masyado akong natuwa ng mabasa ko ang post ko (ang pinaka masayang part noong first year high school). lahat kasi ng yun nag-flashback sa akin...at infairness,, sobrang kilig na kilig naman ang lola niyo!!
well, kung mapapansin niyo, may nakalagay sa huling mensahe na..."kung alam niya lang sana na siya ang dahilan chuva chuva...".
well, dito, ipaliliwanag ko ang bagay na yon.
natapos na ang first year. magsesecond year na ako (malamang). bakasyon noon pero ilang linggo na lang e pasukan na. nagpunta kami ng Papa ko sa MIPSS. papasok kami ng gate ng mapahinto ako sandali at sinabi kong, "Pa, ayoko na dito mag-aral, lilipat na ako". nagpatuloy kami sa paglalakad. habang naglalakad, tinatanong ako ni Papa kung san ko gustong mag-aral. napahinto uli ako nung nasa loob na kami (sa harap ng DLC Room). doon, binigyan ako ni Papa ng 3 choices, MIPSS, SNEA o Perps. wala akong gusto ni isa pero makaalis lang ng MIPSS gusto ng sabihin ng bibig ko na Perps. Desidido na talaga ako. ng magdesisyon ako, lumapit si Papa sa Principal para sabihing magtatransfer na ako at kukunin na namin ang mga kailangan namin. naiwan akong nakatayo sa kinatatayuan ko, mag-isa. ng maya-maya, napabaling ang tingin ko sa court namin, at doon nakita ko si ----!! nakatingin din siya sa akin, at san ka pa, nginitian niya ako ng bonggang bongga!!!!
parang natunaw ang kaluluwa ko sa ginawa niya!! tila ba nagkaroon ako bigla ng pakpak at lumutang sa alapaap ng mga sandaling yun. ng magbalik ako sa katinuan, sinundan ko ang Papa ko at sinabi kong, "Pa, nagbago isip ko, mag-enroll na tayo."
ayan ang buong kwento..
kung tatanungin niyo ako kung nagsisisi ba ako sa naging desisyon ko, oo, kasi di naman kami naging magkaklase nung 2nd year at mas naging miserable pa ang buhay ko sa paaralang iyon. pero wala akong masisisi kundi ang sarili ko lang...pero di rin..nabulag lang naman ako ng pagmamahal sa taong yun (kung sino man siya!!hahaha!!). ayan, sa susunod aa..wag padadala masyado sa panandaliang aliw at kaluwalhatian...magsisisi ka rin sa huli!!
pero gayunpaman, masaya pa din ako..dahil siya ang dahilan...siya lang...
ai..bago pala ako magtapos..(ending na ee me naalala pa ko!!amp!!)..trivia lang aa..para sa mga taong di nakakakilala at nakakakilala sa akin..yung nickname ko na 4 letter word (nickname ko nung highschool partikular na noong 3rd yr-4th yr.) ay sa kanya din nag umpisa. Minsan kasi, napatingin siya sa notebook ko (hilig niyang pakealaman ang gamit ko), tapos binasa niya full name ko. bigla niyang nabanggit ang isang kakilala niya na ang pangalan ay pinaiksing pangalan ko. sabi ko kilala ko yun. sabi niya, yun na ang itatawag niya sa akin. kaya sa totoo lang, siya talaga ang unang tumawag sa akin nun. at dahil sa crush ko nga siya ng bonggang bongga, yun na ang ginamit kong nickname hanggang matapos sa high school.
Ilan pang karagdagan, noong me 20 pesos siya at kailangan niya ng barya, nagpabarya siya sa akin. (todo hanap talaga ako ng barya makuha lang ang 20 niya!). sa kasamaang palad, kulang ang barya ko at puro 20 na rin pera ko. nalungkot siya kaya naman nagmadali akong hagilapin ang kaibigan ko at nagpabarya sa kanya..at yun nga, napasakamay ko ang 20 ng pinakamamahal ko. hanggang ngayon ay nasa akin pa iyon, nakalagay sa loob ng bote ng mineral water na ginamit niya noon na kinuha ko (basurera ako). kasama noon ang ilang bagay na tulad ng papel na may pirma niya at papel na nakalagay ang best in biology noong 2nd year at pareho kaming nandoon. mahalaga para sa akin ang 20 pesos na iyon dahil sa tuwing hinahawakan ko iyon, pinapaalala nito ang texture ng kanyang balat.
at minsan, may nakahalatang kaklase ko na may crush ako ke --- dahil siya lang ang lagi kong binibigyan ng 5 piso sa libo libong pulubing nanlimos sa akin.
yun lang. the end.~
No comments:
Post a Comment