De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

31 March 2015

Pa-kiss ♥

Hi blog! Namiss kitaaa!!! Eh kasi naman eh, kahit gaano ko kagusto mag post, sa sobrang busy at sa sobrang pagod minsan di ko na talaga maisingit sa sched. hay. Anyway, kahit late na ngayon may chika pa rin ako. :D

Last Saturday, Walk of Faith. Hindi ko na ikukwento kasi sa kabilang blog ko na idi-discuss yun. Anyway, Ayun nga, natapos ang gawain ng past 1AM na siguro ng Sunday. Kakadaldal ko at dahil busy kami ng isang kasamahan ko na magbilang ng fund, hindi ko namalayan na wala pala akong makakasabay pauwi. Yung isa kasi maagang umuwi kasama pamilya niya. Yung isa kasama tropa niya. Yung isa naman niyaya akong sumabay sa kotse ng isa pa naming kasamahan, kaso napakarami na nila nakakahiya na. Yung isa, sasabay naman sa motorsiklo so wala talaga. Kaya ko naman ang sarili ko, di naman ako pwede magpa chicks kasi unang una hindi naman ako chicks e. Kaso naisip ko, mag 2AM na, delikado na maglakad mag isa. Kahit sabihin ko pang strong ako, iba pa rin kasi babae pa rin naman ako kahit papano. Kahit di ako maganda kahit papano naman gusto ko ingatan ang sarili ko. So naalala ko, umakyat pa ng condo yung iba kong kasamahan dahil may irere-solve na problem. So pinatawagan ko sa isa ko pang kasamahan na sasabay sa motorsiklo yung isa doon na nasa condo (gulo ko sorry), at sinabihan ko na hihintayin ko sila. Good thing, hindi muna umalis yung naka motorsiklo dahil hinintay pa nilang makababa yung kasama ko. So ayun nakababa na sila. Pagdating sa sakayan nagkahiwa-hiwalay na, tatlo na lang kaming naiwan. Naglakad kami at nagchikahan on our way. Tapos pumasok pa muna kami ng 7-11, bumili ng gatas at choco drink. Then sumakay na kami ng jeep. Yung isa, sa akin na sumabay (naks gentleman!). Nagkwentuhan kami sa jeep, madami-dami din kaming napag-usapan, katulad ng pagka-bore niya sa buhay niya. Kesyo ayaw niya na daw ng ginagawa namin, na hindi niya raw spirituality yun. Eh bago kami magretreat siya tong masaya sa ginagawa at ayaw bumitaw. Sabi ko naman sa kanya, nalulungkot lang siya kasi may kulang. Sabi ko mag-girlfriend na siya. Hindi naman niya sinabing ayaw niya, pero natatakot daw kasi siya na baka maging bossy sa magiging gf niya etc. Tsaka siya daw yung tipo ng taong mahilig mag isip, ni sa pagtulog nag iisip. Sabi ko naman, hindi lahat ng bagay kailangan pag isipan, minsan mas masaya at cool yung mga bagay na ginagawa mo lang kasi feel mo masaya. At isa pa, eh ano kung maging bossy siya? Wala pa siyang gf iniisip na agad niya negatibo tungkol sa sarili niya. Kung talagang mahal kako siya ng babae, tatanggapin kahit sino pa siya, at siya rin, magbabago siya para sa minamahal niya. At sabi ko rin dapat kasi wag siyang matakot mag explore (wow nanay ang peg LOL). Sabi niya, mahilig naman siya mag explore, ayaw niya lang maging miserable. Sabi ko miserable siya. Todo kontra naman, di naman daw kasi siya bitter o  malungkot talaga. Sabi ko naman, hindi naman yung mga taong iniwan, malungkot at galit sa mundo lang ang miserable e. Yung mga taong pwede namang maging masaya pero pinipiling pigilan ang sarili nila dahil sa negative thoughts nila, ayun ang miserableng tunay, at siya yun. hahahaha! natawa na lang siya. Sabi ko nga e, "tara explore tayo"....aba tumawa ng mas malakas. Kakaiba daw ang dating pag ako nagsabi, eh seryoso naman ako nun at walang halong kahalayan (except kung gugustuhin niya, why not? LOL). Tapos napunta kami sa usapang pangalan. Tinanong ko siya kung anong tamang pagbigkas ng kayang pangalan, kasi ayoko ng tinatawag sa kanya ng mga kasama namin. Ang sagot niya, may nickname daw siya. Una dinig ko "Pang", so sabi ko, "Ha? Pangit?" sabi niya, "tawag sakin Paki..." Eh di ko gets tapos sabi niya "Pakis." Ang sinagot ko, ayoko ng nickname mo hindi naman kita nakilala sa ganun, yung pangalan mo na lang... tapos ayun sinabi na niya yung gusto niyang bigkas. bago siya bumaba, bilin niya na umupo ako sa likod ng driver.... sabi ko oo pero pagbaba niya sabi ko "pero syempre di kita susundin :p" LOL bago siya bumaba sabi ko, "kaya mo yan, kaya natin to." END OF STORY. JOKE!


Pag-uwi ko ng bahay, saka ko lang na-realize ang sinabi niya with sparkling eyes.... "Pakis." as in "Pa-kiss". LOL ASSUMING!!!! Eh bakit ba. Minsan lang to hahahaha! Di naman ako kinikilig di tulad ng kilig ko kay SpongeBob Squarepants pero natawa ako. Bakit di ko nagets yun? Pagkakataon na eh pinaglagpas ko pa! tsk! Sayang! Tsaka what made me assume is that, nung gabi ding yun may naibalik ako sa kanyang napakahalaga niyang gamit na nawala. Sabi ko dapat may reward. SAbi niya ano daw gusto ko. Sabi ko dapat yung magbibigay ang mag-decide. Tapos nag pasimpleng kiss siya sa hangin with sounds. Natuwa ako syempre. Tapos sabi niya, "Where do you want me to do it?" kaso naputol ang usapan nung may ibang kumausap sakin. hahahaha!

Ano ba yan. Sayang ang opportunidad. Kung kailan naman dapat hindi ako slow saka nagkaganun. Bahala na, sisingilin ko pa rin siya! hohoho! Landi eh! XD

25 March 2015


Hooray! Just a quick post for tonight. I was browsing my twitter account when I saw a similar post. This might be my reason why on my next relationship, I would prefer we'd call each other by our given names, rather than those cheesy terms of endearment. I'd rather be sure I was the only one he calls by that name, well, unless he'd be cheating with another girl whose name is like mine. :) 

Just a random thought for tonight before I go to bed. I missed my bed so much! :D 

20 March 2015

Random late night thoughts.....

Hay. 3am na, birthday na ni Jam. Happy birthday Jam! hahaha! Anyway, 3am na gising pa ko, maaga pa naman ako aalis mamaya hay. Nawa magising ako ng maaga! Lagi na lang kulang sa tulog. Tinapos ko ang essay nina Sam at Kathlene, ginawa akong google translator eh hahaha! Natuwa naman ako sa mga gawa nila, infairness. Sana nabigyang hustisya ng english translation ko ang thoughts nila chos! Anyway, magpopost pa sana ako sa isa ko pang blog kaso mukhang hindi ko na magagawa pa dahil anong oras na nga. Mabuti kung makakatulog sana ako agad. Hay. Bukas kuhaan na ng allowance! Itatabi ko na talaga yung pera. Kailangan ko mag ipon, malapit nanaman mag-December. hahaha! At magda-diet na talaga ako, hindi na biro yung lagi na lang may nagsasabi na ang taba-taba ko na. hahaha! Hindi naman ako nahuhurt, pero kasi mukhang seryoso talaga sila na kailangan ko ng mag diet haha! Bakit kasi di na lang boobs ang tumaba sakin eh. Tsk. 

Nga pala, kanina nung pauwi ako galing Manggahan, Pasig, sa jeep, soundtrip ako. Ang kanta sa playlist ko, Come What May. O diba, halos ma-forgets ko na yung kantang yun ngayon ko pa narinig! So ayun na nga, napa-emote ako ng konti. Medyo madilim kasi yung jeep tapos ang bilis, ang lakas ng hangin lipad kung lipad ang hairs ko hahaha! Ayun naalala ko nanaman si Riyen Edward Jerizano Arreza. Bat ba nagpaparamdam kayo mga ex? chos! Wala lang, parang naramdaman ko lang ulit kanina yung love ko sa kanya. Hindi na ko in love at di na ko umaasa, pero wala lang may naramdaman lang ako. Not hurt, more on masarap na feeling na di ko ma explain. Hay. ....


Gusto ko mag post ano ba yan (hindi pa ba post to? LOL) pero wala kailangan ko ng magpaalam. :'( Yung preaching ko kanina ok naman, pagod na pagod ako halos mawalan ng energy at boses yung mga tao kasi antok though nasagot naman sila. Nararamdaman kong di sila interesado. Ginawa ko naman lahat ng effort para mapasaya sila pero wala eh. Ganun talaga. Si Lord na bahalang kumilos sa kanila.


Excited na ko mag retreat. Sana naman worth it.


O diba random kung random thoughts. hahaha! Ganito ka aktibo at ka kulit ang utak ko pag ganitong oras. O siya alis na ko.


Ay nga pala, nainis ako kina Ellen at Eunice ng konti today. Si Ellen kasi, sa chatbox ba naman sabi kasi namin mag-BGC kami sa Holy Monday, aba sabi exact date please daw WTH. Hindi pa ba exact yung Holy Monday?? I mean, pwede naman niya kasi itanong kung anong date, alam ko kasi tono niya pag ganun eh. kaasar lang. Si Eunice naman, iniintriga pa yung pag uwi ko ng bahay. Kesyo 12am kasi, nag chat pa siya bat daw gising pa ko. Sabi ko, halos kakauwi ko lang. Bat daw 3 hours biyahe ko. Sabi ko normal biyahe ko yun, actually mga 2 1/2 hours lang dapat, eh kaso nagtagal pa ko ng konti kanina sa Pasig. Anyway sabi niya, bat siya daw pag sa Paranaque nauwi 1 hour lang, magkatabi lang naman daw ang Las Pinas at Paranaque. Oo na andun na tayo, pero naman. Magkaiba naman ang biyahe nun. yan hirap sa mga tao eh, porket magkatabing lugar magkaparehong biyahe na agad? Porket Las Pinas malapit lang? Asan ang hustisya? Di kasi nila alam na mula Pasig kanina, anim na sakay pa ko bago makarating ng bahay.  Di kasi nila alam na kasama na sa oras ng pag uwi ko ang 30-45 minutes o minsan 1 hour pa na pagtambay ng bus sa Ayala. Di kasi nila alam na sa biyahe ko may kasama ng window shopping sa mga piniratang gamit tuwing gabi sa palengke ng Alabang sa sobrang haba ng nilalakad ko papuntang sakayan. Di kasi nila alam na pumuti na mga mata ko kakaabang ng jeep papunta samin, tapos gumive up na ko kasi parang pointless na, sumakay na lang ako sa pila kung saan namuti nanaman ang mga mata ko kakahintay para mapuno ang jeep. Pero ang pinaka malupit dito, bakit pati oras ng pag uwi ko issue na rin? Ano ba nangyayari sa mga tao ngayon? Eh ano kung 2 o 3 hours biyahe ko, sila ba ako? Sila ba yung puyat at pagod? What the heaven! 


O siya, ok na ko. Kaya gusto ko lagi mag blog eh, nakakatanggal stress. Good mornight! :D


19 March 2015

Yesterday's report

Yesterday's achievement: Nakita ko ang sched ng Walkway 2015, I was able to help someone.
Yesterday's event: Dinner date with Tine :)
Yesterday's blessing: My life, my work, my family, my friends.
Yesterday's first: First time ko makarating ng BGC, swear. Grabe natatawa ako. Nung nag-a-apply pa lang ako ng trabaho, ayoko sa BGC, ayoko rin sa Pasig o Shaw Blvd. banda kasi nalalayuan ako. Tapos ang work ko dun din mismo. hahaha! Iba ka Lord! :D

Minsan pala, kahit gaano kahaba ang pasensya mo, kahit gaano mo kagusto na intindihin ang isang tao, darating ka talaga sa point na mapapagod ka. ..

May isa akong kakilala. May pinagdadaanan siyang kabigatan sa kanyang buhay. Para sa mga katulad ko medyo simpleng bagay lang yun, pero syempre iba-iba naman tayo, para sa kanya mahirap yun. Higit sa ano pa man, ang kanyang problema at kalaban ay ang kanyang sarili. Itong taong to, una sa lahat di ko maintindihan kung bakit maraming may ayaw sa kanya. Sa maikling panahon na nakakasama ko siya at unti-unti ko siyang nakikilala, mukhang ok naman. Sinabi nga ng isa sa mga kaibigan niya eh, siguro kaya ganun dahil kami, kilala namin siya. Na hindi siya tulad ng iniisip nila, at naiintindihan namin siya kung sino man siya. Siguro nga ganun. Pero kung maraming tao ang may comment sa kanya, ibig sabihin meron talaga silang nakikita.

Kung sa bait, walang duda mabait talaga tong taong to. Masayahin, friendly as in super. Ang naiisip kong problema niya, yung immaturity niya. Sobrang reactor siya, lalo sa negative na mga bagay. Ayaw na ayaw niyang pagsasabihan siya, pag ganun nagsisimula na siyang mag ingay at magwala. Sabagay, sino ba may gustong mapagalitan LOL ako nga ayoko din ng negative comments hangga't maaari eh. Kung meron mang mga ganun mas gugustuhin ko na hindi ko na lang marinig, kasi nakakasira naman talaga ng loob. Naiintindihan ko dahil masakit naman talaga makarinig ng di maganda tungkol sayo kahit na pinipilit mo namang maging tama. Pero kasi naman, hindi naman niya kailangan mag react ng ganun. Pwede namang chill lang, pag may nega na narinig, edi baguhin. Hindi naman kasi tayo perpekto diba? Kailangan nating tanggapin na may mga di magandang bagay na masasabi ang tao, na may nakikita sila sa atin na hindi natin nakikita, or nakikita man natin pero patuloy nating dinedeny sa mga sarili natin kasi hindi natin matanggap na may ganun tayong side (hingal XD). 

Ang medyo di pa maganda sa kanya, pag may negative comments, alam niya lang, aminado naman siya na ganun siya, pero alam mo yun? Mula pa high school ako lagi ko ng sinasabi na hindi sapat na alam mo lang yan. Gawan mo ng paraan. Hindi naman sinasabi na magpaka plastik ka, na magpaka santa ka kahit di naman. Ang sinasabi lang, be sensitive, hindi lang ikaw tao sa mundo. Kung meron mang ugali ka na alam mong nakakasama sa iba, wag mong gawin, pigilan mo. Change is constant, sa ayaw at sa gusto natin kailangan natin magbago. Hay. Nakaka high blood. Kaya dito na lang ako sa blog nagpuputak dahil gusto kong mai-release ang inis ko sa kanya. Nasabi ko na naman ang ilan dito, yung iba inaamin ko di ko masabi kasi kakaiba nga siya mag isip. Kahit concern ka sa kanya di niya nakikita yun, ang nakikita niya, nilalait mo siya at sinasabihan na walang kwenta. WTH.

Pero ang lahat ng ito ay napagpasensyahan ko naman, maliban sa isang  bagay kanina. Nag-message siya sa group na ipag-pray namin siya. Nag reply ako ng thumbs up sign, tapos wala ng ibang pumansin sa kanya. Nakakapagod na kasi. Hindi nakakapagod ang pananalangin dahil lagi ko siyang pinagpi-pray. Ang nakakapagod, yung part na ayaw niyang tulungan ang sarili niya. Kahit ipag-pray namin siya, kahit payuhan namin, kung ayaw niya naman tingnan ang mali sa sarili niya at baguhin iyon, wala pa rin. Alam ko kayang baguhin ng panalangin ang lahat ng bagay, pero naniniwala din naman ako na kaakibat ng pananalangin, dapat kumikilos din tayo. Mananalangin tayo na sana baguhin ng DIyos ang ating puso, tapos pag may dumating na circumstances na binabago na tayo nagagalit tayo. Ang labo no? Bakit kaya di tayo nakukuntento sa nakukuha natin, eh yun naman ang hiningi natin? 

Anyway balik sa kanya, ayun nga nakakapagod. Nakakasawa. Nakakainis isipin na ito nanaman tayo, nagda-drama, sinisisi nanaman si Lord, galit nanaman sa ibang tao dahil sa mga komento nila. Hello, magcocomment ba sila kung wala nakikitang mali talaga? oo may mga taong judgmental lang talaga, pero kung majority iisa lang nasa isip aba naman mag isip ka na kung ano na bang mali sayo. Grabe. Nakakaloka. Tapos yung mas nakakapagod pa, yung paulit ulit na drama. Yun at yun na lang palagi. Kung nahihirapan ka sa ginagawa mo at tingin mo di para sayo, edi umalis ka, quit. Hindi yung magdadrama ka, kesyo ayaw mo na, tapos may mababasa ka na nakaka inspire ok ka na ulit taos bukas hindi nanaman. Oo, totoo naman na lahat dumadating sa ganun part, ako mismo ganun eh. Pero yung ang bilis ng phasing. Yung tipong day 1 ok kay, day 2 hindi ka ok nalilito ka , day 3 may mababasa ka empowered ka ulit tapos day 4 hindi nanaman. Ano ganyan na lang palagi? Ok lang sana kung buwan ang nagdaan at alam mong major problem talaga ang cause ng pag ganun eh katanggap tanggap pa. Pero yung isang araw lang o dalawa ang pagitan? WTH. Walang growth na nangyayari, parang Pilipinas lang hindi umuunlad. Hay. Nakaka high blood talaga promise. Patawarin ako ni Lord pero ito talaga nararamdaman ko ngayon. Nakakainis pala talaga yung taong sobra ang self-pity no? Hay. Ayun pa, kesyo walang ama kaya ganyan ang ugali. Andun na tayo, pero naman. Marami jan ang walang ama pero nakayanang mabuhay ng normal at matiwasay. Hay buhay. Ayoko ng mainis. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Gusto ko pag nakita ko siya ok na siya, at ok na rin ang pakiramdam ko. Ayokong mainis sa kanya kasi mahal ko siya bilang kasamahan ko siya sa trabaho. Hay. 

08 March 2015

May 12, 2013 post. I think I finally found him... JOKE! hahaha! But I hope I would. A man who loves reading, I pray would love me even more, and would love my Lord more than anyone and anything else in this world :) ♥


Today's report

Today's achievement: I woke up at 7 in the morning! It's a miracle!
Today's event: Jam's internment
Today's blessing: I woke up. I'm alive.
Today's goal: be happy...still. :)

Wala ng Jamich, Mich na lang. T.T

Kaya ayoko mag-Facebook eh, mate-tempt akong tingnan ang FB accounts nina Mich, tapos malulungkot nanaman ako. Hindi ako big fan ng Jamich, pero dahil madalas akong makapanood ng vids nila lalo sa bus pag nasa biyahe, halos alam ko na karamihan ng vids nila. Anyway nakakalungkot talaga, ilang araw na. Umiyak iyak pa nga ko nung nakaraan eh. Oo na, hindi naman ako isa sa pamilyang nawalan, hindi ako ang girlfriend na naiwan, at lalong hindi naman ako kilala ni Jam. Kaso alam mo yun? Ang iniiyakan ko at ikinalulungkot ko, almost happily ever after na sila, almost a love story na talaga, tapos ganun? Ganun lang? Kaya pala, napapaisip ako dati, hindi ba sila nakakaisip maghiwalay, eh halos lagi silang magkasama? Bakit parang walang hadlang sa pagmamahalan nila? Yun pala.... yun pala... kamatayan ang sisira ng lahat. Grabe. Bakit ganun? Lord bakit ganun? Bakit hindi pwedeng maging lubusang masaya sa mundong ito? Bakit kailangan hadlangan ng kamatayan ang tunay na pag-ibig? Bakit? Nakakainis isipin na ang bilis ng lahat ng pangyayari. Stage 4 agad, tapos ngayon patay na. Grabe. Dito dapat tinatanong kung nasan ang hustisya? Bakit ganun? Bakit ganun??? Bakit napakadamot ng mundo?

Naii-stress talaga ko sa mga katanungan kong to. Alam ko walang sense sa inyo, pero sakin mahalaga to. Hindi lang basta namatay si Jam. May iniwan siya. May kailangan akong malaman. Bakit? Bakit?????

Hay. Anu't ano pa man, wala na, wala na si Jam. Wala ng Jamich, Mich na lang. T.T 

03 March 2015

Today's report

Today's new experience is : Starbucks' Chocolate Chip Cream! Sorry, but it's my first time. :D
Today's happy moment : Book shopping with two of my cool colleagues.
Today's unforgettable experience : my "riding in tandem" nightmare.
Today's blessings : My family, my colleagues, this life.

02 March 2015

Sabi ko di na ko papaabot ng alas-2 for a change, at para naman sa awa't habag ko sa mukha kong puro pimples dahil sa palagiang pagpupuyat. Pero last na to. Haha. Tinry ko kasi buksan yung email niya, hindi ko na ma-access. Na-deactivate ko na nga pala. Hay. Edi yung akin na lang, tiningnan ko mga pictures namin... at grabe super natatawa na nasusuka ako sa itsura namin dun. Hahaha! Ang chaka chaka ko grabe. Naisip ko nga, mabuti at nagustuhan niya ko sa ganung itsura ko? Grabe gusto ko nang maniwala na minahal niya talaga ko hahaha! Pero infairness ang payat ko noon ah, aba pag nakita niya ko ngayon baka akalain nun na losyang na ko hahaha. Pero grabe natatawa talaga ko. Parang ayoko ng  balikan ang nakaraan, parang gusto ko bawiin yung mga post ko na sinabi kong mahal ko siya LOL. Di ako bitter, natatawa talaga ko swear. Pati chat namin nabasa ko pa ang kulit lang. Hay buhay. Kaya wag ng balikan ang nakaraan... nakaka-disappoint. hahahaha!

Nov. 1, 2012 ; 1:18 AM


What if it's gone tomorrow, what do you think you will be doing next?
-I will sleep with my Father, Mother and Sister and I will also invite my Brother and his family to come over and sleep with us.
or
I will spend the rest of my time exclusively with the one I love [only if he chooses to be with me. :(]

Given the chance to invite 5 important individuals for dinner, who will you invite??
-Papa
-Mama
- Nogie
- Sam
-Shamita
You have the opportunity to date your ultimate crush, who will it be and where will you go??
-Liv Tyler, Vienna, Austria
What do you think is the song of your life??
-Who Am I? - Casting Crowns
If you could have an all time 'fantasy' band, who would be in it? Why??
-vocals-
- drums -
-guitars-
Lady Kyu (pangarap ko pa rin talagang matuto maggitara.)
-bass -

If you could have a magical power, what would it be??
-to eliminate consequences of my wrong doings. :)

If you would be a gift, what would you be and to whom would you present yourself to??
-I would be a book and I'll present myself to 'him'.
If you had an alias, what would it be??
-Lady Q :)
What would you do if you were president of the Philippines for a day??
-Sleep.
Anyone and anything you're currently addicted to??
-thinking.
If your life were a movie, what would its title be??
-Miserable at school.

What book are you currently reading?
-Power of a Positive Friend and The Adventures of Pinocchio
How's your relationship with...
your family..
:)
your friends..
:I
your loved one...
:'/
If you had the choice, would you prefer a different name? If yes, what will it be and why??
-no other name could replace mine.
If you have songs to sing before the world ends, what will it be??
-Tell the World of His Love
You have a chance to record a duet with our local male recording artist, who would you like to have a duet with? why??
-Ogie Alcasid, his songs tells it all. :)
If you were born in a different time and a different place, what century or year would it be??
-Adam and Eve's time .. I want to see and experience the Paradise. 
What question do you wish people would stop asking??
-I hate the fact that people do not ask. (what's with me anyway?)

What part of your day is the hardest??
-not talking with him, seriously. 
What was your greatest achivement so far??
-full scholar @ CDW this semester.
-forgiveness...
-love.

The reason why you get annoyed recently.
-myself.

The reason why you got hurt recently.
-myself.

The most hurtful words you've heard or received recently.
-'mahal kita'
-'bakit kailangan kong sabihin sayo?'

What's the most recent dangerous thing you've done??
-to sin.
If you could have 24 hours to do whatever you wanted, what would you do??
-sleep with him. (again, if he wants to)
Who do you admire and why??
-JESUS. He's the best.
What's the funniest rumor you have ever heard about yourself??
-I'm quarreling everybody but in fact, I didn't do anything to them.

What are the things or who are the people you missed most??
-the things we used to do and how we used to be before he left.

-people- Papa, Mama, Kuya, Bunso, 'agent jack', 'agent espie', 'agent shamee', Sir Cromosome, Sir MelO, 'him'
What if you were given one billion peso and you have to spend it all for a day, what will you buy??
-
[how I wish this is true...]
What will you choose, friendship or love??
-love. it all starts there.

What are the 5 important qualities you demand from a friend??
-acceptance and commitment
Do you think you already met your "true friend"??
-i hope so.
What would you do if you were the principal of your school for a day??
-go home and sleep.

How do you deal with annoying rumors??
-I laugh at them.
What's the first thought you have when you wake up in the morning??
-'Thank God I'm still alive'
Do you have trouble sleeping??
-yes, again.
What's the most romantic thing a guy's ever done for you??
-EVERYTHING THAT HAPPENED IN LUNETA LAST OCTOBER 9, 2012

Are you in love now??
-probably. 
What's your idea about a perfect date??
-being with the perfect man
What do you like most about yourself??
-

What are your personal priorities these days??
-second semester
What CD are your listening to right now??
-none
What movie or show you are currently addicted to??
-The Beautiful Affair (because Bea Alonzo is there)
-Armageddon (Liv Tyler, Ben Affleck and Bruce Willis. wow)

Normally, we all have superstitions or phobias, what's yours?
-fear of losing him ...
Other things you want to achieve now??
-boyfriend. XD
What do people misunderstand about you??
-my way of dealing with them.

Given the chance to kill someone without being punished, who will you kill??
-myself
What are the qualities you look in the people that surround you with??
--pokerface.
What's your favorite thing to do during your time-off??
-eat.sleep.read.think.

What do you regret?
-I forgot to love myself.
What do you want the most that you don't have??
-the one that I love.
What would you never do??
-give up my faith.
What is your favorite thing to spend money on??
-food, books
What were you doing 3 years ago??
-thinking about killing myself.
Give 3 things you can't live without.
-me, myself and I
It's your greatest desire to..
-write and talk
When I'm not in the mood..
-I sleep.
Your greatest frustration is..
-lovelife. LOL
If you are given the chance to have your concert and choose 5 popular bands or individuals to be your guest, who are they?
-
What are the things that make you mad??
-broken promises

What was the best thing that happened to you this year??
-every beautiful memories I had with him.

What is the thing you would most like to see change in the coming year??
-people's attitude

What thing you would most like to see change in yourself??
-everything

What is the most heart-breaking part of your love life??
-loving someone I know I could never have.
Given the chance to exchange life to someone, who will it be and why??
-the richest man on earth
-his girl ..I want him to be mine.. :(
Craziest thing about being in-love?
-being in-love itself.
Craziest thing you do when you're drunk?
-cry.

What is the most embarrassing thing you've ever done??
-to be in love.
What is the most unforgettable thing a friend's ever than for you??
-risking
-sacrificing His own life for my salvation (Jesus)
-giving me something I've always been wishing for.
-spending time, effort and money for me.
Would you like to change something in your life??
-yes.
If yes, what would it be and why??
-I want to be happy always.
The best gift I've ever received was..
-my life.
Who is the last person you get jealous with??
- his GIRL.
If you can buy someone, who will it be??
- 'him'
The last reason you laughed is..
- 'him'
Who's the person you just saw recently but you're very happy to see??
-Papa, Mama, Sam
-the one that I love
It's hard to fall in love with someone...
-who is truly, madly, deeply, crazy in love with someone else...
How do you know if someone likes you??
-feelings
-if I was told about it
Have you kissed someone who's not your family, gal friends or boyfriend??
-definitely and I love it! :D
Do you have someone you want to kiss that you haven't kissed yet??
-of course

Have you been in love with your friend's ex or current boyfriend??
-no

Who Was The Last Person You Talked To?
-Sam
Who Was The Last Person You Were With, Besides Family?
-myself

Who Was Your Last Kiss?
-the one that I love

Who Knows The Most About You?
-God

Who Is Your Favorite Band, Rapper, Singer, etc.?
-myself. LOL

Who Can Make You Laugh No Matter What?
-my family and him.

Who Can You Always Count On?
-JESUS

Who Has Your Heart?
-JESUS.

Who Is or Was Your Favorite Teacher In School?
-sir obing and cromy (hs), sir landrito (the best in college)

Who Is Your Crush?
-pogi.
Who Is Your Best Friend(s)?
-none.

Who Loves You?
-JESUS

What Is Your Favorite Song At The Moment?
-After All

What Are You Looking Forward To?
-maintain my scholarship (God please help me...)

What Is Your Favorite Color?
-orange.

What Website Do You Visit Most?
-facebook, google, blogger, youtube, keepvid

What Is Your Favorite Smell?
-his scent.

What Is Your Favorite Movie?
-

What Is Your Favorite Season?
-rainy season, Christmas season, and my birthday season.:)

What Curse Word Do You Use a lot?
-adik

What Kind Of Phone Do You Have
-nokia ... I don't know. XD


What Was The Last Song You Listened To?
-After All
When Was The Last Time You Went To The Mall?
-Yesterday
When Did You Talk To Your Crush Last?
-Last Night

When Do or Did You Graduate?
-March 21 2009.

When Is The Next Time You’ll Do Something Fun?
-the next time that we will be together.

When Was The Last Time You Ate or Drank Something?
-just now. 

When Is Your Birthday?
-August 3, 1992

When Was The Last Time You Went To The Movies?
-This year.

When Is Your Parent's Birthday?
-Mother: April 20 Father: October 25

When Was Your First Kiss?
-with my family : when i was born
-with someone else : when i was in grade 4

When Were You In The Car Last?
-
When Will You Be 21?
-A year from now.

When Will You Be Taking Your Next Vacation?
-I don't know.
Where Do You Live?
-In our residence.

Where Is The Best Place To Be?
-by his side. 

Where Was Your Last Vacation?
-Sorsogon in Bicol

Where Were You Born?
-I was born inside a taxi in Las Piñas City.

Where Is Your Best Friend?
-search on going.

Where Do You Want To Live?
-by his side

Where Was The Last Place You Were Besides Your Own House?
-Araneta

Where Do You Think You’ll Be In 10 Years?
-in the Philippines or somewhere outside the country.

Where Is Your Cell Phone?
-on my table

Where Are Your Parents?
-downstairs.

Where Was Your Display Picture Taken?
-at school.

Where Were You 24 Hours Ago?
-on my bed.
Your last phone call
-Papa
Last beverage
-water
Last text message
-0942*******
Last time you cried?
-October 29, 2012
Have you been cheated on?
-yes.
Have you kissed someone and regretted it?
-yes
Have you lost someone special? When? How?
-No.
Have you been depressed?
-always...
Have you been drunk and threw up?
-yes
Have you made a new friend this year?
-yes
Have you fallen out of love?
-I guess I have to.
Have you met someone who changed you?
-yes

What do you promise to do?
-study hard
Do you have any pets?
-yes. 2 love birds.
What did you do for your last birthday?
-I've spent my whole day with the one I love. that was so unforgettable.
What time did you wake up today?
-I haven't slept yet.
What or who's getting on your nerves right now?
-none so far.

Where do you want to be right now?
-beside him.
Your relationship status ...
-single.
Zodiac Sign
-Leo
Birthstone
-Peridot
Male of Female?
-female
Righty or Lefty?
-right
First surgery
-
First piercing
-ears
First best friend
-Mama and Papa
First kiss
-CPA
First crush
-RP
First boyfriend
-AM
First love
-
You are waiting for ...
-him.
Want kids?
-of course
Get married?
-yes.
Lips or Eyes?
-both.
Hugs or Kisses?
-hugs and kisses
Shorter or Taller?
-taller
Older or Younger?
-older
Nice Stomach or Nice Arms?
-arms
Have you ever broken someone's heart?
-most of the time
Have you had your own heart broken?
-always
Have you been arrested?
-no.
Have you turned someone down?
-yes
Have you fallen for a friend?
-SHIT. Yes.
Do you believe in yourself?
-not really
Do you believe in miracles?
-yes
Have you had more than one bf or gf?
-yes. 
Have you tried getting into a same sex relationship?
-yes
Did you sing today?
-yes
Have you ever cheated on somebody?
-yes
If you could pick a day from last year and relive it, what would it be?
-March 17, 2011
Are you afraid of falling in love with somebody?
-no.
Who is the real YOU??
-I'm _-_-_-_:)








updated : Nov. 1, 2012 ; 1:18 AM