De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

15 April 2011

Alleged Child Abuse Issue of Willing Willie part 1 (March 12 video)



ok .. napanood ko tong video ng Willing Willie ... hmm ...

tingin ko naman .. wala namang abuse na nangyari .. masyado lang atang natuwa si Willie at ang mga tao sa studio.

ang dapat sisihin dito .. yung nagturo sa bata ng ganoong sayaw. ayaw man nating bigyan ng malisya pero alam naman natin na di ito magandang tingnan para sa isang bata. at infairness a .. alam na alam niya pati yung paghawak sa kung saan habang gumigiling. grabe. di ko tuloy maiwasang isipin na baka dinala pa sa beer house ang batang ito. grabe.

si Willie naman .. ang mali niya lang .. masyado siyang natuwa at talagang pinaulit-ulit pa niya .. siguro dahil lang sa masaya ang mga tao kaya ginawa niya ito .. na-carried away ba .. pero kasi naman .. walang ganitong mangyayari kung di dahil sa mga guardians din ng bata. ultimo pati yung babaeng kasama niya (di ko narinig kung ano niya yun e .. ) tuwang tuwa .. edi syempre kung ako din naman si Willie ... nakikita ko na ok naman sa guardian .. tapos masaya lahat kaya ipapaulit ko rin kasi entertaining siya.

nakakatawa lang kasi ang mga tao .. super mag-react. hindi ko alam kung anong naging reaksyon dito ng pamilya ni Jan Jan .. pero kung sakaling nag-react din sila ng bayolente tulad ng mga taong naniniwalang naabuso ang bata, masasabi talagang di ito tama dahil sila ang nagturo sa bata at sila ang nagdala sa kanya sa kahihiyan.

isa pa, ang main purpose naman kung bakit nila isinali si Jan Jan doon ay para sa pera hindi ba? at alam naman natin na bago ka magkapera .. lalo na sa mga game show tulad niyan ay abot langit na kahihiyan muna ang dapat mong harapin. for short, ginusto nila yan .. kaya dapat naging handa sila sa mangyayari.

hindi ako supporter ni Willie .. ang totoo against din ako sa kanya madalas .. pero sa pagkakataong ito .. wala naman akong nakikitang mali. kung sabagay, hindi ako eksperto para sabihin ito pero ito ang naiisip ko. may kanya-kanya naman tayong karapatan na ipahayag ang ating mga naiisip at saloobin.

wala lang. trip ko lang mag-react.

14 April 2011

ABC's of God

A ~ Alluring, Astonishing, All seeing, Adonai.
B ~ Breathtaking, Boastful over His creation, Belt of truth, Breast plate of righteousness, Breath of life.
C ~ Courageous, Caring, Compassionate, Covering, Creator, Cloak of humility.
D ~ Daring, Dancer, Deliverer.
E ~ Eloquent, Emanuel, Elohim, Enrapturing, Eye-opening, Extraordinary.
F ~ Fiery, Fierce, Fascinating, Flourishing with life and love, Footpath, Faithful.
G ~ Glorious, Go-getter, Gallant, Gushing with joy, Gospel of peace, Gentle
H ~ Holy, Heartfelt, Helper, Handsome, Helmet of salvation.
I ~ Irresistible, Incredible, Inspiring.
J ~ Joyous, Justice, Jehovah-Raffa, Jubilee.
K ~ King of Kings, Kind, Know er of everything.
L ~ Lover of my soul, Life, Love, Light, Lion of Judah, Lord of Lords.
M ~ Maker of heaven and earth, Majesty, Mustard seed, Mountain.
N ~ Nourishment, New-beginnings, Nice, Near, Noble, Necessity, New wine.
O ~ Over all the earth, Omniscient, Omnipresent, Omnipotent.
P ~ Prince of Peace, Power, Plentiful, Precious.
Q ~ Queer, Quiet, Quizzical, Quenching, Quick, Quiver full of arrows, Quest of majestic wonders.
R ~ Redeemer, Rock of ages, Rejected, Revival.
S ~ Sword of the Spirit, Swift, Shoes of peace, Savior, Shield of faith, Salvation.
T ~ Trusting, Truth, Thirst Quencher.
U ~ Understanding, Unforgettable, Unanimous, Universal.
V ~ Visionary, Victorious, Valiant.
W ~ Wine, the Way, Wellspring of Wisdom, Wealth, Witty.
X ~ eXuberant, eXact.
Y ~ Yeshua, Yours and mine, Yearning for us, Yahweh.
Z ~ Zealous, Zany, Zoo keeper :P .

-.-

naiisip niya rin kaya ako?? hay....

sana oo .. para naman maramdaman niya rin ang pagpapahirap niyang to sakin tuwing bigla ko siyang naaalala ...

hay ................................................................................................................................................................


pero malamang hindi. baka nga kinalimutan na ko nun e . sige .. good luck sa kanya.

sensational line .. XD

"Sa wakas makakapag-aral pa ako. Akala ko mag-aasawa na ako e."


hahaha!

Ito yung sinabi ko kahapon pagkalabas na pagkalabas ko ng faculty room matapos kong makuha ang grade slip ko at syempre .. matapos kong malaman na scholar pa rin ako. Nakakahiya man pero sinabi ko talaga yan .. kahit sino pa nakarinig .. wala akong pakialam.

Di naman sa totoo .. pero wala ..isang nakakatuwang biro lang. Kasi nga naman .. kung di na ako mag-aaral .. ano pa nga ba .. edi mag-aasawa na ko. XD

Pero di naman ibig sabihin na if ever di na ko scholar e di na talaga ako mag-aaral .. biro lang talaga to. haha.

Tapos kanina .. nag-post sa wall ko si Karen ... gosh .. sabi niya gusto niya daw ang linya ko .. tinanong ko siya kung anong linya yun .. at ito pala yun.

Shet .. like ng crush ko .. hahaha! 'Gang ngayon kinikilig ako. echos! Joke lang! XD


The Prayers Of A Child




And they were bringing children to him that he might touch them, and the disciples rebuked them. But when Jesus saw it, he was indignant and said to them, “Let the children come to me; do not hinder them, for to such belongs the kingdom of God. Truly, I say to you, whoever does not receive the kingdom of God like a child shall not enter it.” And he took them in his arms and blessed them, laying his hands on them.
(Mark 10:13-16 ESV)

A Funny Prayer For the Aging




Great invocation.

Well, I've just realized how important it is for me to respect elder people. I should start practicing being polite and respectful to them after this .. hehe. And uhh .. my parents are getting older now .. which means .. I'll have to take care of them more. I love them so much and the only way I know I could thank them is to be with them as they grew older. And I promise that as long as I leave .. I won't leave them.


------------------------

Dear Lord,

I love You so much and I thank You for giving me my parents. They are the best ones from You. Lord, please give me the patience and love that I need as I live with them .. and God, I pray that You'd help me take care of them. I would like to bring them to Europe so please help me Lord. :)

♥

13 April 2011

I HATE GREEN NGA PALA. AMP.

infairness namiss ko siya ... nanaman. haiz.

kanina .. mag-isa lang kasi ako diba (lagi naman) .. tapos nagtext si Wendy .. tinanong niya kung busy ako at kung ano ginagawa ko. sabi ko, hindi naman... nakatulala lang ako. tapos tinanong niya kung anong feeling mag isa .. sabi ko .. masaya na malungkot.

tapos .. natulala nanaman ako .. at bigla akong may naisip nanaman. naalala ko nanaman si ano (kung sino man siya). kasi ... noon ... pag ganung mga oras .. nagtetext na yun o kaya natawag ... wala lang.. naisip ko lang .. noon .. di ako nalulungkot kahit mag isa ako kasi meron naman akong kausap ... pero dati naiisip ko na nasasayang ang oras ko kakausap ko sa kanya .. pero ngayon .. na-realize ko .. mas sayang ang oras .. na tumutulala lang ako.

hai. pero di naman ako nahuhurt o nalulungkot pag naaalala ko yung mga ganung bagay. sa maniwala kayo't sa hindi, wala akong nararamdaman. wala lang. wala lang talaga. naalala ko lang. hahaha. walang lungkot. walang hurt. wala din namang saya. sakto lang.

THANK YOU LORD!!!



F
ULL SCHOLAR AKO !!!!
!!!

ai, last post na talaga. hahaha...!!



kanina, sa fb... nag post ako ng ganito ..

tapos ito mga comment ...o diba .. ayos .. hahaha. loka-loka talaga yun si geh. ngayon ko nga lang nireplyan ng comment e kasi kanina di ko alam ang sasabihin ko. sinabi ko na lang na .. 'loko ka geh ... ako yan. hahaha.' pero ngayon naisip ko .. buburahin ko na lang ang post ko bagopa mabasa ni clay ... (punta sa fb .. bura).

ayan na na-remove post ko na.

bakit ko ba kasi nasabi yan??

kanina kasi, nabasa ko sa profile banner ni clay na 'wag mo akong iwan :( dito ka lang pede ba??'

wala, naisip ko lang .. parang napaka-desperate na .. hahahaha. pero hindi ko naman talaga alam kung may meaning kay clay ang profile banner niyang yan. ang akin lang .. kung irerelate sa mga pinagsasasabi namin sa kanya ni geh .. wala .. diba. haiz.

ayos din tong si geh e .. nabasa ang isip ko. hahaha.

nung kelan lang, ito naman ang post ni geh ...


ang sabi niya sakin nung sabado nung nagkita kami .. si clay daw ang tinutukoy niya jan. ewan ko kung totoo. haiz.



well, wala pa ring papalit sa dakilang desperada ngayong taon .. at iyon ay walang iba kundi ...

AKO ...

hahahaha!


sensational title ko yan e ... pers taym kong matawag ng ganyan dahil sa isang lalaki. san ka pa diba? kaya akin ang titulong yan ngayong taon .. asa akin ang korona!! bwahahahahaha!!! XD


matutulog na talaga ako. ainako. nakakainis. gusto ko pang tumambay e .. kaaczar. bat naman kasi masarap mag internet kapag ganitong mga alanganing oras .. hahai.

sige na .. bukas na ulit ...

ainako ...

hahaha!


nababaliw na ko ...!!


excited na ko for saturday ....

ewan ko kung bakit ... maglalakad lang naman .. hahaha!

sige na .. kinakabahan na ko mamaya e .... hahai .. yung grade ko .. lalo na sa nstp .. dun talaga ako kabado ... baka mahatak ako .. huhuhu!!! T.T


nanyts... :D
omg ... tomorrow ang release ng class cards .. at tomorrow na rin malalaman kung full scholar pa rin ako o hindi na ...

shocks ..


please Lord ...


nagmamakaawa po ako ...


sana ... full scholar pa rin ako ...

nananalig ako .... na full scholar pa rin ako ...

si leah nga e ....

haizt...!!!

12 April 2011

bingo. XD

ayun o ...

ako na nawili mag bingo ,,,

naku anong oras nanaman ako magigising nito ...

kailangan kong masunod ang sched na ginawa ko kanina ..

5 am wake up time!! wooooooo!!!

haha!!

ang kulit kasi nung bingo nakakaloko .. palibhasa yun lang ang alam kong sugal. ang masaya pa andami kong kalaro .. hahaha!!

i'll play again tomorrow .. saints and sinners! woooohhoooo!!!!
TUTULOG NA KO!

MORNYT. XD

plastik.

si geh at si wendy .. magkasama nung sabado nung nakita ko. nung una halatang ilang si geh na kausapin ako at parang gusto na niyang umalis . pero nung tumagal, umupo din siya sa tabi ko at nagkwento. alam niya kasing makikinig ako.

si geh .. ewan ko ba .. pero ilang na rin ako sa kanya. sa tuwing nakikita at nakaka usap ko siya, di ko maiwasang isipin na pinaplastik niya na lang ako. yun talaga ang feeling ko. nag iingat ako sa mga sasabihin ko sa kanya .. kasi wala na talaga akong tiwala sa kanya.

ewan ko .. hindi ko alam kung nabiktima na niya ko. pero nung nakita ko kung paano niya tirahin si clay patalikod .. naalarma talaga ako.

pero ang maganda kay geralyn .. kapag ayaw na niya sa tao .. nilalayuan na niya .. tapos saka siya magsasalita sa likod niya. tapos kakausapin ka pa rin niya paminsan pero di na tulad ng dati. pero pag ayaw na niya talaga sayo .. di na. yun lang ang ok kasi at least . nalayo na siya diba. pero plastik pa rin. backbiter pa.

hai. pero mabait na kaibigan si geh. syempre di ko pa rin naman malilimutan yung mga super efforts niya for me. :D

tulad nung sa math problem ... nung sa photocopy ng sa cdw .. tapos .. marami pang iba. :)

nung sabado ko pa dapat ipopost.

hmmm... wala ako sa mood ikwento pero gusto kong ikwento.

noong sabado, magkasama kami ni wendy. naka upo kami sa ... basta sa tapat ng avr yun. kumakain kaming dalawa. dumaan si kuya abby tapos sabi niya lilibre niya kami ng milo. di sana kami sasama kaso wala e, kinuha na ang bag ko at binitbit na ni kuya hanggang sa tindahan / canteen malapit doon.

nagkukwentuhan kami tapos kinuha ni kuya yung number namin. si wendy, as usual, memorize lahat ng number ko. tapos nakitext siya. tiningnan niya rin yung contacts ko. nakaayos. naka-segregate kasi yung smart, globe at sun. tapos sabi niya ganun din daw ang kanya. gaya gaya daw ako kasi nauna daw siya .. luma na daw phone niya. sabi ko naman, kahit sa mga nauna kong phone ganun na ko sa contacts. tapos pinakita niya sakin yung smart, globe ... yung symbols na gamit niya .. tapos yung sun. kaming dalawa lang ni geh ang may number na sun sa kanya. sabi ko, burahin na niya dahil wala na ang sim ko ..sira na. ayaw niya maniwala kaya pinakita ko ang wasak kong sim card sa kanya. tawa siya ng tawa, tapos tinatanong niya ko kung umiyak daw ba ko. syempre sabi ko hindi. :D

tapos bigla niyang sinabi .. nung di pa kami magkasama (maaga kasi siyang pumunta ng Amvel nung araw na yun kasi sabi niya may dadaanan pa siya yun pala kasama niya mama niya. haiz) ayun na nga .. nung di pa kami magkasama, nagpunta na daw siya ng avr. nakita niya daw si MP. tinanong daw siya kung sino kasama niya, sabi niya sya lang. tapos nagtanong daw ulit kung sino kasama niya mamaya .. tapos naputol .. di na naituloy ni wendy kasi ininterrupt kami ni kuya abby.

ayun hanggang sa di na niya naituloy.

pero ..

alam kong di totoo ang sinabi niya. .. na gawa-gawa niya lang yun.

bakit?

1. sabi niya sakin di pa siya napunta ng avr tapos ngayon sasabihin niya pumunta siya.
2. wala si MP. di ko siya nakita nung gabing yun. mukhang di siya umattend.

kaya nung hinatid ko si wendy sa pwesto ng mama niya, sinabi ko sa kanya na disappointed ako sa kanya. kasi, nung nakaraan, sinabi ko sa isang kakilala, .. di ako sigurado kung si geh ba o si sarah .. na si wendy .. kahit medyo plastik, di siya marunong gumawa ng kwento. mahahalata mo pag nagsisinungaling siya. tapos, di pa niya nagagawa sakin yun... kasi pag magsisinungaling siya sakin inaamin niya agad wala pang 1 second. pero yun nga sa sinabi niya .. alam ko at ramdam ko kasing gumawa lang siya ng kwento. pero tingin ko di niya naintindihan kung san ako disappointed sa kanya. pero ok na yun. slow talaga yun si wendy.

pero wala napaisip din naman ako sa kinwento niya. napaisip lang. pero di ako naniniwala.

di ako naniniwalang ...












nakita niya si MP. hahaha!

buti di ako tinamad...

kanina ,, thank God .. naka-attend ako sa BFRV. medyo parang tinatamad pa ko kanina .. at una, kinakabahan akong magpaalam kay Papa kasi baka di ulit ako payagan. e nung pinayagan ako .. ayun .. parang yun na ang naging motivating factor ko.

so mga past 7 na kong umalis ng bahay .. dumating ako dun mga 7.30 na .. pero ayun .. misa pa lang. Homily na nung dumating ako. umaasa ako na si Bro. Jun ang preacher (kahit na syempre malabo) .. at ayun nga ..hindi nga siya. haha.

asa likod kasi ako .. tapos natingin ako sa paligid .. hinuhulaan ko kung sino ang preacher. may nakita akong isang mama na naka-pink na polo na long sleeves. akala ko siya na .. pero naisip ko ..mukang mayaman yung tindig niya .. i mean... di pang preacher kasi mayabang ang dating.

tapos may nakita naman akong naka-yellow na polo, hindi long sleeves. at ayun nga, siya nga ang preacher. nung una akala ko isa siyag preacher na na-encounter ko na dati pero di pala. ang cute niya. di siya kagwapuhan pero ... nadadala siya ng kanyang dimples. ngayon ko lang napansin ang sinasabi nila na cute sa lalaki ang may dimples. basta ang cute ng dimples niya. ngayon ko lang din nagustuhan ang dimples kahit na ako mismo meron nun. tapos tuwing magsasalita siya lumilitaw kaya akala mo tuloy lagi ka niyang nginingitian. ang cute. para sakin maganda siyang model preacher. alam ko na malaki ang naitutulong ng dimples niya kasi kahit ako minsan kahit di ko trip ngumiti lumabas lang dimple ko para na kong nakangiti. pero kasi dapat ang mga preacher .. laging naka-smile. e napansin ko na sa dami ng preachers na nakikita ko lalo na kung sabado .. karamihan suplado. aba, sila pa suplado a. pero sabagay. majority kasi sa kanila, may asawa na ..nabibilang nga ata sa kamay ang single pa (na bata a, yung matatandang single, wa ko pake. joke!). tapos, sabi ni MP noon, bawal nga yung magka-chuva sila sa ibang babae. kaya siguro suplado sila. pero di pa rin tamang dahilan yun.

so enough na tayo sa kanya. ang post na ito ay tungkol talaga sa message na sinabi niya kanina. tungkol kasi sa last supper at betrayal kay Christ ang Gospel. haba nga e ... ang tiyaga niya basahin. di tulad ng iba na pinuputol. so ayun na nga. sabi niya, may tatlong dahilan kung bakit "the wounded heart of Jesus" ang title na ginamit niya. at ito ang mga iyon:

1. betrayal

-alam naman natin na si Judas, kaibigan at itinuring na kaibigan ni Jesus, ay ipinagkalo siya. sabi niya, masakit ito. parang sa real life. kapag binetray tayo ng ating friends, sobrang nasasaktan tayo.

ako .. maraming beses na rin akong binetray. ang masakit pa dun yung mga gumawa nun mga taong talaga namang mahahalaga sa akin. malalapit sa akin.

nitong fourth year high school ako, alam naman natin na naging rebelde ako sa aming paaralan. may iilang tao lang na nakakaalam na ako ay nagsasabi ng aking mga obserbasyon sa paaralan. noong graduate na kami .. first year college na ko nun sa munti, nalaman ko na alam na ng adviser ko dati ang ginawa ko. hindi ko alam kung nagalit siya sa akin, pero yung mga galamay niya na dati kong kaklase nagalit sakin. may nag-post pa nga sa fb na ngayon daw, alam na niya kung sino ang "spy". hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa mga pinagkatiwalaan kong tao .. pero may hinala na ko kung sino. pero ok lang yun kasi at least alam na nila. hahaha.

nangyari din ito noong 3rd year ako. nireport ko kasi sa prefect ang talamak na bentahan noon sa aming classroom ng mga porn DVDs. walang nakakaalam noon na ako ang nagsabi. naparusahan ang mga sangkot. pinagmumura nila (ng buong klase namin) kung sino man daw ang pahamak na yon. nasasaktan ako pero di ko pinapahalata dahil ginawa ko lang naman kung ano ang tama. hanggang sa namatay na ang issue. noong matatapos na ang klase .. parang may recollection sa section namin nun .. lumapit sakin yung nagbenta ng mga DVDs .. at sinabing alam na niya na ako yun. di naman kami nag away kasi di na naman daw siya galit dahil tapos na .. at di rin naman ako nakunsensya. sino ang nagsabi sa kanya.? may hinala na rin ako. kasi yun lang naman ang kasama ko nung sinabi ko yun. nakakalungkot. di siya marunong magtago ng sekreto. buti di na nagkagulo. e pano kung nagkagulo pa diba? haizt.

ngayon .. wala na kaming komunikasyon ng mga nagbetray sa akin. noong una nasasaktan talaga ako .. dahil sa ginawa nila. pero ayoko ding masira ang friendship namin. pero ngayon na-realize ko .. sa una lang yun masakit .. masasanay din ako na wala sila. at eto nga, nasanay na ko. hahaha.

2. He was left alone.

- si Jesus ay iniwan ng kanyang mga kaibigan sa gitna ng kanyang pagdarasal sa Gethsemane at noong siya ay dakpin. see? mabait na si Jesus iniwan pa .. ako pa kayang masama...

tulad nga ng sabi ni MP, sanay naman daw ako na iniiwan ng mga kaibigan ko. yun siguro ang pinanghawakan niya noong iwan niya na rin ako. alam ko naman, na kaya ako iniiwan ay dahil sa ugali ko. pero ang nakakatawa dito, hindi naman talaga ako iniwan ng mga kaibigan ko. meron akong mga kaibigan na iniwan ako .. pero di dahil sa ugali ko. ngayon lang naman nangyari to. nung una kasi, iniwan ako ng best friend ko kasi dahil iisa kami ng nagustuhang lalaki at ako ang pinili nung lalaking yun (ganda ko e. yuck.). yung second bff ko naman, iniwan ako at pinagpalit sa iba dahil nagselos siya sa bago kong kasama. yung barkada ko noong first year, ang ministry of darkness, iniwan ako dahil karamihan sa aming members naglipat na ng school (dalawa na lang kaming natira at grumaduate ng sabay noong 4th year). pero nawala man sila sa school, nagkikita kita pa naman kami tapos magkakaibigan pa rin.
meron din naman akong kaibigan na nasa ibang bansa na. pero friends at may commu pa rin kami. pero ngayon, meron akong naging kaibigan .. na iniwan ako kasi di na ma-take ang ugali ko. hai. kakalungkot.

masakit talaga .. pag nawawala yung mga taong mahahalaga sayo .. lalo na kaibigan. kasi ang mga kaibigan .. na totoo .. mahirap makita. bihira. yun ngang lilipat ng school o pupunta lang sa ibang bansa .. magkaibigan pa rin kami pero masakit pa rin sakin na mawalay sa kanila dahil nasanay na kong kasama sila. e yun pa kayang nawala dahil sa ugali ko? mas masakit yun. sobrang sakit.

3. Denial

-dineny ni Peter si Jesus. sobrang sakit nito.

maka-ilang beses na rin akong nakaranas na ilaglag ng kaibigan. pero ayos lang. dati na yun.



masakit oo, pero lumilipas naman ang sakit. sa huli, ito naman ang masasabi ko sa sarili ko pag nakita ko sila ulit eh... "naging kaibigan ko pala to?!" hahahaha!


hai. nakakatuwa. yung message kanina about friendship at kung ano ano ang mga nakaka hurt dito. super like. :D super relate.

kabado for wednesday!!! ahhhh!!!!!

kanina, tanghali, habang ako ay nagpeprepare para kumain, narinig ni Papa na nagriring ang cell phone ko. buti na lang at narinig niya dahil importante ang tawag na yon. hindi ko naman siya inaasahan pero importante talaga. umakyat pa ko sa taas para kunin ang phone. pagtingin ko, "ms. keina". si mam chona. kinakabahan kong sinagot (kabado ako kasi di ako sanay na tinatawagan ng mga teacher .. di dahil may nagawa ako dahil wala naman). so ayun .. sinabi niya na wala pa akong grade sa science .. incomplete ako at mahahatak nun ang grade ko. kaya ayun, dali dali niya akong pinapunta ng school.

pero syempre di naman ako ganun ka-atat. kumain muna ako tapos ayun pumunta na nga ako ng school.

pagdating ko doon, sina leah, mam chona at sir lee tanda lang ang nandon sa faculty. si mam chona ay nagcocompute ng wpa ... si sir lee naman gumagawa ng sched. tapos ayun .. nag final exam na ko. isinulat lang ni sir lee ang tanong sa yellow paper .. buti nga mabait si mam at binigyan ako ng papel. sabi niya pa, "mamahalin tong papel ko.." di ko alam ang gusto niyang ipahiwatig .. kung pinababayaran niya ba o hindi. pero di ko pinansin. so ayun nag exam na nga ako... essay form. buti naman at after one hour nakaraos din ako. hindi ko sinagot yung mismong mga meaning sa libro .. kung ano lang ang pagkakaintindi ko sa mga nabasa ko habang nasa jeep ako (kasi biglaan, ngayon lang talaga ako nag-review. grabe). ok naman. tinulungan naman ako ni Lord. ang saya. sana ok naman.

at ayun .. umalis na rin ako agad after ko mag exam. sa nstp di na ko nag exam kasi sabi ni batang lee noong sabado (nakita namin siya ni wendy), may grade na daw ako sa kanya. ang inaalala ko lang .. baka mahatak nun ang grades ko. kailangan ko kasing maging full scholar pa rin kundi patay ako. ngayong second sem pa kung kailan ang dami kong kontrobersiya at chismis na hinarap (celebrity kuno). kasi, kung ngayon ako babagsak, naku patay na .. may isusumbat sila mama sakin. at ako rin may maisusumbat sa sarili ko. bat naman kasi tinamad ako ng bongga e. di na talaga mauulit. buti sana kung maniniwala silang tinamad lang ako . hainako. wag lang talaga nila masali sali sa usaping ito si MP ... ai .. nako.

so ayun ... sobrang nagpi-pray talaga ako kay Lord na sana full scholar pa rin ako. nakita ko post ni leah kanina .. full pa rin daw siya. sana ako din. kung ikukumpara naman sa kanya mas ok naman ang performance ko (yabang! joke lang). i mean, kung siya na hindi lagi napasok o madalas wala sa room e full, ako pa na sobrang laging nasa room diba. pero talaga .. grabe .. nagpipray talaga ako ... sobra.


kabado na ko for wednesday. kuhaan na ng class cards. God, help me please.

1+1=3 .... :D


10 April 2011

Post ni Wendy

mga post ni wendy kanina ... let's see ...

Hmm ...itong una, ok naman. tama siya. parang kami lang nanaman ni ano e kung sino man siya. hahaha. masaya talaga ako .. ayoko na ngang matapos kung anong meron kami noon e. pero ngayon .. nakakaiyak isipin na natapos lang lahat yun sa di magandang paraan. sa malungkot na dahilan. pero di ako masyadong nag-e-emote (di halata. XD) kasi... sandali lang naman ... e ... diba. ang korni ko kung didibdibin ko . buti sana kung inabot ng taon.




next .. ito namang pangalawa. medyo totoo din. noong anjan pa siya ,. natakot ako. (sino nanaman to?? hahaha!) pinigilan ko. kasi naman di tama diba. pero sana hinayaan ko na lang .. inenjoy ko na lang. sana di ko na pinanganahan ang pagkakataon. ayan .. nung wala na .. nagsisisi na ko. kainis talaga. badtrip. hahaha!

nakarelate si ako. XD

kasalukuyan ako ngayong nanonood ng 'paano na kaya' ... yung film nila Gerald Anderson at Kim Chiu. wala lang. wala magawa.

natawa ako sa linya ni Kim na ganito ..


"ganun naman talaga diba .. lahat ng nagmamahal nagpapakatanga. kaya tanga na kung tanga pero mahal kita. mahal kita gago ka! "

wala lang. naka-relate lang ako. halos ganito rin kasi yung sinabi ko nung minsang magkausap kami ni ano e .. kung sino man siya. haha. pero di niya naman narinig kasi over the phone lang... tapos pagkababa ng telepono sinabi ko na antanga ko pero ganun naman talaga pag nagmamahal diba. haha. pero astig yung last line e .. ginago pa. the best!

tapos eto pa ..


"bakit ikaw pa? bakit ikaw? bakit ikaw? ""bakit ikaw pa ang minahal ko napapagod na ko .. !"


totoo din to. sinabi ko din to. bakit siya pa?? bakit?? hahaha!! pero dati lang yun. wala ng ganyan ngayon. naalala ko lang bigla.

tapos jan sa picture na yan .. yan yung scene na nagtatago si Kim (Mae) kay Gerald (Bogs). yung susunod na scene jan, pigil ang tawa ni Gerald dahil nagtatago pa si Kim e kitang kita naman siya sa reflection sa sasakyan.

ganyan na ganyan ang mga nagmamahal. sa una, todo tago pa ... deny to death pa ... ayaw pang ilabas ang nararamdaman nila. pero ang totoo, kitang kita naman .. halatang halata .. sa kilos .. sa pananalita .. sa lahat. nagrereflect. parang ako. hahaha. tinago ko pa .. halata naman. hindi dahil sa matalino at malakas ang pakiramdam ng mga taong nakapaligid .. kundi dahil ikaw mismo .. ako mismo .. ang nagpapakita .. nagrereflect sa akin ang nararamdaman ko. :D

naks. di naman ako in love. wala lang. :) sige nood pa ko. hahaha!