De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

25 February 2015

Morning Sickness

Today is an achievement! :) Ang aga ko nagising. 6:00AM bumangon na ko at ngayon, eto nagko-computer. May meeting kami ng 8AM, dapat 7AM umalis na ko.. kaso di pa nagtetext yung kasabay ko so maya-maya na ko maliligo. Anyway, dahil maaga pa, nagbasa ako ng mga homilies for this coming Sunday. Wala pa rin akong outline >.< Tapos ewan ko ba at napabukas ako ng twitter, nabasa ko tuloy ang trending for today.

 #LateNightHugot #MissKo

Syempre mga pang emohan nanaman ang banatan. May namiss tuloy akong isang tao. Kasalanan to ng #MissKo e. Late night conversations, paulit-ulit na magtatanong kung asan ka? kumain ka na ba?, Yung ayaw pa ibaba ang phone, puro love you, yung katawagan ko ng GA.

December 22, 2012
December 22, 2013 - 1 year
December 22, 2014 - 2 years
January 22, 2015 - 1 month
February 22, 2015 - 2 months
February 25, 2015 - 3 days

It's been 2 years, 2 months and 3 days. Pero di ko pa rin siya nalilimutan. It's been 2 years, 2 months and 3 days pero alam ko mahal ko pa rin siya. Maaaring hindi na yung pagmamahal na kaya siyang hintayin, hindi na yung pagmamahal na ipagpipilitan pa rin siyang ipaglaban at habulin. Hindi na yung pagmamahal na gusto pa siya makausap at makita, hindi na yung pagmamahal na umaasa pang magkakabalikan pa kami. Basta pagmamahal. Pagmamahal na kahit wala na siya sa buhay ko ngayon, alam ko na mararamdaman ko pa rin hanggang sa paglipas ng panahon. 


“There are all kinds of love in this world but never the same love twice.”― F. Scott Fitzgerald


Tama nga ako noon. Wala na kong ibang mamahalin ng tulad ng pagmamahal na ginawa ko para sa kanya, at alam kong wala ng makapagpapadama pa sakin ng pagmamahal na binigay niya sa akin. Pero alam ko na darating ang taong magpaparamdam ng mas higit pang pagmamahal, yung pagmamahal na masaktan man ako, alam ko na hindi ako iiwan. Alam ko na dapat kong ipaglaban. Alam ko na ako ay tunay na ipaglalaban. 

Naghanap ako sa email, hinanap ko ang last mail message niya sa akin noong nakaraang taon kung di ako nagkakamali. Wala na. Oo nga pala, pagkabasang pagkabasa ko pa lang, binura ko na agad,.....kasabay ng pagbura ko sa aking puso ng lahat ng aming ala-ala.....



24 February 2015

TuPpErWaRe

Napapansin ko sa sarili ko nitong mga nakaraang araw, may isang tao akong kinaiinisan ng sobra, to the point na naikukwento ko na yung mga mali sa kanya. Kahapon magkasama kami, at inis na inis talaga akong makita siya. Ni hindi ko na siya kayang tingnan kasi naaasar talaga ako. Minsan na kaming nag-away ng taong ito, at alam ko sa sarili ko na napatawad ko siya noon sa lahat ng sinabi niya. Pero simula nung may nakaaway siyang malalapit na tao samin, at sakin niya mismo sinabi na di na niya gugustuhin maging kaibigan yung mga yun.... bumalik yung inis ko sa kanya. So, ganun na lang yun? Pag galit siya may karapatan siyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin, kahit nakakasakit na siya ng ibang tao? Tapos pag ok na siya... wala na lahat yun? Oo, sabi nga nila forgive and forget...pero hindi kasi basta-basta yung mga sinabi niya. Hindi yun isang bagay na pwedeng i-consider as joke. Nakakasira ng pagkatao. Nakakasira ng tiwala. Nakakasira ng relasyon. Kaya ngayon nahihirapan talaga ako. Ayoko ng makipagplastikan sa kanya. Gusto ko na lang na mawala siya sa landas ko... I mean, yung di siya makausap ever. Kasi alam ko na sa ganung paraan lang ako magiging ok. Pero naaawa naman ako, kasi para namang di ko naranasan noon na iniwan ako ng isang taon tinuring kong kaibigan. Kaya naisip ko naman, ano kaya kung kausapin ko siya, sabihin ko na ayaw ko na? Na ayoko ng ugali niya, na ayoko ma-encounter ulit na magsasalita siya ng di maganda pag galit siya? Napaka-childish kasi ng ugali. Ngayon nga nararamdaman ko nagiging childish na rin ako.. pero kasi naman e. Kesa mas masaktan ko siya sa pakikipag plastikan ko sa kanya, maigi na siguro na sabihin ko na lang ang totoo. Na ayoko na siyang makausap. Na ayoko siyang kasama. Na ayoko sa taong tulad niya. Hay. Patawarin ako pero ito lang talaga ang alam kong pinaka mainam na paraan. Kasi ayoko na nahihirapan din ako. Hay,..........