De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

22 December 2009

12:09 AM

ayun...gising pa rin ako..sakto kakatapos lang mag-print ng sandamukal na panlagay sa mga ipamimigay namin sa Pasko. Grabe napakabuti talaga ni Lord, biruin mo nung magpiprint ako para sa project ko wala, di ko nagamit. Tapos kani-kanina lang namomroblema ako kung paanong gagawin ko bukas kasi wala namang internet shop na bukas ng alas-5 ng umaga. Parang yung pag-aalala ko lang kung paano ako bibili ng bagong ink. Pero astig, alam niyo bang nakapag-print ako ngayon ng (binilang muna ang mga kopya..) ..ng 28 pages!!lahat clear copy!! astig!!

alam mo yun, Life's unfair but GOD is GOOD!!

buti na lang. matutuwa nito bukas si Papa. kahit late na akong magpapahinga ok na ok naman. Di pa naman ako niaantok e.

Kaso, goodluck sa akin bukas sa exam namin sa values. wala pa naman akong kaalam alam doon. sana tulungan ako ulit ni Lord.

Lord, I love YOU so much!

Happy Birthday!c:

20 December 2009

kami lang ni Papa dito sa bahay kasi yung Mama at kapatid ko nasa kabila naming bahay (naks!). Magsisimba kasi ako mamaya lang..tapos si Papa mamamalengke so sabay kami. Shet makikita ko nanaman si Phil, sabi kasi ni Mama sa Almanza ako magsimba para bumili ng puto bungbong kay Lola. Kahit na mas gwapo si Matthew kay Phil mas type ko pa din yung huli kasi basta mas malakas ang dating niya para sa akin.

typing maniac

yo! hahaha!! sinubukan ko lang yung typing maniac na nakita kong nilalaro ng isang school mate sa internet shop sa Munti. ayos, nakakapressure siya infiarness. nagkamali pa nga ako kanina kasi ang sinearch ko typing master.haha. tinamad din ako after 3 tries. una kong rank 72-mammoth, taz naging 52-homo sapiens taz last naging 48-homo sapiens. ok na rin.c:

11 December 2009

1 hour late ang oras sa fone ko bakit??

hayun o! Good Morning nga pala..

Kanina ang sarap ng tulog ko tapos naramdaman ko biglang bumukas ang mata ko. At well, maaga pa nun kasi naririnig ko pang nasa baba ang kapatid ko. Maya-maya may umakyat, kaatid ko. ginising ba naman ako sabi baba na daw ako. Eh diba gising na ko pero di niya ako kita kasi nasa taas ang kama ko (sosyal kami eh double deck!). Tapos sabi ko, "Bakit kailangan pa kong gumising?" Sabi niya, "Kasi aalis na kami." Sabi ko, "Ano ngayon?" Sabi niya, "Isara mo ang gate." Grabe magsasara lang pala gigisingin pa ko eh dati pag gusto kong magpagising di nila ako ginigising at sila na mismo ang nagla-lock ng gate. Sumakit bigla ulo ko nung bumangon ako. Biglaan kasi e. Pagbaba ko nakapikit pa ako kahit nakapaghilamos na ako. Umalis na din sila agad. Ako naman akyat agad tapos natulog ako uli. Pagtingin ko sa oras sa cell phone ko past 7 pa lang. Sabi ko ang aga pa. Tapos konting higa pa. Maya maya bumangon na ko mga 7:30 sa oras sa cell phone ko nun. Agad kong binuksan ang computer, tulad ng lagi, ni hindi pa ako naghihilamos. Malamang kasi kanina ko pa ginawa yun at kung dito ka sa bahay namin nakatira e siguradong tatamarin ka ng gawin yun dahil bababa ka pa sa kakaiba naming hagdan.

Pagbukas ko ng computer ang dami kopang plano. Kasi nga ang aga pa kaya maglalaro muna ako ng bonggang bongga. Kaso may nangyari. Laking gulat ko ng makita kong ang oras sa computer ko ay 8:38 na! Naalala kong kagabi hinulaan ko ang oras sa phone ko kasi nagpalit ako ng sim. Kaya walang dudang tama ang nasa computer. Tae. Sira plano ko a.

Well, wala na kong magagawa, ganun talaga. Eto laro-laro. Bumaba ako saglit kanina para "i-comfort" ang sarili ko. Tapos nun nakita kong may note si Mama sa table. Binigyan niya ako ng pambayad sa school at pambili ng pentel na pinapabili ni Papa kahapon na di ko binili dahil wala naman silang binigay na pera. Ayun, naisip ko lang na buti naman nakaramdam siya dahil wala talaga akong balak na bumili ng di nila ako binibigyan ng pera. Naku, sawa na ako sa kanila.



10 December 2009

tired.afraid.sad.

Grabe. Isang napakatinding Physical and Emotional Stress night para sa ating lahat.

Ayoko mang magwakas ang araw ko sa ganitong paraan e wala naman akong magagawa kasi ganito talaga e.

tired.

Pagod ako. Una, kulang ako sa tulog (kahit na maaga akong natulog kagabi..mga 12 md). Pangalawa, sa biyahe, back and fort. Tapos sa school. Ang init tapos nakakaasar pa kasi ang haba ng vacant wala namang maayos na pahingahan sa school.Sobrang sakit ng ulo ko mula pa kanina at antok na antok na ako.

afraid.

Natatakot ako. Ilang sandali na lang kasi darating na sila Mama, Papa at kapatid ko. Pagdating nila panigurado galit pa rin si Mama dahil ng kahapon. Katulad kaninang umaga, Pinagalitan niya agad ako tapos puro siya dabog. Nakakainis kasi ang aga-aga ganun siya. Buti na lang di ako gaanong minalas bagamat nung umaga medyo di talaga maganda na ang simula ng araw ko kahit sa school. bumawi naman ako ng kaunti nung hapon. Di ko na lang inisip yung mga nangyayari para di ako Badtrip.(ayan na dumating na sila.)

sad.

nakakalungkot kasi kanina sa values yung topic namin about sa family. Proud na proud pa akong nagkwento tungkol sa family ko pero deep inside nako. tapos nilagay ko pa dun sa sinagutan kong papel na mahalaga ang aking pamilya dahil sila ang dahilan kung bakit nais ko pang mabuhay sa mundo. taliwas ito sa mga pahayag ko kahapon.

"memories"

Kanina, nagmomoment ako sa jeep habang papunta ako ng school.
Naalala ko kasi noong elementary..malandi ako. Kunwari pa kong tinatanggalan ng lisa ang crush kong wala namang lisa (tawagin na lang natin siya sa nickname na bestfriend ni boyfriend).
ayun nga edi nag-daydream lang naman ako sa jeep..tapos naalala ko habang hinahaplos ko yung ulo niya..I mean yung buhok niya..tapos nakayuko siya sa desk yung nagna-nap. nakatulog siya tapos inantok din ako (malandi ako ee) tapos ayun nakatulog kami pareho..magkatabi.. yihee!!
kinikilig ako!! nakaupo kami nun sa separate na upuan pero as in close taz tulog kami pareho yung ulo namin nasa desk.

tapos kanina nung nasa may mga puno kami nakatambay kami nina Ate Jean, Juliet at ako kasi ba naman 1 1/2 hours ang vacant namin..nanunood ako ng mga educ students na naglalaro ng volleyball sa quadrangle (education week ata samen ngayon e) tapos naalala ko nung last time na naglaro ako ng volleyball nung highschool. as in last talaga yun. kalaro ko nun sina ..aa...basta. di ko na maalala. ang naaalala ko lang sina Boom na Boom, Basyo, Utangera, si Lady no Butt, bsta sila sila..grabe ang saya ko nung gabing yun..kahit na di na namin makita ang bola tuloy pa rin. syempre huli na ee,, gagraduate na kami ilang araw matapos nun.

nakakalungkot na masaya na nakakatawa minsan na nakakaiyak. Mixed emotions talaga pag naaalala mo yung mga memories mo kasama ang mga natatanging tao sa buhay mo. alam mo yun. ang sarap na hindi. Masarap balikan kasi masaya, hindi kasi alam mong walang pag-asa. hay, ganun lang talaga ang buhay.

Kaya nga nung high school talagang nag-ipon ako ng memories. Siguro ang pagsisisihan ko..college life kasi ang dami kong nasayang na panahon ngayon. Pero ayos lang. First year pa lang ako, marami pang mangyayari. Pwede ko pang baguhin.

:)

04 November 2009

Welcome to me..

hay..salamat naman!! sa wakas!! after 1 week nagamit ko na uli tong computer ko.
grabe!!
daming nangyari..November na nga e di ko pa nakukwento..
hay, namiz ko to..
sayang di ako nakapanood ngayon ng Survivor Philippines Palau at Shining Inheritance..
ampogi pa naman ni Francis tsaka nakakakilig na si Juan!!
ok lang..kaso bukas hindi ko din mapapanood kasi andun ako kapiling ni JJ ko!!!OMG!!
hahaha!!
haizt..sana maganda ang araw ko bukas..matuloy kaya ang balak namin?
sana din..di nakakadismaya ang grades ko!!huhuhu!!
kinakabahan ako..GOD, Help Me!!!
good night na..tomorrow na lang ulit..

15 October 2009

facebook

hay nako..ayun, laro-laro..sabi na e magha-hang nanaman tong pc ko sa cafe world ee..amp!

14 October 2009

wait!!!!!!!!!1

hay, buti na lang nag-log in uli ako..may pledge pala ako..kanina ko pa iniisip to ee..
simula ngayon magpe-pledge na ko..ito yung una..
kung sasabihin niyong gagawin ko pa din to kasi madali lang naman mag-post dito at wala namang nakakita saken,
sabi ni Papa Jack, pag nag-promise ka na, pag ginawa mo na ulit, may babagabag na sayo kasi may binitawan ka ng words..at naniniwala ako dun.
ok..
my first pledge:
DI NA KO MAGMUMURA.
nasimulan ko na siya kanina, medyo mahirap pero kaya naman. napansin ko lang na sanay na sanay na pala ako magmura kasi parang every sentence na lang ako nagpipigil.
Please pray for me..help me pray for my change..sabi nga ni Obing..for the better.
good night!

13 October 2009

ilocano..

anu ba yan si Papa Jack! (salawahan ako pasensya na.) di maintindihan ang pinagsasasabi!
naalala ko, si -----, Ilocano sila..hay..naaalala pa niya kaya ako??
sana hindi. joke!

WSU

tapos na ang Wanted Sweetheart,, andito pa din ako..at ang mga kalat ko..

amp!

nagko-confess na ko e nabura naman! tapos di pa effective ang undo. baka ayaw lang ipaalam ang experience ko..haha. sige, bye na nga. tulog na ko. tomorrow na ulet!

hamburdey!

happy birthday Papa Gio!!

no time..

hindi ko talaga (sa totoo lang) maintindihan kung bakit ngayon e kulang na kulang ang 24 hours para sa lahat ng tao. Kahit ako ramdam ko ang krisis na yan. kani-kanina nga lang, naisip ko na kulang pa ang 24 hours para lang aa,, yun nga, naisip kong kulang pa ang 24 hours para ma-access ang facebook ko. yung as in magagawa ko ang lahat ng gusto ko, na dapat sana kahit pang isang oras lang pero dahil nga sa di mo maintindihan kung marami ba o sadyang wala lang katapusan kasi kulang pa isang buong araw mo para matapos yun. dapat wala ka pang break nun kahit umihi.
kaya nga, masyado ng mabilis ang oras ngayon.
doon tayo sa mas simpleng bagay, ang araw-araw na buhay. ako, pag Monday, ginigising ako ni Mama ng 4:30 AM. bumabangon naman ako agad. 10 minutes bago ako makababa kasi aayusin ko pa higaan ko tapos tatahakin ko pa ang aming hagdan. pagbaba, diretso ako sa cr, (mabait kasi Mama ko, ready na lahat, mainit na ang tubig sa balde, bukas na ang shampoo at conditioner ko, yung towel ko nakababa na, maliligo na lang ako. swerte ko talaga.). tapos aa,, mga 5 minutes muna ako uupo sa bowl, tatantsahin ko muna ang init ng tubig, isasawsaw ko ang kamay ko sa balde para magising ako at pag yun na nga, gising na ko, mag-uumpisa na ong maligo. mga 5:30 AM tapos na ko niyan, magbibihis na ko ng sando muna tapos short. bubuksan ko na ang tv taz magchacharge ng fone. kakain ng masarap na breakfast na syempre pinrepare ng Mama ko. naalala ko nga minsan nakahimay na yung ulam ko. bait talaga ni Mama. taz yun, mga 6:00 AM aalis na ko (syempre naka-uniform na ko tapos nagsipilyo, nagpowder..). tapos pagdating ng school, (7:30 AM), umpisa na ng sampung oras ng pagsasayang ng panahon ko sa loob ng paaralang yun. mga 5:30 PM, wow! favorite ko yan! as in kumakaripas na ako ng takbo niyan palabas. kahit wala na kong kasama ok lang. dadating ako ng bahay mga 7:30 PM. magbibihis ako, maghuhugas ng iilang mga plato at baso, magwawalis, magbubukas ng tv. ang nakakainis, 9:00 PM na e yun lang ang nagawa ko, ni di ko man lang nagagawa ang mga gusto ko. di man lang ako nakapag-internet. tapos dadating na sina Mama. kakain na kami. magdadasal ng night prayer tapos matutulog na sila..11:00 PM, tapos na ang mga palabas na gusto ko, makikinig na ko ng Wanted Sweetheart. di na ko nakapag-internet. makikita ko na lang ang sarili kong aakyat at hihiga sa kama, iniisip kung ano bang makabuluhang bagay ang nagawa ko sa araw na yun. hindi naman sa sinasabi kong walang kwenta ang mga ginagawa ko araw-araw, sabi nga nila, dapat nating i-appreciate lalo na yung mga routines natin, hindi yung taken for granted lang katulad ng ginagawa ko. pero ang point ko dito is, natatapos ang araw, ng di ko pa tapos lahat ng kailangan kong gawin. may listahan ako lagi ng mga dapat kong gawin, at pagkalipas ng isang linggo, santambak pa rin, iilan lang ang may markang nagawa ko na.
tumatanda na nga ako. katulad nila, hinahabol ko na rin ang oras. sabi ng kaibigan ko kanina nung ka-chat ko siya, "wala na kong time para magpahinga." nagulat ako. walang time magpahinga?? san ka naman nakakita non? akala ko mga katulad lang ni Manny Villar ang ganun, pero pati pala kabataan ngayon ganun na rin. nagrereview siya kanina para sa finals nila bukas. grabe. may mas malala pa pala sa akin. kung ako nakakatulog pa ng kahit 3 hours, siya e wala, wala ng time kahit na simpleng pahinga lang. di ko alam kung ano ba magiging reaction ko. para sakin kasi di siya magandang sabihin. hindi siya makatwiran. hindi.
linggo, pinaniniwalaang rest day. noong unang panahon (para saken matagal na kasi yun), pag linggo, family day yan. walang traba-trabaho, pahinga to! pero ngayon, Pasko na lang ata ang family day, o minsan nga hindi pa. marami na kasi sating naniniwala ngayon na pag nagpahinga ka ng isang araw isang malaking kawalan ito. kawalan na pala ngayon ang magpahinga. kaya hindi mo rin maitatangging pabata ng pabata ang namamatay ngayon e. kasalanan to ng mga assignments(haha!xD)!!

assignment, assignment, SUNTUKAN

hay...di pa nama ako pagod pero naiinis ako kasi gumagawa ako ng napakadaming assignment ngayon para lang naman sa iisang subject..English.
nakakaasar kasi tambak, e di ko pa memorize masyado yung piece sa Filipino na bukas ko na ilalahad sa klase, tapos may long quiz kami sa Earth Science..ampness!!
pero di talaga ako nag-aalala sa mga yan, naisip ko kasi nasasayang oras ko sa paggawa ng assignment. imbes na pa-inter-internet na lang ako e naubos na oras ko kakakopya ng mga lesson na grade 1 pa lang diniscuss na. di na kasi ako sanay gumawa ngayon ng assignment. alam niyo naman na yung POOR study habit ko noong high school. ngayon, aba, nagawa na ko ng assignment,, kulang kasi resources sa school, dami kong kaagaw at nahihiya akong magsulat dun kasi pag nabasa nila taz mali..naku! dati, nasanay akong sa school na gumagawa ng homework...nadala ko rin sya siguro nung Prelim nitong first year- first sem ko sa College pero nagbago ito. bagamat meron kaming isa't kalahating oras na break sa tanghali, sinisikap ko na ngayong tapusin sa bahay ang mga panira ng araw na mga takda. kasi pag sa school ko ginagawa, 1 hour and 20 minutes akong tatambay at mag-iisip ng kahit na ano. after 5 minutes mapagpapasyahan kong magtatatakbo paakyat ng library para mag-research, mababadtrip konti kasi wala doon ang hinahanap ko at maiisip kong asa libro ko yun nung hiogh school na lubos kong pagsisisihan pagbalik ko ng classroom. pero di naman ako nawawalan ng assignment. laging may paraan. pero maipagmamalaki kong di ako nangongopya ng assignment. isang beses lang ako napilitang kumopya dahil isa lang sa aming lahat ang meron..pero di na naulit yun.
hmm..naalala ko tuloy yung talumpati ko nung 4th year high school ako. bagamat tungkol sa 'kahalagahan' ng high school yun (tungkol lang sa experience sa assignments, projects..mga nagbibigay ng stress sa studies.), di pa rin ako natutuwa sa mga assignments at kung anu ano pang mga pahirap sa school. baduy kasi ee. hindi. aa. kasi pahirap siya. ganun lang yun. lahat naman ng tao ayaw ng nahihirapan diba. sasabihin may maganda ding dulot yan..pero ganun din yun, pahirap pa rin. pwede ka namang matuto ng di nahihirapan diba. pero sabi nga nila, ito raw ay "inevitable". oo na sige na.
ayan, tapos na ang shining inheritance, at napagpasyahan ko ng di na ituloy ang pagsusulat ko. tinatamad na ko ee. dami kaya! bukas na lang, gigising naman ako ng maaga e.
assignment..naku!

09 October 2009

out of time again and again and again!

kakatapos ko lang kumain ng kanin at monggo (tanghalian ko) at magbasa ng (ooppsss!!). haizt! wala nanaman akong nagawa. ay meron pala, nakapagbukas naman ako ng facebok ni sam at naasikaso ang kanyang Zoe. tapos natapos ko panuorin ang "How Great Is Our God" ni Louie Giglio. amazing!! talagang di ako magsasawang panuorin yun! grabe, astig talaga! nakakaiyak at nakakakilabot siya..kasi totoo.
well, ewan ko kung ano gagawin ko..uuwi na nga ko (sa Cavite), gabi na eee..haiztt!!!

08 October 2009

badtrip sira

natapos nga ko wala naman akong ink!!!grrr!!!!!

tapos na last part!

ayun oh!! tapos na ko sa last part, ang evaluation!!wooohoooo!! I love it!!
pero
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
\
/
V
yun pa lang ang natatapos ko.
yung summary, insights, at reaction, wala pa.
kainis. mga mahihirap na ang natira..panu na to?!

kaya ko to..God help me!

ayun oh..shet kinakabahan ako...kasi yung research paper ko sa Psychology now ko lang gagawin..kaya ko kaya to? kasi naman ee..lagpas one month na binigay ngayon ko lang gagawin..amp! pressure!haha!
pero, eto enjoy pa din..pakinig kinig lang ng Wanted Sweetheart ni Papa Dan.
God, please help me!
buti na lang di ako gaanong stressed ngayon..kaya pang gumana ng utak ko..wag lang akong antukin agad..haizt!

shining inheritance

aa..ang cute ni Juan habang naiyak siya sa presinto..haizt..
ang pogi din ni Francis!shet!!

in a hurry

ah, kauuwi ko lang galing sa investiture ng kapatid ko sa GSP sa school nila., 1 hour na lang papasok na ko kaso madami pa kong gagawin..di pa ko tapos kumain..haizt!!
wala na talaga akong balak magbukas ng computer kaso napilitan ako ee..di muna ako nagbukas ng facebook at fs kasi in a hurry na nga ee..hai, kakatapos ko lang magbasa ng isa nanamang kwentong nakakapagpaangat!(oi, anu yun?!) basta..
kinakabahan ako.ibabalik ko na kasi ang librong hiniram ko sa library na dapat overnight lang pero pangatlong araw na ngayon. sana lang walang multa kasi wala akong pera..hai nako talaga..
naku, thursday nanaman pala..ayoko pumasok kasi schedule ko ngayon para sa hands-on. badtrip nanaman ako mamaya kat Batchi. naku! wala pa nga pala akong assignment sa IT..haizt!!
tameme nanaman ako nito mamaya sa school..panniiiiiiiiiiiiiiiiiis na paniiiiiiiiiiiiiiiiiis na ang laway ko araw araw na lang!
waaa!! di ko mapapanuod ang Eat Bulaga ngayon yung On the Spot!! tae asar talaga!! pero di na ko magwiwish ng bagyo ngayon..baka..mawala na pati Christmas vacation ko..amp!

06 October 2009

nitatamad na ko, tomorrow na nga lang!

sinisipag pa ang kamay kong mag-type pati ang utak kong dumaldal. sa totoo lang tambak dito ang mga sinabi ng utak ko..kaso promise sakit na talaga ng binti ko tsaka alam niyo yun, tinatamad talaga ko. deh, nagiguilty lang ako kanina kasi di nakapag-computer ang kapatid ko. yaan niyo, may first move na ko ng change..at yun ay..siya na ang may-ari ng computer every sunday!!!wooohooo!!yun lang kasi ang araw na andito siya ee..kaya yun!!
mabait na ko pramiz.
i love you all!!
i love Papa Dan!!
I love Papa Jack!!
haha..
wild confessions na!!!
oi!!
wanted sweetheart university orientation on Saturday, Oct. 10!!
kita kits nalang!
wooooohooooo...!!!

05 October 2009

sakit ng binti ko chooooopppeeeerrrrr!!!!

i'm currently listening in Barangay LS 97.10
Wanted Sweetheart ni Papa Dan..!!
hehehe...
nakikinig ako ng pagpeplay niya ng kanyang harmonica...
sakit ng binti ko..ampness!!

27 September 2009

wala daw pasok?????

Wala daw pasok 'til Tuesday???
my gosh!!
sana wala nga!!!
sorry pero kailangan talaga kasi mahalagang mapanood ko sina Papa Dan at Papa Jack sa Sweet Life!!!
kainis kasi..
pag me pasok madadaanan ng pesteng sked ko yung show!!!
waaahhhhhhhhh!!!!

ilabdem!


pogi!xD

24 September 2009

starring: MALNO

hahahahahahaha!garabeh talaga! taena! napapamura tuloy ako! grabe, biglang sumakit tiyan ko dun a! hahaha! parang gagu lang..nakakamiss daw si LAN! Taena! anong karapatan niyang sabihin yun?! hahahaha!! wow aa,, close ba sila? taena! sumakit tiyan ako talaga sa ewan!hahaha!hai..
[4:00 pm] yan na, susunod na naming klase ang computer..makikita ko nanaman si bobo version dito sa PLMun. grabe. palalampasin ko na lang yung nangyare. tutal malapit ng matapos ang 1st sem at inaasahan kong di na siya ang prof ko sa next sem. pero gayunpaman umiisip pa rin ako ng paraan kung paano ko ipapaalam sa kanya ang pagkakamali niya para naman di na madagdagan pa ng mga kauri ang batch na to. mga kawawang nilalang. natututo ng kamalian. ewan. bahala na.
[4:15 pm] haha, ansama ko talaga. naisip ko kasi habang patago kong kinakain ang black chosolate ko na pag napansin nitong si Malno at humingi siya, sasabihin ko sa kanya, "ayoko nga mahal ito e!" o kaya di ko siya papansinin..hahaha! kapal kasi ng mukha niya e! taena e ampanget naman niya! sabi niya feeling niya may crush sa kanya ang isa dito sa section namin e tingnan niya nga itsura niya sa salamin! ampanget niya kaya!
tapos sabi niya feel na feel niya daw ang college e mukha nga siyang tanga! tapos sabi ba naman nya pang high school sapatos ko kasi walang takong!gago! di ba niya alam na mahal tong sapatos ko?! palibhasa yung kanya sa bangketa lang. buti nga sira na ngayon!
naku! gigil na gigil ako sa kanya!! nabubwisit ako sa kanya kasi ansama niya!! ngayon lang ako naging ganito kasama sa isang tao, panong hindi e mas malala pa siya saken!
tapos ag kapal ng mukha niyang magpasama saken, e pag ako nga andami pa niyang satsat! tapos ang kapal niya manghingi saken ng papel lalo na yng galing na kame sa tindahan di pa siya bumili kasi meron naman daw ako!ha! ano ako supplier??! taena kala mo may pinatagong papel saken e! at ang malala, nagtetest siya para lang humingi ng sagot during exams! kapal talaga ng mukha!grabe! kala naman niya makakatikim siya ng sagot saken!LUL!
[5pm] ang korni talaga! grabe!!hai nako! gusto ko ng umalis dito! mga walang kwenta mga tao dito! mga bwisit! mga baduy! mga malas! lahat na ng pedeng itawag!haizt!
[hango ito mula sa aking cell phone, ang aking walking diary sa paaralan. nais kong humingi ng tawad kay God kasi sobra na talaga ang galit ko kanina at wala akong ibang paraan para ilabas ito. alam kong mali itong paraang ginamit ko, pasensya na. wala talaga akong talent pagdating sa anger management..]

18 September 2009

selos ako grabeh!!

hay nako! selos ako kanina sa wanted sweetheart! ultimate crush pala ni Papa Dan si Mariz Umali. tapos nung naka-usap niya ito sa phone..naku!! nawala ba naman sa sarili..azar!
eto,, kasalukuyang nakikinig sa Wild COnfessions ni Papa Jack.
hay...

17 September 2009

ok na ko..

ayos ba??




haha..




di na ko badterp agad.




kasi nagmamadali ako ee..madami akong kailangan sabihin pero wala kasi akong time.




ayun. ikukwento ko mga nangyari kanina.




second day ng aming university week ngayon. plano ko na talagang umalis ng bahay ng 9am kasi attendance lang naman talaga ang ipupunta ko doon.




so ayun na.




kasi nung nakaraang gabi ewan ko ba bakit sobrang pagod ako. maaga akong natulog. di na ko nagcomputer, nilampasan ko yung favorite kong panuorin sa tv, di na ko nakinig ng radio. natulog na ko.




tapos kaninang umaga, ginising ako ng kapatid ko. 6am non. ayun e antok pa ko so tulog ulit. bumangon na ko mga 7am.




baba. tapos sinilip ko yung mga natatakpang mga lalagyan sa table. ham at egg. tapos sa kabila yema na ginawa ni Papa nung gabi. ano una kong inentertain?? syempre yung yema. yun ang almusal ko. sarap! habang nanunuod ako ng tv. tapos kumain na ako ng breakfast. tapos nun prepare ng gamit. ligo habang nagpiprint ng pinagawa ni Papa na prayer. tapos yun. bago ako naligo hinanda ko muna yung damit na susuotin ko. shit! wala akong pantalon. hanap naman ako. naalala ko bigla na pinalagay ko yun sa bag ng kapatid ko. naku!! nadala nya yun sa school niya sigurado ako! una kong plano puntahan siya sa school kaso tinatamad ako. so naghanap na lang ako ng ibang pantalon kasi naalala kong may naiwan pa ako pink na pantalon. nakita ko naman. sinukat ko. tapos bigla kong nakita yung six pocket kong pantalon. gusot pero ok na. pinlantsa ko. tapos habang nagpapantsa ako, nagtext kaklase ko. e wala akong load. lumabas ako para magpaload. kaso yung dalawang pinakamalapit na tindahan sa amin wala pa daw silang pang load. kainis. bumalik ako sa bahay. natakot ako nung nakita kong naiwan ko palang natiwangwang ang nakasaksak na plantsa. buti na lang hindi nasunog yung pinapatungan nitong towel.




tapos naligo na ako. rush. late na kasi ako sa usapan namin nung kaklase ko. tapos yun. alis na ko. natural na araw. iba lang suot ko. pero astig kasi di ako kinakabahan tulad ng araw araw at di ako nangarap na sana walang pasok. diretso sa metro. ayos! bukas na! bibili sana ako ng battery para sa aking digital camera kaso..nadala ako ng mga paa ko sa mcdo. #7 tapos upsize ng fries at float. favorite!! gamit ko pera na kinupit ko sa alkansya namin ng kapatid ko. kahit na sobrang busog na ko grabe. ayun. sakay ng jeep. ayos ulit may jeep na sa terminal. kaso medyo me katagalan akong naghintay, parang paghihintay ko sa hinayupak na computer na to..pero di ako nabadtrip kasi di naman ako nagmamadali tapos may kinakain pa ako. ayun. umandar naman siya kahiot di pa puno. may nakatabi nga pala ako kanina, high school student siya. nagulat ako kasi pinaliit na version siya ni Anno!! pero well, mas pogi pa rin NAMAN!! si Anno. haha.




baba sa 'vicar' kung tawagin nila. diretso sa bahay ng kaklase ko (di ko siya friend, si malnourished yun). siya lang pala mag-isa kasi ala parents niya. walktrip kami papuntang school. habang makasama kami, napaplastikan ako sa sarili ko kasi di ko naman talaga siya gusto. ayoko ng ganung feeling. gusto ko ng sabihin sa kanya kaso hahanap p ako ng tsempo. hay..




pagdating sa 'bundok' kung tawagin ay nakasabay pa namin ang isa pa naming kaklaseng si Baki Girl. ayun. wentuhan. punta sa room kung san nakatambay ang mga kaklase namin. as expected, boring. puro tambay lang. buti nga yung attendance namin para sa 3 subject na. kasi kung hindi tutunganga pa ako doon hanggang hapon para lang hintayin ang pinakahuling attendance. nagpalipas muna ako sandali ng oras. kopya ng mga kowts sa fone ni Malnourished..tapos nung nagyaya ng magsikain..bumaba na kami..umuwi na ako. ayoko kaya silang kasama. boring. puro kalandian lang alam nila. kaya nga natatawa ako kay Malnourished ee..ang tigas kasi niya..nakakayanan niyang tumagal kapiling sila e di naman siya pinapansin. buti pa ko kinakausap. pero ayoko talagang magsayang ng oras kasama ang mga tulad nila. ayos. mainit pero excited na ko super!!


edi ayun na. naglakad na ko sa may bundok..haggard pero swak na swak pa din. tapos pagdating ko sa my sakayan, andaming tao. uwian na kasi ng highschool. di yun alam ko na kasi ang strategy e. kaya nga ayoko na rin sumabay sa mga classmates ko kasi mas madaling sumakay kapag mag-isa lang. pumuwesto ako sa harap ng jeep, tapos tulad ng inaasahan ko, tatawagin ako ngayon nung nagbabantay tapos sasabihin niya pwede pa ako may tatlo pa daw. may isang slot pa para sa unahan. pero kahit gusto ko dun syempre pa-humble pa ko. tapos yun e biglang may umupo sa unahan tapos naubusan na ako ng slot sa likod..so nag-stay ako dun sa gilid..di na ko bumalik sa pila kasi kasalanan naman ni manong kung bakit ako nandon. sabi niya sa kabila na lang ako. eh sakto bumaba yung nasa unahan na isa. edi yun.
ang init. nakikita ko kung gaano ka-haggard ang sarili ko sa salamin. gustuhin ko mang mag-ayos e di ko magawa kasi mahirap gumalaw sa pwesto ko.. kalahati lang kasi ng pwet ko nakaupo sa upuan. hiya nga ko ng konti sa katabi kong lalaking high school..pero di masyado kasi di naman siya gwapo. ayun. nakarating ako ng bayanan, wala na akong inuupuan. buti na lang bumaba na siya dun. nakapag-powder na rin ako.
ang init talaga. pero oks na oks lang. bumaba ako sa may palengke na..doon sumakay ako ng town center. pagdating ko sa ATC ayun may nakasabay akong babaeng naka-yellow dun sa bandang sakayan ng papuntang samen. bago yun nakita ko yung tatay ng 'pamilyang yellow' pero di ko siya binati. ayoko nga. whichever! hay nako..tapos yun nga may dumating na sasakyan. e naka-headset ako. di ko narinig pero feel ko ng yun na nga yung sasakyan ko. tinanong ko yung babaeng naka-yellow kung yun nga. sabi niya oo. e wala pang tao sa loob kaya di muna ako pumasok.. tapos maya-maya may dumating ng isa pang babae. dun din siya. tapos sabi ba naman nung naka-yellow sakin, "tara na." ayos! parang magkasama lang kami!! pero ok lang sakin yun..sweet nga e.
sa loob di kami magkatabi. di naman kami close e. nakikita ko sa peripheral vision ko (tama ba??) na natingin siya sa akin. ako patay malisya. concentrate sa paglalaro ng sudoku sa cell phone ko. nagulantang ako ng makita ko sa labas yung kapitbahay namin. di ko siya pinansin. di ko siya tiningnan. pero alam kong tiningnan niya ako. pero mas nagulantang ako sa isang lalaking dugyot na tumabi sa akin. badtrip. ambaho niya. amoy lumang mantika. kainis. tapos andikit pa niya sa akin. kainis talaga. nakakahilo!!! kaya naman todo takip ako ng mukha!!! tapos nilalayo ko sa kanya katawan ko kasi baka kumapit. pano naman kasi maluwag pa naman. papansin. tapos badtrip din yung nasa harap ko bumahing pa. letche. aircon pa naman.
pero may mas badtrip. nung nasa harapan na kami ng isang pribadong paaralan malapit na sa bababaan ko, may tomboy na pumara. di ko narinig ang mga sinabi niya kasi nga naka-headset ako. pero kasi diba binuksan na yung pinto..nagulat ako sa pagsigaw niya ng kanina pa daw siya pumapara and whatsoever..tapos yun medyo matagal bago siya bumaba. as in nagsisisigaw siya sa loob ng sasakyan, sabi nung isang ale pinagmumura niya pa yung driver. yung driver naman buti na lang mahinahon. nag-sorry siya ng buong galang sa tibo. taz yun, galit na galit na bumaba yung tomboy. natawa ako kasi ang korni ng dahilan ng galit niya eh. pero tang ina!!! binagsak yung pinto!! e asa dulo ako,, tae ansakit nung tumama sa tuhod ko! kaasar. gusto ko ngang buksan uli yung pinto at sigawan siya e. kaso me nangyari. pagbaba niya andami pa rin niyang sinasabi. ang malupit pa dun nagmumura siya ng walang tigil. hindi ko naman naririnig pero mababasa mo ng klarong klaro sa labi niya ang mga mura niya. tapos yun aalis na sana kami kaso talagang di niya tinigilan yung driver. napikon tuloy. bumaba siya. doon pa lang naka-sense na ako ng "suntukan!" (sa isip ko yan ang kanta kahit naka-headset ako..yung tono niyang yung madalas tono sa school pag may away..xD) tapos yun nagsagutan, nagmurahan. badtrip. antagal nila,, ang yabang pa ng tomboy binabalandra pa ang fone niya. naiinis na rin ako kasi nga yung katabi mabaho. tapos nung sumakay na yung driver, aba sinundan ni tibo naghamon ng suntukan. tapos nag-bad finger pa siya. parang tanga talaga siya!!! naaasar ako sa kanya!! ang yabang!! buti na lang di sila nagsuntukan. kasi bugbog sarado yung tibo for sure pero patay si manong kasi baka makasuhan siya. naiinis talaga ako sa tomboy na yun. hanggang ngayon naaalala ko pa yung paghahamon niya. palibhasa mataba. tapos umalis na kami. huminto kami sa malapit na terminal na mga 10 meters lang ang layo. nakita pala ng mga tao dun yung nangyari. at last!! saya ko!! bumaba na si baho doon!! parang nagdiwang ang ilong ko! tapos yun bumaba na ako kasabay nung kapitbahay namin pati yung babaeng naka-yellow na taga doon din pala sa amin. tumakbo ako pauwi. wala lang. excited lang ako matulog. kaso di rin ako nakatulog agad e. napasarap ang kwentuhan namin ni mama. tungkol sa nangyari sa akin sa van pati yung nakakatawang ginagawa ng kapatid ko at papa ko tuwing may project. taz un. maliligo sana ako kaso nakatulog ako. hirap nga e kasi nakapantalon pa ako. di komportable.
paggising ko, nakita ko ang kapatid kong gumagawa ng assignment niya. kinain ko yung baon kong lunch na di ko nakain kasi nga nakatulog ako. tapos ginawa ko yung project ng kapatid ko sa arts habang kumakain ng nilagang saging na saba. hindi ako magaling sa arts pero maning mani lang ang ginawa ko.
tapos ayun uwi na kami sa bahay. naligo na ako noong gabing iyon. umangkas ako kay Papa. sayang di ko nasimulan ang stairway to heaven.
amp.

badtrip.

kainis! hay naku!!! ok na ee..good mood na ko ee...pero kanina lang yon!! nakakaasar nanaman tong computer na to!!! alam niyo kanina pa kong 11:15pm nagbukas nito para pagkatapos sana nung pinapanuod ko kanina e ok na..nakaapat o limang restart na ata ako ngayon lang siya gumana!!! bwiset talaga!!! asar!!! badtrip!!! edi sana andami ko ng nagawa, naipost...excited pa naman ako!! bwisit talaga!!! asar!!!!!

13 September 2009

hello mga ka-berks! haha!!
eto naisipan kong mag-open..panu maaaga pa para matulog. wala akong ginagawa.
aa, bukas maaga gising ko. may practical exam kami sa p.e bukas para sa midterm, may exams din kami sa mga hatest kong subjects ngayong sem na english at filipino.
maganda ang balita ko para s araw na ito.
nagbalik na sa aming tahanan ang aking kuya simula pa kahapon. (ang buong detalye ay mababasa mo sa nakaraang post.)
masaya ako dahil buong pamilya kaming nagsama-samang maglunch kanina...si Papa, si Mama, Si Kuya, si Ako, si Sam at si Shamita.
ito na yung dream get together lunch ko. kahit na medyo nakakailang p..masaya talaga ko. astig talaga si God. biruin mo, ilang buwan akong nag-pray kay God na sana makabalik na si Kuya. at super salamat talaga sa kanya dahil tinupad niya ito bago mag-christmas.
tapos dumating si Mama Rose. ayun masayang kwentuhan nung tanghali.
kaso me badtrip side syempre.
pagkagising ko kaninag 11am ng umaga, bumungad sa akin ang sandamukal na text ng aking mga klasmate. may praktis daw. sobrang nabadtrip ako. paano ba naman kasi..kahapon na andun ako sa muntinlupa walang praktis tapos ngayon meron. oo maaraw ngayon pero di ba nila naisip na ang mahal ng pamasahe para pumunta ako doon. pero ayos lang. di ako pumunta. wala akong pera.
mga 9pm, nag-gm sila na nakauwi na sila. ayos lang. kaso gusto nilang dalhin ko ang cd player namin. e anlaki nun, tapos yung meeting time pa namin e 6am. imagine. mga 5am ako dapat umalis ng bahay na dapat oras pa lang ng gising ko. kainis tlaga. tsaka as if namang papayagan ako ni mama na dalhin ang player namin., bahala sila jan. nalulungkot man ako kasi wala akong contribution sa group,,e anong magagawa ko. bahala na.
ayun. yanang nangyari sa akin sa araw na ito. ay meron pa pala. kanina, nagdadlawang isip kami ng kapatid ko kung oorder ba kami sa mcdo, yung delivery. tapos yun. matapos ang napakahabang pag-iisip, napagdesisyunan naming umorder. tumawag kami sa mcdo. yung inorder namin burger mcdo meal (#7) dalawa nun tapos 2 ding sundae. ayun. P187.00 lahat. buti may P40.00 si Papa dito sa bahay kaya nabawasan gastos namin. tapos may P55.00 pang sobra yung ipon namin. kaya yun. tapos yun. sabi 30-45 minutes lang daw. pero isang oras na wala pa din. kaya pinagtiyagaan na lang namin ang expired nang gardenia sa ref na ininit na lang namin sa toaster. tapos yun. biglang may tumawag. naligaw yung magdedeliver. kaya sinabi ko ang nearest landmark sa amin. ayun nakarating naman siya. halata sa mukha niyang medyo badtrip siya na nahihiya pero nung sinabi niya "sobra po yung bayad niyo.." sabi ko, "hindi kuya sayo na yan.." aba, guminhawa ang mukha niya. nakalimutan na nga niyang ibalik ang P3.00 na sukli namin ee.. sabi ko kanya na yung sobrang bayad hindi keep the change. pero ayos lang. at ayun, masaya kaming kumain ng aking kapatid,.sa totoo lang naumay na nga kami ee..ang saya-saya ko pa kasi andaming yelo..haha.
tapos naglaro kami ng iba't ibang games ng kapatid ko..di kami nag away, tapos kumain lang naman kami ng toblerone (yabang).
kani-kanina lang, naka-chat ko si cenaimy. napagusapan namin yung class prophecy na gawa ko na di ko naipabasa sa kanya bago pa man naiformat ang computer ko. ayun kinuwento ko na lang sa kanya ang ilang naaalala ko. sana natuwa siya.
at yun. masaya ako ngayon. i lab it.

12 September 2009

ang pagbabalik

ang araw nato..di ko alam kung paano ko siya madedescribe.
maaga akong nagising na hindi ko talaga gawain tuwing sabado. kailangan ko kasing umalis ng 9am ng umaga para dumating sa school ng 10am,, para kunin ang tshirt ng aking course na matagal ko ng di nakukuha.
maaga akong naligo. napakalamig pero buti na lang nag-init ng tubig si Mama. may masarap din akong almusal na spaghetti, tsaka mainit na hot choco na ginawa ni Mama. ayos. nakabihis ako, pantalon na maong tapos P.E tshirt. cute. habang kumakain tinext ko ang mga ka-grupo ko kung tuloy ba ang practice namin. kasi kung hindi e di na ko pupunta ng school, naulan kasi, sobrang lamig ang sarap matulog tapos sayang pa sa pamasahe kung tshirt lang naman ang dadayuhin ko don. matagal na walang nag-reply. malapit na mag-nine. sa isip ko pag nine na wala pang nagtext matutulog na ako ulit. mga-quarter-to-nine may nagtext. tuloy daw. tamang tama kasi tapos na din akong kumain. naghanda na akong umalis. dumating ang tito ko na gagawa ng pinto namin sa ibaba ng bahay, kasama ang anak ng Kuya ko at dalawang cell phone..isang my phone at nokia 6300. ganda. dalhin ko sana.haha.
naglakad ako patungong sakayan ng van. nagpaload muna ako para maitext ang mga ka-grupo ko. yung isa di pinayagan, si Lan. si Malnourished naman nakatext ko sabi niya bat daw di ako pwede ng hapon para gabi na daw kami umuwi..sabi ko naman si 'ermats look alike' ang nagsabi na 10am para daw maaga. tapos sabi ba naman sakin ni Malno, ako lang naman daw dahilan kung bakit umaga kasi sabi ko daw di ako pwde ng hapon. anong gusto nyang palabasin?? dun pa lang badtrip na ko. sabyan pa na kalahati lang ng pwet ko ang nakaupo sa van. tpos binaba kami sa town center lang imbis na sa festival mall. nakakaasar pa yung mukha ng matandang driver. ang aga-aga kasi nagsasagutan sila nung isang pasahero. ewan ko kung anong topic nila nun. ansungit. sigaw ng sigaw. ayaw na lang kasing aminin na colorum ang mga sasakyan nila at di legal kaya lagi na lang silang umiiwas sa mga nanghuhuling pulis. tapos sakay na ko ng jeep. may nakasabay akong estudyante sa school namin na kapareho ko ng outfit kaya kampante akong papapasukin ako ng guard. malapit na ako sa school ng sabihin ng kaklase kong di na tuloy ang praktis. dagdag badtrip. sayang pamasahe. pero wala na kong nagawa. sinakyan ko na lang. naisip ko nun malas na ko buong araw kaya ineexpect ko ng di ko makukuha ang tshirt. pagdating sa entrance hinarang ako ng guard. di ko narinig ang unang tanong, bingi kasi ako (epekto ng headset). sabi ko pupunta ako sa function room. hiningi ang COM ko. buti dala ko. pinatabi muna ako sa gilid kung saan may isang lalaking naka-civilian na di rin pinapasok. tiningnan ang sched ko sabay tanong na anong gagawin ko sa loob at kung may klase ba ako. sabi ko kukunin ko lang ang tshirt sa MassCom. ayun pinapasok na ko. pagdating sa function room mabilis kong nakuha ang tshirt ko. yun lang. wala pa nga atang 10 minutes ang stay ko sa function room. ok lang. diretso ako sa may starmall. tapos nbs. doon pinakalma ko ang sarili ko sa paghahanap ng libro. pero wala akong napili. saka na lang siguro. ang binili ko lang e bala ng staple at plastic cover para sa aking librong di ko pa nababalutan.
maaga akong nakauwi. andun sa bahay ang anak ng Kuya ko, kapatid kong bunso at kalaro nito. anlagkit ng sahig tapos amoy bata ang sala. gusto ko na ngang paalisin ang kalaro ng kapatid ko para matulog. pero nalibang ako sa cellphone ng kuya ko na ginamit ko.haha. nang makaramdam ako ng gutom kumain ako. maya-maya kusa ng umuwi ang kalaro ng kapatid ko (na himala kasi wala pa nga akong ginagawa ee..haha.)
ayun di rin ako nakatulog. nanuod pa ako ng cartoon at naging busy sa pagtetext. tapos nakatext ko ang Kuya ko after 7 months! (totoo to). sabi nya gusto niya daw pumunta sa bahay kaso baka magalit si Mama. sabi ko tanga ba siya e pwede naman siya pumunta. ayun pumunta nga,.
ang saya ko!! kasi natupad na ang prayer ko kay God...ang maksama uli si Kuya. ayun. saya. sobra.
naiwan kami ng kapatid ko sa bahay kinagabihan. pumunta ksi sina Mama at Papa sa El Shaddai, naiwan kami ksi umuulan. sa bahay, umiyak kami sa panunood ng MMK. at nakatulog. di na ko nagradio. sobrang pagod na ko e.
the end.

11 September 2009

hmm..

sa totoo lang ang pinakaayaw ko sa lahat e yung naglalagay ng title..kasi bihira lang ako makaisip ng akmang title para sa mga sinasabi ko. kaya pagpasensyahan niyo na lang kung ganyan ang title ko.
ah,, gabi na no..hindi normal sa akin ang mag-computer ng ganitong oras. actually late na talaga ako nagbukas pero napaaga siguro ng konti kung di nagbinuang itong computer na ito. nakatatlong beses ako ng pagrerestart sa kanya bago tumino. bastrip no.
di mahalaga [para sa akin] ang gagawin ko pero mahalaga yun bukas. una, yung article sa psychology pero wala akong magandang topic na nakita. sa nstp naman e yung term paper para sa film na An Inconvenient Truth. kaso di ko rin natapos. mahirap gumawa ng reaksyon kapag di mo napanood. kaya tinigil ko na lang.
napakaraming bagay-bagay na nangyari sa akin sa buong linggo pero di ko maikwento. oo, pangako ako ng pangako na magpopost na ako ng matino pero di natutupad. aaminin ko na, wala akong oras. sobrang busy ako. ewan ko ba, busy ako pero wala akong ginagawa. kanina, schedule ko sana ng pagpopost pero ano? natulog lang ako at nagising ng tamang tama lang ang oras para maligo at pumasok. ewan ko ba.
lagi na lang kulang ang oras ko. wala namang makabuluhang bagay ang nangyayari. napapagod ako ng walang dahilan, marami akong di natatapos dahil di ko alam. basta. ang gulo. ayoko ng ganito. kasi para talagang wala akong natatapos. ay hindi pala parang, wala na talaga.
tulad niyan, ngayon nagmamadali na ako kasi matutulog na ako at maaga pa pasok ko pero eto. basta. at dahil jan good mornyt na.
geh.

09 September 2009

090909

swerte???


hindi rin.


kasi ako malas ngayon.


di naman sa malas.


pero malas e.


basta.


buong week naman ako minalas e.,


pero ngayon sabi ok naman daw.


pero ako hindi.


umaga pa lang badtrip na mga nangyari sa akin.


pero ako di naman badtrip.


ok lang kahit medyo malas.
wala e ganun talaga.

08 September 2009

--

wala akong magawa ngayon e kaya napadaan pero di ako naglagay ng kahit na anong imaportante kasi ayoko e. medyo badtrip ako ngayong mga panahon na ito kaya ayun medyo tamad mag-isip. pero may pinag-iisipan ako kanina pa e..a..kung ano ba ang dapat kong bilhin, chocolate o libro.pareho ko silang gusto pero kasi parang mas kailangan ko ngayon ang chocolate kasi exam week. ewan ko ba (kala mo naman andami kong pera e no..haha) ayun. actually nag-aaral akong mag-type ngayon kaya eto puro walang kwenta mga sinasabi ko. kasi next week typing exercises nanaman kami tapos aa..ayun may takip na yung kamay parang nung high school lang. e as usual ang yabang nanaman nung baboy na yun. magpapractice lang ako para ma-maintain ang grade ko, hindi para makipagkumpetensya sa feeling napakagaling na space-occupier na yun. hai, naiinis talaga ako sa kanya kasi plastik siya taz parasite pa. tapos nakakaasar kasi ang yabang niya wala naman akong ginagawa sa kanya tapos inaaway niya ko. ang yabang yabang yabang pa niya tuwing computer subject namin. pasikat siya tapos ang yabang ng pagmumukha niya pag pinuri siya ng mga ignorante kong classmates. naku! tapos titingin siya sa akin. kaya nga ayokong kasabay yun e. malas ko lang kasi pareho kaming naging thursday group. kaasar.alam niyo dami ko talagang naku!! as in badtrip ang buhay ko ngayon. yung kaibigan ko si ano..ayun wala na kaming communication ngayon kasi nung tumawag siya di ko sinagot. hehe. e sa gumaganti lang naman ako dhail sa ginawa niya sa akin e. gagu pala siya siya na lang lagi ang pwedeng tamarin pag magkausap kami sa fone. unfair! amp! kaya un. di ko siya tinatawagan kasi baka babaan din ako e. alam mo naman e. hahahaha. tapos,, a..alumni homecoming sa previous school ko sa 24 and 25 ng october. first time ng batch namin yun kasi kakagrad lang namin diba. ibabalita ko sana dun sa kaibigan ko nga kaso ayoko nga dib nagbago isip ko kasi baka tarayan lang ako nung gagang yun. hai nako.. ayan naadik na akong mag type a. ayoko na nga kailangan ko pang kumain., sana walang pasok!! ayoko pumasok ngayon kasi umuulan e. ampness,,, sige na nga bye na bago pa ako tuluyang maadik sa pagtatype. tsaka full house na!!!yooohoooo!!!

06 September 2009

I love all of this!

















Watch and be enlightened!













You are amazing God!

Maaga akong nagising kanina (4:10 am para sakto) dahil sa pagtunong ng aking cellphone.
Sumabay ako kay Papa kasi kailangan kong umuwi dito sa Las Piñas (dahil nasa Cavite ako) para gawin ang project ko sa Earth Science tungkol sa Global Warming. Maulan kanina. Dumating kami dito ni Papa ng 4:52 am (ayon sa aming orasan). Hindi nagtagal si Papa, as in hinatid niya lang ako. Siyempre pinagdasal kong maging safe siya sa biyahe niya papuntang palengke. Inisip ko kung matutulog muna ako sandali o gagawin ko na ang project ko. ayun, nauwi ako sa agad na pagbubukas ng computer ng bigla kong makita ang mga bagong green na upuan dito sa bahay. una naka-headset pa ako gamit ang aking cellphone. nng mabuksan ko na ang aking computer, nag soundtrip ako para medyo malibang. Una friendster muna..suswal. hanggang sa narating ko na rin ang totoong pagsesearch tungkol sa project ko kasi nalibang ako at na-motivate na rin ng nakita kong pictures ng earth (yung pale blue spot at the blue marble). ayun, medyo may nakuha naman akong impormasyon. nasa kalagitnaan ako ng kagustuhang matapos agad ang project ng bigla akong tamaan ng matinding antok. as in talagang napapapikit na ako. ywo hours lang kasi tulog ko ee..kaya ayun.
pinakikinggan ko ang with a smile ng eraserheads habang umiinom ng sunkist iced tea apple flavor ng biglang tinype ng aking mg daliri ang laminin sa search box ng wikipedia. naalala ko ito bigla. sobrang astig nun, manghang-mangha ako nang mapanood ko ang how great is our God noon sa bahay ni Ate Grace. Tapos ayun, sinearch ko, tapos may nakita akong Chris Tomlin-Indescribable sa youtube. akala ko katulad siya ng kay Louie Giglio kaya di ko pinapansin. kasi iniisip ko gaya-gaya..hehe. pero nabuksan ko pa din siya at laking gulat ko ng makita kong kanta pala yun.
At alam niyo ba, bigla akong nagising tapos as in parang nawala worries ko, tsaka na-enlighten ako (kasi natatakot akong baka di matapos ang project ee..). ayun. astig. ansarap pakinggan. ang sarap sa pakiramdam.
at dahil jan, ipopost ko yung mga clips ni Chris Tomlin. unahin ko na ang indescribable aa..!:)

01 September 2009

boring..

alam kong walang kwenta ang mga posts ko no..kasi busy talaga ako ee..dami kong gustong i-share pero masyado akong naghahabol sa oras e. pero sa totoo lang, petiks lang talaga ako..walang ginagawa. gulo no. kasi ganito yun sa sobrang petiks ko wala na akong magawang kahit ano kasi feeling ko napakabilis ng oras which is totoo naman talaga. di nio pa dn gets?? don't care!heh

26 August 2009

hay...

goodnight people!! di muna ako masyadong mag-post kasi busy pa pero try ko panakaw-nakaw. tunghayan na lang ang mga susunod kong subjects.
matatapos na ang august, ano na nga ba nanamang nangyari sa akin sa buwan na to??
sige, ako'y magpapahinga na, bukas try ko mag-post. may date pa kami ni Papa Dan at Papa Jack ee..hehe..
---lady kyu

13 August 2009

thank God!!

o my gosh!! naku!!! alam niyo ba nangyari saken?? for sure hindi!! naku grabehan talaga...nasira si computer nanaman,,,napuno ng spyware..di eto naman si ako format..nung finormat ko ayaw ma-install ng microsoft office. badtrip pa kasi di nakapag-internet!! now i'm back, buti na lang talaga!! I'm so thankful to God..sana tuloy tuloy na tong ganito no..i lab it!! so, panu yan,,, tuloy tuloy nanaman ang pagpopost ng blog!! hahahahahahahaha!! siguro next week na ko magstart no para di masyadong excited.

geh un lang. namiz ko si blog!:)

06 August 2009

hatest day...

ang pinaka-love kong day sa week ay everyday. kaso minsan di talaga maiwasan na meron kang bad day kahit ayaw mong magkaron nun.
katulad ngayon, aa,, thursday. may computer subject kami ngayon, tapos may hands-on, at schedule ko ngayon (every thursday ako e). naiinis ako pag dumarating ang araw na to.bukod sa isa pa naming subject na Math na napakababa ng grade ko for Prelim, naiinis ako lalo tuwing papalapit na ang computer time. habang umaandar ang oras, lalong sumasama ang ugali ko. lalo na sa mismong time ng computer lalo na kung hands-on. di mo na ko makakausap niyan. tapos pag tapos na ang computer subject, expect mo na, super bad mood na ko niyan.

hindi yung mismong subject ang problema ko. in fact, gustong gusto ko ang subject na yun...dahil angat ako kumpara sa mga hangal kong klasmate. maliban sa isang tao. hindi ko sinasabing nauungusan niya ako, hangal din siya kung tutuusin pero napaka-powerful niya para sirain ang buong thursday ko. at sa kasamaang palad, pati weekdays ko apektado na niya. ano nga ba ang misteryo sa taba ng babaeng ito?? bakit kayang kaya niyang sirain ang araw ko??

isang simpleng babae lang siya...mahilig mag-make up na kulang pa rin para sa kanya kahit na ang o.a na ng itsura niya, sa kapal ng taba niya dumoble na ang kanyang baba, maingay ang kanyang bunganga, kung magsalita siya akala mo laging may kaaway. simple diba.

itago na lang natin siya sa pangalang Batchi. ang totoo niyang pangalan ay Jovelyn Padpad. (wow, tagong tago!)..naiinis ako sa kanya!!!!!sobra!!!!

una, naaasar ako sa boses niya at paraan ng pagsasalita. pagbuka pa lang ng bibig niya alam mo ng mayabang. pranka na wala sa lugar, plastik pa. mahilig siyang manlait na akala mo di siya mukhang baboy. mahilig siyang sumigaw. ang kapal ng mukha niya araw-araw (bukod sa make up, makapal talaga mukha nya as in walang hiya).

pangalawa, naaasar ako sa mga facial expressions niya. mukh pa lang badtrip ka na. ang hilig hilig niyang mag-make face, akala mo naman bagay sa kanya.

pangatlo, naaasar ako sa buong pagkatao niya dahil napakayabang niya.

higit sa lahat nakabwisit pag naaalala ko kung ano ang sinabi niya sa may computer room. habang nagha-hands-on, eh sa kasamaang palad magka-group kami, thursday group. noong unang hands-on magkahiwalay kami ng room kaya di namin nakita ang each other, pero balita na kami raw ang pinakamataas. pero nung pangalawang hands-on andun siya. nauna ako sa kanya. sabi ni sr di daw pwedeng lumapit sa computer pag si pa ikaw pero siya sipsip kasi kaya un. sabi ba naman sa kaibigan niya na isang tao lang ang layo sa akin na hindi daw ako nasa tamang position ng typing, yun bang nasa home keys ang daliri kaya daw ako mataas DI DAW TULAD NIYA. Tsngina!! ngayon lang ako magmumura aa...nakakaasar kasi e!! ikumpara ba naman ako sa kanya. alam niyo ba, dahil sa narinig ko, nawalan ako ng gana sa pagpapatuloy ng hands-on activity namin. wala na. nakakabwisit na. kapal e!!

oo na, magaling na siya (pero di ko pa siya nakikitang mag-type). alam niyo, di naman ako nagagalit na dail magaling siya, alam ko iniisip niyo na insecure ako... my gosh!!! ISANG MALAKING HINDI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! mula pa high school, tanggap ko na na pagdating sa typing e isa ako sa mga nasa bottom line, gulat nga ako kasi angat ako sa pamantasan na yun e. palibhasa..naku!!! tapos siya,, naku, bilib na bilib sa sarili!! e wala nga siyang binatbat for sure kina Papa Aljon at Papa Aldrin. kapal ng taba niya!!

tsaka oo na, wala ako sa home keys...eh gago pala siya ee!! lahat ng kasabay ko wala sa home keys, ano ko tanga magpapakapagod mag homekeys??? tsaka grade nakasalalay dun no!!!

pero di lang jan nagtatapos ang conflict. napapansin ko (mahina kasi ako sa feelings, di ko nafifeel pag me galit na sakin o nananadya..) pero after paulit ulit na mangyari, ayun! nabisto ko na!!

madalas na incident kasi, binabati niya si Lan tsaka si Ana. ok lang sa akin yun kasi wala akong pakealam. aba, one time napansin ko, sinasadya na pala niyang ganun...sabay irap sa akin tapos ngiti na parang demonyo. tangina talaga!!!

minsan nga,, naka-spread ang aking legs habang naghihintay sa aming guro na late. ayun, e dumaan siya. napatid ng paa ko. hindi ako nag-sorry. tumingin nga siya sa akin na parang sabi niya na mag-sorry ako..tumingin din ako na ang ibig sabihin ay ULUL!!

nako..ewan ko na lang. di ako mahilig makipag-away, di rin naman ako plastik. pag ayaw ko sa isang tao talagang pinapakita ko..katulad na lang ng mga klasmate ko..ayaw ko sa kanila..kaya di ko sila kinakausap.

yun lang un. diba. pero sa oras na maghamon ng away ang baboy na yun, di ko siya uurungan. pramis! taba na sa taba!! ubusan kami ng taba!! ina niya!!ampft!!!

04 August 2009

di ko expect grabehan talaga!!

low!! hahahaha!!

masaya nanaman ako!! my gad!!!

basta talaga bday ko, ai hindi, di lang pala bday kasi tuwing nagsecelebrate ako week e kaya birthweek.

tuwing birthweek ko masaya. unang araw with the family then next friends.

kanina, ayun, nagkita kami ni 'agent jack' sa aking paaralan. (oo, nagpunta siya doon, mag-isa )

ayun, natuwa naman siyang ma-experience ang kabundukan at kagubatan doon. buti nga pwedeng pumasok sa gate pero doon sa main entrance ng school di talaga e.

ayun, bonding. lakad...punta sa white castle, sa grassland. foodtrip sa playground with "Roxie" (ang kasama naming kambing). taz inom ng 1.5 coke ng walang baso as in tungga lang, taz lakad sa madilim na daan ng biglang binalaan ng isang mamang nakasakay sa sasakyan ng pulis na mag-ingat dahil last night may na-holdap dun sa lugar na yun, tapos hintay ng jeep kaso wala so walktrip sa kahabaan ng daan, trip ng mga naka-motorsiklo, pabasa sa ulan, nilamig sa jeep at yun, hiwalay na.

saya ko nun, kasi nag-effort talaga siyang magpunta. akala ko kasi last night, bday ko diba, nakalimutan na niya ako o galit siya sa akin kaya di man lang niya ako binati. pero yun. ok naman. kaso si 'agent espie' tigas talaga ng muka e di talaga ako binati. pero oks lang. alam ko naman, ganun talaga siya sa amin e.ampft!


03 August 2009

today is my day!!! love it!

natapos na ang isang makabuluhang araw. ang bilis, bday ko lang ngayon, pero maya-maya lang ee tapos na ito.

17 years old na ko, ano ng nangyari sa buhay ko?? kung ako ang tatanungin, well, naging productive naman ang pananatili ko ng ganon katagal sa mundo. It means. I deserve this happy life.

Siguro mamaya ko na idedetalye ang mga pangyayari sa araw na ito. masyado akong napagod. pero ito lang ang sasabihin ko, walang mapaglagyan ang kasiyahang nadarama ko sa mga oras na ito. Wala ng mas sasaya pa sa pagse-celebrate ng birthday mo kasama ang pamilya mo. sila ang pinakamahalagang mga tao sa buhay ko, pag wala sila, wala rin ako.

isama mo pa ang mga kaibigan, na bagamat malayo sayo ay naaalala pa rin ang iyong kaarawan. sarap sa pakiramdam, sana araw-araw birthday ko.

tingin ko malaki na nga ang pinagbago ko mula ng lumabas ako ng high school. mula sa madilim na outlook sa buhay noong fourth year, nagbalik na ang dating sigla at magandang tingin ko tungkol sa mundo. kung noon hatest day ko ang birthday ko dahil ito ang araw na para sa akin NOON ay walang sense of worthiness akong nafifeel, ngayon, ito na ang favorite ko, dahil sobrang sense of worthiness ang nafeel ko.

sa post na ito, nais kong pasalamatan ang lahat ng bumati sa akin. nag-comment sa aking accounts, nag-text, tumawag, sumulat at bumati ng personal. masayang isipin na marami palang nagmamahal sa akin.

dahil jan, mas pahahalagahan ko pa ang buhay ko. hindi ko sasayangin hanggat maaari ang aking oras sa mga pagsimangot at galit. pero di ko maipapangakong magagwa ko talaga ng straight un kasi lam niyo naman ako, masama akong magalit..mabilis akong mabadtrip at madalas akong wala sa mood. hirap no? parang imposibleng maging masayahin ako pero feeling ko kaya ko naman kasi may positive outlook naman ako sa buhay e, yun ang pinanghahawakan ko sa ngayon. ayun.

basta, di ko to malilimutan, napakasaya ko talaga. love it.

31 July 2009

..tapos nanaman..panibagong buwan nanaman..,,

woi..hello!!

ayun, Friday ngayon pero himala kasi dapat sa mga oras na to pauwi ako sa Cavite at di ako makakapag-internet. Pero maaga kaming pinauwi ngayon ng napakabait kong Prof sa NSTP na namahagi ng sagot sa Prelim exam.

hehe.

ayun, isang quick post lng to [pero suswal mahaba to kasi madaldal ako]. gusto ko lang ibahagi ang mga naranasan ko ngayong buwan ng Hulyo.

Hulyo, isang napakasayang napakalungkot na napaka unforgettable na month.

Bakit?

dahil napakaraming nangyari sa loob lamang ng 31 days.

aa...alam naman natin na tinamaan ako ng matinding katamaran sa pgsusulat sa aking journal nitong buwan at maging ang pagpopost ko dito sa site ay naapektuhan din. Mahirap talaga pag umaatake ang sakit kong iyon.

isang makabuluhang buwan ito para sa akin. ito ang unang buong buwan ko sa kolehiyo. ito ang unang buwan na inilaan para makilala ko pa ang aking mga bagong kaklase.

ang buwan na to, masyadong maraming bagay na ipina-realize sa akin. pero ang pinaka tumatak sa isip at puso ko ay ang dahilan ni God sa pagdadala sa akin sa bago kong pangalawang tahanan.

Hindi kami sobrang yaman, hindi kami mayaman, hindi rin naman mahirap at hindi sobrang hirap. Ayos lang. Tama lang. Nasa estado ako ng pamumuhay kung saan wala ka ng mahihiling pa -- mabubuti, mapagmahal at responsableng mga magulang, makukulit at masasayang kapatid, supportive and ready-in-action friends, komportableng tahanan, mga tamang damit, tamang kagamitan, pagkaing kadalasang lumalagpas pa ng tatlong beses isang araw [almusal, almusal uli, recess, recess uli, pre-lunch, lunch, miryenda1, miryenda2, miryenda3, hapunan, foodterp, midnight snack, (at kung gising ka pa tulad ko after 12 md) midfast) ] at higit sa lahat, simple ngunit napakasayang buhay.

pinag-aral ako noong pre-school sa isang private school na pinatatakbo ng mga mabubuting Madre. Foundation ako. pang-hapon. nung kasi nag-ikot ang mga Madre na yun sa tinitirahan namin, nakita nila ang kaawa awang lagay ng aming pamilya.

Natapos ko ng pre-school, sumunod ang elementary. nilipat ako sa isang branch ng school na una kong pinasukan dahil doon merong elementary. dahil sa sipag ng aking mga magulang, may sarili na kaming motorsiklo ng mga panahong ito at ng lumaon ay nakapagpagawa ng bahay sa Cavite. Na-demolish kami sa tinitirhan namin kaya lumipat sa Cavite. Nanatili akong nag-aral sa paaralan kong nasa Las Piñas.
Mayayaman ang aking mga kaklase. dahil may isip na ako, malamang alam ko na ang pagkakaiba ng mga tao. Natuto akong kumilos ng maayos, yung hindi halatang squatter ako. kailngan yun, anong uri ng tao ka man,..bilang paggalang na rin sa sarili mo. Natuto akong makipagsabayan sa mga kaklase kong mababait at simple bagamat sobrang yayaman. Iginalang nila ko, di inalipusta. ganoon nga talaga siguro pag totoong mayaman. Nakita ko ang pamumuhay ng mga mayayaman, kung paano sila mabuhay, anong uri ng bahay at pananamit meron sila, paano sila magsalita, paano sila makitungo sa kapwa.
ang mga taong iyon, lahat naka-service, pati ako. di ako marunong mag-commute noon. Walang nanghihingi ng baon dahil lahat meron. Pataasan ng baong pera., kung wala ka naman nun, ok lang, sila ang bahala.
Paalala, magastos ako noong elementary.

high school. hindi ako nakapasok sa mga paaralang ipinagpipilitan ng adviser ko sa akin dahil sobrang yayamang school noon. doon daw nababagay ang utak ng isang tulad ko. pero mas pinili kong manatili sa isang simple, private pa ring paaralan sa Las Piñas. ibang iba ang mga taong nakilala ko dito kumpara sa pinanggalingan ko. Mas simple sila. Dahil hindi ganoon kayayaman, dito ko nakasalamuha ang mga taong nanghihingi ng baon, nag-iikot para mangulekta ng tiglilimang piso, naglalakad kung walang masakyan na jeep, naghahati sa lunch kung wala ang isa, bibihira at kung di mo pa pipilitin e hindi ka ililibre. Mahal na para sa kanila ang Zagu na malaki. Ok na ang siomi at kwek kwek sa labas ng school. isama mo na ang barbecue ni robocap, manggang may bagoong at scramble. Hindi kailangan bago lahat ng gamit. Mas ok kung recycled.
ganyan ang shocking entrada ng high school sa akin. napasubo talaga ako sa malawakang adjustment. medyo mahirap noong una kasi nasanay ako sa kabaliktaran. pero ng lumaon, nalaman ko, ms masaya ang buhay na ganun. ibang experience.

naka-graduate ako, na ganun ang kalakaran..hindi pa rin ako natuto kumain ng street foods bukod sa mais.

ngayon, nasa isang pamantasan ako kung saan ibang iba ang mga tao. mas kaawa awa kung aking ilalarawan.
hindi ganoon kahuhusay ang mga taong nakakasalamuha ko. wala kang mararamdamang pressure lalo na sa classroom. astig ka kapag magaling ka mag-type, madalas ka mag-internet, marami kang alam. yung mga common terms para sayo, sa kanila pang-out-of-this-world. pag iba iba ang gamit mo, wow, ang yaman mo. basta.

nakakatuwang isipin, na napakafortunate ko kasi binigyan ako ng pagkakataon ni God na makita ang buhay ng tatlong uri ng tao sa mundo, ang mayaman, di gaano at mahirap. hindi ko masasabi ngayong nagsisisi ako na dito sa bumagsak ngayon sa isang pamantasang sa tingin ko noong una ay masasayang lang ang utak ko. maaaring ganoon, dahil kung may pakealam lang talaga ako sa edukasyon, malamang kinagat ko ang nais ng mga magulang kong mag-aral sa magagandang unibersidad sa Maynila. pero may purpose talaga ang duty ko dito. hindi utak ang kailangan kong pangalagaan kundi ang mga mararanasan ko. maswerte ako, dahil hindi lahat ng tao nararanasan ang mga nararanasan ko. Maswerte ako, dahil marami akong natututunan.

panibagong buwan nanaman. excited na ko, ano kaya ang mga mangyayari??

28 July 2009

weird isn't it??

hmm...aahhh...hindi ko masasabing natutuwa ako sa araw na to..di ko rn naman masabing badtrip ako. wala lang. ok lang. parang tanga lang.hehe.
deh..basta..ang weird kasi ng araw ko.. pansin ko lang..

una, di ako masyadong nag-cram. feeling ko sobrang haba ng oras. petiks sa bahay kahit na nagtext na ang classmate kong maaga kaming pumasok para subukang makiusap kay tanda kung pwedeng ngayon na kami mag-prelim sa math.
wala akong anumang kakaibang naramdaman. ok lang sa akin kung mag-prelim sa math o hindi. petiks.

hindi tumawag si 'agent jack' ngayon bagamat di ko naman iniintay na mag-ring ang telepono. wala lang. sbi niya kasi tatawag siya every tuesday at thursday pero eat bulaga na wala pa rin.

lumabas ako ng bahay. naglakad ako sa mainit na daan sa pomelo st. tulog ang mamang driver ng naabutan kong pedicab. naghintay pa ako.

paglabas, may jeep. isa lang ang jeep kaya sumakay na ako kahit na may pakay pa ako sa malapit na generics pharmacy. naisip ko kasi sa labasan na lang ako bibili.

antanga ko kasi mas malapit ang generics pharmacy sa annex kesa dun sa pinagbilhan ko. kinailangan ko pang bumaba sa malayo,,,maglakad sa palengke at umakyat baba sa overpass. dapat sana tatawid ako, jaywalking ba..kasi himalang walang gaanong sasakyan sa kalsada. maraming nagtatawiran, pero ako..effort na effort na naglakbay sa overpass. ang nasa isip ko noon, estudyante ako at kung hindi kayang sumunod ng mga matatanda sa rules, anu ba namang ako na ang unang gumawa. less konsensya pa!

ang efficascent oil ng generics pharmacy ay generic din kaya hindi iyon ang binili ko. baka kasi ma-shock ang mama ko pag nakitang iba ang pangalan ng oil na yun. nag-overpass ako uli at nagpunta naman sa mercury drugstore. hinanap ko ang efficascent na antagal bago ko natunton na nakalagay pala malapit sa mga chocolates at drinks. salamat sa mamang nagtanong sa isang empleyado kung saan nakalagay ang ph care na ayon sa kanya ay ginagamit sa baba.

napilitan akong bumili ng chocolate. exam e. kelangan ko ng energy.

lumabas ako, naghintay ng jeep. gusto ko sa harap. kaso wala. so napilitan ako sa likod. kaso pagkasakay ko, saka naman sumulpot ang mga jeep na walang sakay sa harap. saya!

diretso ako sa starmall.



diretso agad sa tronix para ipa-print ang muka ng kaklase ko. antagal. late na ko sa math namin. buti na lang sa thursday pa ko kaya no worries kasi di rin naman ako papapasukin ni tatang.,

nagpa-print ako ng mga cute size at isang A4 size na picture nila Mama at Papa. sana magustuhan nila, excited na ko!

nagbihis ako. sa isang malawak na cr sa metro na ngayon ko lang nakita. slowmo pa ko, kala mo walang kasunod na gagamit ng cr. di na ko nagsuklay. kaktamad.

nagmadali na akong pumasok., pero di naman ako late. kasi nga sa thursday pa true sched ko, so it means ok lang na past 3 na ko dumating ng school.

traffic, suswal. taz pagdating ko ng school, kakaiba. walang napakaraming estudyante ang pakalat kalat sa daan, kahit dun sa bundok. isang nilalang nga lng ang nasalubong ko nun ee. taz hindi mainit kahit na alas 3 ng hapon un. kaso haggard pa din ako. ang bigat kasi ng dala kong paper bag na may lamang mga bato, isama mo pa ang bag ko.

naglalakad ako ng biglang tawagin ako., "Kaibigan!!". isang malakas na sigaw mula sa di kalayuan, na naging dahilan ng pagtingin sa akin ng mga kalapit na tao. a, si Iskandalosa. binigay ko na ang pictures niya. sabi niya, hindi daw pumayag si tanda na magtest ngayon ang mga thursday group kaya pinalayas sila sa classroom. buti naman. haha.

pag pasok ko ng main entrance, maganda ang entrada sa akin ng guard. nakangiti siya, kaya di ako badtrip.

nagmamadali akong umakyat at halos patakbong tinahak ang 2nd floor ng building. sa malayong dulo ng building ay namataan ko si Lan kasama ang ilan sa mga kaklase naming lalaki.

Lumapit ako. nagsimulang mangulit si "Gerryl look alike". pinagkakalat niya na birthday ko na sa aug. 3. hainako!

ayun, retouch tapos labas. nagkayayaan kami nina Karen, Feeling Mr. Nice Guy, Itay, at Long para sana manguha ng mga bato. kaso wala ee, alam mo naman...pag ang babaeng lan ay napapaligiran ng mga kalalakihan, ee, tinatamad na siyang gawin ang dapat niyang gawin. kaya, ayun, pinabigyan ko na, kesyo gutom daw siya e.

sa canteen. nag iinarte pa tong si Lan sa pagpili ng kakainin. after naming maging haggard ulet sa sobrang init sa canteen, nakapagdesisyon na rin siya. wala, kulitan. weird kasi nakiki-epal na ko ngayon. hindi ako feeling close, i mean, pag kinakausap nila ako, di na ako masungit. haha.

tapos balik sa school, walang nakuhang bato. de paypay pa si Lan, gamit ang pamaypay ko. Madalas, ay hindi, lagi palang nangyayari yun. ako, na may-ari ng nasabing pamaypay ay natutunaw na sa init habang sila ay nakikinabang sa aking gamit. pero ayos lang. d yun big deal sa akin. mapagbigay naman akong tao ee.

ayun, tapos na rin ang test nila. sasamahan sana ako ni Lan na kunin ang iniwan kong paper bag sa room, kaso mas pinili niyang maiwan sa piling ni Badoodles na nasalubong namin.

Habang naglalakad ng patakbo, nag-iisip ako. kung ano ang iniisip ko, sa pagkakatanda ko, e kung anong nagustuhan ni Lan sa baduy na lalaking un na tinahi ang kalahating baba ng pantalon pang-eskwela para lang magmukang skinny iyon. Baduy.

habang nag-iisip, nasalubong ko pala si Epal. Hinarang niya ko ng pabiro para kunin ang atensyon ko. Napakaganda ng ngiti niya. Napangiti din ako.

Hay, pagkakuha ng bag, diretso sa tropa. ayun, punta sa room. test. nainis ako nung nagtetest kasi tanong ng tanong ang katabi kong itago na lamang natin sa pangalang DVD/CD Room. napakahaba ng code niya pero mageefort akong i-type yan dahil yan ang dahilan kung bakit ako inis na inis sa kanya. Ayun, tanong na nga ng tanong. Tapos, nung checking na, e diba sa seatmate, ayun. ako ang nag-check ng kanya. sa parts ng cpu niya, nakalagay ang DVD/CD Room. minalian ko. sa tanang buhay ko wala pa akong na-eencounter na ganyang term sa computer. siguro nga may DVD/CD Room (isang kwartong lagayan ng mga CD) pero sa parts ng cpu wala akong natatandaang may ganon.
nagreklamo siya kay sir dahil sa mababa niyang score. kampante naman akong tama ang aking check. maya-maya, lumapit siya sa akin para sabihin na tama ang sagot niyang yon. sabi ko hindi at pinakita ko ang notes ko. pinagpilitan niyang tama yun, sbi kasi ni sir. siguro di niya pinakita kay sir ang papel, sinabi niya lang kaya akala tuloy CD-ROM. ah, tinamaan ko na, baka magkasagutan pa kami. ayoko ng kaaway lalo na kung mas tanga pa sakin ang kaaway ko. oo mayabang ako, talaga!!

tapos, yung kaibigan ko, sa gitna ng kabadtripan ko kay DVD/CD Room, ay nagpasalamat sa akin, 48 ang score niya sa test, dahil sa akin. kung hindi ko kasi binulong ang mga sagot na tinatanong niya ay di siya makakakuha ng ganon kataas na score. Kulang na lang lumuhod siya sa harap ko dahil sa pagpapasalamat niya. Pero alam niyo ba kung anong score ko?? 47 lang naman. nakaka-disappoint. mas mataas pa kasi yung kumopya sayo. badtrip.

natapos ang test, maaga uwi. ayaw pa nila umuwi, lalandi pa sila. kasama ang ilan sa mga kaklase, naglaboy kami (term nila sa naggala. cute.). nagkayayaang magpunta sa Sunken, isang paraiso. naglakad lang kami at nakarating. na-amaze ako sa scenery, pero mas nabigla ako ng makita sa likuran ko ang Bilibid. haha.

ayun, naglakad, picture,,..hanggang ginabi kami sa may groto (sira na siya pero yun ang tawag dun). pauwi na kami ng ang bagal bagal pa maglakad ng 2 kong kasama kapiling ang kanilang mga minamahal na lalaki. kawawa ako kung makikita niyo, ako lang ang walang kasamang lalaki at mukang tanga na animo chaperon. ni minsan di ko na-imagine ang sarili kong magiging ganito. madilim na, umupo pa sila sa gutter, umalis na ko at nagpaalam. di ako badtrip, himala. masaya kong tinahak ang daan pauwi.

Mabilis na nakasakay sa jeep, walang heavy traffic. Himala. Weird.

27 July 2009

last SONA..

hayun o!! grabe antagal na pala mula nung huli akong nag-post..grabe talaga..

napadalaw lang ako sandali..kasi ktatapos lang ng SONA ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

infairness, nagustuhan ko ang kasuotan niya..pati yung bag niya...wow!

matagal din siyang nanilbihan sa ating bansa, at napansin ko na sa tagal nun, ee..tumanda ang itsura niya...dahil sa kunsumisyon sa Pilipinas.
natural, ngayong araw na ito, maraming nag-rally, tulad ng inaasahan. silang mga nais ibahagi ang kanilang saloobin na di napapakinggan. mga damdaming naisasantabi lamang...mga sigaw na tila bulong lang sa tenga ng mga nanunungkulan.

alam ko, batid ko at pansin ko ang malubhang kalagayan ng ating bansa. nakakalungkot isipin na napakarami ng administrasyon ang nagdaan ngunit hanggang ngayon ay lumalala pa rin ang pagkalugmok ng ating bansa sa kahirapan. at ngayon, huling talumpati na ng ating pangulo..ilang panahon na lang at iiwan na niya ang ating bansa,,,iiwan niya na mas lumubha pa ang kalagayan.

pero gayunpaman, wala akong sama ng loob sa ating pangulo. sa totoo niyan, hindi ako lubhang sumasang-ayon sa mga raliyista. hindi sa pabor ako sa pamamalakad ng ating pangulo, pero sa tingin ko, walang dahilan para isisi natin ang LAHAT-LAHAT sa kanya.

mahilig akong manood ng balita. lalo na't magsoSONA. nakita ko ang paghahanda ng mga taumbayan sa SONA ng ating pangulo. kung anu anong mga itsura ang ginawa nila, kung anu anong masasakit na salita ang kanilang kinakabisa. may isang ininterview at sinabing "Si Gloria ang dahilan kung bakit hanggang ngayon mahirap pa rin sila.."

sa totoo lang, glit ako sa nagsabi nun. anong karapatan niyang isisi kay Gloria ang lahat?? oo, alam ko. naiintindihan ko. alam kong may parte sa sisi ang ating pangulo,, pero nakakainis talaga. e kung nagtrabaho na lng siya kesa nagrarally siya doon?? isa pa, may nangyayari ba pgkatapos nilang mag-protesta?? wala naman diba. Ano ba nagagawa ng pagsigaw nila?? WALA. kasi wala ng nakikinig. wala ng isip na nabubuksan. sino ba naman ang maniniwala sa mga taong nagsisisigaw sa lansangan ng mga katagang hindi naman nila naiintindihan?!! wala silang iniiwang magagandang bagay. pagkatapos nilang magprotesta, iiwan lng nila ang mga kalat na basura sa lansangan. nasisira p ang kpaligiran dahil sa walang humpay na pagsunog nila sa mga ginawa nilang representasyon ni Gloria. yun ba ang matinong nasyonalismo?? ganun ba nila mahalin ang ating bansa??

kung anu man ang nangyayari sa atin ngayon, hindi natin dapat lahat isisi sa pamahalaan. oo, mga kurakot, manloloko at mapagsamantala sila...pero wala na tayong magagawa, ganun na sila. ang dapat sanang ginagawa ng lahat, ay magdasal...at mgpulot ng kalat.

oo, nagrarally ka, pero pag uwi ng bahay, nakahilata ka lang..kinabukasan paggising mo nakahilata ka pa rin...at pag nakaramdam na ng gutom,, ayun! magdadadakdak!! di ka ba nagsasawa sa buhay mo??

dapat nga magpasalamat pa rin tayo...kay Gloria mismo. bakit?? kasi pinili niyang mangulubot ang mukha niya para sa ating bansa. oo, sasabihin niyong ginawa niya lng yun kasi maraming pera sa pagpapangulo, at masarap ang buhay niya sa loob ng palasyo...pero isipin mo, kapalit ng lahat ng sarap niya ay napakalaking responsibilidad na pinili niyang harapin. kung ako siya, hihilata na lang ako sa bahay...kesa naman saluhin ang mga walang pakundangang mura at masasakit na salita ng mga tao laban sa akin.
kung tutuusin, matapang siya..oo, matapang siya. isa pa, ipinaglalaban natin ang mga kapakanan ng kababaihan, siya, babae siya, at buong araw sa buong taon nakakatanggap siya ng mga kalapastnganan...hindi ba dapat tayong parusahan??

marami nanamang balak tumakbo. panigurado may iboboto kayo. sa una gusto niyo siya, pero pustahan tayo pgdating ng panahon na nakaupo na siya...ikaw pa ang mangungunang murahin siya. ano ang tawag sayo?? alam mo kung ano??

TANGA.

11 July 2009

'em back!!

jusmiyo!!! akala ko never na kong makakapagpost!!! grabeh!!! nasira lang naman si jan di (my PC)...naku!!! talaga naman!! kung alam niyo lang!!! sobrang namiz ko talaga mag type!!! potek!!! naku!! taz nagloko pa si jun pyo (dsl) nung nagawa na si jan di!!! naku talaga!!! buti naman umokei na ngayon..thank GOD!!!! shockness!! me party dito sa court samen..naku...gsto kong lumabas...nitatamad lang ako magbihis!! haha!!!! haizt..hai nako..linggo na tomorrow..ayoko pang pumasok!!! si xota ko nga pala nung 4th year katext ko now..hehe..gaga e di pa kasi kami nagkikita...!! naku!! talaga naman!!

well well well...welcome me!!!haha...:) expect more posts!!xD