De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

15 February 2011

parang tanga talaga. grabe. kakagigil.

ayun.. tumawag siya. humabol pa talaga. nagulat ako kasi 2am na ... dapat nakauwi na siya ng bahay. no choice... dapat kong sagutin.
tinanong niya ko kung asan na yung devotion ko, hindi kasi ako nagsend sa kanya. puro .. 'ah...' 'oh...' lang ang sagot ko. tapos tinanong niya ko kung nakita ko si Abby. sabi ko hindi kasi walang pasok, pero nung Sunday nakita ko. tapos tinanong niya kung bat gising pa ko. sabi ko 'ano naman?'. haha. tapos sabi niya kanina pa daw nakapatay phone ko ngayon lang daw niya nakontak. di ko sinagot. kunwari wala akong narinig.
tinanong ko siya kung bakit di pa siya nakakauwi. tumambay pa daw kasi siya sa office niya, naglaro. pauwi na siya nung kausap ko siya sa phone. hindi naman sa tinatamad pero wala ako sa mood kausapin siya. nagtanong siya kung anong ginawa namin (kasi ganito format ng mga tanong niya e, "anong ginawa niyo?") so sabi ko, wala.. natulog buong araw. sabi niya bat di daw ako nakipag-date ... with friends. sabi ko di pwede. sabi niya may date daw kasi sila. no, he's wrong .. grounded kasi sila. kung pwede lang edi sana group date kaming lahat. pero ayun na nga. tinatanong niya kung bakit at paano. hello, grabe a .. ikukwento ko pa ba sa kanya? ano namang pakialam niya dun diba?? sinabi ko sa kanya na masyado syang pakialamero (yeah, hindi ko talaga siya kinausap ng matino.. pinamukha ko sa kanya na wala ako sa mood kausap siya.). sabi niya nagtatanong lang naman .. sabi ko, wala ako sa mood magkwento. ayun, napikon din siya .. nagbabye na. akala naman niya magpapatagal pa ko, nagpaalam na rin ako at pinatay ko na.
grabe. para siyang tanga. akala niya di ko alam kung bat 2am na pauwi pa lang siya .. kaya siya tumambay sa office niya .. kasi .. takot siyang umuwi ng bahay nila ... feeling niya ng kasi galit sa kanya ang mahal niyang asawa .. hainako .. kaasar talaga. ang arte. feeling bata. kung kailan tumanda saka nagkaganyan. badtrip talaga.

scenario

Valentine's day, wala akong ka-date. Meron akong mahal pero hindi ko naman siya pwedeng makasama ngayong araw. Ang mga kaibigan ko, lahat may kasintahan at kasama nila ang kani-kanilang mga mahal. Ako, meron din naman .. ang kaiba nga lang, di ko siya pwedeng makasama kahit anong oras ko gusto .. scheduled girlfriend niya ako.

Wala akong kasama sa bahay, kaya naman napagpasyahan kong maglakad-lakad sa park pampalipas ng oras at ng araw. Daming lovers sa side. Hindi naman ako naiinggit dahil alam kong one day after Valentines pwede rin naming gawin yun .. yun nga lang, kailan yun? kailan kaya pwede? at ang malupit pa dun, bakit hindi pwedeng ngayong araw na ito mangyari yun?

Habang naglalakad ako, may isang batang sumalubong sa akin at nakabangga ko. Natumba siya kaya itinayo ko. Napaka-cute niyang bata. Napangiti ako ng tumingala siya para tingnan ang mukha ko.

Bata: Malungkot ka no?
Ako: Ha? Malungkot? Ako?
Bata: Oo, ikaw. Sino pa bang kausap ko.
Ako: Paano mo naman nasabi?
Bata: Nakikita ko sa mata mo. Naiiyak ka na nga e.
Ako: (punas ng mata) O e ano naman?!
Bata: Kung may gusto kang makasama ngayong araw na ito, sino yun?
Ako: Hmm... bakit?
Bata: Basta sagutin mo na lang.
Ako: Ok sige .. a .. syempre si ------- -. hehe.
Bata: Gusto mo talaga siyang makasama?
Ako: Oo naman. Sobra. Kung pwede lang e. kung pwede lang talaga.
Bata: E bakit ba hindi kayo magkasama?
Ako: Kasi .. pag-aari na siya ng iba .. isa pa, magkasama sila ngayon.
Bata: Ah, kawawa ka naman pala.
Ako: Di naman...
Bata: Ako nga pala si Cupid.
Ako: Wow ang cute naman ng name mo.
Bata: Yeah right. May pana ako dito, gusto mo panain ko yung mahal mo?
Ako: hahahaha!
Bata: Di ka naniniwala? Totoo to.
Ako: Haha .. talaga lang a.. sige nga panain mo siya.
Bata: O sige .. kaso yung epekto ng pana ko may expiry. 24 hours lang to.
Ako: Sige ayos lang basta nandito siya. (nakiki-ride lang sa bata.)

Umalis na ang bata.........

After 5 mins......

(------- -. Calling ...)

Ako: Hello?
------- -. : Hello. Happy Valentine's. San ka?
Ako: Dito samin.
------- -. : Ah, may kasama ka?
Ako: Wala.
------- -. : Ah.. pwede ba tayong magkita?
Ako: Ha?
------- -. : Kita tayo ... kung ok lang sayo ..
Ako: Ok lang.

After 30 mins. nagkita.... whole day, whole night magkasama (walang di magandang ginawa. hahaha.)

the next day ...

------- -. : May gusto kong sabihin sayo matagal na .. alam ko alam mo to .. di ko lang masabi sayo kasi hindi pwede.
Ako: Ano yun?
------- -. : I .....

Nawalan na ng bisa ang pana ni kupido.

Ako: ? (T.T shet .. wala ng bisa ..)
------- -. : I love you...
Ako: Ha?
------- -. : Mahal kita ..
Ako: ???
------- -. : Kaso ... nauna na siya. Mahal kita pero ... mas mahal ko siya. kung alam ko lang na darating ka pa .. gusto kita ... sobra .. pero siya ang binigay sakin ng Diyos .. dahil siya ang kailangan ko ... pero sana ganito pa rin tayo ..di ko kayang mawala ka...
Ako: Ok .....



Anong ginawa ng pana ni cupid kay ------- -. ? Hindi nito binago ang nararamdaman at nasa puso niya, hindi nito pinilit ma-inlove si ------- -. sa akin for 24 hours. Kung ano ang nararamdaman ni ------- -., yun talaga yun. Ang binago lang ng pana ay ang pagkakataon at panahon. Sa totoo kasi, wala kaming pagkakataon ni ------- -. na magkasama dahil hindi pwede, maraming hadlang. at ang mga hadlang na iyon ang tinanggal ng pana. Ngayon, nasabi na ni ------- -. sa akin ang tunay niyang nararamdaman, pero wala na ring kwenta. wala na rin akong magagawa. ang realidad ay ito: kailan man ay di kami maaaring magsama. pero at least, kahit 24 hours lang natupad ang pangarap ko. Ang 24 hours na yun ang pinakamasayang bahagi ng buhay ko. Climax kumbaga. Pinakamaiksi pero pinakamasaya.


a day well spent. :)

Valentine's day kahapon! (Feb. 15 na eh. hahaha.)

kahit na wala akong boyfriend at wala akong date, matiwasay at masaya ko pa rin namang nai-celebrate ang araw ng mga puso.

buong araw akong tulog. may tumawag, may nagtext, pero wala .. di ko inentertain lahat ... natulog lang talaga ako. gumising ako nung tanghali para samahan si Papa bumili ng trono (upuan) ni Mama at ng ice cream, kumain saglit tapos natulog ulit. nagising ako hapon .. naligo, bumili sa cake at roasted chicken .. pati na rin ng bag.. haha.

tapos ayun, uwi .. gumawa ng devotion (maaga ko siyang ginawa mga 7pm na nun para kasi magawa ko ang assignment ko ng diretso) then ayun kain ulit, gawa assignment.

ang sarap talaga kumain kasama ang pamilya. bagamat kanina medyo malungkot ako kasi noong nakaraang Valentines kasama namin sina kuya at ngayon hindi ...pero ayos lang yun .... masaya pa rin over-all.

naisip ko nga kanina, buti na lang wala pa kong boyfriend ulit .. kasi kung meron, sa araw na ito, gagastos ako, mapapagod. e ngayong wala, relax ako buong araw, di pa ko gumastos, nakain ko pa lahat ng gusto ko. hahahahaha.

14 February 2011

nakakabwisit.!!!!!!!!!!!!!!!!!

kani-kanina lang, ngtext si MP. ayun, tamang good eve. ayoko na sanang replyan kaso parang ambastos naman. so ayun tamang good eve lang din ako. tapos tanong tanong ... maya-maya sabi niya galit daw asawa niya sa kanya. syempre ako di naniwala, pero tinanong ko siya kung bakit. ewan niya daw (gago). tapos tanong ko, bakit niya naman nasabing galit sa kanya. sabi niya, kasi daw di natawag at natetext. tapos may naiisip daw siya pero baka mali lang daw iniisip niya. sa sabi ko, mali nga ang iniisip niya, nagpapamiss lang yun para pag-uwi niya excited sila sa isa't isa. aba sabi niya, alam ko daw ba kung anong naiisip niya. sabi ko, hindi ko alam dahil di naman ako nakakabasa ng isip (pero ito talaga ang ibig sabihin non sa utak ko: wala akong pakialam. hindi ako interesado. pwede ba tumigil ka na??) tapos sabi niya, ang iniisip niya, baka kaya hindi siya nagtetext o natawag dahil wala siyang load. reply ko, 'edi ikaw tumawag. para kang tanga.'

yun lang naman. bakit ako naiinis?? e para kasi siyang tanga .. alam mo yun ... para siyang bata. antanda na niya ganun pa siya. napaka-childish .. jusko naman ... alam naman pala niyang walang load tapos ganun iisipin niya. parang gago. nakakabwisit talaga. naaasar talaga ko. tapos alam naman pala niyang walang load bakit hindi siya ang tumawag .. kailangan ba lagi na ang asawa niya ang tatawag sa kanya??? nakU!!!! bwisit talaga!!!!!!!!!!!!! nakakaasar!!!! grrrr!!!!

ayun, pinalitan ko ang sim ko. ayoko ng makabasa ng text niyang hayop siya. pero alam ko di na magtetext yun. ganun naman yun e. magtetext lang siya kapag wala siyang magawa at walang makausap. user friendly talaga. bwisit!!!!!!!!!!!!!!

12 February 2011

ang lahat ng nangyayari ng may dahilan

sa fb .. habang tinitingnan ko yung news feed, nakita ko ang link ng isang friend ko .. video siya galing sa youtube .. ang title is, "MU (magulong usapan)".
hindi ko na kinuha yung link niya. search na lang sa youtube. haha.
so ayun na nga. tungkol sa MU. hindi naman ako nakarelate sa story kasi hindi naman ganun yung nangyari sakin pero naluha ako (ang korni ko talaga. kainis.) kasi alam ko kung gaano kahirap yung MU lang kayo. alam mo yun. haizt.
yung tipong mahal niyo nga ang isa't isa, hindi naman pwedeng maging kayo dahil sa napakaraming rason na nakakainis dahil nag-exist pa. kung wala yung mga rason na yun edi sana masaya kayong dalawa.
grabe .. infairness a .. nagustuhan ko yung format niya .. yung pagkakadeliver .. gawa nga din ako ng ganun pero hindi ko na siya i-youtube .. ipopost ko lang dito taos di rin siya video format. sulat lang talaga. tapos kwento ko. astig. :)
tapos meron pa kong isang vid niya na pinanood. yung sa facebook. wala cute lang kasi tamang assume si girl. di naman ako tinamaan kasi wala naman akong crush na ka-chat ko sa fb lagi ..
ayun lang. share lang. hahaha.

11 February 2011

"Kahit tayong dalawa na lang ang matira sa mundo di kita papatulan..."

"Kahit tayong dalawa na lang ang matira sa mundo di kita papatulan..."
Common. Oo. Maraming tao na ang nakapagsabi niyan (malamang isa ka na dun).
Paano nga kaya kung isang araw, magising ka na wala ng ibang tao sa mundo kundi ikaw na lang at yung pinili ng Diyos na makasama mo (as in kayong dalawa na lang sa mundo)?
Yan ang naisip namin ni Geh kanina. Paano, gusto nya daw manuod ng sine. Sabi ko, "Bulong ba talaga ang gusto mong panuorin?" Sabi niya, "Ok lang. Pero gusto ko rin yung My Valentine Girls". So ayun, dun kami nagkasundo. Sa Wednesday na nga ang plano e. Sana matuloy.
So ayun nga .. paano nga ba?
Sabi ko kay Geh nung nasa jeep na kami pauwi, paano kung si Ardee ang makasama niya tapos silang dalawa na lang. Sabi niya, kahit sino na lang daw, kahit pangit ..wag lang si Ardee . o kaya magpapaka-zombie na lang daw siya. hahaha. Ayaw niya talaga kay Ardee. Asar na asar talaga siya dun.
Pagbaba ni Geh ng jeep, naisip ko, paano kaya kung kami ng crush ko (crush nanaman ang term! euphemism! hahahaha!) na lang ang matira sa daigdig (daigdig talaga a.)?
Naisip ko sana siyang tanungin (yung crush ko) kaso nga ... prang ayaw na niya kong kausapin ngayon ng tungkol sa mga ganitong mga bagay ... feeling ko nga yung ano na lang yung dahilan niya kaya siya nakikipag usap sakin e. kaya ayun. :(
so balik tayo sa tanong .. paano nga kaya kung kami ni crush ang matira sa mundo?
iniisip ko, ano kayang gagawin namin? magtititigan? magkukwentuhan? haizt. magustuhan niya kaya yung idea? sana sabihin niya sakin na gusto nya kong makasama ...kahit isang araw lang .. yung kaming dalawa lang .. tulad ng sabi niya noon na kung may choice lang siya .. gusto niyang makasama ako kahit sa magdamag lang .. (eklat! hahahaha!)
hahaha .. so yung last line joke la ng yon. aa .. ayun. paano nga kaya no? ansaya siguro. hindi .. masaya talaga! kaming dalawa lang .. ialis muna natin dito ang usapin tungkol sa 'moral na obligasyon ng pagpaparami' a ... ang gusto ko dito .. yung .. magkasama kami. kaming dalawa lang. alam mo yun. yun lang naman kasi ang gusto kong mangyari. ang makasama siya. ang makausap siya ng hindi kinakabahan kung may nakatingin na iba. ang maipakita sa kanya at maiparamdam ko sa kanya kung gaano ako kasaya dahil nakilala ko siya at naging kaibigan. yun lang naman e. kasya na yun sa isang araw diba?? bat kaya di mangyari?? kailangan pa bang mawala ang lahat at kami na lang ang matira? kailangan ko pa bang mag-isip ng mga ganito ka-imposibleng bagay kung pwede namang mangyari ang sa totoong buhay? kailangan ko pa bang mangarap, mag-imagine at managinip para lang makasama siya?
haizt. buti pa siya. kasama niya siya. malamang sa mga oras na to .. ginagawa nila ang 'moral na obligasyon ng pagpaparami'. hai. hai talaga. hai. hai. hai.

Men are from Mars, Women are from Venus

yan ang title ng librong pinahiram sakin ni Ate Grace at pinahiram ko din kay Clay. Kanina, sabi sakin ni Clay, nasa page 131 na siya .. adik. Nagustuhan niya yung book. Tungkol kasi siya sa difference ng babae at lalaki at kapag nabasa mo siya, makakarelate ka talaga sa mga nakalagay dun. Tungkol din siya sa kung paanong ang mga difference na iyon ay magagamit mo para mas maging maayos ang pagsasama niyong magsing-irog (wow heavy!).

So ayun ,... sabi ko kay Clay nung kinukwento ko pa lang sa kanya yung tungkol sa book, pinahiram lang yun sakin ng isang kaibigan. Nung araw kasi na yun, nung galing ako kina Allen para magpakuha ng picture kasama niya, may problema ako. Sabi ko kay Ate Grace, may itatanong ako sa kanya pero next time na lang pag kaming dalawa lang .. tungkol sa problema ko. Tapos biglang inabot niya sakin ang librong yun tapos sabi niya, "Ayan, basahin mo yan para maintindihan mo ang mga lalaki." Natatawa ako kasi astig .. alam niya agad (o siguro chamba lang) yung ugat ng problema ko. hahaha.

So ayun nga, shinare ko rin siya kay Clay kasi nitong mga nakaraang araw, yung mga naririnig kong problema nila ni Mark niya ay nakasulat dun sa libro. Kaya tingin ko talaga makakarelate siya. Buti na lang game na game din siya basahin ang libro pagkatapos kong i-describe sa kanya yung content nun. Tapos kinabukasan, dinala ko agad yung book. Tapos kanina, sabi niya, aliw na aliw siya sa book .. at halatang halata na nakarelate siya ng bonggang bongga (parang ako) dahil dami nyang kinukwento sakin kanina.

Wala astig lang. Nakakatuwa.

You are the air I need to breathe
the river of life inside of me
you are the half that made me whole
you are the anchor of my soul
and you are strong when I am weak
you are the words when I can't speak
you never fail to see me through
that's the love I found in you
you are my shelter from the storm
you are the road that leads me home
and baby with you here face to face
Oh I know I've found my place
and you are strong when I am weak
you are the words when I can't speak
you never fail to see me through
that's the love I found in you
and once in every life
you find the one that's right
and when you say forever it's true
That's the love I found in you
You are strong when I am weak
you are the words when I can't speak
you never fail to see me through
That's the love I found in you
That's the love, love I found in you.
----------------------------------------
ayan ang kantang The Love I Found In You ni Jim Brickman.
wala, kasi nagtext siya ngayon ngayon lang. favor daw send ko daw sa kanya.
sinend ko naman.
grabe di man lang nagpasalamat.
User-friendly talaga.
Grabe.
Habang tumatagal lumalala pag-uugali niya sakin.
Nakakainis.
Pag ako lalong nainis .. hainako.
pero habang tinatype ko yan sa cellphone ko ..
ewan ko parang hurt na hurt ako.
parang tanga lang.
feeling ko kasi .........

tinatamad talaga ako ..

ewan ko ba kung bakit pero parang tinatamad akong kausapin si MP nitong mga nakaraang araw. wala akong pakialam kung magtext man siya o hindi .. at hindi ko na rin nirereplyan ang lahat ng text niya. kung pwede nga lang wag ko ng itext e kung di lang dahil sa devotion. pag tumatawag siya wala na rin akong lalong masabi. as in.

feeling ko naman tinatamad na rin siyang kausapin ako. pag kasi nagtatanong ako hindi na niya sinasagot. hindi na rin siya madalas magtext .. at kung magtext man siya tipid na tipid. tamad na tamad. minsan tumatawag siya, pero pag naputol ang linya, hindi na siya tatawag ulit di tulad dati, plus, hindi na rin siya magtetext.. as in wala ng paramdam. tingin ko nga napipilitan na lang siyang kausapin ako dahil din dun sa devotion.

siguro kaya nawalan ako ng gana dahil nga dun sa hindi niya sinasagot ang mga tanong ko. akala ko kasi, bukod kay Ate Grace e siya ang maaasahan ko sa mga bagay na gusto kong malaman. pero hindi pala. pero ayos lang. hindi naman ako nalulungkot. wala lang. ang naging epekto lang sakin .. ayun nga .. tinamad na kong kausapin siya.

tsaka ..basta .. ewan ko ba .. iba ugali niya. ansama niya sakin (di naman masyado.. haha .. mabait pa rin siya .. pero .. mabait na masama). lagi niya kong binabara at pinapahiya (kaya bilang ganti, ginagawa ko rin sa kanya.) tapos basta. bat siya ganun.

totoo ngang wala ka ng tunay na kaibigan na makikita sa college. pero syempre umaasa pa rin ako sa ganun. siguro sadyang masama lang talaga ang ugali ko kaya ganito sakin ang mga tao. hai.

hirap nga akong tumanggi ,. tsk.!

kanina .. niyaya ako ni Clay na mag-alay lakad .. gusto daw nila ni Geh ... tapos sabi ko, "Clay, alam mo naman .. di ako tumatanggi.."
ewan ko ba kung bakit pero napakahirap talaga para sa akin ang tumanggi. Buti nga ngayon medyo marunong na kong magsabi ng "hindi" e .. di tulad dati .. as in parang napaka-forbidden ng word na yun.
katulad na lang yung sa cell phone ko .. personal kong gamit yun. tapos syempre kaya ako nag-cellphone dahil ginagamit ko. pero sa school, dati nung nag-aaral pa ko sa Muntinlupa, ginagawang camera ng mga kaklase ko ang cellphone ko. Buong araw di ko yun mahahawakan .. tapos pag uwian na babalik na sakin tapos full memory na. Nung sa CDW na ko, ayun mas lumawak ang naging pakinabang ng cellphone ko para sa ibang tao. Sabi nga ng isa kong kaklase .. pwede na raw ako magpa-"pay cellphone" sa classroom. Paano, ganito ang scenario...
Si Ariane, gagamitin yung pantext ko tsaka yung pang-call ko para kontakin ang boyfriend niya na sabi nya ay di niya daw boyfriend (pero naga-i love you-han sila). E dati di naman ako nag-a-unli call kasi di ko naman nagagamit .. iniipon ko lang yung tig-20 mins. call na nakukuha ko sa two days kong unlitext. e dahil di nga ako masyadong natawag, pinapagamit ko na lang sa kanya ang pantawag.
Tapos si Rodolf din .. noong di pa nawawala yung phone ni Beth (ang kanyang girlfriend) e lagi din niyang tinatawagan ito gamit ang aking cellphone. Naalala ko nga minsan e .. meron akong natirang 90mins. na pang call .. takte grabe ... naubos niya yun ... astig talaga ... pero ayos lang .. hindi naman ako nagalit .. nagulat lang ako kasi .. grabe wala lang. wala lang. hahaha.
Tapos here comes Sai. Yung cellphone niya kasi hindi nag-cha-charge kaya one time humingi siya ng favor sakin na kung pwede yung cellphone ko gagamitin niya para i-charge yung battery nya. Buti kasya yung battery. Ayun pumayag naman ako.
Tapos ito pa .. si MP ..hindi niya alam .. isa rin sya. Hindi naman niya direktang hiniram ang aking cellphone .. pero ganito naman ang style niya. Tatawag siya sakin (dahil ako lang daw ang may contact sa kanya kahit alam ko namang di totoo yun) tapos ayun kakausapin nya ang ilan sa mga kaklase namin (na tuwing iaabot ko yung cellphone ko, nagtatanong kung sino yun, hindi na lang diretsong kausapin .. e ako naman nahihiya akong sabihin na si MP nga dahil katulad ng inaasahan, nagtataka sila kung bakit natawag sakin yung ano na yun. haizt.) So ayun. Medyo minsan naiinis ako kasi yun nga .. nahihiya nga kong ganun .. kasi nga iisipin nila .. bat ganun. Pero hindi naman ako pwedeng tumanggi kasi simpleng bagay lang naman yun diba.
So ayan ang kwento ng aking cellphone. Isa lang yan sa mga bagay na hindi ko kayang ipagkait sa ibang tao. Ilan pa sa mga bagay na hindi ko pinagdadamot ay ang aking oras at effort (kahit gusto ko ng umuwi minsan ng maaga pero pag may nagpapasama sinasamahan ko.. ), pera (mahilig din akong magpautang lalo na sa mga kaawa awang mga nilalang .. pero noon yun ..hahaha.), baon (ang baon ko, kadalasan ibang tao chumichibog. tapos minsan ibinibigay ko ulam ko kahit kulang na .. tipong ganun.), mga libro (dati hindi ako nagpapahiram ng libro dahil nasisira .. pero ngayon .. kulang na lang magpa-book rental ako .. ), at kung anu-ano pa.
Ok. Hindi ko ito sinabi para ipangalandakan na mabuti akong tao (pero kung iyon ang nasa isip mo, wala na akong magagawa pa). Hmm.. sinabi ko to para sana matulungan ang sarili ko na kahit minsan naman ay matutong tumanggi. Kasi katulad kanina.. sabi ko nga kina Clay at Bro. Jerry, pagka ako niyayang mag-ano .. di rin ako makakatanggi .. pero syempre joke lang yun.
Sabi nga nina Clay at Geh .. masarap daw akong kasama .. kasi isang yaya lang di daw ako nagdadalawang isip. Tulad na lang pag nagyayaya sila mag-SM. tapos tulad na lang din dati nung biglaan kaming pumunta kina Clay sa Makati. cute. hahaha.
Pero kasi . .. dito ako masaya e. Masaya ako kapag nagagawa ko yung pabor na hinihingi ng iba. At sobrang lungkot ko naman kapag hinihindian ko sila. Kaya ganun.


ayun o .. sa Lunes Valentines Day na .. ang pinaka-aabangang araw ng mga taong matagumpay na nakuha at nakakasama ang taong minamahal nila at ito rin ang araw na pinakasusumpa ng mga taong bitter, bigo, umaasa, naghihintay at mga tanga.
Valentines nanaman .. at ako? syempre .. walang date! hahahaha! grabe .. pansin ko talaga tuwing Valentines wala akong boyfriend o kaya wala ako kahit ka-fling man lang. astig.
Hindi naman ako nalulungkot .. hindi naman kasi big deal masyado sakin ang araw ng mga puso .. masaya ko pa rin naman siyang nase-celebrate taon-taon. Pero iba ngayon. Ibang iba.
May mahal kasi ako .. echos! Hindi .. meron akong crush .. hahaha .. crush daw o .. crush na lang para masaya diba .. ayun nga may crush ako .. tapos .. may crush siyang iba .. at crush din siya ng crush niya (takte parang elementary lang a.) .. so ayun .. crush nila ang isa't isa .. at ngayong Valentines .. magkasama sila (lagi naman e, kahit di Valentines) .. tapos .. mas lalong sweet sila kasi araw ng mga puso nila .. tapos .. maglalaro sila .. (ok cut.)
..habang ako .... iniisip ko kung anong ginagawa niya ,. nila pala. tapos sa isang sulok ini-imagine ko na sana ako na lang ang kapiling niya sa araw na iyon. kaso hindi naman pwede yun.
natatakot nga ko mag-Lunes e, baka kasi ikwento niya sakin ang ireregalo niya sa crush niya ... shet .. shet talaga .. masasaktan ako .. sobra. hahaha. syempre sana ako na lang yun diba .. e ano ba namang magagawa ko .. ako lang naman ang may crush sa kanya .. anlaki ko naman kasing tanga e .. sa kanya pa ko nagkacrush .. ayun .. disaster tuloy.
hai .. grabe naman .. pero kahit na ganito .. dapat pa rin akong maging masaya .. sa araw ng mga puso .. dapat di ko masyadong i-stress ang puso ko .. dapat ko siyang i-relax. Kay Lord na lang ako makikipag date sa araw na yun .. hehe..
pero sana managinip ako mamaya ... at sa panaginip ko, Valentines na .. tapos .. kasama ko siya .. ngayong gabi lang talaga .. tapos panaginip lang .. masaya na ko. :)

nagpatotoo ako. hehehe.

yeah, you've read it right. nagpatotoo ako. bale, 2nd time na to. same place, sa OMPH sa Springville Heights sa Cavite.
umattend kami ni Sam. ayun. dumating kami kumakanta sila ng joyful song. tapos after ng ilang song .. umupo kami .. sharing portion na. may unang nag-share. tapos next .. naghahanap yung coordinator... todo yuko ako para di ako mapansin .. pero grabe .. minention talaga ang pangalan ko .. at ano pa nga ba edi dapat na kong tumayo .. yun kasi ang tipo ng mga bagay na di dapat tinatanggihan. so ayun na nga.
buong tapang at confidence akong tumayo at kinuha ang mic (grabe .. san ko kaya nahugot ang confidence na yun .. hahaha. syempre kay God.) so ayun na nga .. wala akong maisip na i-share pero nung nakatayo na ko sa harap .. wala .. dire-diretso at parang may sariling buhay na ang mga labi ko ..nagsalita lang ako. grabe.
maiksi lang ang nagingpatotoo ko. hindi na ko nagdrama pa sa gitna. tamang kwento lang.
bale ito yung sinabi ko.
------------
"good evening po sa ating lahat at good evening din po kay Lord. Sobrang thankful po ako kay God dahil nandito ako ngayon. Gusto ko lang pong i-share yung kabutihan ni God sa akin. So bago po ako pumasok sa CDW, ako po muna ay nag-aral sa Muntinlupa. Noong nag-aaral pa po ako dun, napalayo po ang loob ko kay God, hindi na ako nakakapagsimba at nawawalan na po talaga ako ng time para sa Kanya. So nagpray po ako kay God na sana magkaroon ng way para mapalapit ulit ako sa Kanya. So ayun na nga, nakapag-aral ako sa CDW na sobrang pinagpapasalamat ko talaga kay God kasi malapit na ulit ako sa Kanya. Totoo nga po na kapag wala siya ay di magiging masaya ang buhay, at ang kaligayahang iyon ay natagpuan ko po sa CDW. At pinagpapasalamat ko rin po kay God ang mga tao sa CDW na nakilala ko na tumulong para ilapit ako kay God. Tulad po nung isang brother na kilala ko dun, last week po, bale this week po siya nag-start pero last week, inencourage niya po ako na mag-devotion. so every day and every night po e nagdedevote po kami sa Bible, at nagkaroon po ako ng pagkakataong mabasa ang Bible at grabe, ganun pala kaganda ang mgamessage ni God. Kaya thank you po talaga kay God. Napakabuti Niya."
-------------
ayun lang yung sinabi ko. haha. tanda ko pa e no. ayoko makalimutan para mai-post ko dito. wala lang. di ko naisip yan pero yan ang lumabas sa bibig ko .. at feel ko na galing siya sa puso ko. so ayun, sabi ng coordinator, before daw pag nakikita niya ko sa bahay iniisip niya na napakamahiyain kong bata dahil di ako nalabas ng bahay .. pero ngayon daw .. ayun nakakapag-share na nga ako.
haha.
so ayan .. yang shinare ko na yan .. totoo yan. as in. naalala ko nga, last Tuesday, diba nga nagkadramahan sina Clay, Geh, Wendy, Arjay at ako sa damuhan sa tapat ng school. natanong ako ni Clay nun kung gusto ko bang lumipat. sabi ko, gusto na ni mama pero ako ayoko. tapos tinanong niya kung bakit kasi silang lahat kung may choice lang e lilipat na. ako naman, sabi ko, hindi naman kasi yung school mismo yung habol ko dun .. kung may choice lang din ako gusto ko din naman lumipat. pero iba kasi yung natagpuan ko sa lugar na yun. sbai niya, "friends?" sabi ko, hindi yun. kung friends lang naman, mas marami ako nun lalo na nung nasa muntinlupa pa ako nag-aaral. pero yung peace and happiness. yun ang nakita ko dun.
iba kasi talaga ang naging buhay ko simula ng lumipat ako sa CDW. simple, wala ng masyadong adventure ang buhay ko ngayon .. pero msa masaya ako kesa dati. ngayon bihira o hindi na ko umiiyak palagi. di ako laging takot. di ako laging malungkot. malungkot man minsan at tinatamaan ako ng pagka-emo pero minsan lang .. hindi araw-araw di tulad dati na wala talaga akong kasiyahan sa buhay. noon, lagi akong galit .. puro galit ang nasa isip at puso ko .. puro paghihiganti ang gusto ko .. ayoko ng may nang-aaway sakin. pero ngayon, kahit na may nang-aaway sakin ... di na ko nagagalit sa taong yun. minsan nagagalit .. syempre tao din naman ako ... pero hindi tumatagal at isang pray ko lang ok na ang pakiramdam ko. di tulad noon na buong year ata akong badtrip. tapos ngayon kahit na may nawawala sakin hindi ko masyadong dinadamdam.. kasi naka-focus ang atensyon ko sa kung anong natira at kung ano pa ang dumadating. di tulad noon na may mawala lang e wasak na wasak na ang buhay at mundo ko. yung mga nawala, hindi lang ibig sabihin na materyal na bagay, meron ding tao at feelings .. mga ganun.
so ayun nga, masaya talaga ako sa buhay ko ngayon. di man ganun ka-exciting ang mga nangyayari, wala mang kakaibang twist (dahil di na ko masyadong nakakagawa ng kalokohan .. as in konti na lang.) ayun .. ok naman. masaya pa rin ako. at mas masaya. hindi fake na saya. masaya talaga.
:)

10 February 2011

Exodus 33:1 - 34:17 (day); Exodus 34:18 - 35:35

Feb. 10 (day)
Chapter: Exodus 33:1-34:17
Today's Memory Verse/s: Exodus 33:14
Title of Devotion: God is my intimate friend
Command/s: If I wish to consult the Lord, I could go and meet Him
Warning/s: I must find favor with God
Promise/s: 'I myself will go along, to give you rest'; 'I will carry out your request'
Application:
-Spiritual - I will consult everything to God
-Intellectual - I will free myself from worry and know that God will go along with me.
-Emotional - I will be grateful because God is with me.
-Physical - I will be confident.
-Social - I will be a good friend to other people.

Feb. 10 (night)
Chapter: Exodus 34:18 - 35:35
Today's Memory Verse/s: Exodus 34:20
Title of Devotion: An offering is a must
Command/s: Always bring an offering to God
Warning/s: 'No one shall appear before me empty-handed'
Promise/s: Ex. 34:24
Testimony: Every decision I made today, I prayed first to God and asked Him if I should do it. A while ago, I went to OMPH in Springville Heights to attend an El Shaddai prayer group meeting there. I was invited to share God's goodness and I accepted it without thinking twice which is really great because I didn't worry about what will I say 'coz God is with me. I am very confident and i successfully delivered my speech. About being a good friend, I forwarded my devotion to a friend and then he replied, "thank you good friend" ... so, is it enough proof that I've been a good friend today? :)

Exodus 30:1 - 31:11 (day); Exodus 31:12 - 32:35

Feb. 9 (day)
Chapter: Exodus 30:1-31:11
Today's Memory Verse/s: Exodus 31:11
Title of Devotion: God's lavish gift of talents
Command/s: 'all these things they shall make just as I have commanded you'
Warning/s: I must follow God's command at all times.
Promise/s: 'I will meet you and help you so that you can fulfill my command'
Application:
-Spiritual - I will ask for God's help
-Intellectual - I will keep in mind the commands of God
-Emotional - I will be happy and thankful to God.
-Physical - I will discover one talent and do it.
-Social - I will share that talent to others.
Feb. 9 (night)
Chapter: Exodus 31:12 - 32:35
Today's Memory Verse/s: Exodus 31:13
Title of Devotion: Keep the Sabbath day Holy
Command/s: Keep the Sabbath as something sacred; 6 days are for doing work, but the 7th day is of complete rest sacred to the Lord.
Warning/s: Anyone who does work on the Sabbath day shall be put to death.
Promise/s: 'I will make of you a great nation'; 'My angel will go before you'; 'I will punish them for their sin'

Testimony:
Of course my day won't start without asking for God's help in everything that I'll do and I will encounter for the whole day. I know some of God's commands and so I keep them in my mind and whenever (as I've observed today) I do something that opposes His command, I remind myself about it. I've always been happy and thankful to God about it.Well, I have difficulty in discovering a talent in myself because I've always believed that I wasn't gifted with any but God had given everyone but I haven't found yet. So I hope before the week ends I could, so I can share it with others. :)

09 February 2011

girl talk.

kaninang umaga .. maaga akong dumating .. astig kasi ngayon di na ko nale-late. kasabay kong dumating si Jodi. una si Hadasa. Sunod samin si Abby.
Ayun .. ang kwentuhan naming 4 ay nag-umpisa nung sinabi ni Jodi na maayos ang family planning sa kanila dahil tig-2 years ang gap nilang magkakapatid. sabi ko, maganda yun dahil di masyadong malayo at least magkakasundo sila. kumontra si Abby at sinabing bakit siya .. yung kasunod niya .. as in kasunod lang .. di nya kasundo masyado. ayun. tapos andami na naming napag-usapan. hahaha.
wala lang. nakakatuwa lang ang mga moment na ganyan. tsaka minsan ko lang makakwentuhan si Abby . shocks .. I really like it. :)

no.......Andrew!!!!!!!!!!!!

kanina .. nanghiram ako kay Bro. Jerry ng tagalog na Bible na may old testament. sabi ba naman ni Andrew, "wow. devotion te?" tae .. ito ang naisagot ko .. "noo!!!!!!!!!!!!!!!! Andrew!!!!!!!!!!!!!!"

wala lang. o.a ng reaction ko e no. hahahaha.

natawa din ako kay Leah . kaninang umaga nanghiram siya ng ballpen para pansulat sa attendance. nagulat siya kasi ang nirereview ko daw Bible. hahaha.

Well...... :)

ito lang ang magandang nangyari sa araw na ito.

ayun .. maaga kaming umuwi kanina .. as in 2:30 ata yun . tama .. ganun nga. paano, sobrang init sa classroom .. as in parang oven. buti na lang andun na si Bro. Rey at napagpasyahan ng pauwiin kami. karipas agad kami ni Geh. Nung tumapat ang jeep namin sa SM, tumawag si MP. andun kasi siya sa SM .. sabi niya bibigay na daw niya yung Bible at devotion notebook. bababa sana ako kaso tinamad na ko tsaka kasama ko si Geh. isa pa, pag bumaba ako .. isa nanamang 'desperate move' yun. iwas issue.
ayun. mga 3:15 nakauwi ako ng bahay. nakabili na rin ako ng trip kong bag sa annex. sabi ko mag-aaral ako sa Filipino pero umidlip lang ako at nagbasa ng psychology book at cosmo. hahaha. ayun. ayoko na sanang bumalik at umattend ng gawain dahil si sarah di nagrereply .. pero sabi ko kasi kay MP kukunin ko na yung Bible ..kawawa naman yun pag dinala pa niya ulit diba. tsaka .. ayun. ayun na nga.
natatawa ako kanina .. over sa reaction ang mga kaklase ko nung i-aanounce na wala ng klase .. lalo na si Bro. Jerry .. grabe sa talon .. parang .. wala lang. overjoyed masyado e ang cute. lumapit pa sakin at hinawakan ang mukha ko sa sobra niyang tuwa. hahaha.
wala kaming lit. saya. di tuloy ang exam. tamang tama lang kasi di pa ko nagrereview.

may napansin ka ba?

nagtext siya kanina ... nagtanong kung may sinabi nanaman ba sina sjane at wendy kasi kanina kasama ko yung dalawa ..e kailangan kong makita si MP para kunin yun Bible at devotion notebook na ginawa niya. so ayun .. buti naman nahintay ako nila sjane ...
reply ko sa text niya, wala naman (at kung meron man hindi ko na alam. di ko na kasi kinausap si sjane after kong lumapit kay MP .. alam ko kasing may sasabihin yun ... para di ko na lang marinig umiwas na ko. nakakasawa na rin kasi.) sabi ni MP salamat naman daw at wala. (buti naman talaga. haizt.)
tapos ... ito ang mga text ...
MP: Wala ka bang napansin kanina?
Ako: Wala naman. Bakit anong meron?
MP: Parang nakatapak tayo sa numero. Bilang ang mga kilos natin.
Ako: Ah ganun ba ... di ko napansin.
di man niya direktang sinabi .. pero malakas ang pakiramdam ko na ang tinutukoy niya ay kung paano ang nangyari nung nagkita kami ..nung iabot niya ang Bible at devotion notebook at nung nagpaalam ako. nangyari lahat yun ng parang wala lang. ni di na nga namin nakamusta ang bawat isa o nangitian man lang. iwas issue.

simple lang.



ayan ang laslas ko sa kaliwang wrist ko kani-kanina lang habang naglalakad ako sa Amvel papuntang chapel. medyo ok na yan kasi wala na nahugasan ko na .. pero kanina .. grabe ... over-flowing ang dugo ... akala ko nga mauubusan na ko e. Over-over depressed na talaga ko kanina .. di ko na kaya yung nararamdaman ko sa dibdib ko ... kaya imbis na iiyak ko at isigaw ko .. ayan . .. dinaan ko na lang sa laslas.

naalala ko nung monday ata yun ..tinanong ako ni clay kung bakit daw hindi na ako naglalaslas. hindi ko na nasagot ang tanong niyang yun dahil biglang may kumausap sa kanya.

bakit nga ba hininto ko ang paglalaslas??

simple lang. ayoko ng issue. minsan kasi nabanggit ni MP na mawawala na nga daw sana ang communication namin kung di lang ako naglaslas noon .. naisip niyang ituloy dahil kailangan ko daw ng .. nakalimutan ko yung term e . basta english yun. so ayun nga. kaya di na ko naglalaslas para naman sa susunod na maisipan niyang wag ng makipag-communicate sakin e wala ng pipigil pa sa kanya. isa pa, feeling niya kasi noon yung mga laslas ko e para sa kanya .. e ang kanya lang naman dun yung 'i hate u'. so ayun.

e bat ako naglaslas ulit ngayon??

simple lang din. di ko na ma-take ... no choice na ko ,.. yun na lang kesa gerahin ko ang dahilan ng matinding galit ko kanina .. grabe. itatago ko na lang (buti nga di niya nakita kanina e..) para wala ng masabi pa.

so bakit nga ako naglaslas??

kasi naiinis at nagagalit na talaga ako sa sarili ko ... para kasi akong tanga ..may pa-attend-attend pa ko ng mga gawain, may pa-devo-devotion pa ko ... pero ansama naman ng ugali ko. pano ko nasabi? simple lang. di ako nauubusan ng kaaway. as in. bati ko yung kabilang kampo, kaaway ko yung isa. grabe. diba ansama nun??

wala akong maalalang ginawa kong masama kay wendy para ganituhin niya ako. biruin mo, si sjane ang hindi tumupad sa usapan pero ako ang ginigisa nanaman niya ngayon at pinagdudukdukan na may sala. pakshet naman o! bakit ako na lang lagi?? bakit galit sakin lagi ang mga tao?? bakit kahit super pasensya na ko at super consideration na ang binibigay ko sa iba ganito pa rin?? ano bang mali sakin?? sobra na ba talaga ang sama ng ugali ko??

wala na kong nagawa kaninang umaga (ng malaman ko kay sjane na bati na sila at sakin galit na galit si wendy) kundi ang humarap sa bintana, tumingin sa malayo at pigilan ang pagpatak ng luha ko. ayokong umiyak sa mga ganito kababaw na dahilan. pero kung natuloy man akong umiyak kanina .. ang mga luha ko ay di para kay wendy kundi para sa sarili ko. hindi awa kundi galit. gusto ko ng mawala sa mundo.

basta ampangit ng araw ko ngayon. sumabay pa si MP. badtrip talaga sila ni wendy sa buhay ko. pero mas badtrip si wendy. ayoko na talaga. suko na ko. ayoko na.

sabi ni MP kagaguhan ang sabihin kong hindi ko sila kaibigan pero lagi kong kasama. Gago na kung gago, pero pinaninindigan kong wala akong kaibigang tulad nila ... lalo na ng tulad ni wendy.

kung kaya lang matutulog naman ako e .. kaso ayaw talaga e ..

ayan naman siya .. sinasabi nanaman niya ... di pa siya tulog dahil gising pa ko. nakakairita .. para siyang tanga kahit kailan. ano namang kinalaman ng di ko pagtulog sa kanya diba?? naiinis na ko .. bakit?? kasi after niyang sabihin yun sabay tutulugan naman niya ko... o san ka pa diba? wala nang-asar lang siya. pero di ko naman sinabing wag siyang matulog .. ang ibig kong sabihin .. sana di na lang niya sabihin yun kasi wala. hainako. badtrip.
sabi ko nga sa kanya .. lagi naman ganito ... lagi na lang ako late matulog .. tinanong niya kasi kung bakit di pa ko natutulog. tapos sabi niya di naman daw lagi. sabi ko, hindi ako nakabili ng rh kaya di ako makakatulog ng maaga. ayun di nagtext. yun lang pala pampatigil sa kanya e.
tapos ngayon ngayon lang nagtext ng 'helow' (naiinis ako pag ganyan ang spelling. hello na lang di pa i-spell ng maayos. tsk.) tapos nireplyan ko ng 'hi'. di na nagtext. buti naman. haizt.

Exodus 28:1-43 (day), Exodus 29:1-46 (night)

Feb. 8 (day)
Chapter: Exodus 28:1-43

Today's Memory Verse/s: Exodus 28:12
Title of Devotion: I bear the name "Christian"
Command/s: Bear the name on your shoulder as a reminder before the Lord.
Warning/s: I must be careful to act like a Christian since I bear the name of Christ.
Promise/s: God will recognize me by the name of Christ that I bear.
Application:
-Spiritual - I will recognize Christ as my role model.
-Intellectual - I will think like a Christian.
-Emotional - I will omit the emotions that is not essential in being a Christian.
-Physical - I will talk and act like a Christian.
-Social - I will be good to others.
Feb. 8 (night)
Chapter: Exodus 29:1-46
Today's Memory Verse/s: Exodus 29:42
Title of Devotion: Lord, I offer my life to You
Command/s: Offering must be done in front of God.
Warning/s: I must offer my life to God
Promise/s: 'I will meet you at the altar'; 'I will dwell in your midst'
Testimony:
Above everyone else, Christ is the only one I have to consider as my role model. So I've tried my best about it, but still at some time I fail. My actions and words (some) still is not good. Even on what I think. It's really difficult especially now that there's this someone who hates me so much and I can't help sometimes but to think negative things about her and feel hatred which is not good. But I stop myself whenever I reach that point so I'm happy to say that I made it a little bit. But well, I've been good to others today. :)

07 February 2011

First day of devotion :)

hayun nga .. first time kong mag-devotion. grabe super kabado ako kasi hindi ko alam ang mga gagawin ko. kagabi, (Linggo ng gabi) sinend na sakin ni Bro. ang mga verses for the whole month.
bale ang flow ng devotion ay ganito ... two times a day siya mangyayari... sa morning at sa evening. so ayun.
maaga akong nagpagising kay mama .. pero san ka pa .. 5am na niya ko nagising. pero di yun naging hadlang para sa gagawin ko. taz yun .. umalis na ko ng bahay ng medyo late sa dapat ay usual time ng pag-alis ko .. but you know what .. di ako na-late .. maaga pa kong dumating! yung dating ko parang yung usual kong dating pagka umaalis ako ng bahay ng maaga.
so ayun na nga. nung asa school na ko, tumawag si Bro .. (ok, all eyes nanaman sakin ang mga kontrabida.) ayun .. sinend niya na yung kanya .. tapos napag-usapan namin yung tungkol dun. tapos ako rin sinend ko yung sakin mga Math time na .. di ko na nga nai-surrender yung phone ko e .. hahaha.
so eto yung mga nakalagay sa devotion ko nung morning pati na rin nitong evening.
pero alam niyo yun kabado talaga ako .. feeling ko kasi talaga mali e. pero sabi niya, "walang mali sa gagawin o ginawa mo kasi kay Lord yan. Don't think about it. Yun ang nilagay ng Lord sa puso mo." so .. ayan .. ayokong burahin yan sa cellphone ko para lagi kong mabasa at maalala na dapat di ako matakot at di ko dapat isiping mali ang ginawa kong devotion. so eto na nga pala .. let me share it to you .. :)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Feb. 7 (day)
Chapter: Exodus 25:1 - 26:15
[ladykyu]
Today's Memory Verse/s: Exodus 25:8, 40
Title of Devotion: Preparing the sanctuary: myself
Command/s: make God a sanctuary, follow according to God's words
Warning/s: be at my best especially when I'm in front of God and see to it that I follow God's commands.
Promise/s: 'make a sanctuary for me, that I may dwell in their midst'
Application:
-Spiritual - give time for God and me alone in a day.
-Intellectual - I will study more about this chapter.
-Emotional - have a clean heart
-Physical - I will wear the right attire especially when I enter the church
-Social - I'll love my neighbors and enemies by being more patient in dealing with them
Feb. 7 (night)
Chapter: Exodus 26:16 - 27:21
[ladykyu]
Today's Memory Verse/s: Exodus 27:20
Title of Devotion: Keeping my Life Burning
Command/s: Bring with me always the words of God
Warning/s: live in God's words
Promise/s: Bring with me the best oil (God's words) and my life will always keep on burning
Testimony:
-Spiritual - Yes, I've done it. Because of this devotion, I had alloted some time in my day to read the Bible and a time for me and God alone.
-Intellectual - I have read the verse even in Tagalog version to make myself understand it fully. I look forward to searching it once in the net.
-Emotional - No, I failed in this part. Some part of my days are really hard and still it's hard for me to live a day without holding grudges or any negative emotions.
-Physical - I haven't done the 'skirt thing'. I hope tonight. But I guess I had at least the right attire last time I enter the church which is a while ago.
-Social - I did it but not perfectly. I had this enemy whom I hate for being so maarte. In the morning (early parts of my day), I patiently dealt with her but in the latter part... I didn't stop myself from bursting. But good thing I didn't confront her or what .. I just keep my anger in myself. But it's not good pa rin.
---------------------------------------------------------------------------------------
ayan lang naman yun .. hehe. simula ngayon tatry ko ng i-post lahat ng ganito ko. tsaka ipopost ko na rin yung mga naririnig ko sa mga pag-attend ko sa gawain sa mga chapters. pero saka ko na simulan yun pag di na ko masyadong busy. ayun lang.
ngayon, maganda naman ang araw ko. kahit na bagsak ako sa math ok lang. sa english di naman ako masyadong nahirapan. medyo na-badtrip ako kay wendy ngayong araw pero alam kong di tama yun kaya ngayon hindi na. sasama sana ako kay Bro. Jerry kanina sa outreach niya sa moonwalk, parañaque kaso nahihiya akong magsabi na gusto kong sumama. pero infairness a .. sinuot niya yung necktie na niregalo ko sa kanya ... and I love it! :)

06 February 2011

tutulog na nga ko.. haizt! dami ko pang gusto i-post!

kahit na gusto ko pang mag-post .. kailangan ko ng matulog .. ansakit na talaga ng ulo ko . isa pa .. magmemeditate pa ko bukas ng umaga .. kinakabahan ako kasi baka magkamali ako .. Lord ..help me please.. :) Good night.

At ease ka na ba?

ayan ang last question niya nung magkatext kami kaninang tanghali. ano yun e bale magkausap kami sa phone .. e dumating na sila mama galing sa grocery so kumain na ko .. tapos binaba niya ang phone .. taps nagtext siya .. at ayan nga yon.
ang nireply ko .. a .. basta sabi ko medyo. tapos tinanong ko siya kung ano sa tingin niya.
sabi niya ok lang. tapos ayun wala na. di ako nagreply, di na rin siya nagtext.
tapos nung gabi nga tumawag ulit siya. sabi niya explain ko daw. pero di ko ginawa. tinatamad akong i-explain . isa pa ... dapat pa bang i-explain yan?? grabe magsisinungaling pa siya .. sabi niya naka-screened message daw ulit di niya daw nabasa .. e abnormal pala siya e .. nagreply pa nga siya ng ok lang. ayun di siya nakalusot tumawa na lang. at dahil jan di niya ko nakumbinsing i-explain.
At ease na nga ba ako?
ayun din ang iniisip ko kanina habang kausap ko siya sa phone bago pa man niya itanong. hmm .. tingin ko parang medyo ok-ok na ko sa kanya ... I mean, hindi na ko ganun ka-ilang di tulad dati.
katulad kanina .. yung topic namin ay about sa ano .. basta ... hindi naman super pero at least .. basta di na ko masyadong ilang.
maganda yun ... pero naisip ko .. sana sa personal maging at ease na rin ako sa kanya para naman diba .. hindi na mahirap makipag-usap. sabi ko nga sa kanya kahapon, iniisip ko minsan kung kaya ko kaya siyang kausapin tulad ng pakikipag-usap ko kay Bro. Jerry. pwede. pero mahirap.
ayun .. hindi naman at ease. tama lang. as in tama lang. at sana mag-improve pa diba. para naman masaya. :)

happy sunday. :))))))

wahahahaha!! ayun o! ako na madaming happiness today. sayang di na ko nakapag-online kagabi .. kasi naman .. naaliw na ko kakabasa ng cosmo. hahaha.
ayun .. so .. wala ,.. hindi naman masyadong boring ang araw ko .. infairness a .. sunday ngayon pero may kwenta naman ang araw ko.
so ayun .,.. masaya ko ngayon kasi masarap ang ulam (hahaha! bbq! napilitan pa kong umuwi para lang sa ulam na yan .. inuto nila kasi ako .. pero sarap talaga grabe.)
bukod don..
nakapanood ako ng doraemon sa bahay.
bukod ulit don...
nakita ko si ate grace. :)))
at bukod don ....
o sige na ...
well ....
nakatext at naka-usap ko ang isang kaibigan sa phone. (naman!)
ok. linawin ko lang. hindi espesyal ang taong ito sa buhay ko. isa lang siya sa mga pampabadtrip ng araw ko .. oo totoo pampabadtrip talaga siya .. pero .. aaminin ko masaya ko pag kausap ko siya.
ooppppss!!! hindi dahil may kung ano akong pagtingin sa kanya .. walang ganun .. wala ng ganun ngayon. wala na talaga. masaya lang talaga siyang kausap kahit nakakaasar. (try mo kausapin minsan.)
hindi. ito pa kasi ang nakakatawa dun. sunday ngayon. pag sunday hindi nagpaparamdam yun. parang forbidden day na ewan. pero kanina . grabe .. nagising ako sa text niya .. 'good morning' lang naman .. tuwa naman ako. hahaha.
pero di ko nireplyan yun. kasi nga sunday. hindi ako sanay na nakakatext siya e.
tapos mga tanghali. gulat ako may tumawag. aba siya. ayun nakapag-usap kami. sandali lang naman .. tamang minuto para makapag-kwentuhan kami ng kaunti.
tapos text. tapos tumawag ulit siya. tapos text ulit. tapos wala na.
tapos nung gabi na tumawag ulit siya. ayun sandali lang naman ulit. tapos tapus na.
naalala ko kanina .. edi yun magka-usap na kami sa phone nung gabi na .. pauwi na kasi siya sa kanila galing siyang bulacan sa parents niya (kaya siya nakatawag sakin e. i know ryt.) ayun .. naglalakad daw siya sa bayan pauwi sa kanila. usually kasi nasakay siya ng 'wheeler' (padyak) umpisa nung wala na siyang motor. tapos sabi niya kanina .. magpapasundo daw siya sa motor sana ..kaso di na lang para masanay din daw siya (sa paglalakad) at dahil mabibitin daw siya. di ko na tinanong kung san siya mabibitin (kasi alam kong mabibitin siya sa pakikipag-usap sakin. joke lang! nakakahiya ako .. ang feeler ko masyado! hahahaha!). ayun lang.
tapos kani-kanina lang nagtext ulit siya. sinend niya yung mga verses sa Bible para sa meditation bukas (gosh! kinakabahan ako!)
ayun lang.
hindi lang naman siya ang nakatext ko. marami ding nagtext sakin pero si sarah lang nireplyan ko. ayun sandali lang. gulo niya kasi katext.
si tonet nagtext kanina .. di ko mareplyan kasi di ako maka-unli sa globe. haizt.

"Do you really mean what you wrote?"

nung Friday, ayun nga, hiniram ni MP yung Bible na tagalog. binigay ko sa kanya kalakip ang panyo na binurdahan ko ng pangalan niya at nung invisible pen na ginamit niya para mabasa ang sinulat ko sa panyo.
hindi ko maalala ang saktong mga sinabi ko dun pero sa pagkakaaalam ko, nilagay ko dun kung gaano ako kasaya dahil binigyan niya ko ng Bible. sinabi ko rin dun na sana di siya laging masungit dahil natatakot ako sa kanya at nalulungkot ako kapag di kami magkasundo. nilagay ko rin dun na masaya ako na nakilala ko siya at naging kaibigan. tapos sabi ko pa dun, alam kong wala siyang pakialam sa panyo at sa message ko dun pero at least, if ever man na di na kami magkaibigan sa future, nasabi ko ang mga bagay na yun. tapos sa huli nilagay ko, lagi kaming bati dapat.
ayun. so .. alam mo naman siya .. kaya ayan .. as expected .. nagtatanong siya tungkol dun. kahapon ng umaga, nagtext siya .. nagising ako sa text niya as usual. tanong niya, "Do you really mean what you wrote?". sabi ko, nung habang sinusulat ko yun, oo... pero ngayon hindi na. aba, sabi ba naman .. ano ba daw yun, lokohan? tapos sabi ko, joke lang .. para matapos na lang .. kasi di talaga siya titigil alam ko. tapos ayun.
yan ang nakakainis sa kanya e. binigay ko na nga yung sulat para ok na grabe magtatanong pa talaga siya. hindi na lang tanggapin kung ano man yun. gusto pa niya hinahalungkat ang lahat. nakakaasar. abnormal talaga siya.
tapos ayun .. tumawag din sya nung time na yun .. tapos text text .. asa sala nga ko nun e nanonood ako ng Lilo and Stitch sa ABS CBN tapos sa GMA naman yung Let the love begin. ayun. tamang usap lang. di ko na maalala yung ibang napag-usapan.
tapos di niya nabalik sakin yung Bible .. paano di niya ko nakita sa Amvel. pero ang totoo niyan parang nakita ko sya ... kaso di ko siya nilapitan agad .. paano .. nagsusulat ako nun .. nakayuko ako tapos pag-angat ko ng ulo ko wala na siya.
so ayun lang.
yung sagot sa title .. syempre kung ano man ang sinulat ko yun talaga yun .. galing yun sa puso. ako naman e mas matinong kausap sa sulat kesa sa personal, sa text o sa tawag.
sana yun na ang huling sulat ko sa kanya.

05 February 2011

last post na. mamaya ulit..sana. :)

ayun .. so aattend ako ng gawain ngayon. pero anong oras na hindi pa ko natayo. kung kailan naman ako aalis saka naman ako ginanahang mag-post. dami ko ng di nakukwento. daming nangyari. grabe. tulad na lang ngayon.

si wendy .. tinetext ako kung asan na daw ako .. papunta na kasi yun sa Amvel (siguro andun na yun ngayon.) wala lang. sabi ko sa kanya 5 ako aalis . pero 5:45 na eto pa ko nakaupo .. ni di pa nagpapalit ng damit. di naman ako tinatamad umattend ... buo ang loob kong pumunta dun .. pero maya-maya ,,. after ng post na to. hahaha.

si wendy ... ewan ko ba. minsan ayoko na siyang makita at makasama. nakakainis siya lalo na pag nag iinarte siya. hindi ko siya maintindihan... pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto ko pa rin siyang kasama.


si sjane naman, ayun sabi ko na nga ba.tuluyan na siyang tinamad umattend. ayos lang di naman ako inis o pikon. tama nga .. kapag di mo masyadong inaattach ang sarili mo sa mga taong nakakasama mo hindi ka masasaktan kapag wala sila. pero walang kinalaman ang huli kong sentence kay sjane.

tulad kay wendy, naiinis din akong kasama to. grabe pag tinopak tapos lagi lagi. pero..wala .. i always see myself with her.. with both of them.


kaya kahit na sinasabihan nila akong 'desperada' at lahat na ng kasamaan nakikita nila sakin .. ayos lang. love ko pa din sila. :)


kagabi tinanong ako ni brother kung kino-consider ko ba silang friends. hindi na ko nag-isip . hindi na agad ang sinagot ko. kahit gano ko pa sila ka-love ,, i can never ever consider them as my friends .. after what they did and what they've called me. hindi pwedeng tawaging friends ang tulad nila.

sige na aalis na nga ako. haiz. try ko ulit mamaya. hahaha.

Hugs and Kisses.

"Czar, anong gusto mong iregalo sayo sa Valentines? I mean, kunwari nagka-boyfriend ka na, anong gusto mong iregalo niya sayo? for example, stuffed toys, bracelet..."
Yan ang tanong sakin ni Sarah kahapon habang naglalakad kami sa Department Store ng SM Sucat. Hmm.. ang una kong sagot ...
"hugs and kisses. katawan niya. yun lang. hahaha."
Syempre di niya nagustuhan ang sagot ko .. alam mo naman yun banal yun. Kinulit niya ko pero sabi ko...
"Di naman kasi ako materialistic na tao. Wala naman akong kahit na anong bagay na gustong iregalo sakin ng kung sino mang magiging boyfriend ko."
Wrong move. Maling mali ang sinagot ko.
Pero ayos lang kasi ang purpose ng sagot kong yon ay para itigil na ang ganung usapan ... wala ako sa mood dahil sobrang sakit ng likod ko nun kaya wala akong panahong makipag-usap sa kanya tungkol sa mga ganung bagay.
Pero kung pag-iisipan ko talaga, wala naman talaga akong gustong regalo sa Valentines if ever. Oo na killjoy na ko. Hindi naman ako bitter. Sadyang di lang talaga siguro ako nasanay (kasi tuwing Valentines wala akong boyfriend, pansin ko lang.). Tsaka wala as in di talaga ako mahilig sa mga bagay-bagay. Hangga't maaari nga, kung pwede lang, irerequest ko pa sa boyfriend ko na wag na niya kong tambakan ng mga gamit .. kasi mahihirapan lang akong ibalik sa kanya yun pagka-nagbreak kami.
Ayun. Hugs and Kisses. Seryoso. Init ng katawan hanap ko. XD hahaha. Wala lang. Bakit? Hindi dahil mahilig ako or what. Kasi .. yan ang mga bagay na taken for granted .. na para sakin ay mga exceptional na bagay kasi yang mga bagay na yan ay mga mahihirap na paraan ng pagpaparamdam ng pagmamahal. Bakit mahirap e madali lang naman mag-hug at mag-kiss? Mahirap siya kapag totoo kang nagmamahal. Na-appreciate ko lang ang dalawang bagay na yan nung natuto akong magmahal ng taong di naman akin. Nung taong kahit gusto ko siyang halikan at yakapin ay di ko magagawa. Na kahit sa panaginip ko bawal ko siyang hawakan man lang sa kamay. Na kahit minsan, kahit isang beses lang .. di ko pwedeng hingiin sa kanya ang mga bagay na yan.
Ayun lang. Ayun lang naman.
Parang gusto ko ngang i-send sa crush ko tong nabasa kong quote e.. kunwari group message..
Kung malungkot ako at kailangan ko ng isang taong magpapasaya sakin...
Pwede ba kitang puntahan at sabihin na,
'pwede kahit saglit lang payakap naman?'
Tapos nag-reply siya no .. sabi niya daw...
"yun lang pala e .. halika nga dito ..."
E kaso ...
WALA NAMAN AKONG CRUSH. ahahahaha!!! XD

04 February 2011

Desperada!?

yeah.. you've read it right. ito nanaman ang topic .. 'desperada'.
dahil sa kakulitan niya, wala na kong nagawa kundi ang sabihin sa kanya yung ayaw kong sabihin sana(kasi naman kesa malaman pa niya sa iba diba .. sakin na lang). so ayun na nga .. sinabi ko na sa kanya na tinatawag na nila akong 'desperada'.
---------------------------------------------------------------------------------------------
bale ito yung mga natirang text niya pero yung mga nireply ko ikukwento ko na lang kasi di ko na maalala yung sakto:
-Desperada!?
-San ka desperada?
*sabi ko slow siya .. grabe totoo naman .. malamang sa kanya .,. san pa ba.
-Mga wala talaga silang isip. How come they can use that term to you? Paano ba nila maiintindihan na wala at talagang wala.
*Sabi ko, hindi nila kailanman maiintindihan yun dahil naniniwala sila na ang opposite sex ay di pwedeng magkaibigan lang.
-Bakit naman nabanggit mo na kasalanan mo nun na nagtatanong ako sayo kung ano nangyari? Nung unang nagtanong ako
*sabi ko, slow nanaman siya .. malamang .. lagi namang ganun e .. kung sino tinawag na desperada, siya may kasalanan kung bat siya natawag na ganun.
-Don't mind them na lang po. Alam mo naman kapag pumatol daw sa sira eh mas sira pa daw.
*Yeah, no pa nga ba..
-Katulad nun nung kanina meron nanaman silang conclusion ng kunin ko ang Bible.
*Ang tinutukoy niya rito, nung pumunta siya kanina sa school para kunin yung hinihiram niyang Bible sakin. At tama siya, meron nanamang mga sinabi yung iba .. pero di ko na sinabi sa kanya.
-Yeah kanina. Sigurado yun. It's not right naman na we pretend na wala tayong communication .. what do you think?
*Sabi ko, ang alam nila wala na kaming communication. kaya for sure nagulat sila.
-What do you think bat ganun isip nila?
*Sabi ko, normal kasi silang tao.
-Normal! Norms ba yun? Baka ibig mong sabihin dirty mind.
*Di ko ata nireplyan.
-Do you consider them your friend?
*Syempre sabi ko hindi. naman. there's no true friends in college.
-Ibahin nila ikaw!
*Ibahin talaga nila ako dahil ayokong pumatol sa matandang tulad niya at di ako magpapakadesperada sa kanya no . grabe talaga. sirang sira na pagkatao ko. tsk.
-W and S
*stands for Wendy and Shairjane
-Hindi imagination yun kundi masama ang pag-iisip at malisyoso. Grabe.
*Tama!
-Hope we can still be friends.
*Yeah right. sabi ko, natatakot lang ako na baka pag nagpatuloy pa ang ganyang mga chismis e layuan na niya ko.
-I won't let go po.
*sabi niya yan. echos. sabi ko, kaya wag niya kong aawayin kasi lahat ng sinasabi nila tinatanggap ko manatili lang na maging magkaibigan kami.
-Wag ka lang suplada. Pero kahit na ok pa rin.
-------------------------------------------------------------------------------------------
so ayan na nga ang naging flow ng conversation sa text. haizt. grabe. parang gusto ko ng lamunin ng lupa. ngayon lang ako na-issue ng ganito kalala sa buong buhay ko. grabe talaga.

:) tutulog na ko after this.

ok ... so ayun .. di na ko badtrip. di na ko inis.

kanina... habang nagawa ako ng reaction paper ko sa Filipino .. pinag iisipan ko kung tatawagan ko ba siya o hindi. gusto ko lang kasing alamin kung natanggap niya ba ang text ko o hindi. kinakabahan ako kasi baka sabihin niya bat pa ko tumawag tsaka mamaya mapahiya nanaman ako .. kaya todo isip ako ng mga linya na sasabihin ko sa kanya sa oras na sagutin niya ang tawag ko.

unang dial ...

bilang binura ko ang number.

mga dalawang beses ko tong ginawa bago ko talagang tinuloy ang tawag.

sinagot niya.

kabado ako.

intro ko .. "natanggap mo ba ang text ko?" (syempre bago yan hello muna diba.)

sabi niya, "anong text?"

sabi ko, "yung kanina."

tanong niya, "anong text yun?"

sabi ko, "wala blank text lang."

tanong niya, "bat ka nagtext?"

sabi ko, "sabi mo magtext ako e .. o sige na .. inalam ko lang naman kung natanggap mo."

tapos ayun na. kinamusta niya ko. tapos sabi niya wala daw talaga siyang natanggap na text. tinanong ko siya kung natanggap niya yung text ko last week about sa nangyari sa tatay ni Sai. sabi niya wala daw (pero parang di naman siya nagulat nung sinabi ko .. feeling ko alam na niya .. eklat siya.). tapos ayun. sabi niya, meron daw bang cellphone na finifilter yung nirereceive na text .. yun bang pag ayaw niyang makatanggap ng text sa taong yun di niya irereceive. tapos sabi niya iimbento daw siya nun. sama talaga. sabi ko di na kailangan kasi ganun ang cellphone niya.. finifilter ang mga text ko. partida pati missed calls a (kaya talagang di ako naniniwala e .. isipin mo pati miscol ko di nakita .. imposible. nag-ring yun e. kaasar talaga siya. ayaw pang aminin ang kaartehan niya.) sabi ko itapon na niya phone niya kasi walang kwenta. sabi niya yung akin din kasi wala naman daw akong natatanggap na text niya (jusko naman inuto pa ko, akala mo naman nagtetext talaga siya sakin. kaasar.) tapos sabi niya, nung Monday daw sa Muntinlupa siya .. sa may Bayanan .. at tinext niya daw ako (sus. ako pa niloko.) sabi ko, alam ko yung bayanan ,. malapit lang siya. tapos yun. sabi niya hindi rin sya ininform ni Bro. Jerry about nga sa tatay ni Sai.

tapos ayun .. sa condo sya ata ngayon ... may duty ata siya bukas sa coop. nanghihiram pa sakin ng tagalog na Bible. bumili daw kasi siya kanina ng Bible pero binigay niya sa isang tao dun sa pinuntahan niya na walang Bible. (o sige na siya na santo.) tapos yun. ano pa bang napag-usapan? wala na. kasi naputol na ang tawag at di na ko tumawag ulit (kasi di ko matatapos yung reaction paper pag kinausap ko siya.)

tinanong niya rin pala ako kanina kung galit daw ba ako sa kanya at kung iniiwasan ko ba siya. syempre sabi ko hindi (para sa bagay na yun man lang diba .. hindi wasak ang pride ko.) tinanong ko siya kung bakit niya naitanong. wala iba daw nafifeel niya. sabi ko, feeling niya lang yun.

tapos nagtext siya. globe gamit nya. wala kasi siyang load sa sun .. at kanina tinry niyang magload pero bigo siya. hahaha. so ayun nga .. kahit unli call pa ko hindi ko talaga siya tinext. pero yung extra load ko sa sun siya nakaubos tapos chikka na ginamit ko panreply nung mga huli na.

binuksan niya uli ang topic tungkol sa .. ano nga ba yun? basta yun yung huli naming topic noong huli kaming nag-usap sa phone. tungkol yun sa panibagong pang-aalipusta (o.a sa term!) sakin nila sjane at wendy. hahaha.

as usual pinipilit niya kong aminin. ito ang ilan sa mga usapan namin sa text. (inayos na version na to. barok kasi yun sa text. hahaha. hindi joke lang. mahirap kasi magtype ng pa-text.)

-bakit kasi di mo pa i-share yung tinatanong ko sayo? I've read you post messages sa fb.
*(hindi ko na maalala yung saktong nireply ko pero ang naaalalako may sinabi ako dun na ano naman kung nabasa niya yung mga post ko sa fb e wala namang kinalaman yun sa kahit na sino. grabe. baka iniisip niya na tungkol sa kanya yun. no!!!!)

-Kung meron talaga bakit hindi (tungkol to dun sa text na di niya natatanggap). may problema ba? I'm not expecting this to happen. Ok na di ba? I'm so bothered dun sa di mo pa sinasabi sa akin. Ano ba yun kasi?
*(di ko pa rin maalala sinabi ko pero for sure hindi ko pa rin sinabi sa kanya kung ano yun.)

-Yun nga e ako yung dahilan ng kwento mo. Bakit di mo i-share. Nakakainis talaga. Ano ba yun at ano nanamang termino ang sinasabi nila.
*(di pa rin ako nagsabi. matigas to pre.)

-Ilan beses ba na inakala mong matatawa ako sa mga sasabihin mo. Tulad na lang nung nabanggit mong akala mo matatawa ako nung sinabi mo na baka mahulog ang loob mo.
*(nakakakilabot. talagang binaggit niya pa a. kainis.)

-Mas grabe pa dun sa sinabi ni Baragisan?
*(grabe. Bangalisan ang ibig niyang sabihin. abnormal talaga.)

-tawag ka na lang.
*ayan npltn 2loi aqng mgchkka ... mase save nanaman number mo ... ayoko tumawag sayo kc d mo nanaman ako titigilan sa topic na yan. maiinis lang ako sayo.... (syempre di ako tumawag. aa .. naalala ko may sinabi din ako dito na, "kaya wag mo kong aawayin kasi tinatanggap ko lahat ng sinasabi ng iba manatili lang na maging kaibigan kita. hahaha. joke lang.")

-Di naman kita inaaway. Ano nga ang sasabihin mo? I-share mo na kasi at ano yun. gusto kita damayan at pwede ba wag mo solohin at sarilinin.
*isa pa wala naman akong ssbhn at dpat i share sau ... at ano naman sau kng solohin ko to ... problema ko to e akin lang to. maghanap ka ng srili mong issue

-Kung may pantawag lang ako eh ako na ang tumawag.
*buti wla kang load kc kht tumwg k d ko rin ssgutin. hainako. matulog ka na nga. kulit mo.

-Bakit ganyan ka? please i-share mo na sa akin.
*ikaw rin bat ka ba ganyan??? naiinis na talaga ko sayo. bat ba ang kulit mo??? ikaw nga d kta kinukulit e. tapos na nga un ... pwede ba ....

-Anong hndi knukulit. Kpag pinipilit mo ko cnasbi ko n sau.
*aba mayaman ka tlga sa load a .. dito k p talaga ngreply (sa chikka). ayoko n mgsbi sau .. ssbhn mo nnman 'd b dpt d mo sbhn skn yan ..' hainako. sige para matapos na ... ikukwento ko sayo pg nsa mood n kong ikwento ... ha? pero wg mong asahan ... haha.

-di ko magets last message mo. ano yung sasabihin na dapat di mo na sinabi. ano yun?
*wala ..naalala ko lang .. sinabi mo yn dti nung kinukulit mo rn ako tpos nung sinabi ko na sabi mo d ko dpat sinabi un sau. ang gulo mo e no.

-Sabihin mo na ano yun?

*ang kulit mo ano ba ..... NAIINIS NA TALAGA AKO ... saka ko na ikukwento pg ngkta na lang tayo ha??? kulit mo kaasar ka.

-Meet tau mmya b4 k pumasok. Sbhin u kung san at wt time. Alam ko yung s my southmall alabang. (southmall tapos alabang. baliw talaga.) .. walang gayahan ng style!

*haha. wla n kong maisip na style e. ano b .. isipin mo nga anong oras k aalis jan?? e kng itulog mo na lang db ... to naman ... hainako.

-Gagawin ko mga 5am or 6 alis n ko d2. Mbilis nman byahE. O pagdating ng alabang wt sakyan ko?

*wala. wag na. ang kulit mo nakakainis ka. mgkkta naman tau s amvel db kc ibbgy ko sau ung bible ... nako.

-S alabang! Wt time k b skali mkakarating s amvel

*mga quarter to 8. minsan saktong 8. (safe answer. hahaha)

jan na nagtatapos ang ming pag-uusap. naubos na ata ang load niya kaya di na siya nakareply .. o baka naubusan na ng pasensya sakin. ok lang. bahala siya.

hai. makikita ko pala siya bukas. patay ako nito.