya sabi niya yung kumare niya daw nagbebreastfeed. Sabi ko, "sige punta ka sa kanya." tapos sabi niya, "papapatak lang naman e..." tapos dagdag pa niya.. "pano kung mahuli ni pare??" sabi ko.. "edi wag mong paalam. magtago kayo."

-----------------------------------------------------------------------------------------

tapos na ang usapang breast .... at milk. hai. ano nga bang gamot sa sore eyes?? nung huli akong nagka-sore eyes ointment ang gamit. mahal. pero effective. d ko pa nasusubukan tong breast milk at ayokong subukan.

hindi ito ang issue. ang issue dito ...yung reaksyon niya tungkol sa breast milk. grabe.

ok lang. siguro nga sinasakyan niya lang yung biro ko. pero naman ... tumigil na ko e ... eye drops na nga e... tapos sa huli may kumare pa siyang lalapitan. parang tanga lang. hainako talaga.

hindi ko alam kung totoo yung sa kumare niya (na feeling ko hindi totoo. at alam kong di nya gagawin. kung gagawin man niya ... good luck sa kanya.)

ayun lang. walang kwentang storya ng araw ko. gusto ko lang i-share ... haizt.

16 January 2011

ang hirap ng ganito ...

Pagkatapos kong maligo kani-kanina lang at kumain ng Pancit Canton (meryenda) e naisipan kong umayat at eto .. mag computer. Wala naman akong inaasahang text o tawag ngayong araw na ito dahil linggo ... walang gaanong nagpaparamdam .. at lalong di siya magpaparamdam ... pero ayun ... sinilip ko pa rin ang cellphone ko .. at laking gulat ko ng makakita ako ng 2 missed calls at 2 text messages. Ano pa nga ba .. edi galing sa kanya.

Ang huling missed call ay sa oras na 4:57 pm ... halos kasabay ng unang text message na ang sabi ay, "Kamusta?". Tapos yung 2nd text ay nagsasabing "d2 na ko sa bahay" at sa oras na 6:05 pm.

Nung nabasa ko yun ... di ko alam kung matatawa ba ko o malulungkot. Pero napangiti naman ako. Hmm...

Hindi ko alam .. pero wala naman kasi akong karapatang mahirapan sa set-up na ganito. Una sa lahat e wala naman kaming relasyon na dapat itago. Nakakatawang isipin na kung umarte kami e parang may dapat talaga kaming itago kahit na wala naman. Nakakalungkot namang isipin na kailangan pa naming gawin to para lang iwasan ang mga makikitid na pag iisip ng mga tao.

Wala lang .. at least alam kong naalala niya ko sa araw na to. Sayang at tulog ako nung tumawag siya ... pero ayos lang .. di naman ako ganun na nanghihinayang.


Iniisip ko nga kanina kung alam kaya ng asawa niya na may communication pa rin kami. What if one time magkita kami tapos kausapin niya ko tapos itanong, "tumatawag pa ba sayo ang asawa ko?".



Paano kaya kung isang araw mangyari na kailangan na niyang gumawa ng paraan para magkalayo kami dahil di na talaga pwedeng lagi kaming magkausap ... tulad ng ginawa niya dati sa kaibigan niya ... wala akong ibang maisip na gawin kundi ang tanungin siya (kung mangyari man yun na sana wag naman), "kailangan ba talaga? hindi ba talaga pwedeng ipagpatuloy na lang natin tutal wala naman tayong ginagawang masama?".


Ayoko. Ayokong mangyari to. Ayokong mawalan ng kaibigan dahil lang sa mga mabababaw na dahilan.

Ang mahalaga naman dito e wala kaming anumang ginagawang masama.