De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

09 January 2010

kayo na bahalang mag-isip kung kaya ko bang gawin to o hindi..

My Christmas and New Year Experience

The hustle and bustle of the day can't stop me from shopping
At nighttime, the children's carols keep me remembering
Early in the morning I wake up wholeheartedly
Oh! Christmas is now coming!

The cold and sweet breeze of the yuletide season marks the start
Of the mountain of gifts and nourishments made
And the sparkling lights and the Christmas tree
With my whole family celebrating the savior's day

Then after His birth now follows an end
An adjournment welcomed in the happiest ways
Tables with round delectable foods
With no fireworks but with showering coins and ear-splitting music

The days of years have gone so fast
But I'll never forget how it made me this like
And now a new year comes
A new beginning, a new self, a new I



+++

Tula ito na ginawa ko kagabi sa jeep habang nakikipagkwentuhan kay Ate Shell sa may Alabang. Sinave ko lang yan sa drafts sa aking cell phone. Pagdating sa bahay, tinype ko ito at pinaprint naman sa school na para hindi malukot dahil sa haba ng aking biyahe.

Pagdating sa classroom, kaming mga pumasok sa klase ay binasa ito isa-isa sa harap. Proud na proud pa ko kasi nga di ako tumulad sa 'iba' na copy-paste lang ang mga tula.

Noong naglalakad pa kami mula sa computer shop na pinanggalingan namin, bali, apat kaming magkakasama nun..si Taray Queen, ako, si Cheater Tolerator pati si Ampon Pala, binati namin ang isa't isa dahil di nga kami nanduga. Tapos nung nakaupo na kami sa room, si Taray Queen binasa yung tula ko, for the 2nd time around once more, tinanong niya ako kung ako ang gumawa ng tula sa itaas (kung tanga ka basahin mo ulit...oi, di niya babasahin yan!di siya tanga!). Syempre sabi ko oo, e ako naman talaga e. Binasa ko din sabay isip kung ano bang problema sa ginawa kong tula.

Maya-maya, pinasa na namin tapos isa-isa ng pinagtatawag ng Prof. namin ang mga may-akda ng kani-kanilang mga tula. Naasar pa nga ako sa isa naming kaklase ee..si Upuan..pano, siya lang sa aming lahat ang gumawa ng 2 letcheng tula, e poocha ewan ko ba kung anong instruction ang napakinggan nun..sabi ba naman niya, ang pinapagawa daw kasi sa amin, 1 tungkol sa ginawa noong Christmas at New Year at isa namang na-experience...e anak ng supot, isang tula pa nga lang hirap na hirap ka ng gawin 30 minutes bago dumating yung prof. 2 pa kaya?? Tsaka halos pareho lang naman ang masasabi mo sa dalawa...e yun nga, kaming lahat na natira bukod sa nag-iisang tanga, ang pagkakaintindi at pagkakarinig sa instruction, sa IISANG tula, nakalagay ang ginawa at experiences noong Christmas at New Year. Aba, ito hindi ka pa maniniwala, ang prof ko na graduate sa Pamantasan ng California, at ngayo'y nagte-take ng kanyang Doctoral (tama ba Doctoral? naku sana di ito mabasa ng prof ko,..pagtatawanan ako nung baklang yun) ay pinanigan ang nag-iisang Upuan na yun kesa sa aming napakarami na pare-pareho ang gawa bukod sa kaming lahat ay nahahati sa dalawang kategorya (ang gumawa ng orihinal o copy-paste lang, tapos bilang sub-category, kung nagsasabi ng totoo o hindi. xD).

Hay, nako talaga....

Tapos ako na ang tinawag. Abot noo pa ang ngiti ko sa sobrang tuwa na babasahin ko na sa harap ng mga unggoy ang aking gawa, ang pinaghirapan at pinagpawisan pati pinagpuyatan ko noong gabing nagdaan. Tapos...biglang...naputol pa ang aking performance dahil kinailangang mauna muna ang hinayupak na si Bad Breath dahil kuno may sayaw pa siya and whatsoever. Ok lang.

Pagkatapos niya, oras na para ako'y magpakitang gilas. Totoo na ito, wala ng atrasan pa. Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko pang banggitin ang title. Kaya kinailangan kong ipahiya ang sarili ko, pinutol ko bigla ang aking linya sabay sabi ng "joke!". Ayan, inulit ko, tapos sinabi ang title. Bago pala ako nag-umpisa, tinanong niya ako kung ako ang may gawa ng aking tula. Lahat kasi kami tinanong, sabi niya maging honest kami sa kanya. May ilang umamin, may ilang hindi. Wala akong pakialam sa kanila, ang mahalaga naging tapat ako at wala akong dapat ikahiya sa ginawa ko.

Ang aking tuwa ay unti unting napapalitan ng kalungkutan, pero hindi ko ito pinahalata bagamat ang aking ngiti ay inaamin kong nabawasan. Bakit? Dahil napapataas ang kanyang kilay sa ilang mga salitang binitawan ko, at sa bawat salitang ito, may kung anong gesture siya na nagpapahiwatig na ang aking ginawa ay sa tingin niya'y nagpapatunay na ang tula ay di akin. ito ang mga salitang kanyang napuna:

nourishments

adjournment

Ayan lang ang naaalala ko kasi hindi ko na siya nagagawa pang tingnan pagkatapos kong makita ang kanyang bawat reaksyon. Sayang, buong galing ko pa namang dineliver ang tula. Sa bawat pag-glance ko sa audience, shet, ibang iba dating. Kaso, mapait talaga ang kapalaran ng mga tulad kong di kagandahan. Ayun, di man lang ako pinanood ng maayos nung prof kong bakla. Daldal siya ng daldal kung kani-kanino habang nagpe-perform ako. Ganun ba ang isang professional??

Tapos yun, tanungan portion na..hindi ko na ita-type yung mga tinanong kasi nakakatamad...hay, kainis talaga.

Tapos, there is this girl na maganda lang naman dahil maputi siya..and she's none other than...Ms. Betty Boobs. Naiinis ako sa kanya since first sem with no particular reason. I just don't feel her. There's something about her that makes me feel annoyed. (ayan napapa-english na ko asar talaga!) Ayun nga, alam mo yun, ginaya niya ang pagdedeliver ko ng tula, yung gestures ko, everything! And you know what, titig na titig sa kanya ang bakla, and he-she praised her as if she's the best in all the world. Kaasar talaga as in. And when he-she asked her if it's an original composition of hers, aba, nagpacute pa nung sinabing oo. E nakita ko yun sa computer shop nung nagpa-print kami ee, ngarag na ngarag..di malaman kung ano bang gagawin para i-revise ang nakitang tula sa Internet. Kainis.

Well, ayun, napaluha lang naman ako the moment my butt touched the chair. Naiinis kasi ako. Sabi kasi ni Ding, nahahalata niya daw sa words na ginamit kung orig o hindi. Yes he's right..but also wrong. Hello, siya lang ba ang pwedeng gumamit ng ibang salita bukod sa mga usual na ginagamit? Sabi niya kasi yung mga words daw na ginamit ko hindi daw ginagamit at maiisip ng isang estudyante. Ha????????????? Gago ba siya????!!!! E hindi naman malalim yung mga ginamit kong salita e..palibhasa kasi siya, masyadong bilib sa sarili, feeling niya siya na pinakamagaling sa mundo. KAASAR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

hinding hindi ko malilimutan at palalampasin ang insidenteng ito. Sayang, hinahangaan ko pa naman siya,, tapos yun pala sa mga simpleng bagay hindi niya napapairal ang pagiging mautak at propesyunal niya. Ha! Sabihin na niyang marami na siyang maipagmamalaki at ako wala pa...so what? May utak nga siya wala namang nagmamahal sa kanya..!!

22 December 2009

12:09 AM

ayun...gising pa rin ako..sakto kakatapos lang mag-print ng sandamukal na panlagay sa mga ipamimigay namin sa Pasko. Grabe napakabuti talaga ni Lord, biruin mo nung magpiprint ako para sa project ko wala, di ko nagamit. Tapos kani-kanina lang namomroblema ako kung paanong gagawin ko bukas kasi wala namang internet shop na bukas ng alas-5 ng umaga. Parang yung pag-aalala ko lang kung paano ako bibili ng bagong ink. Pero astig, alam niyo bang nakapag-print ako ngayon ng (binilang muna ang mga kopya..) ..ng 28 pages!!lahat clear copy!! astig!!

alam mo yun, Life's unfair but GOD is GOOD!!

buti na lang. matutuwa nito bukas si Papa. kahit late na akong magpapahinga ok na ok naman. Di pa naman ako niaantok e.

Kaso, goodluck sa akin bukas sa exam namin sa values. wala pa naman akong kaalam alam doon. sana tulungan ako ulit ni Lord.

Lord, I love YOU so much!

Happy Birthday!c:

20 December 2009

kami lang ni Papa dito sa bahay kasi yung Mama at kapatid ko nasa kabila naming bahay (naks!). Magsisimba kasi ako mamaya lang..tapos si Papa mamamalengke so sabay kami. Shet makikita ko nanaman si Phil, sabi kasi ni Mama sa Almanza ako magsimba para bumili ng puto bungbong kay Lola. Kahit na mas gwapo si Matthew kay Phil mas type ko pa din yung huli kasi basta mas malakas ang dating niya para sa akin.

typing maniac

yo! hahaha!! sinubukan ko lang yung typing maniac na nakita kong nilalaro ng isang school mate sa internet shop sa Munti. ayos, nakakapressure siya infiarness. nagkamali pa nga ako kanina kasi ang sinearch ko typing master.haha. tinamad din ako after 3 tries. una kong rank 72-mammoth, taz naging 52-homo sapiens taz last naging 48-homo sapiens. ok na rin.c:

11 December 2009

1 hour late ang oras sa fone ko bakit??

hayun o! Good Morning nga pala..

Kanina ang sarap ng tulog ko tapos naramdaman ko biglang bumukas ang mata ko. At well, maaga pa nun kasi naririnig ko pang nasa baba ang kapatid ko. Maya-maya may umakyat, kaatid ko. ginising ba naman ako sabi baba na daw ako. Eh diba gising na ko pero di niya ako kita kasi nasa taas ang kama ko (sosyal kami eh double deck!). Tapos sabi ko, "Bakit kailangan pa kong gumising?" Sabi niya, "Kasi aalis na kami." Sabi ko, "Ano ngayon?" Sabi niya, "Isara mo ang gate." Grabe magsasara lang pala gigisingin pa ko eh dati pag gusto kong magpagising di nila ako ginigising at sila na mismo ang nagla-lock ng gate. Sumakit bigla ulo ko nung bumangon ako. Biglaan kasi e. Pagbaba ko nakapikit pa ako kahit nakapaghilamos na ako. Umalis na din sila agad. Ako naman akyat agad tapos natulog ako uli. Pagtingin ko sa oras sa cell phone ko past 7 pa lang. Sabi ko ang aga pa. Tapos konting higa pa. Maya maya bumangon na ko mga 7:30 sa oras sa cell phone ko nun. Agad kong binuksan ang computer, tulad ng lagi, ni hindi pa ako naghihilamos. Malamang kasi kanina ko pa ginawa yun at kung dito ka sa bahay namin nakatira e siguradong tatamarin ka ng gawin yun dahil bababa ka pa sa kakaiba naming hagdan.

Pagbukas ko ng computer ang dami kopang plano. Kasi nga ang aga pa kaya maglalaro muna ako ng bonggang bongga. Kaso may nangyari. Laking gulat ko ng makita kong ang oras sa computer ko ay 8:38 na! Naalala kong kagabi hinulaan ko ang oras sa phone ko kasi nagpalit ako ng sim. Kaya walang dudang tama ang nasa computer. Tae. Sira plano ko a.

Well, wala na kong magagawa, ganun talaga. Eto laro-laro. Bumaba ako saglit kanina para "i-comfort" ang sarili ko. Tapos nun nakita kong may note si Mama sa table. Binigyan niya ako ng pambayad sa school at pambili ng pentel na pinapabili ni Papa kahapon na di ko binili dahil wala naman silang binigay na pera. Ayun, naisip ko lang na buti naman nakaramdam siya dahil wala talaga akong balak na bumili ng di nila ako binibigyan ng pera. Naku, sawa na ako sa kanila.



10 December 2009

tired.afraid.sad.

Grabe. Isang napakatinding Physical and Emotional Stress night para sa ating lahat.

Ayoko mang magwakas ang araw ko sa ganitong paraan e wala naman akong magagawa kasi ganito talaga e.

tired.

Pagod ako. Una, kulang ako sa tulog (kahit na maaga akong natulog kagabi..mga 12 md). Pangalawa, sa biyahe, back and fort. Tapos sa school. Ang init tapos nakakaasar pa kasi ang haba ng vacant wala namang maayos na pahingahan sa school.Sobrang sakit ng ulo ko mula pa kanina at antok na antok na ako.

afraid.

Natatakot ako. Ilang sandali na lang kasi darating na sila Mama, Papa at kapatid ko. Pagdating nila panigurado galit pa rin si Mama dahil ng kahapon. Katulad kaninang umaga, Pinagalitan niya agad ako tapos puro siya dabog. Nakakainis kasi ang aga-aga ganun siya. Buti na lang di ako gaanong minalas bagamat nung umaga medyo di talaga maganda na ang simula ng araw ko kahit sa school. bumawi naman ako ng kaunti nung hapon. Di ko na lang inisip yung mga nangyayari para di ako Badtrip.(ayan na dumating na sila.)

sad.

nakakalungkot kasi kanina sa values yung topic namin about sa family. Proud na proud pa akong nagkwento tungkol sa family ko pero deep inside nako. tapos nilagay ko pa dun sa sinagutan kong papel na mahalaga ang aking pamilya dahil sila ang dahilan kung bakit nais ko pang mabuhay sa mundo. taliwas ito sa mga pahayag ko kahapon.

"memories"

Kanina, nagmomoment ako sa jeep habang papunta ako ng school.
Naalala ko kasi noong elementary..malandi ako. Kunwari pa kong tinatanggalan ng lisa ang crush kong wala namang lisa (tawagin na lang natin siya sa nickname na bestfriend ni boyfriend).
ayun nga edi nag-daydream lang naman ako sa jeep..tapos naalala ko habang hinahaplos ko yung ulo niya..I mean yung buhok niya..tapos nakayuko siya sa desk yung nagna-nap. nakatulog siya tapos inantok din ako (malandi ako ee) tapos ayun nakatulog kami pareho..magkatabi.. yihee!!
kinikilig ako!! nakaupo kami nun sa separate na upuan pero as in close taz tulog kami pareho yung ulo namin nasa desk.

tapos kanina nung nasa may mga puno kami nakatambay kami nina Ate Jean, Juliet at ako kasi ba naman 1 1/2 hours ang vacant namin..nanunood ako ng mga educ students na naglalaro ng volleyball sa quadrangle (education week ata samen ngayon e) tapos naalala ko nung last time na naglaro ako ng volleyball nung highschool. as in last talaga yun. kalaro ko nun sina ..aa...basta. di ko na maalala. ang naaalala ko lang sina Boom na Boom, Basyo, Utangera, si Lady no Butt, bsta sila sila..grabe ang saya ko nung gabing yun..kahit na di na namin makita ang bola tuloy pa rin. syempre huli na ee,, gagraduate na kami ilang araw matapos nun.

nakakalungkot na masaya na nakakatawa minsan na nakakaiyak. Mixed emotions talaga pag naaalala mo yung mga memories mo kasama ang mga natatanging tao sa buhay mo. alam mo yun. ang sarap na hindi. Masarap balikan kasi masaya, hindi kasi alam mong walang pag-asa. hay, ganun lang talaga ang buhay.

Kaya nga nung high school talagang nag-ipon ako ng memories. Siguro ang pagsisisihan ko..college life kasi ang dami kong nasayang na panahon ngayon. Pero ayos lang. First year pa lang ako, marami pang mangyayari. Pwede ko pang baguhin.

:)

04 November 2009

Welcome to me..

hay..salamat naman!! sa wakas!! after 1 week nagamit ko na uli tong computer ko.
grabe!!
daming nangyari..November na nga e di ko pa nakukwento..
hay, namiz ko to..
sayang di ako nakapanood ngayon ng Survivor Philippines Palau at Shining Inheritance..
ampogi pa naman ni Francis tsaka nakakakilig na si Juan!!
ok lang..kaso bukas hindi ko din mapapanood kasi andun ako kapiling ni JJ ko!!!OMG!!
hahaha!!
haizt..sana maganda ang araw ko bukas..matuloy kaya ang balak namin?
sana din..di nakakadismaya ang grades ko!!huhuhu!!
kinakabahan ako..GOD, Help Me!!!
good night na..tomorrow na lang ulit..

15 October 2009

facebook

hay nako..ayun, laro-laro..sabi na e magha-hang nanaman tong pc ko sa cafe world ee..amp!

14 October 2009

wait!!!!!!!!!1

hay, buti na lang nag-log in uli ako..may pledge pala ako..kanina ko pa iniisip to ee..
simula ngayon magpe-pledge na ko..ito yung una..
kung sasabihin niyong gagawin ko pa din to kasi madali lang naman mag-post dito at wala namang nakakita saken,
sabi ni Papa Jack, pag nag-promise ka na, pag ginawa mo na ulit, may babagabag na sayo kasi may binitawan ka ng words..at naniniwala ako dun.
ok..
my first pledge:
DI NA KO MAGMUMURA.
nasimulan ko na siya kanina, medyo mahirap pero kaya naman. napansin ko lang na sanay na sanay na pala ako magmura kasi parang every sentence na lang ako nagpipigil.
Please pray for me..help me pray for my change..sabi nga ni Obing..for the better.
good night!

13 October 2009

ilocano..

anu ba yan si Papa Jack! (salawahan ako pasensya na.) di maintindihan ang pinagsasasabi!
naalala ko, si -----, Ilocano sila..hay..naaalala pa niya kaya ako??
sana hindi. joke!

WSU

tapos na ang Wanted Sweetheart,, andito pa din ako..at ang mga kalat ko..

amp!

nagko-confess na ko e nabura naman! tapos di pa effective ang undo. baka ayaw lang ipaalam ang experience ko..haha. sige, bye na nga. tulog na ko. tomorrow na ulet!

hamburdey!

happy birthday Papa Gio!!

no time..

hindi ko talaga (sa totoo lang) maintindihan kung bakit ngayon e kulang na kulang ang 24 hours para sa lahat ng tao. Kahit ako ramdam ko ang krisis na yan. kani-kanina nga lang, naisip ko na kulang pa ang 24 hours para lang aa,, yun nga, naisip kong kulang pa ang 24 hours para ma-access ang facebook ko. yung as in magagawa ko ang lahat ng gusto ko, na dapat sana kahit pang isang oras lang pero dahil nga sa di mo maintindihan kung marami ba o sadyang wala lang katapusan kasi kulang pa isang buong araw mo para matapos yun. dapat wala ka pang break nun kahit umihi.
kaya nga, masyado ng mabilis ang oras ngayon.
doon tayo sa mas simpleng bagay, ang araw-araw na buhay. ako, pag Monday, ginigising ako ni Mama ng 4:30 AM. bumabangon naman ako agad. 10 minutes bago ako makababa kasi aayusin ko pa higaan ko tapos tatahakin ko pa ang aming hagdan. pagbaba, diretso ako sa cr, (mabait kasi Mama ko, ready na lahat, mainit na ang tubig sa balde, bukas na ang shampoo at conditioner ko, yung towel ko nakababa na, maliligo na lang ako. swerte ko talaga.). tapos aa,, mga 5 minutes muna ako uupo sa bowl, tatantsahin ko muna ang init ng tubig, isasawsaw ko ang kamay ko sa balde para magising ako at pag yun na nga, gising na ko, mag-uumpisa na ong maligo. mga 5:30 AM tapos na ko niyan, magbibihis na ko ng sando muna tapos short. bubuksan ko na ang tv taz magchacharge ng fone. kakain ng masarap na breakfast na syempre pinrepare ng Mama ko. naalala ko nga minsan nakahimay na yung ulam ko. bait talaga ni Mama. taz yun, mga 6:00 AM aalis na ko (syempre naka-uniform na ko tapos nagsipilyo, nagpowder..). tapos pagdating ng school, (7:30 AM), umpisa na ng sampung oras ng pagsasayang ng panahon ko sa loob ng paaralang yun. mga 5:30 PM, wow! favorite ko yan! as in kumakaripas na ako ng takbo niyan palabas. kahit wala na kong kasama ok lang. dadating ako ng bahay mga 7:30 PM. magbibihis ako, maghuhugas ng iilang mga plato at baso, magwawalis, magbubukas ng tv. ang nakakainis, 9:00 PM na e yun lang ang nagawa ko, ni di ko man lang nagagawa ang mga gusto ko. di man lang ako nakapag-internet. tapos dadating na sina Mama. kakain na kami. magdadasal ng night prayer tapos matutulog na sila..11:00 PM, tapos na ang mga palabas na gusto ko, makikinig na ko ng Wanted Sweetheart. di na ko nakapag-internet. makikita ko na lang ang sarili kong aakyat at hihiga sa kama, iniisip kung ano bang makabuluhang bagay ang nagawa ko sa araw na yun. hindi naman sa sinasabi kong walang kwenta ang mga ginagawa ko araw-araw, sabi nga nila, dapat nating i-appreciate lalo na yung mga routines natin, hindi yung taken for granted lang katulad ng ginagawa ko. pero ang point ko dito is, natatapos ang araw, ng di ko pa tapos lahat ng kailangan kong gawin. may listahan ako lagi ng mga dapat kong gawin, at pagkalipas ng isang linggo, santambak pa rin, iilan lang ang may markang nagawa ko na.
tumatanda na nga ako. katulad nila, hinahabol ko na rin ang oras. sabi ng kaibigan ko kanina nung ka-chat ko siya, "wala na kong time para magpahinga." nagulat ako. walang time magpahinga?? san ka naman nakakita non? akala ko mga katulad lang ni Manny Villar ang ganun, pero pati pala kabataan ngayon ganun na rin. nagrereview siya kanina para sa finals nila bukas. grabe. may mas malala pa pala sa akin. kung ako nakakatulog pa ng kahit 3 hours, siya e wala, wala ng time kahit na simpleng pahinga lang. di ko alam kung ano ba magiging reaction ko. para sakin kasi di siya magandang sabihin. hindi siya makatwiran. hindi.
linggo, pinaniniwalaang rest day. noong unang panahon (para saken matagal na kasi yun), pag linggo, family day yan. walang traba-trabaho, pahinga to! pero ngayon, Pasko na lang ata ang family day, o minsan nga hindi pa. marami na kasi sating naniniwala ngayon na pag nagpahinga ka ng isang araw isang malaking kawalan ito. kawalan na pala ngayon ang magpahinga. kaya hindi mo rin maitatangging pabata ng pabata ang namamatay ngayon e. kasalanan to ng mga assignments(haha!xD)!!

assignment, assignment, SUNTUKAN

hay...di pa nama ako pagod pero naiinis ako kasi gumagawa ako ng napakadaming assignment ngayon para lang naman sa iisang subject..English.
nakakaasar kasi tambak, e di ko pa memorize masyado yung piece sa Filipino na bukas ko na ilalahad sa klase, tapos may long quiz kami sa Earth Science..ampness!!
pero di talaga ako nag-aalala sa mga yan, naisip ko kasi nasasayang oras ko sa paggawa ng assignment. imbes na pa-inter-internet na lang ako e naubos na oras ko kakakopya ng mga lesson na grade 1 pa lang diniscuss na. di na kasi ako sanay gumawa ngayon ng assignment. alam niyo naman na yung POOR study habit ko noong high school. ngayon, aba, nagawa na ko ng assignment,, kulang kasi resources sa school, dami kong kaagaw at nahihiya akong magsulat dun kasi pag nabasa nila taz mali..naku! dati, nasanay akong sa school na gumagawa ng homework...nadala ko rin sya siguro nung Prelim nitong first year- first sem ko sa College pero nagbago ito. bagamat meron kaming isa't kalahating oras na break sa tanghali, sinisikap ko na ngayong tapusin sa bahay ang mga panira ng araw na mga takda. kasi pag sa school ko ginagawa, 1 hour and 20 minutes akong tatambay at mag-iisip ng kahit na ano. after 5 minutes mapagpapasyahan kong magtatatakbo paakyat ng library para mag-research, mababadtrip konti kasi wala doon ang hinahanap ko at maiisip kong asa libro ko yun nung hiogh school na lubos kong pagsisisihan pagbalik ko ng classroom. pero di naman ako nawawalan ng assignment. laging may paraan. pero maipagmamalaki kong di ako nangongopya ng assignment. isang beses lang ako napilitang kumopya dahil isa lang sa aming lahat ang meron..pero di na naulit yun.
hmm..naalala ko tuloy yung talumpati ko nung 4th year high school ako. bagamat tungkol sa 'kahalagahan' ng high school yun (tungkol lang sa experience sa assignments, projects..mga nagbibigay ng stress sa studies.), di pa rin ako natutuwa sa mga assignments at kung anu ano pang mga pahirap sa school. baduy kasi ee. hindi. aa. kasi pahirap siya. ganun lang yun. lahat naman ng tao ayaw ng nahihirapan diba. sasabihin may maganda ding dulot yan..pero ganun din yun, pahirap pa rin. pwede ka namang matuto ng di nahihirapan diba. pero sabi nga nila, ito raw ay "inevitable". oo na sige na.
ayan, tapos na ang shining inheritance, at napagpasyahan ko ng di na ituloy ang pagsusulat ko. tinatamad na ko ee. dami kaya! bukas na lang, gigising naman ako ng maaga e.
assignment..naku!

09 October 2009

out of time again and again and again!

kakatapos ko lang kumain ng kanin at monggo (tanghalian ko) at magbasa ng (ooppsss!!). haizt! wala nanaman akong nagawa. ay meron pala, nakapagbukas naman ako ng facebok ni sam at naasikaso ang kanyang Zoe. tapos natapos ko panuorin ang "How Great Is Our God" ni Louie Giglio. amazing!! talagang di ako magsasawang panuorin yun! grabe, astig talaga! nakakaiyak at nakakakilabot siya..kasi totoo.
well, ewan ko kung ano gagawin ko..uuwi na nga ko (sa Cavite), gabi na eee..haiztt!!!

08 October 2009

badtrip sira

natapos nga ko wala naman akong ink!!!grrr!!!!!

tapos na last part!

ayun oh!! tapos na ko sa last part, ang evaluation!!wooohoooo!! I love it!!
pero
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
V
yun pa lang ang natatapos ko.
yung summary, insights, at reaction, wala pa.
kainis. mga mahihirap na ang natira..panu na to?!

kaya ko to..God help me!

ayun oh..shet kinakabahan ako...kasi yung research paper ko sa Psychology now ko lang gagawin..kaya ko kaya to? kasi naman ee..lagpas one month na binigay ngayon ko lang gagawin..amp! pressure!haha!
pero, eto enjoy pa din..pakinig kinig lang ng Wanted Sweetheart ni Papa Dan.
God, please help me!
buti na lang di ako gaanong stressed ngayon..kaya pang gumana ng utak ko..wag lang akong antukin agad..haizt!