De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

31 July 2009

..tapos nanaman..panibagong buwan nanaman..,,

woi..hello!!

ayun, Friday ngayon pero himala kasi dapat sa mga oras na to pauwi ako sa Cavite at di ako makakapag-internet. Pero maaga kaming pinauwi ngayon ng napakabait kong Prof sa NSTP na namahagi ng sagot sa Prelim exam.

hehe.

ayun, isang quick post lng to [pero suswal mahaba to kasi madaldal ako]. gusto ko lang ibahagi ang mga naranasan ko ngayong buwan ng Hulyo.

Hulyo, isang napakasayang napakalungkot na napaka unforgettable na month.

Bakit?

dahil napakaraming nangyari sa loob lamang ng 31 days.

aa...alam naman natin na tinamaan ako ng matinding katamaran sa pgsusulat sa aking journal nitong buwan at maging ang pagpopost ko dito sa site ay naapektuhan din. Mahirap talaga pag umaatake ang sakit kong iyon.

isang makabuluhang buwan ito para sa akin. ito ang unang buong buwan ko sa kolehiyo. ito ang unang buwan na inilaan para makilala ko pa ang aking mga bagong kaklase.

ang buwan na to, masyadong maraming bagay na ipina-realize sa akin. pero ang pinaka tumatak sa isip at puso ko ay ang dahilan ni God sa pagdadala sa akin sa bago kong pangalawang tahanan.

Hindi kami sobrang yaman, hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap at hindi sobrang hirap. Ayos lang. Tama lang. Nasa estado ako ng pamumuhay kung saan wala ka ng mahihiling pa -- mabubuti, mapagmahal at responsableng mga magulang, makukulit at masasayang kapatid, supportive and ready-in-action friends, komportableng tahanan, mga tamang damit, tamang kagamitan, pagkaing kadalasang lumalagpas pa ng tatlong beses isang araw [almusal, almusal uli, recess, recess uli, pre-lunch, lunch, miryenda1, miryenda2, miryenda3, hapunan, foodterp, midnight snack, (at kung gising ka pa tulad ko after 12 md) midfast) ] at higit sa lahat, simple ngunit napakasayang buhay.

pinag-aral ako noong pre-school sa isang private school na pinatatakbo ng mga mabubuting Madre. Foundation ako. pang-hapon. nung kasi nag-ikot ang mga Madre na yun sa tinitirahan namin, nakita nila ang kaawa awang lagay ng aming pamilya.

Natapos ko ng pre-school, sumunod ang elementary. nilipat ako sa isang branch ng school na una kong pinasukan dahil doon merong elementary. dahil sa sipag ng aking mga magulang, may sarili na kaming motorsiklo ng mga panahong ito at ng lumaon ay nakapagpagawa ng bahay sa Cavite. Na-demolish kami sa tinitirhan namin kaya lumipat sa Cavite. Nanatili akong nag-aral sa paaralan kong nasa Las Piñas.
Mayayaman ang aking mga kaklase. dahil may isip na ako, malamang alam ko na ang pagkakaiba ng mga tao. Natuto akong kumilos ng maayos, yung hindi halatang squatter ako. kailngan yun, anong uri ng tao ka man,..bilang paggalang na rin sa sarili mo. Natuto akong makipagsabayan sa mga kaklase kong mababait at simple bagamat sobrang yayaman. Iginalang nila ko, di inalipusta. ganoon nga talaga siguro pag totoong mayaman. Nakita ko ang pamumuhay ng mga mayayaman, kung paano sila mabuhay, anong uri ng bahay at pananamit meron sila, paano sila magsalita, paano sila makitungo sa kapwa.
ang mga taong iyon, lahat naka-service, pati ako. di ako marunong mag-commute noon. Walang nanghihingi ng baon dahil lahat meron. Pataasan ng baong pera., kung wala ka naman nun, ok lang, sila ang bahala.
Paalala, magastos ako noong elementary.

high school. hindi ako nakapasok sa mga paaralang ipinagpipilitan ng adviser ko sa akin dahil sobrang yayamang school noon. doon daw nababagay ang utak ng isang tulad ko. pero mas pinili kong manatili sa isang simple, private pa ring paaralan sa Las Piñas. ibang iba ang mga taong nakilala ko dito kumpara sa pinanggalingan ko. Mas simple sila. Dahil hindi ganoon kayayaman, dito ko nakasalamuha ang mga taong nanghihingi ng baon, nag-iikot para mangulekta ng tiglilimang piso, naglalakad kung walang masakyan na jeep, naghahati sa lunch kung wala ang isa, bibihira at kung di mo pa pipilitin e hindi ka ililibre. Mahal na para sa kanila ang Zagu na malaki. Ok na ang siomi at kwek kwek sa labas ng school. isama mo na ang barbecue ni robocap, manggang may bagoong at scramble. Hindi kailangan bago lahat ng gamit. Mas ok kung recycled.
ganyan ang shocking entrada ng high school sa akin. napasubo talaga ako sa malawakang adjustment. medyo mahirap noong una kasi nasanay ako sa kabaliktaran. pero ng lumaon, nalaman ko, ms masaya ang buhay na ganun. ibang experience.

naka-graduate ako, na ganun ang kalakaran..hindi pa rin ako natuto kumain ng street foods bukod sa mais.

ngayon, nasa isang pamantasan ako kung saan ibang iba ang mga tao. mas kaawa awa kung aking ilalarawan.
hindi ganoon kahuhusay ang mga taong nakakasalamuha ko. wala kang mararamdamang pressure lalo na sa classroom. astig ka kapag magaling ka mag-type, madalas ka mag-internet, marami kang alam. yung mga common terms para sayo, sa kanila pang-out-of-this-world. pag iba iba ang gamit mo, wow, ang yaman mo. basta.

nakakatuwang isipin, na napakafortunate ko kasi binigyan ako ng pagkakataon ni God na makita ang buhay ng tatlong uri ng tao sa mundo, ang mayaman, di gaano at mahirap. hindi ko masasabi ngayong nagsisisi ako na dito sa bumagsak ngayon sa isang pamantasang sa tingin ko noong una ay masasayang lang ang utak ko. maaaring ganoon, dahil kung may pakealam lang talaga ako sa edukasyon, malamang kinagat ko ang nais ng mga magulang kong mag-aral sa magagandang unibersidad sa Maynila. pero may purpose talaga ang duty ko dito. hindi utak ang kailangan kong pangalagaan kundi ang mga mararanasan ko. maswerte ako, dahil hindi lahat ng tao nararanasan ang mga nararanasan ko. Maswerte ako, dahil marami akong natututunan.

panibagong buwan nanaman. excited na ko, ano kaya ang mga mangyayari??

28 July 2009

weird isn't it??

hmm...aahhh...hindi ko masasabing natutuwa ako sa araw na to..di ko rn naman masabing badtrip ako. wala lang. ok lang. parang tanga lang.hehe.
deh..basta..ang weird kasi ng araw ko.. pansin ko lang..

una, di ako masyadong nag-cram. feeling ko sobrang haba ng oras. petiks sa bahay kahit na nagtext na ang classmate kong maaga kaming pumasok para subukang makiusap kay tanda kung pwedeng ngayon na kami mag-prelim sa math.
wala akong anumang kakaibang naramdaman. ok lang sa akin kung mag-prelim sa math o hindi. petiks.

hindi tumawag si 'agent jack' ngayon bagamat di ko naman iniintay na mag-ring ang telepono. wala lang. sbi niya kasi tatawag siya every tuesday at thursday pero eat bulaga na wala pa rin.

lumabas ako ng bahay. naglakad ako sa mainit na daan sa pomelo st. tulog ang mamang driver ng naabutan kong pedicab. naghintay pa ako.

paglabas, may jeep. isa lang ang jeep kaya sumakay na ako kahit na may pakay pa ako sa malapit na generics pharmacy. naisip ko kasi sa labasan na lang ako bibili.

antanga ko kasi mas malapit ang generics pharmacy sa annex kesa dun sa pinagbilhan ko. kinailangan ko pang bumaba sa malayo,,,maglakad sa palengke at umakyat baba sa overpass. dapat sana tatawid ako, jaywalking ba..kasi himalang walang gaanong sasakyan sa kalsada. maraming nagtatawiran, pero ako..effort na effort na naglakbay sa overpass. ang nasa isip ko noon, estudyante ako at kung hindi kayang sumunod ng mga matatanda sa rules, anu ba namang ako na ang unang gumawa. less konsensya pa!

ang efficascent oil ng generics pharmacy ay generic din kaya hindi iyon ang binili ko. baka kasi ma-shock ang mama ko pag nakitang iba ang pangalan ng oil na yun. nag-overpass ako uli at nagpunta naman sa mercury drugstore. hinanap ko ang efficascent na antagal bago ko natunton na nakalagay pala malapit sa mga chocolates at drinks. salamat sa mamang nagtanong sa isang empleyado kung saan nakalagay ang ph care na ayon sa kanya ay ginagamit sa baba.

napilitan akong bumili ng chocolate. exam e. kelangan ko ng energy.

lumabas ako, naghintay ng jeep. gusto ko sa harap. kaso wala. so napilitan ako sa likod. kaso pagkasakay ko, saka naman sumulpot ang mga jeep na walang sakay sa harap. saya!

diretso ako sa starmall.



diretso agad sa tronix para ipa-print ang muka ng kaklase ko. antagal. late na ko sa math namin. buti na lang sa thursday pa ko kaya no worries kasi di rin naman ako papapasukin ni tatang.,

nagpa-print ako ng mga cute size at isang A4 size na picture nila Mama at Papa. sana magustuhan nila, excited na ko!

nagbihis ako. sa isang malawak na cr sa metro na ngayon ko lang nakita. slowmo pa ko, kala mo walang kasunod na gagamit ng cr. di na ko nagsuklay. kaktamad.

nagmadali na akong pumasok., pero di naman ako late. kasi nga sa thursday pa true sched ko, so it means ok lang na past 3 na ko dumating ng school.

traffic, suswal. taz pagdating ko ng school, kakaiba. walang napakaraming estudyante ang pakalat kalat sa daan, kahit dun sa bundok. isang nilalang nga lng ang nasalubong ko nun ee. taz hindi mainit kahit na alas 3 ng hapon un. kaso haggard pa din ako. ang bigat kasi ng dala kong paper bag na may lamang mga bato, isama mo pa ang bag ko.

naglalakad ako ng biglang tawagin ako., "Kaibigan!!". isang malakas na sigaw mula sa di kalayuan, na naging dahilan ng pagtingin sa akin ng mga kalapit na tao. a, si Iskandalosa. binigay ko na ang pictures niya. sabi niya, hindi daw pumayag si tanda na magtest ngayon ang mga thursday group kaya pinalayas sila sa classroom. buti naman. haha.

pag pasok ko ng main entrance, maganda ang entrada sa akin ng guard. nakangiti siya, kaya di ako badtrip.

nagmamadali akong umakyat at halos patakbong tinahak ang 2nd floor ng building. sa malayong dulo ng building ay namataan ko si Lan kasama ang ilan sa mga kaklase naming lalaki.

Lumapit ako. nagsimulang mangulit si "Gerryl look alike". pinagkakalat niya na birthday ko na sa aug. 3. hainako!

ayun, retouch tapos labas. nagkayayaan kami nina Karen, Feeling Mr. Nice Guy, Itay, at Long para sana manguha ng mga bato. kaso wala ee, alam mo naman...pag ang babaeng lan ay napapaligiran ng mga kalalakihan, ee, tinatamad na siyang gawin ang dapat niyang gawin. kaya, ayun, pinabigyan ko na, kesyo gutom daw siya e.

sa canteen. nag iinarte pa tong si Lan sa pagpili ng kakainin. after naming maging haggard ulet sa sobrang init sa canteen, nakapagdesisyon na rin siya. wala, kulitan. weird kasi nakiki-epal na ko ngayon. hindi ako feeling close, i mean, pag kinakausap nila ako, di na ako masungit. haha.

tapos balik sa school, walang nakuhang bato. de paypay pa si Lan, gamit ang pamaypay ko. Madalas, ay hindi, lagi palang nangyayari yun. ako, na may-ari ng nasabing pamaypay ay natutunaw na sa init habang sila ay nakikinabang sa aking gamit. pero ayos lang. d yun big deal sa akin. mapagbigay naman akong tao ee.

ayun, tapos na rin ang test nila. sasamahan sana ako ni Lan na kunin ang iniwan kong paper bag sa room, kaso mas pinili niyang maiwan sa piling ni Badoodles na nasalubong namin.

Habang naglalakad ng patakbo, nag-iisip ako. kung ano ang iniisip ko, sa pagkakatanda ko, e kung anong nagustuhan ni Lan sa baduy na lalaking un na tinahi ang kalahating baba ng pantalon pang-eskwela para lang magmukang skinny iyon. Baduy.

habang nag-iisip, nasalubong ko pala si Epal. Hinarang niya ko ng pabiro para kunin ang atensyon ko. Napakaganda ng ngiti niya. Napangiti din ako.

Hay, pagkakuha ng bag, diretso sa tropa. ayun, punta sa room. test. nainis ako nung nagtetest kasi tanong ng tanong ang katabi kong itago na lamang natin sa pangalang DVD/CD Room. napakahaba ng code niya pero mageefort akong i-type yan dahil yan ang dahilan kung bakit ako inis na inis sa kanya. Ayun, tanong na nga ng tanong. Tapos, nung checking na, e diba sa seatmate, ayun. ako ang nag-check ng kanya. sa parts ng cpu niya, nakalagay ang DVD/CD Room. minalian ko. sa tanang buhay ko wala pa akong na-eencounter na ganyang term sa computer. siguro nga may DVD/CD Room (isang kwartong lagayan ng mga CD) pero sa parts ng cpu wala akong natatandaang may ganon.
nagreklamo siya kay sir dahil sa mababa niyang score. kampante naman akong tama ang aking check. maya-maya, lumapit siya sa akin para sabihin na tama ang sagot niyang yon. sabi ko hindi at pinakita ko ang notes ko. pinagpilitan niyang tama yun, sbi kasi ni sir. siguro di niya pinakita kay sir ang papel, sinabi niya lang kaya akala tuloy CD-ROM. ah, tinamaan ko na, baka magkasagutan pa kami. ayoko ng kaaway lalo na kung mas tanga pa sakin ang kaaway ko. oo mayabang ako, talaga!!

tapos, yung kaibigan ko, sa gitna ng kabadtripan ko kay DVD/CD Room, ay nagpasalamat sa akin, 48 ang score niya sa test, dahil sa akin. kung hindi ko kasi binulong ang mga sagot na tinatanong niya ay di siya makakakuha ng ganon kataas na score. Kulang na lang lumuhod siya sa harap ko dahil sa pagpapasalamat niya. Pero alam niyo ba kung anong score ko?? 47 lang naman. nakaka-disappoint. mas mataas pa kasi yung kumopya sayo. badtrip.

natapos ang test, maaga uwi. ayaw pa nila umuwi, lalandi pa sila. kasama ang ilan sa mga kaklase, naglaboy kami (term nila sa naggala. cute.). nagkayayaang magpunta sa Sunken, isang paraiso. naglakad lang kami at nakarating. na-amaze ako sa scenery, pero mas nabigla ako ng makita sa likuran ko ang Bilibid. haha.

ayun, naglakad, picture,,..hanggang ginabi kami sa may groto (sira na siya pero yun ang tawag dun). pauwi na kami ng ang bagal bagal pa maglakad ng 2 kong kasama kapiling ang kanilang mga minamahal na lalaki. kawawa ako kung makikita niyo, ako lang ang walang kasamang lalaki at mukang tanga na animo chaperon. ni minsan di ko na-imagine ang sarili kong magiging ganito. madilim na, umupo pa sila sa gutter, umalis na ko at nagpaalam. di ako badtrip, himala. masaya kong tinahak ang daan pauwi.

Mabilis na nakasakay sa jeep, walang heavy traffic. Himala. Weird.

27 July 2009

last SONA..

hayun o!! grabe antagal na pala mula nung huli akong nag-post..grabe talaga..

napadalaw lang ako sandali..kasi ktatapos lang ng SONA ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

infairness, nagustuhan ko ang kasuotan niya..pati yung bag niya...wow!

matagal din siyang nanilbihan sa ating bansa, at napansin ko na sa tagal nun, ee..tumanda ang itsura niya...dahil sa kunsumisyon sa Pilipinas.
natural, ngayong araw na ito, maraming nag-rally, tulad ng inaasahan. silang mga nais ibahagi ang kanilang saloobin na di napapakinggan. mga damdaming naisasantabi lamang...mga sigaw na tila bulong lang sa tenga ng mga nanunungkulan.

alam ko, batid ko at pansin ko ang malubhang kalagayan ng ating bansa. nakakalungkot isipin na napakarami ng administrasyon ang nagdaan ngunit hanggang ngayon ay lumalala pa rin ang pagkalugmok ng ating bansa sa kahirapan. at ngayon, huling talumpati na ng ating pangulo..ilang panahon na lang at iiwan na niya ang ating bansa,,,iiwan niya na mas lumubha pa ang kalagayan.

pero gayunpaman, wala akong sama ng loob sa ating pangulo. sa totoo niyan, hindi ako lubhang sumasang-ayon sa mga raliyista. hindi sa pabor ako sa pamamalakad ng ating pangulo, pero sa tingin ko, walang dahilan para isisi natin ang LAHAT-LAHAT sa kanya.

mahilig akong manood ng balita. lalo na't magsoSONA. nakita ko ang paghahanda ng mga taumbayan sa SONA ng ating pangulo. kung anu anong mga itsura ang ginawa nila, kung anu anong masasakit na salita ang kanilang kinakabisa. may isang ininterview at sinabing "Si Gloria ang dahilan kung bakit hanggang ngayon mahirap pa rin sila.."

sa totoo lang, glit ako sa nagsabi nun. anong karapatan niyang isisi kay Gloria ang lahat?? oo, alam ko. naiintindihan ko. alam kong may parte sa sisi ang ating pangulo,, pero nakakainis talaga. e kung nagtrabaho na lng siya kesa nagrarally siya doon?? isa pa, may nangyayari ba pgkatapos nilang mag-protesta?? wala naman diba. Ano ba nagagawa ng pagsigaw nila?? WALA. kasi wala ng nakikinig. wala ng isip na nabubuksan. sino ba naman ang maniniwala sa mga taong nagsisisigaw sa lansangan ng mga katagang hindi naman nila naiintindihan?!! wala silang iniiwang magagandang bagay. pagkatapos nilang magprotesta, iiwan lng nila ang mga kalat na basura sa lansangan. nasisira p ang kpaligiran dahil sa walang humpay na pagsunog nila sa mga ginawa nilang representasyon ni Gloria. yun ba ang matinong nasyonalismo?? ganun ba nila mahalin ang ating bansa??

kung anu man ang nangyayari sa atin ngayon, hindi natin dapat lahat isisi sa pamahalaan. oo, mga kurakot, manloloko at mapagsamantala sila...pero wala na tayong magagawa, ganun na sila. ang dapat sanang ginagawa ng lahat, ay magdasal...at mgpulot ng kalat.

oo, nagrarally ka, pero pag uwi ng bahay, nakahilata ka lang..kinabukasan paggising mo nakahilata ka pa rin...at pag nakaramdam na ng gutom,, ayun! magdadadakdak!! di ka ba nagsasawa sa buhay mo??

dapat nga magpasalamat pa rin tayo...kay Gloria mismo. bakit?? kasi pinili niyang mangulubot ang mukha niya para sa ating bansa. oo, sasabihin niyong ginawa niya lng yun kasi maraming pera sa pagpapangulo, at masarap ang buhay niya sa loob ng palasyo...pero isipin mo, kapalit ng lahat ng sarap niya ay napakalaking responsibilidad na pinili niyang harapin. kung ako siya, hihilata na lang ako sa bahay...kesa naman saluhin ang mga walang pakundangang mura at masasakit na salita ng mga tao laban sa akin.
kung tutuusin, matapang siya..oo, matapang siya. isa pa, ipinaglalaban natin ang mga kapakanan ng kababaihan, siya, babae siya, at buong araw sa buong taon nakakatanggap siya ng mga kalapastnganan...hindi ba dapat tayong parusahan??

marami nanamang balak tumakbo. panigurado may iboboto kayo. sa una gusto niyo siya, pero pustahan tayo pgdating ng panahon na nakaupo na siya...ikaw pa ang mangungunang murahin siya. ano ang tawag sayo?? alam mo kung ano??

TANGA.

11 July 2009

'em back!!

jusmiyo!!! akala ko never na kong makakapagpost!!! grabeh!!! nasira lang naman si jan di (my PC)...naku!!! talaga naman!! kung alam niyo lang!!! sobrang namiz ko talaga mag type!!! potek!!! naku!! taz nagloko pa si jun pyo (dsl) nung nagawa na si jan di!!! naku talaga!!! buti naman umokei na ngayon..thank GOD!!!! shockness!! me party dito sa court samen..naku...gsto kong lumabas...nitatamad lang ako magbihis!! haha!!!! haizt..hai nako..linggo na tomorrow..ayoko pang pumasok!!! si xota ko nga pala nung 4th year katext ko now..hehe..gaga e di pa kasi kami nagkikita...!! naku!! talaga naman!!

well well well...welcome me!!!haha...:) expect more posts!!xD

06 July 2009

whatta day!

weeeiii!!! hahaha xD
aiun o! ako'y nagbabalik!!!
namiz ko din mag post aa..
well well well...
ang araw ko ngayon ay ok lang. masaya naman.
di ako nalungkot kahit na na-super o.p. ako taz me mga asungot na paepal. ayos lang.
maganda kasi araw ko now ee..
nagkwentuhan kami ni Karen bout sa boyfriends tsuvah..
taz astig kasi tama sagot namin ni 'ligalig' sa recitation sa English (actually kinopya niya sagot saken! haha, yabang ko! xD)
ah basta ayoko magkwento ng madami tungkol sa school..'em not interested! at alam kong kayo rin!!
wala lang, masaya lang ako. yun lang.

05 July 2009

PaMelanie Leyco

weee!!!
ayun, kakatapos ko lang mag-gather ng mga pictures namin nung 4th year...andami nga ee di pa ko tapos...amp!
by the way, hindi yun ang talagang iseshare ko.
gusto ko lang naman sabihin na andami kong namimiz..now na as in.
una, kanina habang nanunood ako ng jollitown (walang kinalaman ang palabas sa namiz ko ok!), naalalako ang classmates kong sina PaMelanie. ah...hay nako..
naalala ko noon magkagrupo kami laging 3..(lagi nila akong inaampon kasi kawawa ako lagi sa section namin..xD)ayun, minsan naisip namin na ang ipangalan sa grupo namin sa thesis sa eko ay PaMelanie Leyco's Group. ang una naming naisip na topic noon ay teenage mom. taz napunta kami sa 'fix me i'm broken' na emo topic. ayun. kaso hindi natuloy yun kasi itinapon kami ng aming ewan na tchr. sa isang grupo kasi 3 lang daw kami. hanggang sa matapos namin ang thesis na tungkol sa annulment, hindi pa rin kami nakaka-get over sa naisip naming topic na tungkol sa mga emo. andami kasi naming plans at adventure para sa amin ang topic na yun. haizt!
taz minsan, may calendar na tinitingnan si Pam, yung calendar na yun may pictures ng Zagu. alam niyo ginawa namin? after ng class dumeretso kami sa SM para bumili ng Zagu. madalas nangyari sa min yun...mga di planadong kainan. Minsan din CAT training, e mahaba ang break. sa SM kami nag-lunch at bumili uli kami ng Zagu namin.
Ansaya ko talaga pag kasama ko sila..hai..namimiz ko talaga sila.
tapos minsan tinry naming magplano. Ang plan, kakain kami sa McDo..nakalimutan ko kung anong araw yun. Madalas kasi na di natutuloy ang mga plano kaya sinabi namin sa sarili namin na itutuloy namin yun. Alam niyo ba, nung araw na kakain na kami ng McDo, napakaraming conflict ang nangyari. Ako, may pupuntahang patay dahil yung kaibigan ko namatayan ng lola. Tapos paubos na pera ko nun at muntik ng mawala ang pinaka iingat ingatan kong 50 pesos para sa McDo. Si Pam, walang pera at kailangan pang umuwi. Si Melai di ko maalala basta lahat kami may problema. Pero wag ka, natuloy pa rin ang lahat. nakapagpalusot ako sa kibigan ko kaso naghintay sila sa akin (2 sila.). Habang kami nil Pam at Melai, masayang masayang kumakain sa McDo. Di ko na maalala eksaktong inorder namin e pero yung resibo naming 3 (oo hiwa-hiwalay resibo namin) e asa aming tatlo at sa likod nun nakasulat ang inorder naming lahat, ang date na kumain kami pati mga wishes namin para sa isa't isa. sa pagkakatanda ko ang nilagay ko sa wish ko e sana matupad ang pangarap naming maging model ng McDo. Kasi habang kumakain kami, marami kaming nakitang pictures sa McDo na todo lait kami. taz gusto naming mailagay ang cute na picture naming 3 minsan doon sa McDo. hahaxD. alam niyo ba, malungkot ako sa paglabas namin sa McDo nung gabing yun. malapit na kasi ang graduation namin noon kaya ayun, ang bigat sa loob kong magpaalam sa mnga tulad nilang kaibigan ko.
Mahilig kaming mantrip sa classroom. yun nga lang mas tahimik ako sa kanilang 2.
ai nga pala, sasabihin ko history kung paano kami naging friends sa section namin. Kasi si Melai di ko pa talaga nagiging classmate yun since first year kaya di ko pa siya kilala nung 4th year. malapit lang ang upuan niya sa akin. ang hilig niyang ikaskas noon ang sapatos niya sa box niyang may tape kaya ang resulta ay nakakabwisit na tunog. Sobrang galit talaga ako sa kanya noon. pero di ko expect na magiging close kami. Si Pam naman, classmate ko na siya nung 2nd year kaya ok nman kami. kala ko nga di na niya ako papansinin pero mabait pa rin siya sa aking nung 4th year.
ano pa bang mga naaalala ko?? ah..lagi ko silang kasama..tapos mahilig kaming magchismisan. Kami ni Pam, naku dami naming chismax. Ang hilig niyang magkwento at ako naman aliw na aliw sa mga chismis niya. hahaxD. madalas siyang umupo sa tabi ko. minsan nga, english time, pinagsabihan kami ng teacher namin na.."kayong 2 aa nag uumpisa nanaman kayo.." kasi tchr. din namin yun nung 2nd year at alam niya kung ano nangyayari pag magkasama kami ni Pam. ayun. taz basta. mahilig din kaming gumawa ni Pam ng bunutan...lalo na tungkol sa mga crush niya. o kaya sa mga paul. basta. taz mahilig din siyang magshare ng experiences niya kay 'boss'. si Arth, di ko yun malilimutan. taz minsan nagchachat kami sa papel, ako kunwari si yen at siya si Arth. saya talaga. tapos nag-aacting kaming 3. basta saya talaga.
si Melai mahilig din mag share tungkol sa lab lyf niya. hai andami kong namimiz!!poutek!!!
silang 2, ilan lang sila sa napakaraming kong namimiz noong high school. pero silang 2, iba sila sa lahat ng namimiz ko. mahirap ng makakita pa uli ng mga tulad nila. hindi ko alam kung namimiz din ba nila ako o kaya naman e naiisip pa nila ako pero kahit ano pa man, kalimutan man nila ako, basta sila, habambuhay ng nakatatak sa isip at puso ko. ang mga natatanging taong tulad nila ay hinding hindi ko malilimutan. at ang mga masasayang memories namin ay lagi kong maaalala. nalulungkot man ang puso ko sa tuwing naiisip sila, sa huli, masaya pa din ako at nasasabi kong..
"SWERTE KO, SA BILYON-BILYONG TAO SA MUNDO, ISA AKO SA MGA NABIGYAN NG PAGKAKATAONG MAKASAMA sINA PAM AT MELAI..."
kaya sa mga taong naiinis sa kanila, naaawa ako sa kanila kasi ni hindi man lng nila itry na iaalis ang inis nila at kilalanin ang 2. iba sila..ibang iba.

02 July 2009

too tired...

weeew...just finished writing my assingment in general psychology..ahh!! my hand is really aching!! well, i got home early today (i arrived at exactly 7PM in my fone...isn't it amazing?!. It's early because we are supposed to be dismissed at 7PM but we haven't met our professor yet so our class was cut at 4:30 PM. It happened for 2 weeks now (from the day our school day started!.

ahh..while doing my assignment a while ago,, I was feeling sooooooo sleeeeeeeeepppppYyyyyy!!!! I don't know why. I was really really tired eventhough I don't have anything very tiring activity today. oh, I don't want to sleep though. I am waiting for my fone to finish charging.:)

oh...I still have to post a million post!!! haha!!

what I'm currently doing..

hai..ayoko talaga mag post kapag ganitong kulang na ako sa oras...bat naman kasi e!! hahaha! naku saturday na siguro ako magpapakababad sa computer ulit..

well,, thursday na pala, shet ambilis talaga..buti naman at friday na bukas..na-eexcite na talaga ako!! xempre pahinga nanaman!!

wala akong magawa ngayon...text text lang ako with my friend, 'agent jack'. ang topic namin ay tungkol sa mga pangarap namin.

kani-kanina lang kasi, busy ako sa paggawa ng assignment sa Math (doon naubos oras ko..), ayun. natapos ko siya!! sobrang naligayahan talaga ako!!! paano, nagawa ko ang pagkahaba-habang math problems na yun ng tama!!!

may kwento sa likod ng labis kong pagkatuwa...ikukwento ko na lang sa susunod kong post...kung kelan man un. may ilan pa kasi akong ipopost muna ngayon...

basta, alam ko ang gulo at bitin tong post na to...nagmamadali kasi talaga ko ee...

sige..bye na..:)

01 July 2009

july na!!!!

waaaahhhh!!! shet men!!!! july na pala?!?! kung di ko pa vinew yung blog ko di ko pa malalaman!! wow!! ansaya!!! grabehan na to!!!hahaha:) isang buwan na lang bday ko na!!! wow talaga!!haha!!! tapos konting buwan na lang sem break na!!!!wwwwwwwwaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!! tapos second sem na!!!!! no!!!!!!!!!!!!!!!!!!!hahaha... ayoko pa kasi mag second sem kasi baka ala na ko friends...kasi baka di ko na kaklase yung current friends ko now..ayun. well...july...wow talaga ansaya!! me bagong month na sa blog archive ko!!!!wwwwooooohhhhhhhhooooooooooooooooo!!!!!!

ambayan!!!ampft!!!

hai nako...well...gusto ko talaga mag post pa ng mga dati ko pang blog pero kasi naman...onting oras na lang aalis na ko for school. tae talaga ang school...ayoko!!!! bukod sa nagsasayang lang ako ng letcheng oras ko dun...ayun..di ko pa nagagwa ang mga gusto kong gawin.!! sana bumagyo ng bonggang bongga yung as in pati college alang pasok aa!! haha!! di kasi talaga ako nag eenjoy sa school..amp! mas enjoy pa magpunta sa dati kong school at mang asar ng mga taga dun...hay...buhay..sana matapos na ako agad sa pag-aaral para naman ok na..alam ko mamimiz ko ang pag aaral pero kasi ayoko ng ganito aalis ako ng bahay magmamadali pa kasi papasok na ko sa school tapos pagdting sa school wala akong kapakipakinabang na gagawin..hai...sana friday na...gusto ko ng magpahinga s harap ng computer ko!!waaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!